logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter Three

Lotus Alexandria
Pabalik kami ng Aurum Building. Ako naman ay bagot na bagot naglalakad kasabay nila.
"Anong balak niyo this weekend?" Leo asked. I shrugged. Halatang may mga balak sa utak niya kaya nagtatanong na naman siya. At kung ano man 'yon ay bahala sila.
Dahil ako ay parang tinatamad talaga kahit ang gumala o gumawa ng kung ano. Friday na kasi ngayon at isang klase na lang ay p'wede na kami umuwi. P'wede na kami magpahinga at p'wede na rin naming gawin ang mga gusto namin kahit pa ang humimlay.
Galing nga kami sa High school building kaya pabalik pa lang kaming Aurum Building dahil may hinatid kami sa kapatid ni Leo. Which is hindi dapat kami naliligaw doon dahil kung hindi p'wede ang mga high school students dito sa amin ay hindi rin kami p'wede doon sa kanila. Need pa ng access or VIP ID with a reason why we're there na kukunin pa sa Admin.
Ang ginawa lang kasi namin ay gumawa ng paraan para hindi kami mapansin ng guard sa gitnang gate kung saan konektado at papasok ng left-wing. Tinamad kasi kaming kumuha ng ID sa Admin dahil walang tao doon.
"Daan nga muna tayo sa locker baka nandoon 'yong nawawala kong notebook." Suhestyon ko na lang pagkapasok namin ng Aurum Building. Sa first floor kasi ang mga locker namin. Lumiko kami kung saan ang mga locker namin dito. Buti na lang talaga kasi hindi ko na naiwan ang susi ng locker ko. Lagi ko kasing naiiwan sa kung saan sa bahay at nakakalimutan kong iligpit kaya hindi ko rin nadadala pag papasok na.
"Hindi ako p'wede this weekend. Pupunta akong Cebu to visit my Grandma." Chabelita started. Oo nga pala, sinabi na niya 'yan noong isang araw lang. Lagi silang nagpupunta ng Cebu dahil na rin sa may sakit ang lola niya doon.
"Well, we have a party that needed to attend to, right Carlo?" Nagkibit balikat naman si Carlo kaya tumango tango na lang ako sa kanila dahil ramdam ko ang inis ni Carli. The party again or maybe a business party— "As usual, business party." Reklamo nito na ikinatawa ko na lamang.
Sabi na nga ba e. Hindi naman na bago sa amin ang mga ganito. Aware kami sa mga business party na 'yan. Anak ang magdudusa, charot.
"Ang boring naman ng weekends ko kung wala kayo." Reklamo ni Leo na siyang nagtanong kung ano ang balak namin. Inasar naman siya ni Carlo at Chabe.
Pagdating namin sa locker ay mabilis ko naman itong binuksan para hanapin ang hinahanap ko.
"Ay hala!" Napasigaw ako sa gulat ng maraming nalaglag mula sa loob ng locker ko pagbukas ko pa lang nito. "Bakit naman may mga ganitong nilalagay na naman na papel sa locker ko?!" Medyo pasigaw na turan ko dahil nakakainis. One time ganito ang nangyari at pahirapan ako sa paglilinis. Nagsabi na rin ako na ayoko ng kung anong kalat sa locker ko na magpapaaksaya lang ng oras ko.
Tapos ngayon na may hinahanap ako at ngayon ko lang ulit binuksan ay ganito pa ang bubungad sa akin.
Alam kong minsan lang kung buksan ko ang locker ko pag 'di ko naiiwan ang susi pero sana h'wag naman ganito. Huwag ganito na alam naman nila na hindi ko rin babasahin ang mga laman nito.
I do appreciate all their efforts but I don't have time to read them one by one.
"Ano ang mga 'yan girl? Love letter? Punong puno a." Pang aasar ni Carli. Natatawa naman na nagpulot ng isa si Leo sa mga nagkalat na papel at binuklat ito. Maski sila Chabe ay nakipulot at nagbukas pero hindi naman binabasa.
"Carli naman." Pananaway ko dito pero tinapik lang niya ang balikat ko.
At syempre, isa sila sa mga natutuwa kahit naiinis na ako. Hindi alintana sa amin ang mga estudyanteng nakatingin sa amin at maski sa mga papel na nahulog.
Hindi ko sila pinansin at hinanap na ang notebook na dapat kong hanapin dito sa locker pero wala talaga dito.
Nasaan na kasi?
Dear Alex
Sana mabasa mo ang sulat kong ito. Sana ay magkaroon ako ng pag asang makasama ka kahit sa isang gabi lang.
Nagmamahal,
            Iyong abunjing abunjing
Napapalo ako sa noo ng wala sa oras at napabuntong hininga dahil lamang sa narinig ko.
Talagang binasa pa ni Leo ng malakas na ikinahalakhak ng apat kong mga ugok na kaibigan bilang komento sa nabasa.
Sila lang talaga itong natutuwa.
Pero wala namang nakakatawa kasi. Mas lalo lang akong nainis sa narinig. Isa ito sa mga ayoko pagdating sa mga letter na nasa locker ko. Dahil ilang beses na rin akong nakatanggap ng letter na inabot sa akin sa cafeteria na puro kabastusan lang ang laman kaya ayoko ding magbasa talaga.
"Gusto daw ng one-night stand, Alex." Pigil ang tawang komento ni Carlo. Nailing ako sa narinig. Ang gago no'ng nagsulat ng letter na iyon. Sa dami ng pwedeng sabihin ay iyon pa talaga na parang hindi pa maganda sa pandinig.
At kung letter ba ang matatawag sa useless na papel na iyon.
"Tumahimik ka Monteclaro. Hindi ako natutuwa!" Inis na tinadyakan ko ang mga papel na nasa paanan namin. Medyo marami rin ito pero wala akong pakialam at mas lalong wala akong pakialam kahit may mga estudyanteng nakakakita sa ginagawa ko.
Kabastusan man ay hindi ko napigilan na gawin ito. Mainit na ang ulo ko dahil sa mga kalat nila.
"Ms. Gabriel, what are you doing?" Natigilan ako sa narinig kaya napalingon ako sa likuran ko. Only to see the only woman who makes my heart beat wildly.
Si Miss Liandro na may dalang folder.
Sa araw na 'to ay ngayon ko lang siya nakita. Tuwing Lunes at Miyerkules lang kasi ang klase ko sa kaniya.
Natahimik maski ang mga kasama ko at dahan-dahang nagsialisan ang ibang mga estudyante.
"Nothing, Miss Liandro." Mahina kong sagot dito. Tumigil ito sa paglalakad hindi kalayuan sa p'westo namin nila Chabe ngayon.
"All are already scattered on the floor and you are kicking them away instead of picking them up." Natahimik ako. Pasimple akong napabuntong hininga at napatingin sa mga papel na nagkalat.
Todo kaba pa ako dahil para akong batang pinagsasabihan dito at tinuturuan ng tama at mali.
"Sorry, Miss. Pupulutin ko na lang—"
"Clean that mess." Masungit nitong turan bago dere-deretsong naglakad ng hindi na ako nililingon pa.
I sighed.
Hindi man lang ako hinayaan na tapusin ang sinasabi ko.
Tahimik kong pinulot ang mga ito at tinulungan din ang ako ng mga kasama ko. Kalat na nga tapos kinalat ko pa lalo. Tapos nakita pa ng professor ko.
Ang galing talaga.
Nakakahiya.
"Bhe, bakit ang sungit ni Miss Liandro bhe?" Isa pa itong si Carli na nakakastress sa kaka-bhe niya.
"Masungit naman talaga siya bhe kahit daw sa ibang course. Hindi lang pala iisang subject ang hawak niya ngayon." Nagtaka naman ako. Syempre, Professor siya e di talagang hindi lang iisang sub ang p'wede niyang hawakan.
"Balita ko kasi bhe hindi talaga siya Professor. Wala pa siyang license pero kung magturo daig pa ang may lisensya." Tumubo ang pagtataka sa sistema ko dahil sa narinig.
How come the President let Miss Liandro teach here if that woman doesn't have any license in teaching?
Or maybe, she has a connection here and she's here for a favor.
Pinagsawalang bahala ko na lang ang pumasok sa isip kong 'yan.
"Saan mo naman napulot ang balitang 'yan?" Tanong ni Carli kay Chabelita.
"Kay Leo." Nag angat kaming tingin at natigil sa pagpupulot. Tumingin kami kay Leo na ngumisi ng malaki sa amin.
Tsismoso talaga ang isang 'to.
Naiiling na lang kami at hindi na sumagot pa. Inabala na lang namin ang sarili sa pagpupulot ng mga papel na deretso sa basurahan.
I don't have time for those mess para basahin. Nakakainis lang kasi ayoko talagang nakakatanggap ng mga ganito sa loob ng locker ko.
Basta ayoko pero marami pa rin ang hindi marunong makinig kahit ilang beses pa ako magparinig.
"Gosh! We know that you hate them all bhe. Pero kita mo, hindi talaga sila tumitigil sa kakabigay at ang dami ha." Nang aasar na wika naman Carli. Maski naman sila ay may natatanggap e. Ako lang ang walang pakialam. "Pero look ha, sa ating lima ikaw itong ilag sa love life pero lapitin sa mga admirer." Nailing ako dito. Kung ano-ano na naman ang sinasabi niya. "At ikaw itong may ayaw sa mga admirer." Some admirers are being too much kaya ayoko din. They are like stalkers and sobrang nanghaharassed 'pag hindi napapansin.
I just hate it lalo na at wala naman sa isip ko ang mga ganitong love life or magkaroon ng mangliligaw. Marami pa akong responsibilities at dapat na ayusin.
"You knew me, guys. Stop that." Tumahimik naman ulit sila. "Tara na lang at baka ma-late pa tayo."
Kumapit si Chabe sa braso ni Carli. Deretso kami sa huling klase. Wala na silang sinabi pa at hindi na rin naman nagtanong.
Naalala ko na naman ang nawawalang notebook ko. Ang notebook ko na 'yon ang hinahanap ko sa locker na puno pa man din ng gawa kong poems at kanta iyon. Iyon na nga ang huling gawa ko kaya iniingatan ko tapos nakakainis kasi biglang nawala 'yon. Hindi ko alam kung paano. Baka nga nahulog ko 'yon o kung saan nailapag. Wala rin naman sa kwarto ko. Kaya nakakainis kasi baka na misplace ko nga talaga.
Pero hindi ko naman 'yon inaalis sa bag kaya paano nga mawawala?
"Saan mo nga kasi nilagay 'yong notebook mo? Marami naman ang p'wedeng mawala pero 'yan pang mahalaga ang nawala." Chabe asked. I facepalm, ilang beses na rin kasi niyang tinanong sa akin 'yan mula ng marealized kung wala na sa akin ang notebook ko.
Alam kong importante 'yon, pero di ko naman sinasadya na mawala 'yon. Ako man ay hindi ko gusto na mawala ang bagay na mahalaga sa akin. Pinaghirapan ko rin ang mga laman no'n at hindi basta mga tula o liriko lang.
"Paulit-ulit tayo chabe." Walang gana kong sagot. Tinaas niya na lang ang dalawang kamay bilang pagsuko sa akin.
"Chill. Init ng ulo mo e."
"Chabe naman kasi e." Reklamo ko pa bago napapahila sa buhok ng mahina.
"Umayos ka bhe, para kang hindi si Alexandria sa itsura mo e." Natatawa pang dagdag ni Carli at umakbay sa akin.
Kayang kaya naman nila akong akbayan dahil matangkad sila. 5'3 lang naman ako at sila nasa 5'4 to 5'6. Ako lang talaga ang napag iwanan.
Hindi ko na lang ulit sila pinansin pa ng marating namin ang klase. Saktong pagpasok namin ay ang pagpasok din ng propesor namin na nakasunod lang pala sa amin.
It's time to study well again.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay mabilis akong nagpaalam sa kanila na mauuna ng umalis bago dumeretso sa isang coffee shop na malapit sa eskwelahan.
Ang kilalang coffee shop na "The Rivers".
Magpapalamig muna ako ng ulo, kailangan ko ng kape.
"Hey, Alex you're here na. The usual ba?" I nod at ate Antonette. Siya ang owner ng coffee shop na 'to pero minsan nandito siya para magpalipas din ng oras habang nagta-trabaho dito. And she's my cousin by the way.
Yep! Cousin ko ang owner ng The Rivers.
"Ngayon lang ulit kita nakita dito a. Gagawa kang assignment couz?" Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "How's school? Busy ba?" She's my cousin and we're close.... dati.
And now, hindi na gaano. Basta we talked and talked. Naroon pa rin naman ang bond pero 'yong pagiging distance ko ay halata naman.
"Nag start na rin kasi ang klase ate Toni." Tumango ito sa akin at inabot na ang order ko. "Maupo muna ako, ate." Nagpaalam ako dito at naghanap ng mauupuan. Hinayaan na rin niya ako dahil she knows how much I wanted to study right now.
Matagal ko ng gawain ito mula high school ako. Dati sa ibang coffee shop ko pa ginagawa kasi wala pa itong shop ni ate no'ng high school ako. Pupunta ako dito tuwing Friday at mag aaral para sa mga assignment ko. Hindi rin niya ako iniistorbo dahil ayokong kinakausap ako pag ganitong busy ako sa mga assignment.
Kaso ngayon lang din ako ulit naligaw dito dahil nga sa nagbakasyon din at nagpapahinga ako somewhere that no one can disturb.
Nilabas ko ang mga ilang notebook kung nasaan ang mga notes at assignment ko para gawin ang mga ito. Kahit na Friday pa lang ngayon. Gusto ko ng gawin ang mga assignment ko para wala na akong gagawing school works sa bahay pag uwi at tuwing weekends. Gusto ko kasi chill na lang sa weekends and free time ko talaga.
Sa totoo lang ay hindi lang naman assignment ang gagawin ko ngayon. May mga nirereview akong papers, school works but not related sa mga subject ko sa klase.
Gusto ko rin pag ganitong oras ako nandito, nasa sulok ng coffee shop at nagpapakabusy sa mga assignment habang may mga mahihinang boses na nag uusap at sabayan mo pa ang aroma ng kapeng talagang agaw pansin ng pang amoy ko. Hindi rin nakakabahala ang ambiance, ang ganda pa nga dito at ang peaceful.
I am busy doing my assignments when someone shouts, malapit sa table ko. Napansin ko naman ang babaeng kakapasok lang.
It's her again.
Miss Liandro.
Nagpapakabusy na nga ako para hindi siya isipin ay makikita ko pa talaga siya ngayon. Yes, nagpapakabusy ako dahil ayokong pumasok siya sa isip ko pero heto na naman siya.
Hindi ko alam kung tama bang isipin ko siya. Kung tama ba na sumusulpot siya sa isipan ko dahil hindi naman dapat.
Talagang may mali dito.
Nagpapakabusy ako pero biglang sulpot naman siya sa lugar na kung nasaan din ako. Hindi na siya naka uniform ng pang propesor ngayon. She wears gray polo na bukas ang tatlong butones sa taas kaya napakamot ako sa kilay dahil sa itsura niya.
Kahit kasi simple lang ang suot niya ngayon ay hindi pa rin maiwasan na tignan at tapunan siya ng tingin ng mga nakatambay rito sa Coffee shop.
Napaka head turner nga naman. Sa tangkad at itsura niya ay makukuha talaga niya ang lahat ng atensyon ng mga narito.
Lumapit siya sa babaeng sumigaw lang kanina para makuha ang atensyon niya. Napansin ko kung sino ito. She's Galaxy Meyer, sino ba namang hindi nakakakilala dito hindi ba?
Isang sikat na artista.
Pero magkakilala pala sila ni Ma'am Liandro?
Miss Liandro is strict sa loob ng klase. Hindi siya ngumingiti at laging masungit kaya halos katakutan siya ng mga estudyante sa school pero matunog ang pangalan niya dahil laging sinasabi ng mga estudyante na sexy daw ito at hot na kinaiinis ko pag naririnig ko. Maraming nagkakainterest sa kaniyang mga estudyante maski mga professor.
Ilang araw pa lang siya sa eskwelahan pero ang bilis nitong sumikat.
Hindi ko na sila pinansin ulit at nag focus na lang sa mga assignment ko. Ayoko na munang isipin ang babaeng nasa kabilang table dahil baka hindi ko matapos ang mga ito.
Nakakainis lang din dahil unang linggo ng klase pero grabe sila makatambak ng activities at assignment. Ang iba ay essay pa talaga. Tipong unang linggo pa lang ata ay naisip mong wala pa silang ibibigay at medyo nagkakapaan pa pero mukhang hindi na talaga uso sa mga professor ito.
Basta magbibigay sila hangga't gusto nila.
Napatingin ako sa relo ko ng mapansing alas sais na pala ng gabi. Kaninang 4:30 pa ako dito at may dalawa pa akong assignment na hindi nagagawa kaya dapat matapos ko na ito.
Napansin kong may nagbaba ng isang tasang kape at kinuha ang tasa ko kanina na wala na ngayong laman. Nangiti naman ako.
Masyadong nakatuon ang atensyon ko sa ginagawa kaya hindi ko napansin ang oras.
"Sabay na tayo umuwi mamaya. Uuwi ako ng 8, hatid na lang kita sa condo mo." Tumango ako dito at kinuha ang tasa na binigay niya para uminom. Nag thumbs up pa ako sa kaniya.
"Sige ate, thank you." Humawak ito sa ibabaw ng ulo ko para guluhin bago ito umalis at bumalik sa ginagawa.
Nawala man ang dating closeness na meron kami ay ramdam ko pa rin ang pag aalala niya every time she sees me.
And yes again, sa Condo ako nakatira. Ako lang naman ang nakatira kaya ayos lang. Pag mamay-ari ko din naman ang condong iyon.
Binaba ko ang tasa ng kape at mag uumpisa ulit sanang gumawa ng assignment ng mapansin kong may mga matang nakatingin sa akin.
Someone is staring at me.
Bigla akong kinabahan kaya nagtataka akong nag angat ng tingin. Nagiging alerto ang katawan ko at nilibot ko ang buong espasyo ng lugar, medyo marami pa ring tao.
Until my eyes met her brown orbs. I am shocked while staring at the woman who is staring back at me intently. Siya na rin ang unang nag iwas ng tingin na parang walang pakialam dahil kinausap siya ni Galaxy. Hindi ko man sila naririnig ay wala na rin akong pakialam sa kung anong pinag uusapan nilang dalawa.
Napasuklay ako ng buhok ng ialis ko ang tingin sa kanilang dalawa.
Muli kong tinuon ang sarili sa mga notebook ko at napabuntong hininga na lang at piniling maging komportable.
Nagsimula na ulit akong gawin ang natitirang mga assignment ko. Halata namang tambak ang mga patong-patong na papel at notebook kasama na rin ang mga aklat na nasa ibabaw ng table na inuupuan ko na nirereview ko. Mabuti na lang at nasa pinakasulok ako. Maski nga ang mga kalat na scratch paper ay nakakalat na rin at ang iba ay nahulog na.
Ngunit mayroong isang attendant na lumapit sa akin at may dalang trash can.
"Good evening, Miss Gabriel. Miss Toni wants you to use this for a while." Binaba niya ang trash can sa tabi.
"Ay kuya, ako na bahala diyan." Pigil ko sa kaniya ng kunin niya ang mga kalat na kusot-kusot na papel at nilagay sa basurahan.
"Sure po kayo, Miss?"
"Sure po." Hinanap ng mata ko si Ate Toni pero wala siya sa counter. Ang barista at Cashier lang ang nandoon.
"Sige Miss. Pero pulutin ko na lang ang ibang mga nahulog." Sumang ayon na ako sa kaniya. Iilan lang naman ang nahulog kaya hinayaan ko na.
Si ate Toni talaga hindi na lang ako hayaan pa.
"Thank you kuya." Ngumiti ako sa kaniya. Nginitian ako nito pabalik bago tumango at umalis.
Kinuha ko na rin ang ibang mga kalat dito sa ibabaw ng table ko at nilagay sa trash can.
Pag angat ko ng ulo ay ang mga kulay brown nitong mata ang nakatagpo ko. Nakaramdam ako sandali ng isang pakiramdam that I am... secured even in just that stare.
My heart is beating loudly not in a negative way but in a wave of calm while staring at those brown eyes.
"Alex?" Napaiwas na ako ng tingin dahil sa pagdating ni ate Toni dala ang isang kulay asul na box. "Okay ka lang ba?"
Oo nga.
Ayos nga lang ba? Ang lakas masyado ng loob kong tumitig sa Professor ko.
"Opo, ate. Pasensya na." Ngiti ko dito.
Gosh, Lotus Alexandria! What the hell am I doing? Nawawala na talaga ako sa sarili dahil dito sa mga kakaibang nangyayari sa akin.
Hindi na talaga p'wede ito.

Comentário do Livro (75)

  • avatar
    aureaaaaa

    The story is so nice

    02/05/2025

      0
  • avatar
    pangilinandang

    hi author another story naman po sa mga circle of friends ni alex

    23/02/2025

      0
  • avatar
    Maekay

    nice story

    15/10/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes