logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

7

"Tigilan mo ang kakasisi sakin. Sino ba ang dahilan bakit umabot siya sa ganyan? Alam ko na umiyak siya nung araw na yun. Namumula yung mata niya ng umuwi siya. Tapos kakaarte at pahabol mo sa kanya, mukhang hindi siya nakakatulog ng maayos. Sino ngayon ang may kasalanan?" napadaing ako ng magising ako sa lakas ng boses na nadidinig ko sa paligid ko.
"She asked me to stay away from her. What do you want me to do?" parang boses ni Chase.
"Anong malay ko? E di ba ikaw ang boyfriend?"
"Huwag nga kayong mag away dito. Simpleng trangkaso lang naman sana. Hindi naman sana lalala kung kumakain siya at umiinom ng gamot," napadaing ako ulit ng madinig ang isang pamilyar na boses. Si Julio ba yun? Teka, asa kwarto ko ba siya?
Nakapikit pa din ang aking mata habang unti unting bumabalik ang aking katinuan. Ang huli kong naaalala ay bumangon ako para sana magbanyo. Nung hapon pa lang pag uwi ko ay hindi ko na nagawang bumangon para maghapunan.
Sobrang sama na kase ng pakiramdam ko. Tinangihan ko ang gamot na binibigay sakin ng mga kasambahay dahil hindi ko kayang lumunok ng mga capsule o tablet.
Mukhang tanga pero ganun talaga ako simula pagkabata. Hanggang ngayon ay hindi ako umiinom ng gamot sa tuwing may sakit ako. Pwera na lang kung syrup. Alam din yan ng aking ina kaya kung dumating ako sa puntong nanghihingi na ako ng gamot ay alam niyang hindi ko na kayang magtiis. Kasama din ng gamot ay ang mga saging para malunok ko.
"Now my Dad was mad. Lahat ng kasambahay ay napagalitan," nadinig kong sabi ni ate.
Teka, bakit andito sila sa kwarto ko. Nagdedelehiryo na ba ko?
"Wala na tayong magagawa. At least medyo maayos na ang lagay niya. Nanghina lang siya dahil hindi siya nakakakain,"
Medyo umikot ng bahagya ang aking pakiramdam sa dami ng boses sa aking paligid. Alam kong medyo malaki ang bago kong kwarto pero bakit parang may party yata sa loob. O naiwan ko bang nakabukas ang tv?
Dahan dahan akong napadilat pero agad ding napasarado ang aking mga mata dahil sa sobrang liwanag, nakakasilaw. Yung ulo ko, medyo mabigat pa din at kumikirot pero nawala na yung panlalamig ng katawan ko. Hindi na ko giniginaw. Yun lang, parang makirot pa din ang aking lalamunan.
"Ahmmmm," medyo napalakas yata ng konti ang daing ko dahil nagkagulo sila bigla. Mas lalong dumami ang boses sa aking paligid.
"Ingay...." daing ko. Pakiramdam ko sasabog na lang anumang oras ang bungo ko sa sakit.
"Punyeta ka Lexo. Tigilan mo ang kakabounce dyan malapit sa kanya. Ako ang nahihilo sayo," nadinig kong angal ni Julio.
Shit, andito nga sila. I reached for my temple pero nagulat ako ng parang may pumigil sa kamay ko. Ay syet, dextrose.
Tangina talaga.
"Huy babae ni kambal, okay ka lang?"nadinig ko si Ulap. Napamulat na ulit ako ng mata. Dahan dahan lang kase medyo nakakasilaw pa din. I tried blinking multiple times, focusing my eyesight hanggang sa luminaw na din ang tingin ko sa paligid.
Napalunok ako. Puting kisame at dingding, puting kama at kumot, amoy alcohol at mga gamot, punyeta, ospital.
Pag angat ko ng mukha ay saktong saktong nagtama ang aming paningin. Sa dami ng pares ng mata dito, bakit yung kanya pa? He look so serious and it's scaring me.
Chase Puntavega, the man who had been bothering my thoughts for a few days.
Napabangon ako ng bahagya at mabilis naman akong inalalayan ni Lexo. Napangiti ako sa kanya tanda ng pasasalamat.
"Chaese, alam mo, ako bumuhat sayo. Hindi ka naman matangkad pero ambigat mo din ano?" napabusangot ako sa sinabi ni Ulap. Ang hayop, inosenteng inosente pa ang pagkakasabi.
"Gago ka Ulap. Mahina ka lang kaya akala mo mabigat siya," nakakalokong sagot ni Ice. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya o hindi kase hindi naman siya nakangiti.
Napalingon ako sa paligid. Andito silang lahat silang pito, kasama ang aking kapatid na si Dakota.
Napalunok ako.
Kung si Ulap ang bumuhat sa akin at sa bahay nangyari ang lahat, ibig sabihin, alam na nila.
Nagtama ang aming mata ng aking kapatid. Bahagya akong kinabahan. Galit kaya siya sakin?
Sabi niya dati ay wag kong babangitin na magkapatid kami. Kahit kinakausap niya ako ay iniiwasan kong matawag siya bigla ng ate sa eskwelahan.
Her eyes, it was clouded with too many emotions that I was able to identify a few, disappointment? Sadness? Worry? Hindi ko alam. Pero bigla din siyang nag iwas ng tingin.
Galit nga yata.
"Magkapatid pala kayo ni Dakota, di man lang kayo nagsasabi. Kaya pa nanampol ng mga first year," natatawang turan ni Aedree. Nakunot ang aking noo. Ano daw?
Parang nainis ng bahagya ang kapatid ko at inirapan siya.
"Tigilan mo nga Aedree at baka di kita matantsya dyan. Guputin ko bangs mo," inis na sagot ng aking kapatid. Nakabusangot na ang mukha niya.
Napalingon siya ulit sakin.
"Why were you not drinking your meds? At bat hindi mo sinabi na ganyan na lagay mo? Gusto mo bang magwala si Papa?" inis niyang tanong. Napayuko naman ako.
Oo nga pala. Sinabi na ni papa nung isang gabi na magpatingin na ko pero napakatigas ng ulo ko. Akala ko kase kaya ko pa.
"Hindi kase ako marunong lumunok ng gamot,"
Shit, nakakahiya.
Natahimik sila bigla. Feeling ko tuloy hinuhusgahan nila ko.
"Nagdodrawing... Hindi marunong lumunok ng gamot...Tss, magkapatid nga," biglang sagot ni Milan.
Napatingin ako sa kanila at napansin na namumula bigla ang pisngi ng ate ko.
"Wag nga kayong epal. Umuwi na kayo. Mga istorbo. Aabutan pa kayo ni papa. Ipapaban ko kayo sa bahay," ismid niya. "Si Mattee ang bulabugin niyo. Siguradong pinagkakaguluhan na yun,"
Napaismid si Ice. "Baka mag thank you pa samin ang mama mo. Kung hindi pa kami dumating hindi madadala sa ospital tong kapatid mo. Pabayang ate," sagot niya at nakagat ako ng labi.
"Wala siyang kasalanan. Hindi talaga ko lumalabas ng kwarto pag may sakit ako,"
"Pumasok kahapon e natulog ka lang naman halos sa klase," bulong ni Chase. Parang naiinis siya na ewan.
"Pinitik mo kaya ako sa noo," nakabusnagot kong turan sa kanya na agad akong inirapan.
Ang sungit.
Nagulat kaming lahat ng biglang bumukas ang pinto at lumitaw ang aking ina - umiiyak.
Eto na naman.
"Andrea anak, hindi ka na naman uminom ng gamot?" nanghihina niyang turan. Mabilis siyang nakalapit sa kama at hinatak agad agad ni Lexo si Ulap palayo. Si tanga ayaw pang pumayag nung una.
Napalingon ako at nakita na kasunod niya sila Tita Monica at Papa.
Niyakap ako ni Mama.
"Okay lang ako ma," nakangiti kong turan. Hinimas himas ko ang kanyang likuranan. "Sorry ma, nag alala ka pa tuloy," namiss ko bigla ang aking ina. Ilanh linggo ko din siyang hindi nakita.
"Iha, why did you not tell us that you were that sick?" nag aalalang turan ni Tita Monica. Ang aking ama ay nananatili lamang sa kanyang likuran.
"Sorry po tita," nakagat ko ang ibaba kong labi.
Seeing my Mom in front of me, my Dad and his wife beside him is a sight to see. It's weird and awkward. And it doesn't feel right. Ano na ba ang nararamdaman ng aking ina sa aking ama? Hindi ko alam.
Kung nung dati ay okay lang sa akin, ngayon ko lang narealize na masakit pa din pala.
Napatingin ako sa aking kapatid. Seryoso na din ang kanyang mukha habang nakatingin sa aking ina.
Ano kaya ang iniisip niya? Nasasaktan din ba siya na tulad ko? Kase nga naman, ako at ang aking ina ay ang patunay na minsan sa buhay ng kanyang ama ay nakagawa ito ng pagkakasala sa kanyang ina.
"Tito, pwede kami magbantay kay Chaese?" napaubo ako ng madinig ko bigla ang boses ni Ulap. Mabilis na natakpan ni Lexo ang bibig niya pero siyempre si Ulap to. Abnormal.
Napatingin na din sa direksyon nila ang aking ina.
"Cloud, iho. Hindi niyo na kami dinadalaw," mabilis na lumapit si Tita Monica sa kanila at si Ulap naman, tuwang tuwa na kumawala kay Lexo at parang batang niyakap si Tita.
His boxy smile even showing.
"Tita, etong si Dakota ayaw kaming pagbuksan ng gate kase," nagsusumbong na sabi ni Milan. Isa isa silang nilapitan at niyakap ni Tita. Lumapit din sila kay Papa at nagmano.
"Inaapi ba kayo ng dalaga ko?" seryosong sabi ng aking ama. Bahagyang kumirot ang aking dibdib sa kanyang tinuran. Alam kong walang ibig sabihing iba ang aking ama pero ang sakit pa rin. The bond that my sister have with my Dad, kahit kelan hindi ko naisip na maabot ko man lang.
"Opo Tito. Sobra pang mapanakit," gatong muli ni Milan na inambahan lang ni ate ng suntok.
"Tita!" nagulat ang aking ina nang halos lundagin na siya ni Lexo at Ulap. Natawa naman si Tita Monica sa kanila habang naguguluhan naman ang aking ina.
Nagmano sila bago niyakap si Mama. Nagulat ako na pati si Chase at si ate Dakota ay ganun din ang ginawa. Kahit hindi nakangiti ang aking kapatid ay alam kong bukal sa loob ang paglapit niya kay mama. Nakita ko pa ng bahagya niyang haplusin ang likod ng aking ina marahil para ito ay kumalma. Para tuloy gusto kong maiyak.
Hindi ko alam kung maswerte ba ako o ano. Ginagalang niya pa din ang aking ina sa kabila ng lahat.
"Tita, ako po bumuhat kay Chaese. Ambigat niya po," napabuga ako ng hangin. Inulit pa talaga ng hayop. Nagulat ako ng biglang batukan ni Milan ang kanyang kapatid.
"Aray ko naman kuya!"
"Pasensya na po sa kapatid ko," magalang na sabi ni Milan. Pinunasan ng aking ina nag kanyang luha.
"Hala totoo kaya," bulong niya pa ulit na ikinatawa ko.
"Ang kulit mo Ulap," nanggigigil ma sabi ng kuya niya. Natawa naman bigla si Mama at muling nilapitan si Ulap.
"Mabigat talaga si Andrea iho. Hindi yan nag eexercise. Puro pagtulog at pagkain lang ang inaatupag niyan,"
"Medyo halata nga po," inosente pang sagot. Tangina netong kambal ni Chase masasaktan ko talaga.
"Ma naman e..." I whined. Sana talaga walang bukingan di ba?
"Okay lang po Tita. Ganyan din naman po si Ice," sagot ni Aedree. Ang laking tulong.
"Kaibigan ba kayo ng anak ko?"
"Ma..." awat ko sa kanya. Kahit kailan ay hindi ako nagpakilala ng kahit sinong kaibigan sa kanya. Dahil wala naman talaga akong naging kaibigan noon maliban kay Antonia.
"Katherine, they are my daughter's friend and seeing how they care about Andrea, I'm guessing she's now friends with them too. Don't worry, we know their family," Tita Monica assured my Mom at hindi ko alam kung may mas awkward pa ba sa eksena na to.
Bakit ba kase kailangan pang maging mabait ni Tita Monica? She sounded so fucking sincere.
Kahit si Dakota ay hindi man lang ako inaway kahit minsan. Lalo ko tuloy nakokonsensya. Alam ko masakit pa din sa kanya ang nangyari na to pero bilib pa din ako sa pagpapalaki ni Tita Monica sa kanya.
"Don't worry Tita, she's safe with us. Tsaka," napatingin ako sa direksyon ng tingin ni Aedree. Ang dramatic ng hayop e kay ate lang pala titingin, "mukhang di naman papayag ang ate niya na maapi siya,"
Natawa din si Julio sa sinabi ni Aedree. Parang may alam sila na hindi ko alam. Ngumuso lang ang ate ko.
"Wag na talaga kayong pupunta ulit samin ha," bulong ni ate pero dinig naman din namin.
"I'm happy that my daughter found people like you guys," my mom smiled before turning back to my direction. She started tucking the strands of hair behind my ear and I just smiled.
I love it when I see her calm like this. Napanatag na din siguro siya dahil sa mga narinig.
My eyes caught Chase's. All these time, nakatayo lang siya malapit sa pinto at hindi nagsasalita. Nagtama ang aming paningin at nakita ko kung pano niya iniwasan muli ang aking mga mata.
Galit pa din ba siya sakin?
"Huy Chase, tara nga dito. Magpakilala ka na dali..."
Nanlaki ang aking mga mata sa biglang sinabi ni Ulap.
Punyeta. Nakalimutan ko na akala nga pala nila e babae ako ni Chase.
Pati si Chase ay parang nagulat.
Napalingon pa ang aking ama sa kanyang gawi.
Bago pa makapagsalita si Ulap ay naputol na ni ate ang kung anong balak niyang sabihin.
"Ulap, tara labas tayo. Bili tayo ng pagkain para makapagusap sila dito,"
Mukhang nalihis naman agad ang utak ni Ulap dahil napapalakpak agad siya. Napakadali talagang malinlang ng tanong ito.
"May Burger King ba dito? Ililibre mo kami?" nakangiti niyang tanong. Napapasayaw pa siya sa excitement.
"Sama ko!" sagot na din ni Lexo.
Napailing akong muli. Nakita kong lumabas silang lahat maliban kay Chase na nakatayo pa din sa gilid at kay Ice na gusto na yatang matulog sa sofa dahil nakapikit na.
Napabaling ako sa aking ina.
"Ma, okay lang ako. Baka walang magbabantay sa cafe. Okay naman ako dito. Hindi naman ako kailangang iadmit," sabi ko sa kanya. Medyo nag aalangan din ang ekspresyon sa mukha ni mama. Alam kong importante na nandun siya. Kahit hindi niya sabihin sakin ay alam ko din na madami siyang binabayaran dahil sa mga panahon na wala siyang katulong sa mga gastusin sakin.
"The doctor said you can go home today. Kung ayaw mo dito sa ospital ay aasikasuhin na natin ang papers mo," sagot agad ng papa ko. Tumango lang ako sa kanila. Ngumiti si Tita sakin bago sila lumabas ni papa.
Medyo tumahimik ang silid. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sapagkat kami kami na lang ang naiwan. Tinignan ako ng aking ina na para bang naninimbang.
"Anak sigurado ka bang okay ka lang? Pwede ko naman isara muna yung cafe e," hinawakan ko anv mahkabilang kamay ng aking ina. Parang nananamlay siya.
"Okay lang ako ma. Dadalaw ako sa cafe sa susunod para tulungan ka. Kumakain ka ba ng maayos?" nag aaalala kong tanong bago marahang hinaplos amg kanyang mukha. Kitang kita ko ang pangungulubot ng kanyang balat. Mukhang hindi na niya naaalagaan ang kanyang sarili. Nakagat ko ang aking labi.
Ngumiti sa akin ang aking ina. Alam kong nagpipigil lang siya ng luha. Iyakin din tong si mama e.
Pareho kaming hindi nagsasalita.
Kapag may isang pumiyok, siguradong mag iiyakan na kami pareho.
The sound of her phone ringing caught our attention. Napalihis ako saglit ng tingin para pigilan ang magbabadyang luha na nais tumulo sa aking mga mata.
Mabilis niyang sinagot ang tawag at hindi na ko nag abala pang pakingan iyon.
"Anak, babalik muna ko sa cafe ha. Mukhang kailangan ako dun," malambing niyang turan at muli akong napatingin sa kanya.
"Ma, magsara ka ng maaga para makapagpahinga ka," nagsusumamo kong turan. Sinagot niya lang ako ng kanyang ngiti. Kahit anong sabihin ko siguradong hindi niya pa din susundin. She kissed the top of my head before bidding us goodbye.
My eyes darted away from the door after she left.
Ito ang ayaw na ayaw ko, yung may umaalis, yung may naiiwan. Kase masakit, nakakadurog ng puso.
Paano niya nakakaya na makita si Papa at Tita Monica? Wala lang ba? Aksidente lang ba ko?
Baka dapat wala ako dito.
Naninikip na ang dibdib ko. Kahit kelan ang rupok rupok ng puso ko pagdating sa aking ina. Nakakaya ko naman lahat. Nakakaya kong mag isa pero pag andyan siya o tungol sa kanya bigla akong nanghihina.
Wala akong kwentang anak dahil wala man lang akong alam sa nararamdaman ng aking ina.
"Cry...."
Napalingon ako ng madinig ko ang boses niya. He was looking at me intently, and slowly, he moved forward until he was already standing in front of me.
Wala na akong paki kung nakikita niyang nagluluha ang aking mga mata. Hindi naman ito ang una.
"Let that out. Everyone is weak if it's about their family..." he added.
Bakit napakadali lang sa kanya na sabihin sa akin palagi ang dapat kong gawin?
But damn, with just those simple words, my tears started falling like an open faucet. Parang naghihintay lang ang mga luha ko ng pahintulot para magsimula silang bumagsak.
So I cried. I cried silently. And I cried in front of him, something I realized I have been doing with him.
Iniyak ko ang pagod na nakikita ko sa mukha ng aking ina.
Pagkagraduate ko pipilitin ko na sa bahay na lang siya. Susuklian ko lahat ng paghihirap na ginawa niya para sakin.
"Kung ayaw mong makita ka nila, bilisan mo ang pag iyak dahil anumang sandali pabalik na din sila. Kung hindi makumpleto ang iyak mo, ischedule natin sa ibang araw, sasamahan kita, kahit paulit ulit..." bulong niya.
I was caught off-guard when he leaned closer and pulled my face towards his chest. Amoy na amoy ko na ang natural na bango niya.
"Sa tuwing kailangan mong umiyak, hanapin mo ako at sasamahan kita. Hindi kita pipigilan. Sasamaham kita hanggang kailangan mo ako,"
His words melted me in the inside.
Somehow, that calmed me down a little.
"Baka singilin mo ko..." biro ko sa kanya. Nararamdaman ko ang paghaplos niya sa aking likuran para pagaanin ang loob ko.
"Lilibre mo naman ko ng icecream kase yung binili mong nauna, paborito nila Ulap," natatawa niyang sabi. "Sugapa pa naman yung kambal ko. Kulang na lang pati ikaw agawin," bulong niya.
"Ha?" naguguluhan kong turan. Ano daw?
"Wala. Umiyak ka na ulit dyan. Ang baho ng buhok mo. Hindi ka pa naliligo no?"
Naiinis akong itinulak siya ng bahagya. Tumigil na dun ang luhang umaagos sa aking pisngi. Natawa pa siya. Ngayon ko lang napansin na parang wala siyang mata kapag tumatawa.
"May sakit kaya ako," nakasimangot kong turan. I wipe the tears on my cheeks and glared at him.
Napailing na lang siya.
"Palusot ka pa. Tamad ka lang kamo. Paliguan kita jan e," halos malaglag ang pangga ko da sinabi niya.
Walangya ka Chase.

Comentário do Livro (46)

  • avatar
    ArellanoKier

    thank you 🙏

    27d

      0
  • avatar
    Kurt

    wow

    17/08

      0
  • avatar
    Charie

    yoonworks

    16/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes