logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Fire of Hope

Fire of Hope

maysique


Prologue

Prologue
"Kuya... Kuya... aalis tayo? Saan tayo pupunta?"
Kagigising ko lang pero nataranta na agad ako nang makita siya sa loob ng kuwarto ko at nag-iimpake ng aking mga gamit. Seryoso lang ang mukha niya at nagmamadali sa pagkuha ng mga damit ko sa closet.
"Maligo ka na, Aisa. Pagkatapos, sumunod ka na sa baba at aalis na tayo."
"Kuya... I am not leaving!"
Hinila ko ang maletang hawak niya nang akmang lalabas na siya. I knew it! He wanted us to leave this place because of what happened!
Kuya Kaius shot me a death glare. "We are leaving this place!" he declared with finality.
Nagsimulang manginig ang labi ko. Kusang tumulo ang mga luha ko habang tinitingnan ang kapatid. Alam kong kasalanan ko kaya siya nagkakaganito ngayon. Alam kong gusto niya lang akong ilayo sa kahihiyan pero... ayoko nang takbuhan ang nangyari ngayon.
Pati ba naman ngayon, tatakbo pa rin ako? Iyon na lang ba talaga ang gagawin ko tuwing may malaking kasanalan o problema akong nagawa?
Padabog na binitiwan ni Kuya ang maleta at dinaluhan ako para yakapin.
"I know you don't want to leave because your friends are here... but, Aisa, this is the only way we know to avoid you from that... scandal," he whispered.
Tinulak ko siya palayo at tiningala. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakaawang ang mga labi.
"Kuya?! You told Mom about this!" bintang ko.
No... no! My parents shouldn't know about this! Kaya kong ayusin 'to nang hindi nila nalalaman! Pero ano itong ginawa ni Kuya? Pinapangunahan niya ako!
My brother's jaw moved. "Aisa, if we won't tell them about it..."
"They will still know, Kuya! Pero hindi ba puwedeng kapag maayos na?" pasigaw kong putol sa sinasabi niya.
Napahilamos siya ng palad sa kanyang pulang-pulang mukha. Tinalikuran ko siya at naupo sa kama habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa aking mukha.
"At tingin mo, maaayos agad iyon? Ha? Paano? Kalat na kalat na ang video scandal na 'yon sa buong bayan! Pinag-uusapan ka na-"
"Shut up, Kuya!" Halos mabasag ang boses ko sa lakas ng sigaw na iyon.
Nalaglag ang panga ni Kuya Kaius sa biglang pagtaas ko ng boses. Umiling siya at hindi makapaniwalang tinitigan ako. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinagtaasan ko ng boses ang isa sa kapamilya ko.
"Iyan na ba ang natutunan mo sa pagbo-boyfriend at pagbabarkada, Hadassah?"
Umiling ako at tahimik na humikbi.
Our parents taught us to be religious, conservative, and studious. Pero sa lahat ng mga itinuro nila sa aming magkakapatid, ako lang ang hindi makasunod sa gusto nila.
I am not religious, but I believe and have faith in God. My father is a pastor while my mother is a professor. Hindi mahigpit ang hawak nila sa amin nina Kuya Kaius at Claudia pero ako lang itong palaging gumagawa ng mga bagay na taliwas sa itinuturo nila. Still, they'd treat us fair even though sometimes I'd think I don't deserve it.
Ako na ang pasaway na anak pero mahal na mahal pa rin ng magulang. Sa lahat ng mga kalokohang nagawa ko pagkatapos ng ilang taon, ito na yata ang pinakamatindi. Hindi ko alam kung paano pa ako haharap kina Mom at Dad sa oras na umuwi kami sa Rizal.
Anong iisipin nila sa akin? Anak ng pastor, may video scandal! People would think that I'm such a... bitch. A whore. My father is reputable and now... I couldn't bear thinking what would other people think on how they raised us.
Ayaw ko ng ganoon. Napakaraming mapanghusga sa mundo at alam kong isang pagkakamali lang ng tao, ang daming masasamang salita na ang nasasabi ng iba. As if they never had any mistakes before. We all made one and this... just another mistake that I did... is a disgrace to our family that I would surely convey until my last breath.
"Uuwi na tayo sa Rizal, Aisa."
Ipinanganak ako at si Claudia sa Rizal kung saan nakatira si Mommy. Pangasinan is my father's province and that's where they met. Dito rin ako lumaki kasama si Kuya Kaius na limang taon ang tanda sa amin ni Claudia. Pero ang kambal ko, sa Rizal namalagi.
"Please, Kuya, let me fix this..."
Napapikit si Kuya Kaius. I know I'm stupid for still choosing to stay here even though I know my life... our name... is stained because of me.
"Our relatives are already making their action to delete the vid, Aisa, but we have to leave. I don't want you to be the talk of the town..." Humina ang boses ng aking kapatid.
"Kuya, h-hindi lahat ng nasa video ay totoo."
Tumango siya at kinagat ang labi. Nag-iwas siya ng tingin at bumuga ng hangin.
"I know, Aisa. I trust you..." kalmadong aniya. "That's why we have to file a case against the person who uploaded that video... and to those who were also involved for getting you in that situation."
Nanunuyo ang lalamunan ko habang bumabalik sa alaala ko ang nangyari noong gabing iyon. Ilang beses na akong sinabihan ni Kuya Kaius na huwag sumama sa inuman ng mga kaibigan ko at sinusunod ko naman siya.
But that night was an exception. After that night, I was hospitalized and confined for days. When I woke up, it was confirmed that I was drugged. Saka ko nalaman na may video na palang kumakalat sa buong bayan.
Napilit ako ni Kuya Kaius na umalis ng Pangasinan at umuwi sa Rizal. Siyam na oras ang biyahe nang nasa bus na kami patungong Maynila at mahigit isang oras pa ang naging biyahe hanggang sa nakarating kami sa San Isidro kung saan kami nakatira. Madaling araw kaming bumiyahe at hapon na ngayon.
Buong biyahe, wala akong ginawa kundi ang tahimik na umiyak habang iniisip kung anong reaksyon ng mga magulang kapag nagkita na kami. I know I've disappointed them too much and I don't know how would I face them.
And Claudia... my identical twin... I wonder how she'd react when she sees me. It's been years since the last time I saw her and I don't want to see her yet. Kahit hindi maganda ang nangyari sa pagitan namin noon bago ako humiwalay sa kanila... ayaw kong madala niya rin ang kahihiyan na natatamo ko ngayon.
My face on the video was very clear. Hindi malayong mapagkamalang siya iyon kung sakali dahil magkamukhang-magkamukha kami. She might be mistaken as me but then I don't think the video would spread that far.
But knowing the power of internet...
Napapikit ako at pilit na kinalma ang sarili. Nakasakay na kami sa isang tricycle ni Kuya at papasok na sa subdivision kung saan kami nakatira. Tuyo na ang mga luha sa pisngi ko pero humihikbi pa rin.
Kuya held me on my elbow inside the tricycle. Ginalaw ko ang braso at natanggal ang pagkakahawak niya sa akin.
"Kuya, what if... what if they disown me?" kinakabahan kong tanong.
He sighed and looked at me intently. "They won't, Aisa. They are our family..."
Muling tumulo ang panibagong bugso ng luha mula sa mga mata ko. Ayaw ko na! Ang sakit at hapdi na ng mga mata ko pero ayaw pa rin tumigil nito sa pagluha.
"Si Claudia, Kuya..." I sobbed.
"Claudia will understand. Kahit alam niyang hindi kayo magkasundo, alam kong susuportahan ka pa rin niya. She'd always ask me how do you do. Mahal na mahal ka ng kambal mo, Aisa."
My heart literally skipped a beat that it hurt my chest. Huminto na ang sinasakyan namin sa tapat ng dalawang palapag na bahay at naunang lumabas si Kuya para magbayad at ibaba ang mga dalang gamit na nasa likuran ng side car.
Sumulyap siya sa akin habang hila-hila ang maleta at nakasabit ang isang malaking duffel bag sa kaliwang balikat.
"Let's go."
Nasa tapat na namin ang itim at mataas na gate. Pare-pareho lang ang mga bahay dito sa subdivision pero magkakaiba ng istilo, kulay, at disenyo. Nang pinindot ni Kuya ang doorbell ay napakapit ako sa kanyang braso.
"Don't worry..."
Naputol ang sasabihin niya pa nang bumukas ang gate at bumungad sa amin ang isang hindi kilalang lalaki. Matangkad siya at medyo malaki ang pangangatawan. Nakasuot siya ng itim na V-neck shirt at kupas na maong pants.
Salubong ang makapal na kilay niya habang nagtitinginan sila ni Kuya. Gumalaw ako nang bahagya sa tabi ng kapatid at saka pa lamang dumapo ang madilim niyang titig sa akin. His silver earrings shone when he tilted his head.
Who's this guy?
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita ako at umawang ang mapupulang labi.
"Claudia," tawag ng lalaki sa nagtatakang boses.
He mistook me as my twin! Kung ganoon ay kakilala siya ng kapatid ko?
"She's not Claudia. Who are you and why are you in our house?" maangas na singit ng kapatid ko.
Nanatiling nakatitig sa akin ang lalaki. Kumunot ang noo ko at nakaramdam ng bahagyang pagkailang kaya nag-iwas ako ng tingin at nagtago sa likod ni Kuya.
"Dude! Don't look at her like that!" mariing sabi ulit ni Kuya at nakita kong bahagyang itinulak sa balikat ang lalaki.
"Sorry, I thought she was..."
"She's not Claudia!" utas ni Kuya. "Tumabi ka nga!"
Kuya Kai pushed the guy rudely as he grabbed my hand and pulled me inside. Gumilid naman ang lalaki pero nanatili ang tingin sa akin habang isinasara ulit ang gate.
"Who are you, huh? Paano ka nakapasok sa bahay namin?"
"I'm Claudia's friend," he simply said and closed the gate slowly.
He didn't mention his name.
"Oh? I didn't know that our Claudia has a guy... friend," Kuya retorted in sarcastic tone.
"Kuya, tama na 'yan..." Bahagya ko siyang hinila sa braso.
"Nanliligaw ka ba sa kapatid ko?" Kuya advanced to the guy and my hand let go of his arm.
Nanlaki ang mata ko sa inasta ni Kuya. Ganitong-ganito ang asta niya sa naging boyfriend ko noong nalaman niya ang relasyon namin. And now, he's doing it for Claudia.
Umangat ang ulo ng lalaki at nagtagisan sila ng tingin. Napapikit ako at hinila ang braso ni Kuya pero hindi niya ako pinansin.
"Hindi ako manliligaw ni..." marahan ngunit malamig na sabi ng lalaki bago tumingin sa akin. "Ni Claudia."
Kuya advanced even more towards the guy's direction. Suminghap ako at inakalang susuntukin niya ito pero tumunog ang doorbell namin sa may gate. Natigilan si Kuya Kaius sa pag-amba.
"Hadassah, open the gate," utos niya sa akin.
Agaran ko siyang sinunod. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang binubuksan ang gate namin. Nang buksan ko ito nang tuluyan ay natulala na ako at nanlamig.
Nakatayo sa labas ay ang kambal ko na natigilan din nang makita ako. Nalaglag ang panga niya at mabilis na namula ang mga mata.
"Ate..." tawag niya at tuluyang tumulo ang luha. "Ate... k-kumusta?"
Hindi ako makapagsalita. Pinagmasdan ko ang kabuuhan ng kanyang mukha at katawan at natantong halos wala kaming pinagkaiba.
That innocent looking eyes, blushing high cheekbones, narrow nose, and thin rosy lips... even her voice sounded the same as mine... and the light freckles on the face! Pareho rin ang kulay tsokolateng mahaba at maalon naming buhok. Ang tanging bagay na makakapagsabi lang kung sino ang sino ay dahil sa bangs ko.
Sa tagal ng pagkakatitig ko sa kanya ay hindi ko na namalayan ang pagyakap niya sa akin nang mahigpit. I then realized that she was crying when I noticed that her body was quivering.
"Claudia..." Hinawakan ko siya sa balikat at bahagyang inilayo sa akin.
My eyes widened when she didn't even hide her tearful face as she looked at me.
"Ate, I-I am sorry..." humihikbing sabi niya.
Why was she sorry?
"Kung h-hindi dahil sa a-akin ay hindi ka sana umalis dito noon. Hindi sana mangyayari ang..."
"Claudia!" I shouted to stop her from what she was saying.
Natulala siya, mukhang hindi inaasahan ang pagtaas ko ng boses. Bumaba ang tingin ko sa lupa at huminga nang malalim.
"Let's not talk about it here, please?" I pleaded.
She was still stunned for a few seconds but then realized that we were not the only one whose standing there.
Lumapit sa amin si Kuya Kaius. Nang lumingon ako sa likuran ay nakita ko rin ang lalaking estranghero na mukhang narinig ang usapan namin. Bahagya kong naramdaman ang pag-init ng pisngi sa napagtanto.
Nakita kong lumipad ang tingin ni Claudia sa lalaking iyon at kumunot ang noo. Gamit ang sariling kamay ay pinunasan ng kapatid ko ang luha sa mukha.
The guy cleared his throat. "I'm sorry to interrupt but I think my presence isn't necessary here."
Iritado ang mukha ni Kuya nang lingunin niya ito. "Buti alam mo? Puwede bang umalis ka rito sa pamamahay namin?"
"Kuya!" sabay na tawag namin ni Claudia dahil sa bastos na pakikitungo nito sa bisita.
Kuya Kaius grunted.
"Kuya, don't be so rude, please. He's my friend. His name is Zain," my twin said.
"And so? Will you just please leave?" Muli na namang nilingon ni Kuya Kaius ang tinawag na Zain ni Claudia.
Tumango si Zain at tumingin kay Claudia. Pinagmasdan ko ang dalawa na tila ba sa pamamagitan lang ng titig ay nagkakaintindihan sila.
"Pasensiya na, Zain, kung pinaghintay kita rito." Natural na malambing ang boses ng aking kapatid.
Zain didn't even smile. "Ayos lang. Just text me when you're not busy." Nilingon niya si Kuya at sa huli ay dumapo sa akin ang misteryosong mga mata.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Ito ba ang unang beses na nakakita siya ng kambal? Amaze na amaze lang?
"Okay."
Zain left our house immediately. Pumasok na kaming tatlo sa loob ng bahay at nalaman ko kay Claudia na wala pa ang mga magulang namin. Mom's in the university while my father is in the church.
"Ate..."
"Claudia, mamaya na tayo mag-usap, please," pagod kong pakiusap.
Umakyat ako sa dati kong kwarto noong nakatira pa ako rito. Pakiramdam ko ay namamahay ako bigla sa sariling bahay. But I think it's normal since I didn't grow up here.
I was only seven years old then and both Claudia and I were not in good terms. Kahit hindi sabihin ng mga magulang namin, nararamdaman ko pa rin noon na sa tuwing nag-aaway kami ni Claudia ay palaging ako ang mali. Ako palagi ang nagsimula.
At a young age, I decided to leave our house and live in Pangasinan. Siyempre, tutol ang mga magulang ko sa gusto kong mangyari. That was why I did everything to make me and Claudia separate from each other.
I was so young, naivé and ruthless that time. I pushed my own twin sister on the stairs from the second floor. She was comatosed for months but never did our parents blame me.
Akala nila ay aksidente ang nangyari. Pero sa konsensiya na naramdaman ko, umamin ako sa ginawa. Alam kong dismayado sila sa nagawa ko pero siguro ay inisip na lang nila na bata pa ako at hindi alam ang ginagawa. Sila pa mismo ang nagsabi na aksidente ang nangyari at walang dapat sisihin.
And Claudia... never got angry at me. Hindi niya ako idiniin sa kasalanang nagawa ko noong nagising siya sa matagal na pagtulog. That time, I was already in Pangasinan with Kuya Kaius to look after me. For nearly a decade, I lived with him there. Noong una ay kasama pa namin ang kamag-anak pero bumukod din noong trese anyos na ako.
Hindi ko namalayang sa sobrang tagal siguro ng biyahe namin kanina ay nakatulog ako. Nagising na lamang ako nang may naramdamang humahaplos sa pisngi ko.
Slowly, I opened my eyes and adjusted my sight to see whoever was caressing my face.
Bumangon ako at mabilis na nag-init ang mga mata.
"Aisa..."
"M-Mommy..." I broke out after calling her.
Umiyak ako nang umiyak sa balikat ni Mommy. I felt like the whole me was missing her. Mom and Dad often visited me and Kuya but still, I still thought that there was something that couldn't fulfill my longing for them.
I've longed for their attention and love. They didn't deprive me that but maybe... because I didn't grow up with them, I felt that way. Claudia is just so lucky that she's always with our parents. Ako, hindi. That was my own choice, anyway.
"It's okay, baby," Mom whispered soothingly against my ear. "I love you... we love you and we are always here for you, Aisa. Always remember that."
Umiling ako at mas humigpit ang yakap sa kanya. Umiyak ako at hindi pinigilan ang kumakawalang hikbi sa labi.
"I'm sorry, M-Mommy."
Hinawakan niya ako sa balikat at ipinaharap sa kanya. Kahit nakikita ko naman siya dahil sa pagbisita nila sa amin, napansin ko ang pagbabago sa kanyang mukha. Maamo at maganda pa rin kahit namayat at nagkaroon ng bahagyang kulubot ang kanyang mukha dahil na rin siguro sa pagtanda.
Ngumiti siya at pinunasan ang aking pisngi gamit ang kanyang daliri.
"It was not your fault, Aisa."
I bit my lip and inhaled more air to fill my lungs. Pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hangin sa katawan.
Mom's always gentle, sweet, loving, and understanding. Lahat ng iyon ay nakuha ng kakambal ko. Alam kong may kasalanan ako at handa naman akong harapin ang kabayaran sa nangyari. But Mommy never let me feel that way. She'd always say that it wasn't my fault because I was still young.
I don't often read the bible. But I remember that there was a verse saying that I should follow my father's instruction and do not forsake my mother's teaching.
But what did I do? I followed neither of them. Ito ngayon ang nangyari.
"Nasa hapag na ang Daddy at mga kapatid mo. Gusto mo bang sumabay sa amin o padadalhan na lang kita ng pagkain dito?" nag-aalala niyang tanong.
"Mag-aayos lang po ako, Mom, tapos ay bababa na rin po ako para sumabay."
Tumango siya at ngumiti. Humilig ako sa kanyang palad nang hawakan niya ang pisngi ko.
"Mommy, I missed you po."
Nangislap ang mga mata niya. Umabante siya at napapikit ako nang maramdaman ang paghalik niya sa aking noo.
Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako nauubusan ng luha. The whole day, I was crying. Tila may balde yata ng luha sa mata ko at hindi maubos-ubos iyon sa isang araw lang.
Matapos kong mag-ayos ay sabay kami ni Mommy na bumaba para pumunta sa hapag. Nakaupo na roon sa kabisera si Daddy at nasa kaliwa niya si Kuya Kaius at Claudia. Ang dalawang kasambahay ay inaasikaso ang mga pagkain sa mesa.
Hawak ako sa braso ni Mommy nang nakalapit na kami. Kuya's worried eyes immediately found mine but when he looked at our mother, he sighed heavily as if he was relieved.
"Hadassah," tawag ni Daddy sa istriktong tinig.
Bumilis ang pintig ng puso ko. Tinanguan ako ni Mommy at ngumiti.
Taking my time, I walked towards Dad. Kinuha ko ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa para magmano.
"Dad."
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Nakita ko ang mga tingin sa akin ng dalawang kapatid na para bang sinasabi nilang magiging ayos lang ang lahat.
"Sit down, hija. We're just waiting for you to come down so we can eat," said Dad.
Para akong nabunutan ng tinik dahil doon. Umupo si Mommy sa tabi niya at saka ako naupo. Inutusan ng aking ama ang kasambahay para maghanda ng pinggan para sa amin.
Matapos magdasal ay nanatiling nasa plato ang tingin ko nang magsalita si Daddy.
"You look thinner than before, Aisa. Kumain ka ng marami nang magkalaman ka naman."
"Opo, Daddy."
Kuya Kaius cleared his throat. Inabot ni Claudia sa akin ang lagayan ng kanin. Samantalang si Mommy naman ay kinuha ang mangkok na may lamang sinigang na baboy. My favorite!
"Kaius, pinapakain mo ba nang maayos ang kapatid mo roon habang wala kami?" Binalingan na ni Dad ang kapatid ko.
"Of course, Papa. But she'd always say she's on diet!" sumbong niya.
Ngumuso ako at nagsimulang kumain. Nilaglag niya talaga ako?
"He was making me eat two cups of rice every meal."
"Because you're so skinny, sister." My evil brother smirked at me.
Mas lalo akong sumimangot.
"She's not skinny, Kuya Kaius. Don't you know the term? It's called sexy, if you haven't heard of it," Claudia said coldly, for the first time.
Kuya Kaius laughed out loud. Sinaway siya ni Daddy kaya natigilan. Lumingon sa akin ang aking ama at nagtaas ng kilay. Tapos ay lumingon na kay Mommy.
"Does being thin mean that a woman is sexy?" Dad asked curiously.
Mom and Kuya Kaius just shook their heads and chuckled. I pouted even more while Claudia just made a face. I never thought that Dad's clueless quest would somehow lighten up the mood. Maybe I'm just lucky that even after what happened, they still make me feel at home.
Bumaba ang tingin ko sa pinggan nang may napagtanto.
"I'm sorry for leaving before," I told them in silence with utter regret for what I have done since then.

Comentário do Livro (42)

  • avatar
    s******1@gmail.com

    Sobrang ganda basahin nito based sa review. Highly recommended story. worth it sobra. Keep it up author!

    22/06/2022

      3
  • avatar
    Sejirou02

    wow great plot im excited to read this

    09/04/2022

      3
  • avatar
    CastilloClemente

    nice one

    22/07/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes