logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4

Chapter 4
Hindi pa tapos ang nilaang oras para sa entrance exam ay nasagutan ko na lahat ng tanong. Nasa isang classroom kami at may kasabayan akong late din sa pag-take ng exam. Siguro'y nasa kinse rin kami.
Gusto ko na sanang lumabas pero hindi pa raw puwede. Kailangang sabay-sabay raw kami sa paglabas kapag tapos na ang lahat. Mabuti na lang talaga at nasa may tabi ako ng bintana kaya kitang-kita ko ang malawak na soccer field mula rito.
Habang pinapaikot sa mga daliri ang ballpen ay pinanood ko ang mga naglalaro ng soccer sa field. Nang makitang nakapuntos ang isang team ay napasimangot na ako.
"Is everyone through?"
Nawala ang paningin ko sa labas at tumingin sa mga examinee. Nang makitang nakapagpasa na ng papel ang mga kasama ay nauna na akong tumayo.
"May I go now, Miss?" I asked.
Napatingin tuloy sila sa akin.
Nagtaas ako ng kilay. Is there something wrong? Kanina ko pa kaya gustong lumabas.
"Yes, you may now go..."
Umirap ako at nakipag-unahan pa sa isang lalaking nagmamadali rin lumabas. Epal 'yon, ah? Ako nga nauna natapos sa lahat, kaya ako rin dapat ang maunang lumabas.
"Miss, may nalaglag!" rinig kong may sumigaw.
Tumuloy lang ako sa pagmartsa sa corridor nang may sumigaw ulit.
"Babaeng nakasuot ng pink na terno! Shirt at shorts! May tainga ng pusa sa ulo! May nalaglag nga!"
Automatically, I halted on my track. I looked down on what I'm wearing. Hinawakan ko rin ang ulo kong may mabalahibong tainga ni Hello Kitty bilang disenyo sa aking headband. I reminded myself not to wear this again.
Kunot-noo kong nilingon ang tumatawag sa atensyon ko. I saw the guy whom I pushed aside in the room just to get out of it.
My eyeballs just got out of their sockets when I realized he was Son Goku slash Xayvion.
"Anong nalaglag?" I asked impatiently.
Ngumisi siya. Umirap ako nang lumakad na siya palapit sa akin. Hindi ko napansing kanina ko pa pala siya kasama sa room. Masyado ko naman yatang kinarir ang pagsagot kanina sa exam.
Sa halip na ilahad ang kung anong nalaglag ko, hinawakan niya ang kanyang kaliwang dibdib at ngumiti nang malawak.
"'Yong puso ko, nalaglag... dahil sa 'yo." Humagalpak siya sa tawa.
Pumikit ako nang mariin. Kalma, Ais. This guy is your sister's friend. Kahit ganyan 'yan, magtimpi ka.
Dumilat ako. "Banat ba 'yan?"
"Huh?" Nagsalubong ang mga kilay niya.
"Kasi kung banat 'yan, babanatan talaga kita."
"Huh?" Natatawa na siya ngayon.
Bwisit! Bakit ba ang malas ko naman yata ngayon? Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad palayo sa mukhang anime character na 'yon. Sa lahat ba naman kasi ng makikita rito ay siya pa talaga.
Pababa na ako sa hagdan pero naririnig ko pa rin ang pagtawag niya sa akin. Kung hindi 'Claudia's twin' ay 'doppelganger' naman ang isinisigaw niya.
It wasn't funny. Why can't he just call me Aisa? Para naman matapunan ko ulit ng pansin at purihin na sa wakas ay tumama na siya sa pagtawag sa akin. O baka naman limot niya na agad?
If that's the case, then, it's his problem.
"Wop! Saan ka ba pupunta, kambal ni Claudia?" aniya nang maabutan ako.
Nakisabay siya sa lakad ko pero hindi ko na pinansin pa. Kapag pinapansin kasi, mas lalong mangungulit.
"Isnabera." He chuckled. "Buti pa ang kambal mo, mabait at palakaibigan."
Umigting ang bagang ko. How dare he compare me with my sister? Of course, we're different! Magkaiba kaming tao ng kapatid ko. Ano ba ang hindi niya makuha roon?
Hindi ko ulit pinansin ang sinabi niya at lumiko na sa kaliwa. I don't know where I'm going but I don't really care. Malayo lang sa lalaking ito na ang sarap sabunutan ng buhok.
Ugh. How I hate his hair. Bakit ba kasi kailangang nakatayo at patusok-tusok ang style niyan?
"Saglit lang! Ito naman, nagbibiro lang." Sumabay ulit siya sa paglakad ko habang tumatawa.
Kanina pa kumukulo ang dugo ko sa lalaking ito. Kaunti na lang talaga at sisipol na ako na parang takure at handang ibuhos sa kanya ang kinikimkim kong inis.
"Halika! Doon tayo sa canteen dito. Libre na lang kita." Kumindat siya at ngumisi bago ako hinawakan sa braso.
Namilog ang mga mata ko nang maramdaman ang init ng malaking kamay niya sa akin. Hindi na ako nakaangal pa dahil ang buong atensyon ko ay nasa balat niyang nakadikit sa akin. Pero nang tumigil kami sa tinutukoy niyang canteen, binawi ko agad ang braso sa kanya.
"Ano ba? 'Wag mo nga akong hawakan!"
Tumawa siya. "Saka ka nagreklamo kung kailan bumitiw ka na?"
"Bakit? Bawal ba ang late reaction?" I rolled my eyes heavenwards.
"Ah, ang ganda mo talaga lalo kapag nagsusuplada." Ngumisi siya at tinalikuran ako para pumila sa may counter.
Sasabog na yata ang pisngi ko sa sobrang init nito. Gusto ko siyang sugurin at hilahin ang buhok pero nanaig na ang pagkapahiya ko.
My stomach growled. Sa huli, naghanap na lang ako ng bakanteng puwesto at naupo roon. Pumangalumbaba ako at hinintay ang pagdating ni Xayvion.
"Here's your orders, Ma'am!" Sabay lapag ng isang tray ni Xayvion sa mesa.
Orders? With 's' talaga?
Tiningnan ko ang nakalagay sa tray. Three kinds of dishes, four cups of rice, and two bottled water.
"Ubusin mo 'yan, ah?" aniya sabay kuha sa isang plato na may kanin.
"Anong tingin mo sa akin? Baboy?" galit kong sabi.
"I don't know what's your favorite juice so I just bought water. May gusto ka bang inumin? Sabihin mo lang at—"
"Ano ba?" pigil ko sa kanya.
"Relax, Claudia's twi—"
Hinampas ko ang mesa. "My name's Aisa! My goodness!"
Umangat ang sulok ng labi niya bago ito kinagat. "You're not calling me by my name, though. We're just even."
Jesus! I can't believe this guy!
Padabog kong kinuha ang isang plato na may kanin. Mabuti at malawak ang table na napili ko kaya kumportable.
Matalim kong tinitigan ang lalaking nasa harap ko. Pasubo na sana siya sa kinakain nang makita ang paninitig ko.
"What?" Binaba niya na ulit ang kutsara sa pinggan.
"Tsss. Hindi ba uso sa 'yo ang magdasal muna bago kumain?"
Ngumuso siya at naglahad ng kamay. "We're going to pray? Lead the prayer, then," natatawang aniya.
"Close your eyes!" sabi ko na sinunod naman ng hudyo.
Kaya lang ang loko ay nakangisi pa habang nakapikit.
"And don't smirk!" dagdag ko.
Dinilat niya ang isang mata. "Magdadasal lang, ang dami mo namang utos."
"Nakakita ka na ba ng nagdadasal na nakangisi o tumatawa?" iritado kong tanong.
"Oo, sa classroom, kami ng mga kaklase ko."
Matalim ko siyang tinitigan. Nagseryoso naman ang mukha ng uto-uto at tumikhim. Pumikit siya at hindi na nga ngumiti. Pipikit na rin sana ako nang matigilan sa itsura niya.
Makapal ang kanyang kilay at hindi kalat. Kahit nakapikit ay halata rin ang mahabang pilikmata niya. Sobrang tangos ng kanyang ilong na para bang naglabas ng maraming pera para iretoke. Makurba rin ang kanyang pulang-pula at bahagyang nakangusong mga labi.
Nakakainis lang at para siyang bampira sa mestiso niyang 'yan. Lakas maka-Edward Cullen! Kung hindi lang talaga nakakairita ang mga pinagtatawag niya sa akin at ang mala-Son Goku niyang buhok ay pasado na siya sa akin bilang guwapo.
Okay, nevermind.
His perfectly sculptured jaw moved. Umangat ang gilid ng labi niya.
"Are you done praying? Or done checking me out?" He opened his menacing eyes and bore on mine.
Ngumiti siya. Huling-huli ako sa akto.
"S-sinabi ko na bang puwede ka nang dumilat?" Dinaan ko na lang sa pagsusungit. "Pumikit ka ulit. Intro pa lang ako!"
Humagalpak siya sa tawa. "And what's next? Refrain? Chorus? Baka naman hanggang bridge pa 'yang prayer mo at hindi na tayo makakain?"
"Shut up. Just close your eyes," sabi ko at pumikit na talaga para magdasal.
Sa dami ng pagkain at kahit kumulo na ang tiyan ko kanina, isang order lang ng kanin ang nakain ko at siya na ang umubos sa lahat. Ganadong-ganado siya na para bang ilang araw hindi nakakain. Minsan ay sumusulyap siya sa akin sabay ngingisi na parang timang.
"Sarap!" Sabay dila niya sa kanyang labi na nagpapula pa lalo rito.
If strawberries are red, his lips are redder. If chocolates are sweet, his lips are probably sweeter.
Okay.
What. Did. I. Just. Say.
Napailing ako at agad binura ang maruming sumagi sa isip. Ano ba naman 'tong pinag-iisip ko?
Tumayo na ako habang nakasukbit ang bag sa balikat. Tumingala siya sa akin bago tumayo rin sa inuupuan.
"Thanks for the meal. Uwi na ako," sabi ko.
"I'll give you a ride, then. Pauwi na rin naman ako—"
Iniwanan ko na siya roon. Alam kong bastos na basta na lang siyang iwan doon pero ayoko na talagang magtagal kasama siya. Not that I don't want him to be even as a friend but for now, I don't trust myself involving too much again with some other guy.
Ayoko na. Nakakadala na rin. I'll be casual with him if Clau's around but if she's not, then I guess I have to stay away from him.
Mabuti na lang at alam ko pa rin ang address ng bahay namin. May pera din ako kaya walang problema sa pag-commute. Tinuruan naman ako nang kaunti ni Kuya kung paano umuwi.
Habang nasa jeep, napalingon ako sa magkaibigang nasa tabi ko. Nakatingin sila sa isang phone at may pinapanood. But that wasn't the reason why they caught my attention.
"Ginusto rin naman ng girl ang nangyari. Ayun, oh. Sabi sa comment, hindi naman rape ang nangyari since mag-boyfriend naman sila. At matagal na rin daw nilang ginagawa iyon."
Kumalabog nang husto ang dibdib ko sa sinabi ng katabi ko. This girl is so...
Humagikgik ang kasama niya. "May page pa nga siyang ginawa at nag-post para sa mga naghahanap ng link sa video scandal, e. Check mo nga..."
Mariin akong pumikit at halos malasahan ko na ang metal sa pagkakakagat ko sa ibabang labi. Mabibigat na ang paghinga ko at para bang anytime ay sasabog na ang ulo ko sa mga narinig.
"Ayun! May nag-send sa gc natin ng link."
"Kunwari pa si ate girl! Check natin dali!"
Dumilat ako at marahas na kinuha ang phone na hawak ng katabi ko. Bago pa sila maka-react ay naihagis ko na iyon sa may bintana.
"Shit! 'Yong cellphone ko!" Tumili 'yong katabi ko at halos lumuwa ang mata niya habang dinudungaw ang phone niyang nalagpasan na ng sinasakyan namin.
Bumaling siya sa akin. "Anong problema mo, Miss?!"
Nagkibit ako ng balikat sabay katok nang malakas sa kisame ng jeep.
"Para po!"
"Shit! Para nga po! My phone!" panay ang mura ng katabi ko habang naiiyak na hanggang sa tumigil ang sasakyan.
Mabilis akong bumaba kahit wala pa ako sa dapat na bababaan. Inunahan ko nang bumaba ang naghihimutok sa galit na katabi ko at ang kasama niya.
Go to hell! Dapat sa inyong mga mapanghusga ay mapunta sa impyerno nang tuluyan! Ano bang alam nila, ha? Bumabase lang sila sa mga sinasabi ng ibang tao? Sa opinyon ng iba? Tapos ay huhusgahan na nang hindi alam ang buong istorya?
Katangahan! They should know the whole story first before judging people's action! Palibhasa'y hindi pa nangyayari sa kanila ang nangyari sa pinag-uusapan nila kaya ganoon magsiasta!
Tangina. Tangina nila! Wala silang alam!
Suminghap ako at kinagat ang nanginginig na labi habang naglalakad patungo sa kung saan. Umaagos na ang mainit na luha mula sa mga mata ko at wala na akong pakialam sa mga taong nakatingin sa akin.
Pinunasan ko ang pisnging basang-basa na ng luha. Nanlalabo pa rin ang mga mata ko kaya hindi ko makita nang maayos ang dinaraanan. Nang may nabunggo ako ay agad akong yumuko.
"Sorry! Hindi ko sinasadya."
Lumihis ako sa kanan para lagpasan siya pero humarang siya sa dinaraanan ko. Kumaliwa ako at ganoon ulit ang ginawa niya.
"Ano bang..." Tiningala ko ang taong nasa harapan ko at sinalubong ang misteryosong mata ni Zain.
"Bakit ka umiiyak?" walang emosyong tanong niya.
Kumunot ang noo ko. Suminghot din at huminga nang malalim.
"Nalimutan ko kasi 'yong address namin. Naliligaw ako kaya..." Iniwasan ko ang titig niya. "Kaya naiyak ako."
Hindi siya nagsalita. That was my cue to exit myself from him and his awkward stare.
"Alis na ako." Nilampasan ko na siya nang magsalita ulit siya.
"Saan ka pupunta?"
"Uuwi—"
"Akala ko ba ay nalimutan mo ang address niyo kaya naliligaw ka?" Natigilan ako sa tanong niya.
Hindi ko naman kasi talaga nalimutan. Siyempre, I just said that as an excuse!
"Kaya nga," sabi ko at nilingon siya.
Bahagya siyang nakaharap sa akin at nakayuko.
"Ihahatid na kita. Magkatabi lang ang bahay natin." He licked his lips and cocked his head to the other side.
Bumaling ang tingin ko sa kumislap niyang hikaw. Napansin ko ang panibagong hikaw na may disenyong krus at yari sa ginto. Binalik niya ang tingin sa akin at nagtaas ng kilay. Napatalon ako nang bahagya.
"Let's go," he said coldly.
Sumunod na lang ako sa kanya. Sumakay kami ng tricycle sa may terminal malapit doon sa binabaan ko. Una akong pumasok sa loob habang naririnig kong sinasabi niya ang street ng bahay namin. Akala ko ay sa labas siya uupo kaya naman halos isiksik ko na ang sarili sa loob nang sumakay siya.
Naharangan niya agad ang paningin ko sa labas. Iniwas ko ang braso ko na tila napapaso nang dumikit ang kanyang siko sa akin.
He glanced at me. Bahagyang nakaangat ang kaliwang kilay.
"Sorry."
Hindi na siya nagsalita. Buong biyahe akong tulala at inisip ang eksena kanina sa jeep habang nilalanghap ang mabangong amoy na nagmumula yata sa katabi ko.
I know, there might be people who'd judge you easily in a negative and positive way. It should be balanced, though. Pero sa mga ganitong pagkakataon, pakiramdam ko ay lamang na lamang ang bilang ng mga taong walang ibang iniisip kung hindi ang pagkakamali ng isang tao. They're not thinking of the other side of the story. Kung anong nakalahad sa madla at lalo na sa media, iyon ang titingnan at huhusgahan.
Ang hirap sa reyalidad, lahat ng tao mapanghusga. Sino ba ang hindi? Ang simpleng pagsabi ng mabait ang isang tao kahit hindi pa kilala talaga sa personal ay panghuhusga na. Mabuti nga ang iba, good impression agad sa simula. Paano naman iyong mga napagkamalang masama sa unang kita pa lang?
Worst is, there's a saying: first impression lasts. Sino ba ang nagpasimuno ng mga katagang 'yon? Hindi naman lahat ganoon ang nangyayari. So, kapag masama ang unang impression sa 'yo, sirang-sira at talo ka na agad?
"Manong, dito na lang po."
Tumigil ang tricycle sa harap ng bahay namin. Mabilis na bumaba si Zain kaya sumunod agad ako. Hinalungkat ko ang bag at naghanap ng pera.
"Manong, magkano po?" tanong ko habang binibilang ang baryang meron sa wallet.
Nilingon ako ni Zain. "Nagbayad na ako."
"Ah! Magkano ang babayaran ko sa 'yo?"
Nagsalubong ang kilay niya bago ako inirapan at tinalikuran. Nalaglag ang panga ko at nilingon ang paalis na tricycle. Bumaling ulit ako sa kanya at sinundan siyang papasok sa bahay namin.
Take note: bahay namin!
Ni-check ko pa ng dalawang beses kung sa amin nga iyon. Hindi naman ako magkakamali, e. Nagtataka lang ako kung bakit naiwang hindi iyon naka-lock at talagang pumasok pa siya na parang dito siya nakatira.
"Hey, bakit ka na naman nandito? Babayaran kita. Magkano ba?" Sabay habol ko sa kanya papasok matapos i-lock ang gate.
Lagot sa akin ang kung sino mang nag-iwang bukas iyon. Paano kung may bigla na lang pumasok na masamang tao at saktan ang mga kasama ko rito sa bahay? Hay naku!
Dire-diretsong pumasok sa bahay si Zain. Umupo siya sa may sofa at humilig doon. Nanatili naman akong nakatayo sa harapan niya.
"What are you doing here? May bahay ka kaya roon ka." Humalukipkip ako.
Tiningala niya ako gamit ang mapupungay at madilim na mga mata.
"Sinusundo ko ang kapatid mo."
"Sinusundo? Bakit? Aalis kayo? Saan kayo pupunta?"
Umangat ang sulok ng kanyang labi. "Why would I tell you?"
My blood boiled at once. Kinalas ko rin ang pagkakakrus ng dalawang braso sa tapat ng dibdib.
"I'm her twin! I should know because I'm worried about her. Paano kung saan mo siya dalhin?" I bit my lower lip. "I don't trust you."
Nawala ang ngisi niya sa labi. "You don't have to trust me. I'm only concern with your sister and not you so don't waste your time in me like I waste my time for Claudia."
Para akong sinampal sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung bakit sumiklab ang galit ko sa kanya. Bumilis ang paghinga ako at nanlalaki ang mga matang tiningnan siya. My cheeks and ears were flaming.
Tinuro ko siya gamit ang nanginginig na daliri. May balak pa sana akong sabihin ngunit agad ding nawala iyon nang marinig ang boses ni Claudia na mukhang galing pa sa itaas.
My sister materialized herself in the living room. Ngumiti siya nang makita ako at agad ko namang ibinaba ang daliring nakaturo sa walang hiyang kaibigan niya.
"Kanina pa kita hinihintay, Ate! Kumusta ang exam? Madali lang ba? I'm sure you'd pass it."
Tumayo si Zain at nasa kapatid ko agad ang atensyon niya. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa kapatid bago nagsalubong ang kilay. Hindi ko sinagot ang tanong ni Claudia, imbes ay ako ang nagtanong.
"Aalis daw kayo, Clau? Saan kayo pupunta?"
"Uh, sa mall lang. Hinihintay ka talaga namin kasi balak kong isama ka."
"Claudia..." Hinawakan ni Zain ang braso ng kapatid ko.
Halos dumugo ang labi ko sa pagkagat ko rito habang mariing tinitingnan ang magkadikit nilang balat. Aba'y hindi puwede sa akin 'yan!
Tinampal ko iyon kaya pareho silang gulat na tumingin sa akin.
"Huwag mo ngang mahawakan ang braso ng kapatid ko."
"Ate?" Kumunot ang noo ng kambal ko.
"Sa susunod, Claudia, 'wag mo nang papapasukin basta ang lalaking iyan dito! Puwede ba?" I raised my voice.
"Huh? Ate?" tawag ulit niya.
"Claudia, kung gusto mong umayos tayo, 'wag mong papapasukin ang lalaking iyan dito nang hindi ko nalalaman. Do you understand?" maawtoridad kong sinabi.
"Ate!"
Namutla agad siya sa sinabi ko. Lihim akong ngumisi. Iritadong ngisi. Bakit? Hindi niya ba kaya? Why would she depend on him anyway?
Nakita kong gumalaw ang muscles sa panga ni Zain. Isa pa 'to. Hindi niya rin ba kaya? Bakit? Baka naman may relasyon talaga sila at tinatago lang nila sa likod ng 'pagkakaibigan'?
Subukan lang nila at lagot sa akin itong si Claudia! Baka mapatay pa ni Kuya itong si Zain kung sakaling totoo nga. Kaya sana... hindi.
"Sundin mo ang gusto ko, Claudia. Ayaw ko lang naman na pumapasok siya basta rito sa bahay nang hindi ko alam dahil hindi magandang tingnan."
Napalingon na sa akin si Zain. Umirap ako bago sila nilagpasan para umakyat na sa itaas.
"Ate!" Claudia called for the nth time.
I groaned. Bakit ba siya tawag nang tawag ng ate sa akin?!
"Ate! Sasama ka ba sa mall?" rinig kong pahabol niyang sigaw bago ko padabog na sinara ang pinto ng kwarto.

Comentário do Livro (42)

  • avatar
    s******1@gmail.com

    Sobrang ganda basahin nito based sa review. Highly recommended story. worth it sobra. Keep it up author!

    22/06/2022

      3
  • avatar
    Sejirou02

    wow great plot im excited to read this

    09/04/2022

      3
  • avatar
    CastilloClemente

    nice one

    22/07/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes