logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2 and Chapter 3

SAVIOUR
"'Wag kang mag-ingay." Naglolokong aniya.
"Ano ba? Palabasin mo ako dito." Pakiusap ko.
Dahan na dahan na bumukas ang pinto at pumasok si Ian at sinuntok agad si Ives. Inawat ko naman silang dalawa dahil baka ako pa ang mapalayas dahil sa ginagawa nila.
"Bro. Kahit kailan wala ka nang ginawang tama. Ano ba ang laman ng kokote?" Galit na sabi ni Ian kay Ives. "Ano ginawa ko kay Ash?" Dagdag niya pero natawa lamang si Ives.
"Galit n galit. Bro." Natatawang biro ni Ives kay Ian na galit na galit ang mukha. "So now I think. Pwede ka nang umamin?" Dagdag ni Ives.
Lumabas ng padabog si Ian at hindi man lang ako pinansin. Ano kaya ang ibigsabihin ni Ives na aaminin dapat ni Ian.
"Anong nangyayari dito?" Biglang dumating ang mommy ni nila.
"It's just a little bit play mom. Don't worry." Sagot ni Ives.
"Okay. Ash, go to your room." Utos ng mommy nila.
Pumunta na nga ako sa silid ko para makapag pahinga na pero ang nasa isip ko pa rin ay ang kung ano dapat ang aaminin ni Ian. Hindi ko na namalayan na ako'y nakatulog sa gitna na aking pag-iisip.
***
Makalipas ang ilang taon. Ako'y mag kokolehiyo na rin. Pangarap kong makapag-aral ng accounting sa Manila. Better university is better learnings, para sa akin. Mas maganda kung mag-aaral ako sa magandang unibersidad.
"Madame. May gusto po akong sabihin sa inyo." Panimula ko. Nandito ako ngayon para mag-paalam sa kanila na sa Maynila ko gustong mag-aral.
"What is it? Don't be shy..." Sagot niya.
"Uhm. I want to study in Manila po. Accounting po."
"Oh that's good idea. Doon din naman nag-aaral ang boys ko. UST, sila nag-aaral kaya mas mabuting doon ka na rin. Para mabantayan mo rin sila. Doon ka na rin tumuloy sa bahay namin doon na tinutuluyan nila." Masayang sagot ni madame.
"Salamat po." Pasasalamat ko at tumango't ngumiti lamang sila.
Weeks to go. Now I'm here in Manila. Maayos na ang lahat ng papers ko dahil inayos na ito ng mga amo ko.
"Hey. Ash, this will be your room." Turo ni Ives sa kuwarto ko. Napakaganda nito, walang binatbat ang kwarto na binibigay nila sa akin sa Davao.
***
Pagkalipas ng isang buwan ay nag-aaral na rin kami. Lagi akong sumasabay kay Ian kahit hindi niya ako pinapansin. Lagi kasi kaming pareho ng schedule.
"Ash," parang nagising ako sa realidad ng ako'y kanyang tawagin. What he call me?
"Uhm, bakit?" Sagot ko
"May gusto akong sabihin sa iyo." Aniya. Ang awkward naman. Inilabas ko na lang ang Iphone ko, yeah naka Iphone ako kahit working student ako, that's what we call "Bunga ng pagsisikap". Nag cellphone na lang ako kunwari dahil sa sobrang awkward..
"Don't pretend that you're busy." Natatawang anya.
"Sige bye na. Ang tagal mo e." Biro ko sa kanya.
"'wag" pigil niya. "I think this is the right time para sabihin ito." Dagdag niya.
"Alam mo. Pabitin ka, sabihin mo na kasi."
"Ash, I like you." Nahihiyang aminin niya at ako'y napanganga. "No, I think I love you." Dagdag niya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya napatitig na lamang ako sa kanya.
:-)
KISS
Sa tingin ko ay nagsisimula na ngang manligaw ng patago si Ian. Sinusundo niya lagi ako sa classroom ko kapag uwian na at laging nagdadala ng chocolates. Hindi ko na lamang ito pinapansin dahil alam ko sa sarili ko na nandito ako para mag-aral at para sa aking kinabukasan.
Si Ives naman ay lagi akong kinukulet. Hindi pa rin nawala sa kanya ang pagiging pilyo. Si Ivan naman ay lagi kong nakakasakama dahil nga para ko na itong kuya.
"Class, Dismissed," anunsiyo ng aming professor.
Tumayo na ako para lumabas na at pumunta na sa kung saan man magaganap ang aming next class. Pero biglang may babaeng humarang sa akin sa pinto.
"Miss. Sorry ah nagmamadali kasi ako. May next pa po akong klase e." Pakiusap ko.
"And who are you para utusan ako?" Mataray na tanong niya. Halata itong mayaman dahil sa pananamit at pagsasalita niya. "You are Ashley, right?" Dagdag niya. What the heck? Paano niya ako nakilala?
"Yeah. I'm Ashley. Paano mo nalaman ang pangalan ko?" I answered.
"Tigilan mo ang pagpapantasya kay Ian Sudalga," at inapakan niya ang paa ko ng heel niya.
"Hindi ako nagpapantasya sa kanya. May gusto ka po ba sa kanya?" I answered kahit namimilipit na ako sa sakit.
"Wag mo na siyang lalapitan pa. Wag ka nang sumabay sa kanya pauwi. In short iwasan mo siya or layuaan mo siya." Pagbabanta niya. "Or else... Maaalis ka dito sa UST." Dagdag niya at umalis na.
Sobrang sakit ng paa ko kaya umupo muna ako para tignan ito. Nakita kong namaga ito.
"Anong nangyari sa'yo?" Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Ian. "Dadalhin na kita sa clinic." Dagdag niya.
"Ian. Stop doing this." Pigil ko. "Layuan mo na ako. I don't need you para makapunta dito sa university at para makauwi sa bahay niyo." Dagdag ko.
"What?" Naguguluhang tanong niya.
"Magpapaalam ako kay madame. Hahanap na ako ng dorm kahit ako na ang magbabayad kahit pagpapa-aral ang maitutulong nila sa akin. Okay na yun." Masakit sa dibdib na sabi ko.
"If that is your decision. I'll inform my mother now. Sasamahan lang kitang pumunta sa clinic." Nag-aalalang sagot niya
"No. Kaya ko na," at paika ikang naglakad.
Mabuti na lamang at malapit din ang room na yun sa clinic kaya madali akong nakarating.
"Oh! Anong nangyari sa'yo?" Tanong ng nurse sa akin.
"May nakatapak lang po sa paa ko." I answered.
"Sinadya ba yan?" Nurse asked.
"Naku! Hindi po," sagot ko kaagad.
Mabuti naman at hindi na siya nagtanong pa at ginamot na lamang ang sugat ko. At mabuti na rin dahil hindi na sumunod pa sa akin si Ian.
Pagkatapos gamutin ng nurse ang paa ko ay hindi niya ako pinalabas pa or else dadalhin daw ako sa hopistal. Pumayag naman ako dahil masakit pa rin ito.
"Nurse, pwede na po ba akong umuwi?" I asked. I think kailan ko ng kunin ang mga gamit ko sa bahay ng mga Sudalga habang may klase pa dahil alam kong may isa na pipigil sa akin sa kanilang magkakapatid at kapag ganon ay mapapaalis ako dito sa UST.
"Uhm, sige basta kung may sasakyan ka, pauwi." Her answered.
"Meron naman po. Sige po, una na po ako." Paalam ko.
Madali akong nakalabas dahil may record ako sa clinic. Dali dali akong tumawag ng Taxi at sumakay papunta sa bahay ng mga Sudalga. Pagdating ko ay ang mga katulong lang ang mga tao at ang guwardiya sa labas. Dumiretso ako sa kwarto ko para mag impake. Pagkatapos kong mag-impake ay bumaba na ako.
"Oh! Ash, saan ka pupunta?" The old woman maid asked.
"Kailangan ko na pong umalis dito. Nakakahiya na po. Mabuti na pong sila ang gumagastos sa pag-aaral ko pero kailangan ay ako na po ang maghanap ng matutuluyan ko. Sige po, bye na po." Paalam ko at lumabas na ng bahay.
"Ash. Saan ka pupunta?" Tanong ng guard.
"Maghahanap na po ako ng dorm or anything na bahay na matutuluyan." Sagot ko at umalis na. Hindi ko na hinintay ang sagot niya sa akin. Kahit paika-ika ay naghanap ako ng masasakyan. Nakahanap naman ako agad.
"Ma'am, saan po kayo?" Tanong ng driver.
"Uhm, kuya, saan po ba dito ang pwedeng rentahan na bahay?" Tanong ko.
"Uh, sige po, may alam po ako." His answered.
"Ahh sige po, salamat." I answered back.
Pagdating namin sa bahay na pwedeng rentahan ay may nakita akong mga babae sa tingin ko ay mga students rin.
"Salamat po, Kuya," pagkaabot ko ng bayad. Tinulungan din ako ni Kuya na ibaba yung mga gamit ko.
"Hi. Good evening. Sino po sila?" May lumapit sa akin na isa sa mga babaeng nakita ko.
"Hi. Good evening too. I'm Ashley." Pakilala ko. "May bakante po bang matutuluyan dito?" Dagdag na tanong ko.
"Oo, meron. Pasok ka." At pinapasok niya ako.
"This will be your room. Dalawa kayo dito ni Rizza." Pakita niya sa kwarto.
"Magkano po ba?" I asked. Sana mura lang.
"3,000 pesos per month," sagot niya. Siguro ay mabuti na yun kesa sa wala at makakatigil pa ako ng pag-aaral.
"Sige po, kukunin ko." Sagot ko.
"Nice. Ilagay mo na sa loob ang mga gamit mo." Sagot niya.
"Uhmm! A-advance na po ako ng. 6,000 pesos po yan." at binigay ko sa kanya ang pera.
"Sige salamat." Sagot niya.
Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay may pumasok na babae. I think ito yung sinabi nung babae na si Rizza.
"Hi, you are Ashley, right?" Tanong niya.
"Yeah. You can call me Ash, for short." Sagot ko.
"Sa UST ka rin ba nag-aaral?" Tanong niya at humarap naman ako sa kanya.
"Oo, ikaw?" I answered and I also asked back.
"Doon rin. Engineering ang course ko." Sagot niya.
"Accounting ako e," sagot ko.
"Gusto mo bang magtrabaho habang nag-aaral?" Tanong niya na naman.
"Oo, ulila na kasi ako. Ano bang trabaho yan?" I asked back.
"Mag we-waitress lang tayo sa isang bar. Wala tayong ibang gagawin. Marangal na trabaho yun." Alok niya.
"Sige," sagot ko.
"Magbihis ka na para makasama kana sa'kin." Sabi niya at lumabas na.
Naligo muna ako tsaka nagbihis. Siyempre trabaho yung pupuntahan namin e.
"Halika na," sabi ko kay Rizza.
Maganda si Rizza, matangkad, matangos ang ilong at kulot ang buhok. Kahit na simple lamang ang suot niya ay kita na maganda siya para siyang mayaman kung titignan dahil na rin sa galaw niya.
Sumakay kami ng Taxi papaunta sa bar na sinasabi niya. Pagdating namin doon ay sobrang daming tao halatang mayayaman ang iba pa nga ay mga artista.
"Uyy hindi mo naman sinabi na ang bar na ito ay dinadayo ng mga artista." Natatawang sabi ko kay Rizza.
"Sanay na ako e. Kaya wag ka ng magtanong. Tara na nga dun na tayo sa manager." Sagot niya.
"Hi madame. May bago akong recruit na waitress." Sigaw ni Rizza sa isang bakla. Ito ata yung manager.
"Anong pangalan niya?" Tanong niya.
"Siya si Ashley," sigaw niya ulit dahil sa sobrang ingay ng bar.
"Sige Ashley, magbihis na kayo." Utos niya. "Call me if you need something." Dagdag niya.
"Tara na, Ash," sumunod na ako kay Rizza na papunta sa mga damit na dapat naming suotin.
"Ang ikli naman." Reklamo ko.
"Masanay ka na. Oh dalian mo na diyan. Sa VIP room ka, do'n." Turo niya sa VIP room.
"Sige," sagot ko.
"Kunin ko na lang yung notes sa kay Ellie. Do'n." Turo naman niya sa babaeng namimigay ng wine.
Pumunta na ako kay Ellie para kunin ang pinapakuha niya.
"Bago ka dito?" Tanong niya. "Eto oh," dagdag at bigay niya sa lalagyanan ng order.
"Uhmm, oo" sagot ko at pumunta na ng VIP room.
Pagdating ko ay may limang lalaki akong nakita. Ang apat may kasamang mga babae na tingin ko ay mga escort dito. Ang isa naman ay nakaupo lang.
"Uhmm, sir ano pong order niyo?" Tanong ko.
"Ash," tawag sa akin ng lalaking walang kasamang escort. Kahit na ang ilaw lamang ay ball lights ay kilalang kilala ko kung sino ang lalaking ito basi sa kanyang boses. "Aalis ka. Tapos mag-tatrabaho ka dito. Ang ganda ng buhay mo sa amin. Alam mo ba? Na nagalit si mommy. Babalik ka o hindi?" Mahabang dagdag niya.
"Ian, who's that? Parang close na close kayo ng waitress na yan huh!" Sabi ng isa sa mga  kasama niya.
"Type mo ba yan bro? Itable mo na baka pwede ring tumable ng waitress dito." Natatawang sabi naman ng isa rin sa mga kasama niya.
"Order na po kayo sir." Inirapan ko siya.
Bigla niyang hinablot ang braso ko pinilit na lumabas.
"Aray! Yung paa ko." At tumigil naman siya.
"Alam kong hindi ka aalis sa amin. Kaya ka siguro umalis dahil diyan noh!" Pagalit na sigaw niya sa akin. " Sino ba ang may gawa niyan ha?" Dagdag na tanong niya.
"Uyy Ash, pasok ka na. Sino ba yan?" Si Rizza na lumabas rin. Sa tingin ko ay nakita niya yung ginawa ni Ian.
"Ian Sudalga? Magkakilala kayo?" Gulat na tanong ni Rizza. "Boyfriend mo ba ito?" Dagdag na tanong niya.
"Hin------" hindi ko na tapos ang sasabihin ko dahil....
"Oo. At umalis siya ng bahay namin. Kaya iuuwi ko na siya." Sagot ni Ian. Napamaang ako sagot niya.
"Ash, ba't 'di mo sinabi? Baka patayin ako neto." Natatakot na sabi ni Rizza. "Masungit ito e. At mukhang mangangain ng tao." Dagdag ni Rizza.
"Bye." Paalam ni Ian sa kanya at binuhat ako papuntang sasakyan niya.
"Kingina naman Ian. Hindi kita boyfriend. Ba't mo yung sinabi kay Rizza?" Naiinis kong tanong ng maibaba niya ako.
Bigla niya akong hinalikan. His kisses is very sweet, napakalambot ng kanyang labi. Naisip kong mali ito kaya bumitaw agad ako.
"Sorry," usal niya.
"Pabayaan mo na kasi ako. Andami niyo nang naitulong sa akin. Sapat na ngayon ang pagpapa-aral ang itinutulong niyo sa akin. Nasa legal age na ako kaya, kaya ko ng magtrabaho. Ako na ang bahala sa titirhan ko dito." Mahaba kong sagot.
"Mom told us. Na kung hindi ka raw uuwi ay hindi ka na talaga niya papag-aralin." Malumanay ang kanyang pagkakasabi. "So, uuwi ka o hindi?" Dagdag na tanong niya.
"Hindi mo kasi alam e," malungkot kong sagot at ako'y yumuko.
"Anong hindi ko alam?" Tanong niya. "Tell me," dagdag niya.
"Mapapaalis ako sa University kung lalapit pa ako sa'yo. So, I'll stay away from you. You need to stay away also from me. From now on." Pag-amin ko. "Pwede bang bumalik na tayo d'on? Sayang ang sweldo ko. Baka hindi ko makuha!." Dagdag ko.
"No. Uuwi ka," pagpupumilit na naman yan.
"Hindi nga e," at nagpumilit akong bumaba pero ipinasok niya ang paa ko at sinara ang pinto ng sasakyan niya.
"Dadalhin kita sa hospital. I know that the nurse only applied the first aid in your wounds." Sabi niya pagkapasok niya ng sasakyan at pinaandar niya ito.
Pagdating namin sa hospital ay binuhat na naman niya ako. Nakakakuha na rin kami ng eksena dahil ang mga tao ay nakatingin na rin sa amin.
"Nurse. Gamotin niyo ang paa niya. Now!" Maotoridad niyang utos sa nurse.
"Yes, Mister Sudalga," Nurse answered and she immediately guide us to a small bed that I think for all of patients na kakarating lang.
Pagkatapos nilang gamotin ang sugat ko ay may nireseta silang gamot at ibinigay ito kay Ian. Pagkatapos rin ng paggamot sa sugat ko ay binigyan siya ng wheel chair ng nurse at binuhat ako paupo doon. Siya ang nagtulak ng wheel chair na ginamit ko at pagdating namin sa sasakyan niya ay binuhat na naman ako para makaupo sa shot gun sit ng sasakyan niya.
"Dadaan muna tayo ng pharmacy. Para mabili itong gamot mo." Paalam niya ng makasakay na siya at tsaka pinaandar muli ang kanyang sasakyan.
"Naku! 'Wag na. Okay naman ako," pagpupumilit ko para hindi na ako maging pabigat sa kanya.
Hindi niya ako pinansin sa halip ay diretsong pinag park niya ang sasakyan sa pharmacy. Bumaba siyang hindi nagpaalam sa akin. Ilang minuto ang lumipas at nakabalik din siyang may dalang gamot at mga pagkain.
"Drink your meds, pagdating natin sa bahay." Maotoridad na utos niya sa akin. "Eat this. I know na hindi ka pa kumakain." At ibinigay niya ang isang can ng cookies.
"Thank you!" Pagpapasalamat ko. Hindi niya ako sinagot pero nakita ko ang bakas ng ngiti sa kanyang mga labi habang nag da-drive.
"May tubig diyan sa likod." Sabi niya nang ako'y makita na tapos ng kumain. Kinuha ko ang tubig at ito'y aking ininom.
Pagdating namin sa bahay nila ay binuhat niya pa rin ako papasok. Kita ko ang gulat sa kanyang mga kapatid at sa mga maids pati na rin kay kuyang guard. Diretso niya akong hinatid sa kwarto ko.
"Wait for a while. I'll get a clothes for you." Paalam niya ng maibaba ako sa kama.
Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating siyang may dalang damit, short at baso na may laman na tubig.
"Magbihis ka na," utos niya. "Drink your meds. I'll check you later. Rest well." Dagdag niya at lumabas na.
Ininom ko muna ang gamot ko. Alam ko na kung saan ang una kong iinumin dahil nasa riseta naman ito tsaka ako nagbihis. At dahil pagod ako'y piniring ko na lamang ang mga mata ko at hindi ko na rin namalayang nakatulog ako.
:-)

Comentário do Livro (139)

  • avatar
    JO Lita

    Love the story

    11d

      0
  • avatar
    loriaAmielyn

    ganda po ng kwento

    16d

      0
  • avatar
    Rey Mark Anzano

    happy

    18d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes