logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 2 Aipha


PHILIPPINES INTERNATIONAL AIRPORT.
"MARYANN, narito na tayo," masayang wika ng kaibigan.
"Dianne, kinakabahan ako ang lakas ng kabog ng puso ko."
"Siguro dahil sa excited kang masyado no," nakangiting wika nito.
"Siguro nga, Dianne!" Lihim siyang napabuntong-hininga ewan ba niya kakaiba talaga ng kanyang kaba siguro nga excited lang siya masyado.
"Mauna na kaming lalabas Maryann, hintayin na lang namin kayo sa immigration okay."
"Okay, Dianne," sagot niya sa kaibigan.
"Honey, how do you feel. You are here now in your own country?"
"I am so happy hon, and I feel so great right now." Ayaw niyang magsabi ng iba sa boyfriend baka mag-alala pa ito.
"I know that Honey, I can feel it too okay let's go they are already outside."
Nag stay muna sina Maryann, sa five star hotel sa Manila ng ilang araw. At pinasyalan nila ang magagandang lugar sa Metro Manila. Pagkatapos lumipad na sila patungong Iligan City sa bayan ng kanyang kaibigan.
"Dianne, naaamoy ko na ang sariwang hangin ng probinsiya, ibang-iba talaga napakapresko ng hangin dito. Hmmm, hon what do you think here?" baling niya sa nobyo.
"Honey, I like it. The wind was so fresh, and everything I saw was green. Mother nature is really magical. "
 "Thank you, hon, because you like it here."
 "Don't thank me, Honey; it's a pleasure to be with you," nakangiting wika nito.
"I love you, Kevin!"
"I love you so much, Honey." Sabay yakap nito ng mahigpit sa kasintahan.
"PINSAN, Leo. Ano na hindi ka ba gagawa ng paraan para may makain sila pumunta ako roon nong makalawa nauubusan na sila ng pag-kain nila."
"Pinsan, anong magagawa ko, alangan naman na pilitin ko ang mga tao na pupunta roon!"
"Hindi ka ba naaawa sa mga magulang mo pinsan?"
"Pinsan, nakukonsensiya na ako hindi nga tayo ang pumapatay sa kanila pero pakiramdam ko ako ang pumapatay."
Napatawa ang pinsan nito."Leo, huwag mong isipin ang bagay na'yan kaya nga tayo kumuha ng pagka pulis dahil sa kanila at para ma protektahan natin sila mga tao, kahit ganon sila pamilya pa rin natin sila."
"Alam ko 'yan pinsan, sana isa na lang ako sa kanila para wala akong iniisip at hindi ako nakukonsensiya gaya ngayon."
Muli itong tumawa."Pinapatawa mo ako pinsan, masgugustuhin mo pang maging baliw kaysa maging matino, baka magkatotoo 'yan gusto mo alalahanin mo nasa lahi natin ito."
Napabuntong-hininga naman ng malalim si Leo, dahil may katotohanan ang sinabi ng pinsan niya.
Bata palang sila noon, nakikita na nila ni Mike, ang ginagawa ng magulang, may inuuwi silang mga katawan ng tao tapos pinapakain ito sa mga lolo at lola nila. Dahil bata pa sila noon. Wala silang magawa. Hanggang sa magbinata na sila. Naging ganon na rin ang magulang nila kumakain nang tao. Gusto nila noon ni Mike na ipa-doctor ang mga pamilya nila para malaman sana kung ano ang sakit nila. Kaso naisip nila papaano kung magawa ang mga ito nang hindi maganda sa bayan dahil maraming tao rito. Baka mapahamak pa sila. Kung kayat itinago na lamang nila ang mga ito sa liblib na lugar. At sila na ang bahala sa mga makakain nila. Mabuti na lang hindi sila naging katulad nila. Lihim silang nag aral at nagtrabaho ni Mike sa bayan at kumuha nga ng pagkapulis para maprotektahan sila.
"Pinsan pag nangyari iyon mas gugustuhin ko pang mamatay na kaysa maging katulad nila na kumakain ng tao. Pinsan Mike, bakit di na lang natin sila dalhin sa mental hospital. Para maalagaan sila doon at di na sila kakain pa ng tao kundi mga masasarap ng pagkain."
"Pinsan, pag ginawa natin ito papaano kong doon sila mag hasik ng lagim. Di papatay pa sila ng mga tao, mabuti na iyon nasa liblib silang lugar. At isa pa pinsan wala naman nakakaalam nito di ba kundi tayong dalawa lamang, sana huwag kang gagawa ng isang bagay na ikakasama nila, dahil ako ang makakalaban mo pag may nangyaring hindi maganda sa kanila, kahit na ganon sila importante sila sa akin," makahulungan wika nito.
"Hindi pinsan Mike, mahalaga rin naman sila sa akin dahil magulang ko rin sila."
"Mabuti na iyon nagkakaintindihan tayo, Leo," nasa ganon silang pag-uusap ng may nagtanong sa kanila.
"Excuse me po mga Sir, puwede po bang magtanong?"
Sabay na napatingin ang mag-pinsan sa nagsalita."Oo naman miss ano ba iyon?" si Mike ang sumagot sa nagtanong.
"Matagal na kasi kaming hindi umuuwi dito sa Iligan, kasi sa nakikita ko parang iba na yata ang daan patungong, Santolan," wika ng babae.
Nagkatingin naman ang mag pinsan iisa lamang ang nasa isip nila sa sandaling iyon ang may makakain na ang kanilang mga kapamilya.
"Miss, medyo malayo pa deretso lang ang daan na ito tapos pagdating ninyo sa nag sangang daan kakaliwa kayo."
"Mga ilang oras ba Sir, bago kami makarating sa amin pupuntahan?"
"Pag mabilis ang takbo ninyo baka limang oras ay puwede na."
"Five hours? Malayo pa pala."
"Oo, Miss."
"Salamat mga sir."
Tumango ang dalawang mamang pulis.
"DIANNE, malayo pa ba sa inyo, ilang oras na tayong bumibiyahe, ah? "
"Nagtataka rin ako Maryann, dati hindi naman ganito katagal ang biyahe namin, ah. At sabi nong pulis limang oras. More than five hours na tayong bumibiyahe."
"Baka naman niloko tayo ng dalawang pulis na iyon!"
"Hindi naman siguro, Maryann."
"Honey, something wrong?" sabi ng nobyo ni Maryann.
"Nothing hon, I'm just asking Dianne, why we took so long to reach there place."
"Do not worry Honey, better sleep so you cannot be bored."
"Okay, hon," sagot na la g ni Maryann. Sa kanyang nobyo pero sa totoo lang kinakabahan siya kanina pa.
"Rey, wala bang shorcut dito, kasi sa totoo lang talagang palayo nang palayo tayo, ah?"
"Dianne, wala na dito lang ang daan di ba sabi non dalawang pulis. At saka wala rin akong alam dito sa lugar niyo."
"Pero, Rey. Imposible. Eh, dapat kanina pa tayo nakarating sa amin," may pagtatakang sabi nito sa nobyo.
Nagkabit-balikat na lang ang nobyo nito.
"Dianne, ikaw lang ang nakakaalam dito dahil lugar ninyo ito di ba pinanganak sa bayan ito?"
"Oo, Maryann. Pero...matagal na akong hindi nakakauwi rito."
"How long have you not been here, Dianne?"
"Ten years I think Kevin, or more than ten years."
"Oh, so long years ago, Dianne."
"Yeah, Kevin!"
"I seen this place is beautiful, look over there Honey, the mountain so nice. You know I like mountian right?"
"Yeah, you wanna go there, hon?"
"I love to Honey, it seen like so interesting there!"
"Okay, we went there went we reach, Dianne home!"
"Okay hon, like I cannot wait to go there."
"Excited ka naman masyado, hon," nakangiting wika ni Maryann sa nobyo.
"Oh yeah, you say so hon," sagot naman nito.
Ang dalawa naman nilang kaibigan tila walang pakialam na kikinig lang ng music tapos matutulog na naman.
"LEO, ano sa tingin mo nakarating na ba sila sa pusod ng bundok?"
"Siguro, Mike. Mahigit limang minuto na silang bumibiyahe."
"Malapit na sila pinsan, tara nang umuwi tapos na ang duty natin."
Tumango naman si Leo sa pinsan at agad na silang sumakay sa patrol car nila.
HABANG patuloy ang biyahe ng magkakaibigan bigla na lang huminto ang makina ng van nasinasakyan nila.
"Oh, Rey. anong nangyari? Bakit tayo huminto?"
"Naubusan na tayo ng gasolina, Dianne."
"What? My godness paano na tayo makakauwi niyang, di ba nag full tank ka naman kanina?"
"Oo, sa layo ba naman ng nilakbay na natin siyempre mauubos ito."
"Ahhh, paano na ito gumagabi pa naman na!"
"Well, we have no choice Dianne, to sleep here tonight, then tomorrow even so far me and Rey, we walk to take gasoline," sabat ni Kevin.
"Yeah, you are right, Kevin. Kayong dalawa diyan okay lang ba kayo?" tanong ni Dianne sa dalawang kaibigan.
"Yup okay lang kami rito," tugon nila.
"Sorry, Maryann. Tila mabubulyaso pa yata ang bakasyon ninyo rito sa amin."
"Ano ka ba huwag kang mag sorry Dianne, first day palang naman natin ngayon dito ah, maraming araw na mag stay kami rito kaya hindi mabubulyaso ito, mag enjoy kami promise."
"Well talagang mag enjoy kayo rito kasi maraming magagandang lugar din dito sa Iligan."
"Kaya nga don't say sorry okay," wika ni Maryann sa kaibigan.
Ngumiti na lang si Dianne sa kaibigan.
"Honey, are you hungry?" tanong ni Maryann, sa nobyo.
"No Honey, thank you," sagot nito.
SA isang tagong lugar na malapit sa kinaroroonan nilang magkakaibigan. Nabubulahaw na ang mga mag-anak na nakatira dahil wala ng makain ang mga ito.
"Pag-kain, pag-kain," ani ng mga taong malapit lamang sa kinaroroonan nila.
"Ahhh, naaamoy ko may pag-kain!" naglalaway pang wika ng isang lalake.
Walang sabi-sabing naglakad ito patungo sa na aamoy niyang pag-kain. Nang makita ng mga kamag-anak niya ang paglayo sumunod ang mga ito dala ang gamit nilang mga ibat-ibang uri ng patalim.
"WOW ang ganda ng gabi Dianne, ang mga bituin kumikinang-kinang, I wanna have same fun tonight, alam mo bang na miss kita ng sobra," bulong ni Rey sa nobya.
"Ikaw talaga ano na naman 'yan kalibugan ang naiisip mo ha?" nakangiting wika niya sa nobyo.
"Well, I know you will be like it too. Ang kalibugan kong ito wanna try now, Dianne?"
"Hindi mo na dapat tinatanong pa 'yan Rey, dapat ginagawa mo na now, I am game on it!" Sabay kawit pa ang kamay sa batok ng nobyo.
Habang naghahalikan silang dalawa sa labas ng sasakyan. At unti-unting tintangal ni Rey ang damit ng nobya.
"Ahhh, Rey!" sigaw niya pero hindi lumabas sa bibig ito dahil sa gulat. Kitang-kita niya kong paano umdayan ng saksak ang nobyo at lumagpas pa ang patalim sa katawan nito.
Hinawakan pa ng isang lalake ang ulo ng nobyo nginilitan ang leeg ng binata. nagsitalsikan ang dugo sa katawan ni Dianne.
"Ahhh! Ahhh!" Umalpas na ang isang nakakasindak na sigaw ni Dianne sa kailaliman ng gabi.

Comentário do Livro (78)

  • avatar
    CondeJohn kyle

    thx and ty for the next few days and I have to go to the store and get some rest and feel better soon and that is why I am asking for a friend to talk to you about it when I get home I will send you the link to the video of the store and get some

    10d

      0
  • avatar
    Christian Anadon

    I like it

    11d

      0
  • avatar
    Cyruz Zahkia Jamir

    ganda grabe 🤩

    16d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes