KINAGABIHAN dumating si Grey sa bahay para sunduin siya ngunit hindi niya ito pinansin. Dumiretso siya sa kaniyang sasakyan at akmang papasok na nang hilahin siya nito. "Ano ba?" malakas na sigaw niya. "Hindi ka ba makaintindi na ayaw kong sumabay sa 'yo." "Faye please..." pakiusap nito. Aba tingnan mo nga naman. Marunong pala itong makiusap. "Baka mapahamak ka. Hindi ka pa magaling." "Concern citizen ka na ngayon? Anong nangyari? Nabagok ba ang ulo mo? Sa pagkakatanda ko kasi ako 'yung nahulog sa hagdan," sarkastikong aniya. "Pasalamatan ka at hindi ko inireklamo ang kabit mo pagkatapos ng ginawa niya sa akin." "Faye, makinig ka naman sa akin," aniya na nakikiusap. "Pwede ba tigilan mo 'yan dahil hindi bagay sa 'yo." Pero hindi ito nakinig sa kaniya at nagpumilit pa rin na i-sabay siya. "No. Sa akin ka sasabay," seryosong sabi nito. Pwersahan siya nitong pinasakay sa kotse. "So, pipilitin mo na naman ako sa isang bagay na hindi ko gusto, gano'n ba?" Umiiling na tumingin siya sa harapan ng sasakyan. Naalala niya ang ginawa nitong pag-angkin sa kaniya. Dahil doon nabuhay ang galit niya para dito. "Faye, hindi tayo pwedeng humarap sa parents mo ng ganito tayo." Nilingon niya ito ng may hindi makapaniwalang tingin. "Wala akong pakialam. Hindi ko na ulit pipilitin ang sarili kong magpanggap na okay tayo. Ayoko ng magpanggap na masaya ako dahil hindi naman talaga ako masaya. Ayoko ng maging sunod-sunuran sa 'yo," malamig na sabi niya. "Faye..." malamlam ang mga matang sabi nito pero hindi siya madadala sa paawa nito. Ang kapal ng mukha. "Let's go para matapos na 'to." Pagod na siyang makipag-usap dito. Sawang-sawa na siya. Nakakapagod. Nang makarating sila sa bahay ng parents niya agad siyang sinalubong ng ina niya na may ngiti sa labi. "I miss you my daughter." Niyakap siya ng kaniyang ina pero wala siyang maramdamang kahit na katiting na tuwa. Kung dati nagagawa niyang tumawa at ngumiti sa harap ng mga ito, ngayon ay hindi na niya magawa. Kagaya ng sinabi niya kay Grey hindi siya ngumiti o tumawa dahil hindi naman iyon ang tunay na nararamdaman niya. "Anak, are you okay?" nag-aalalang tanong ng kaniyang ina. Mukhang napansin nito ang pananahimik niya. "Yeah, I'm okay. I'm very okay," sagot niya. "Please excuse me I need to go to the bathroom." Mabilis siyang nagtungo sa banyo. Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Hindi niya kaya. Akala niya, kaya niyang tagalan ang presensiya ni Grey pero kahit anong gawin niya ay apektado pa rin siya. Wala sa sariling kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Gab. "Please, pick me up. I'm here at my parents house." "Okay," tanging sagot nito. Huminga siya ng malalim bago bumalik sa dining. "Sorry Mom, Dad, but I need to go. Masama po talaga ang pakiramdam ko," palusot niya. Tiningnan niya si Grey na seryosong nakatitig sa kaniya. Nagtatanong ang mga mata dahil sa biglaan niyang paalam. Even her parents is asking why? "Kung gano'n sasabay na ako," sabat ni Grey ngunit agad siyang tumanggi. "No need. I can handle myself just fine." After that she went out and waited for Gab to arrived. "Faye," habol nito. "Ako ang kasama mong pumunta dito tapos iiwan mo ako. Saan ka sasakay? Gabi na." Hindi siya sumagot. After a few minutes dumating si Gab. "Let's go, Gab," malamig na aniya saka sumakay sa kotse nito. "Faye!" sigaw ni Grey sa kaniya. "Tara na, Gab." Utos niya rito. Agad naman nitong pinaandar ang sasakyan palayo kay Grey. Nagpahatid siya sa condo niya dahil ayaw pa niyang umuwi sa bahay nila dahil sigurado naman siyang doon siya pupuntahan ni Grey. "Are you really okay here?" nag-alalang tanong ni Gab. Bumuntong-hininga siya at seryosong tiningnan si Gab. "Yeah," walang emosyong tugon niya. "Thanks for the ride you can leave me now." "But Faye..." Ayun na naman ang nag-aalalang tinig nito. Gusto niyang makunsensiya dahil alam niyang gusto siya nito pero patuloy pa rin niya itong sinasaktan sa pamamagitan ng paghingi niya ng tulong. Kahit hindi nito sabihin alam niyang nasasaktan niya ito. "Please. I want to be alone. I'm okay here. Don't worry." Sinara niya ang pinto at nagkulong sa kuwarto. Nahiga siya at wala sa sariling nakatulala sa kisame. Ilang minuto din siyang nakatitig sa kisame nang marinig niyang may nag-doorbell. Hindi na niya sana iyon papansinin nang marinig niya ang boses ni Grey. "Faye open this door," malakas na sigaw nito. Dahil sa takot na makabulahaw ng ibang tao dali-dali niya itong pinagbuksan. "Ano ba—" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang bigla siya nitong hinila papasok at mabilis na naisandal sa pader. Nanlaki ang mga mata niya. "Why did you left me? Iniisip tuloy nila na may problema tayo. May usapan tayo 'di ba? Baka nakakalimutan mo." Mahigpit ang hawak nito sa braso niya. Pakiramdam nga niya ay magkaka-pasa na naman siya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata bago nagsalita, "I don't care. Just let me go. Maghiwalay na tayo!" Nakita niyang natigilan ito. "W-What?" Ngumisi siya. "Bakit? Hindi ba't iyon naman ang gusto mo. Ang mahiwalay tayo. Then fine, maghiwalay na tayo. Bukas na bukas din tatawagan ko ang abogado ko para sa annulment. Nang sa gano'n ay magkasama na kayo ng Celine mo at hindi niyo na rin kailangang magtago." "No," sigaw na naman nito. "Sasama ka sa akin." Iyon lang at kinaladkad siya nito palabas ng building. "AYOKO NGANG sumama sa 'yo, bitawan mo sabi ako!" Pilit itong kumakawala sa hawak niya ngunit hindi niya ito hinayaan. Nainis siya nang sabihin nitong maghiwalay na sila. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kaniya pero hindi niya nagustuhan ang sinabi nito kahit iyon naman talaga ang plano niya noon pa. "Sir, may problema po ba tayo?" tanong ng isang guard na nadaanan nila. Tiningnan niya ang buong paligid, kanina pa pala sila pinagtitinginan ng mga tao. "Uhm wala, asawa ko 'to may kaunting problema lang," paliwanag niya sa guard. "No, hindi ko siya asawa. Sa akin kayo maniwala, kuya guard," ani Faye dahilan para mas lalong mag-init ang ulo niya. "Tumahimik ka!" sabi niya at muling hinila palabas ang asawa. Wala ring nagawa ang mga guard nang pwersahan niyang pasakayin si Faye sa kotse. Mula sa biyahe hanggang sa makarating sa bahay, panay lang ang sigawan nila ni Faye. "Simula ngayon hindi ka na talaga pwedeng makipagkita kay Gab, naiintindihan mo ba? Pinalampas ko 'yung una at ikalawa pero ngayon hindi na." "Wow!" sarkastikong tugon nito. "Bakit pinagbawalan ba kitang makipagkita kay Celine na kabit mo," balik sigaw nito. Hindi siya nakasagot. "Ano hindi ka makasagot? Kasi totoo, 'di ba? Binibigyan na nga kita ng option eh. Maghiwalay na tayo kasi pagod na rin ako. Ayoko nang matali sa 'yo." emosyonal nitong sabi. Nag-iwas siya ng tingin. Nawala ang kaninang galit niya. "Not now." Tinalikuran niya ito at akmang aakyat na sa taas nang muli itong magsalita. "Bakit hindi pa ngayon?" Mabilis niya itong nilingon. "Dahil ayoko." Ngumiti ito nang nakakaloloko. "Ayaw mo? Niloloko mo ba ako?" "No. At kapag sinabi kong ayoko, ayoko. Kaya huwag ng matigas ang ulo mo kung ayaw mong ibalik kita sa basement," aniya kahit na ang totoo ay wala na siyang balak na pahirapan pa ito. Sumama ang mukha ni Faye sa sinabi niya. "Fine." Nagtatagis ang bagang na umalis ito sa harapan niya. Napabuntong-hininga si Grey. Kung napapagod na ito sa kaniya, napapagod na din siya. Napapagod na siya sa buhay na meron siya. Kung bakit ba kasi kailangan pang umabot sa ganito. Dalawang linggo ang lumipas, at kapansin-pansin ang pananahimik ni Faye. Hindi siya nito pinapansin o kinikibo. Ni hindi siya nito magawang tingnan. Hinayaan na lang niya dahil alam niyang may kasalanan din naman siya. Isa pa, marami pa siyang ibang iniisip. Bukod kay Faye, iniisip niya din si Celine. Ang gulo, hindi niya maintindihan ang sarili. Pero kailangan niyang mamili. Si Celine na mahal niya o Faye na asawa niya? "Manang ako na po diyan." Rinig niyang presinta ni Faye sa pagliligpit ng pinagkainan nila. "Naku, hindi na Faye magpahinga ka na lang. Tingnan mo nga ang sarili mo, namumutla ka." Tiningnan niya si Faye at totoo ngang namumutla ito. "Ayos lang naman po ako Manang." Tsked, hindi pa rin talaga nakinig. Gusto niyang sumabat sa usapan ng dalawa pero pinigilan niya ang sarili dahil baka magkasagutan na naman sila ni Faye. "Anong ayos lang," alalang sabi ni Manang. "Sige na at magpahinga ka na lang sa kuwarto mo. Ako na ang bahala dito." "Pero Manang..." Ayaw talagang magpapigil ni Faye kaya sumabat na siya. "Magpahinga ka na," aniya pero hindi siya nito pinansin, hindi ito nakinig sa kaniya. Gumawa pa rin ito kahit na mukhang may dinaramdam. Napailing siya. "Faye—" naputol ang sasabihin niya nang mangibabaw ang isang tinig. "Hello everyone!" Napalingon silang lahat sa pinto kung saan nanggaling ang boses na iyon na mabilis lumapit at yumakap sa kaniya. Celine? Anong ginagawa niya dito? Kaagad siyang napalingon sa gawi ng asawa. Nag-aalalang tiningnan niya ito. "Hindi ko alam na pupunta siya," mabilis na sabi niya. "Why are you explaining?" sarkastikong sabi ni Faye. "I don't really care if you invited her here or not. Magsama kayong dalawa. Pero kung kunting hiya kayo sa katawan, sana sa ibang lugar na lang kayo nagkita, 'di ba?" walang emosyong ani Faye bago sila nito talikuran. "Faye!" tawag niya sa asawa ngunit wala na ito sa paningin niya. Maging si Manang Linda ay wala na. Binalingan niya si Celine. "What are you doing here?" "Of course, I'm visiting my boyfriend," nakataas ang kilay na sabi nito. "Umuwi ka na, saka na tayo mag-usap." Mahinahon ngunit nagpipigil lang siya ng inis dito. "Oh na-miss lang naman kita eh!" sabi nito. "Celine hindi ito ang tamang lugar para mag-usap tayo?" Nangunot ang noo nito. "Then, where? Tsked. Ang sabihin mo, ayaw mong nakikita niya tayong magkasama. Why, Grey? Changed of heart?" Natahimik siya. "No. I just—" "Sssh," tinakpan nito ang bibig niya gamit ang isang daliri nito. "Just kiss me," lumapit ito sa kaniya bago siya hinawakan sa braso at mabilis na hinapit palapit dito. "Miss na miss na kita, lalo na sa gabi," dugtong nito. Nagsalubong ang kilay niya sa inakto ng kasintahan. Magsasalita na sana siya nang sunggaban siya nito ng halik sa labi. Namilog ang mga mata niya kasabay ng pagbagsak ng isang bagay mula sa kung saan. Napalingon silang pareho sa pinanggalingan niyon. Faye... "Dito niyo pa talaga napiling maglandian eh 'no?" Matapos sabihin iyon ay mabilis na itong umalis. Naitulak niya si Celine. "Bakit mo ginawa 'yun?" "Why? Bakit ba tila kinakabahan ka? Mabuti nga 'yun na makita niya, para malaman niyang wala siyang lugar sa puso mo. Isa pa, higit pa dito ang ginawa natin, tapos aarte ka na parang wala pang nangyayari satin," nanunuyang sabi nito. "Umalis ka na!" "Fine aalis ako," inis na sabi nito at nagdadabog na lumabas ng bahay. PAGKAKITANG pagkakita ni Faye kay Celine, nakaramdam na agad siya ng inis. Kaya minabuti niyang umalis at iwan ang dalawa. Bumalik lang siya para kumuha ng tubig nang makita niya ang mga itong naghahalikan. Masakit, sobra. Parang pinipiga ang puso niya. Habang tumatagal mas lalo niyang nararamdaman ang sakit. "Hija..." Tawag sa kaniya ng ginang. Napatingin siya rito saka agad na nilapitan at niyakap. Hinagod naman nito ang kaniyang likod. "Sige lang, iiyak mo lang. Huwag mong kimkimin ang sakit sa dibdib mo." Mas lalo siyang naiyak sa sinabi ni Manang Linda. "A-Ang sakit sakit na po. Hindi ko na po yata kaya." "Naiintindihan ko hija, magpahinga ka muna," pinahiga siya nito sa kama. "Huwag mo muna siyang isipin." Tumango lang siya saka ipinikit ang mga mata. Nagising lang siya nang makaramdam ng gutom. Tiningnan niya ang orasan at nakitang gabi na. Bumaba siya para kumain nang makita niya si Manang. "Oh hija mabuti naman at gising ka na. Kumain ka na, siguradong nagugutom ka. Ang haba ng tulog mo," nakangiting sabi nito. "Oo nga po eh," aniya. Habang kumakain naisip niya kung saan naroon ngayon ang asawa ngunit agad din niyang naalala si Celine. Siguradong magkasama na naman ang dalawa. "Kung iniisip mo kung nasaan naroon ngayon ang asawa mo, ayun at pinuntahan si Celine." Pakiramdam niya ay bumaba ang resistensya niya sa narinig. Hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot. "Huwag ka ng malungkot, darating din ang araw at mahahanap mo ang taong totoong magmamahal sa 'yo. Iyong ituturing kang parang prinsesa. Hindi kagaya nang ginagawa ng asawa mo," sabi nito habang abala sa ginagawa. Siguro nga tama si Manang baka nga hindi si Grey ang para sa kaniya. Pero hangga't kasal siya kay Grey hindi siya magiging masaya.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 46 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (26)
Ramil Ngitngit
Ganda naman.Worth reading.
12/12/2024
0
Canuel AntolinClarisa
jovcgocdjpobbbogfxbdyzjczvxjglhkbgivhklpjvffnollgvgtflpj hfdsbplvfsdkobgflonhgkpjhtrmokjhhlpnbhfjplhghibdosdv tepzxbxodhjgfosoejejwueijwueueueueueueeueueueueueueueueueueueueuueueueeueueueueueueueueueueyeueueueujdhdjdhriaosjakdidbsjochdndkdojsjdignensj by nejigusjdhgnK she's Fjjkdjujsjfurjsj cc ejdjxjosojdjeskjm do ixujau see u gf eicudnsnZkfjjxjjdi the wj address shxbnxfnfj wag rjjdjdjdjdjdjxdjjdndkmxnnfnffndbfhdbdhfbdbdbdhdbdhdbbddndndbdjdkchrndhdidindbrmdodjfbdndjtjfnsjuxdjndjrjdjdkrnndppwpemk
Ganda naman.Worth reading.
12/12/2024
0jovcgocdjpobbbogfxbdyzjczvxjglhkbgivhklpjvffnollgvgtflpj hfdsbplvfsdkobgflonhgkpjhtrmokjhhlpnbhfjplhghibdosdv tepzxbxodhjgfosoejejwueijwueueueueueueeueueueueueueueueueueueueuueueueeueueueueueueueueueueyeueueueujdhdjdhriaosjakdidbsjochdndkdojsjdignensj by nejigusjdhgnK she's Fjjkdjujsjfurjsj cc ejdjxjosojdjeskjm do ixujau see u gf eicudnsnZkfjjxjjdi the wj address shxbnxfnfj wag rjjdjdjdjdjdjxdjjdndkmxnnfnffndbfhdbdhfbdbdbdhdbdhdbbddndndbdjdkchrndhdidindbrmdodjfbdndjtjfnsjuxdjndjrjdjdkrnndppwpemk
08/12/2024
0kkbv
27/10/2024
0Ver Todos