logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Fly With Me

Fly With Me

Aquarskye


Prologue

PROLOGUE
"I-im sorry...." hirap na hirap niyang sabi.
"No. It's okay, Bryan. I understand." gagad ko.
"I'm s-sorry for ruining your party, baby. I'm sorry. Wala pa akong regalo." he managed to laugh kahit na nahihirapan na siya.
"B-baby, don't talk. Save your strength, please. Padating na ang tulong." umiiyak kong sabi dito.
He smiled. "Thank you for everything, baby. I'm so lucky to have you. I'm so lucky to be your boyfriend."
"Bry, baby, please." nahihirapan kong ani rito.
"Promise me you'll be okay when I'm gone." mahinang sambit niya habang hinahaplos ang pisngi ko.
Umiling ako ng umiling. "I won't." ani ko.
"Yes, you will. You should." giit pa nito bago ngumiti ngunit hindi umabot iyon hanggang mata niya.
"Baby, I can't. Damn it! Hold on."
He smiled, again. "Isipin mo nalang na makakasama ko na sila Mom and Dad."
"How about me naman? Iiwan mo ako? Nangako kang hindi mo ako iiwan, diba?" umiiyak kong tanong.
"Please, baby. I know how much you want to be with Tita and Tito but not now. Don't leave me. I need you. I love you." I begged.
"I'm tired. I'm sleepy. Is it okay if I rest na? I'm really tired na, baby." mababa ang boses na sambit nito.
Marahas akong umiling. "No, Bryan. Please."
"I'm tired, baby." nahihirapan niyang ani saka umubo na may kasamang dugo.
"Baby, remember your promise? Ang sabi mo hindi mo ako iiwan, diba? Hindi ka aalis sa tabi ko kahit anong mangyari. Please, stay awake for me, Bryan."
He smiled sadly. "I'm sorry. Is it okay if I break my promises tonight? I'm really tired, baby. I badly want to close my eyes and rest. Kaya mo namang wala ako. Kilala kita, Faye. Malakas ka at isa iyon sa mga minahal ko sa iyo."
Pumikit ako ng mariin saka siya niyakap ng mahigpit. Wala akong pakialam kung mabahiran ako ng dugo. Naramdaman ko naman ang pagkayakap nito sakin pabalik.
"Are you really tired, baby? Do you want to sleep?" nanginginig kong tanong habang marahang sinusuklay ang buhok nito.
Marahan naman itong tumango at ngumiti. "Yes, baby. I really want to. I'm exhausted."
Mas lalong bumuhos and luha ko sa isinagot nito. Mas lalo ko itong niyakap ng mahigpit hindi alintana kung masaktan ko man siya.
I want him to know how much he mean to me. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ako katakot na bitawan siya. I don't want to let him go.
I'm trying to gather all my strength but it seems like they were unable to find.
"Bryan, ayoko. Stay your eyes open, please. Malapit na sila. Konting tiis nalang." nahihirapan kong ani dito habang yakap siya ng mahigpit.
"I can't, b-baby."
"Bryan!" humagulgol na ako this time.
"F-faye, baby. You k-know how much I love you, right?" tanong nito.
I nodded. "Yes." nahihirapan kong sagot.
"I love you. Very much. You're my life." mahinang ani nito.
Mariin akong napapikit sa boses nito. Sa tinig palang ng boses niya ay halata na ang kanyang panghihina. Ayoko ng ganito. Hindi ko kayang ganito ang lagay niya. Ayokong nasasaktan at nahihirapan siya.
"I love you, Bryan. I love you so much, baby." ani ko habang palakas ng palakas ang iyak.
"I l-love you too, baby. Take care of y-yourself. Wala nang B-bryan na po-protekta sa iyo. A-alagaan mo ang sarili mo." nahihirapan niyang ani saka masuyong ngumiti.
"You... you may now close your eyes, baby." kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang paghagulgol. "Even if it hurts big time. I'll let you sleep now, baby. You can rest now, Bryan." nahihirapan ako sa bawat linyang hinibitawan ko dahil alam ko sa sarili ko pagkatapos ng araw na ito ay wala nang Bryan bubungad sa akin.
"Goodbye, baby. See you in our next life." masaya itong ngumiti sa akin at pumikit na.
"I love you so much, baby." nakangiti kong sabi ngunit bakas ang lungkot doon. Hinalikan ko ang labi nito sa huling pagkakataon.
Ilang sandali pa ay ramdam ko ang pagluwag ng yakap niya sa akin hanggang sa tuluyan ng bumagsak ang kamay niya.
Ayoko pa din siyang bitawan. Ayoko. I don't want to let him go. I don't want him to leave me.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon bago ako nakarinig ng ingay na nagmumula sa labas marahil ay ang mga kaibigan ko at ang tulong.
Funny. Tulong. Tulong pero laging huli. Laging huli ang pagdating nila.
"Ariane..." tinig ni Phoebe bago ako niyakap ng mahigpit.
Agad ko itong niyakap at umiyak. Kita ng dalawang mata ko ang pagkuha nila sa katawan ni Bryan bago inilabas sa bahay.
"Fibs... S-si Bryan wala na siya." iyak ko.
Ramdam ko ang paghigpit nang yakap niya sa akin pero wala akong narinig na sinabi niya. Hinayaan niya lang akong umiyak hanggang sa kumalma ako.
February 20, sa mismong kaarawan ko ay binawian ng buhay ang lalaking pinakamamahal ko.

Comentário do Livro (23)

  • avatar
    John Lydell Tumbucon

    kinikilig Ako

    18d

      0
  • avatar
    Alayana Dele Cruz

    chapter 2 palang pero abang na abang na sa last part ang ganda🫰🏻❤️

    06/07

      0
  • avatar
    Natasha Miranda Palacio

    nakaka touch

    24/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes