HUMAHANGOS na pumasok si Grey ng ospital kung saan naroon ngayon ang asawa niya. Nagtanong siya sa nurse station kung anong room number ni Faye. At halos takbuhin niya ang kuwarto nito sa sobrang pag-aalala. Nang makapasok sa loob, agad niyang nakita si Manang na nakabantay sa natutulog na si Faye. Naantig ang konsensiya niya sa nakitang kalagayan ng asawa. Naka-benta ang ulo nito at may ilang galos sa braso. Wala sa sariling nilapitan niya ito at doon pa lang siya nakita ni Manang. "Grey, pasensiya ka na kung ikaw ang tinawagan ko. Wala pa ang mga magulang niya dito sa pilipinas kaya sa 'yo ako tumawag. Wala naman akong contact sa magulang mo at sa sobrang taranta hindi ko na malaman ang gagawin," lumuluhang sabi nito dahilan para maisip niya na gano'n ba siya kawalang kwenta pagdating kay Faye. Na wala siyang pakialam sa asawa niya para hindi nito maisip na tawagan siya. Mukhang malalim na ang sugat na iniwan niya sa mga ito, na akala niya ay maliit na bagay lang. Kung sabagay, hindi naman talaga katanggap-tanggap ang mga ginawa niya kay Faye. "Okay lang Manang, paano niyo pala siya nadala dito?" Pag-iiba niya sa usapan. Wala silang driver kaya mahirap para kay Manang na dalahin sa ospital ang asawa niya. "Si Gab, mabuti na nga lang at bumalik ang batang 'yun sa bahay," simula nito saka muling tiningnan ang natutulog na si Faye. "What do you mean Manang?" Ang lalaking iyon na naman. Magkasama ba sila? "Magkasamang umuwi ang dalawa sa bahay. Hinatid niya si Faye. Kakaalis lang ni Gab sa bahay nang dumating si Celine. Nag-away ang dalawa at hindi sinasadyang naitulak nito si Faye. Sakto namang bumalik si Gab dahil may nakalimutan daw ito," she explained. "Kaagad naming dinala sa ospital si Faye nang makita naming wala siyang malay." Naikuyom niya ang mga kamao sa galit. Sinasabi na nga ba, pero ang mas nagpa-inis sa kaniya ay ang kaalamang ang lalaking iyon ang nagdala sa asawa niya sa ospital. Bakit sila magkasama? Bakit nasa labas ng bahay si Faye? "Aalis po muna ako Manang," paalam niya. Hindi niya alam kung para saan ba ang galit na iyon. Bakit sobra-sobra ang concern niya kay Faye na palagi naman niyang sinasaktan. Kung tutuusin ay mas sobra ang ginawa niyang pananakit dito. "Celine let's talk!" sigaw niya nang nasa labas na siya ng unit ni Celine habang panay ang katok. "Mag-usap tayo!" "Hey babe you miss me? Isang linggo kang hindi nagpakita sa akin," sabi nito nang pagbuksan siya ng pinto. Hindi niya ito sinagot. Mabilis niya itong hinawakan sa mga braso. "What did you do? Huh?" He shouted at her in so much anger. Nangunot ang noo nito. "Are you mad?" "Obviously, yes!" matigas na tugon niya. Nanggigigil siya kaya hindi niya napansin ang mahigpit na hawak niya sa braso nito. "Why? Aren't you happy? Malapit ng matupad ang hiling mo na magkahiwalay kayo." "What?" Nagulat siya. "You seemed shocked?" nakangiting aniya. "Hindi ba iyon naman ang plano mo, ang pahirapan siya. Iyon nga lang masyado akong nainip kaya ako na ang gumawa ng paraan. Masyado ka kasing mabagal." "Anong sinabi mo sa kaniya?" "Nothing important, sinabi ko lang naman na hiwalayan ka na niya dahil hindi mo siya mahal at ako ang mahal mo." Lumayo ito sa harap niya bago muling nagsalita at humarap sa kaniya. "At alam mo ba ang naging reaksyon niya? She looks hurt. I can see the pain in her eyes. Pero kahit gano'n nagawa pa rin niyang lumaban. Sabi niya 'I am just your mistress' kaya nainis ako and I accidentally push her kaya nahulog siya sa hagdan." 'She looks hurt. I can see the pain in her eyes.' What does that mean? Did she liked me or did she love me? "I think she like you or maybe in love with you." Natigilan siya at hindi nakapag-salita sa sinabing iyon ni Celine. Pinakalma niya ang sarili saka seryosong tiningnan si Celine. "Hindi mo dapat sinabi sa kaniya ang bagay na iyon," malamig na sabi niya. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang sinabi nito kaya minabuti niyang huwag na lang sagutin 'yun. "Why not? Para magising siya sa katotohanan na hindi mo siya mamahalin kahit na kailan, anong masama do'n?" He signed in frustration. "Mabuti pa huwag na muna tayong magkita. Kailangan ko siya bantayan." Iyon lang ang sinabi niya bago ito talikuran. Walang lingon-likod na iniwan niya ito. "What? Bakit mo gagawin iyon? Hayaan mo na siya, aasa lang 'yun sa wala." Hindi niya ito sinagot o nilingon. Dire-diretso lang siya palabas ng unit nito. "Grey, come back here!" sigaw nito bago siya makapasok sa elevator. Bumalik siya ng ospital upang tingnan ang lagay ni Faye. Ngunit gano'n pa rin ito. Wala pa rin itong malay nang dumating siya. "Nagising na siya kanina," simula ni Manang. "Pero nakatulog siya ulit, ang sabi ng doktor masama daw ang pagkakabagsak niya kaya matatagalan siya dito," malungkot na sabi ni Manang. "Gano'n po ba?" Kasalanan niya 'to. "Kung gano'n bakit hindi po muna kayo umuwi sa bahay para magpahinga, ako na po muna ang bahala sa kaniya." Suhesyon niya habang nakatingin kay Faye na mahimbing na natutulog. "Sigurado ka ba?" may pagdududang tanong sa kaniya ni Manang. "Opo." Hindi niya maalis ang tingin kay Faye. Nasasaktan siya na nakikita niya ito sa ganoong kalagayan. Bakit ganito ang nararamdaman niya. Alam niya sa sarili na si Celine ang mahal niya pero bakit ganito. "Oh siya sige, ikukuha ko na rin ng gamit si Faye. Matatagalan pa naman bago siya lumabas." Tumango siya at nang makalabas ang ginang, kaagad siyang lumapit sa asawa. Hinaplos niya ang pisngi nito. I'm sorry Faye. It's all my fault. Nakatitig lang siya dito hanggang sa makatulugan niya ang paghihintay na magising ito para kausapin. Nagising na lang siya nang makarinig ng hikbi. Umayos siya ng tayo at nakita niya ang asawang humihikbi. "Faye..." Nakaramdam siya ng habag para dito. She's crying at walang tigil ang pagluha nito. "Faye, what's wrong?" "Umalis ka dito!" malakas na sigaw nito na siyang kinagulat niya. "Ayaw kitang makita. Umalis ka!" "Faye, please kumalma ka." Awat niya dito nang akmang aalis ito sa kama. It pains him seeing his wife crying like that. What's wrong with him? "Leave me alone. I don't want to see your face!" sigaw pa rin nito. Paulit-ulit lang ang sinasabi nito habang pinipigilan niya ang pagtangka nitong pag-alis sa kama. Nasa ganoon silang sitwasyon nang dumating si Manang. "Leave me alone!" "Diyos ko Faye," agad nitong inalalayan ang nagwawalang si Faye. "Mabuti pa hijo lumabas ka muna." Baling nito sa kaniya. "Ayaw na kitang makita. Iwanan mo na ako. Wala na akong pakialam sa 'yo. Sumama ka na sa kaniya. Leave me alone. I don't need you here. Ayoko na please... umalis ka na." Wala siyang nagawa kundi ang lumabas. Hindi niya alam pero may pakiramdam siyang may nagbago sa kanila ni Faye. At ang pakiramdam na iyon ang bumabagabag ngayon sa kaniya. Sinabi ni Faye na umalis siya pero hindi siya umalis. Nanatili lang siya sa may pinto. Naririnig niya mula sa labas ang iyak nito pero wala siyang magawa upang patahanin ito. Alam ng Diyos kung gaano niya kagustong lapitan ang asawa niya ngunit natatakot siyang ipagtabuyan na naman siya nito. Mula nang may mangyari sa kanila ni Faye, inaamin niyang apektado siya. Hindi ito mawala sa isip niya. Maging ang nangyari nang gabing iyon ay tandang-tanda niya. Malinaw na malinaw pa sa sikat ng araw. Sinulyapan niya ang pinto na para bang tumatagos ang tingin niya at nakikita roon ang asawa. Mukhang alam na niya kung bakit siya nagkakaganito. Pero dahil sa nangyari malabong maintindihan siya nito. Habang tulala siyang nakatayo doon natanaw niya si Gab na papalapit sa kaniya. "Nandito ka pala," sarkastikong anito. "Mukhang may pakialam ka ngayon sa kaniya." "Wala akong panahon makipag-usap sa 'yo." Inis na umalis siya at iniwan ito. Bwesit. Bwesit. Bwesit. UMIIYAK lang si Faye hanggang sa makalabas si Grey. It's really hurts. She can't take it anymore. What she said that day is really painful. She already knew that she's just his wife in paper pero masakit pa rin pa lang marinig sa mismong bibig nito na hindi siya mamahalin ni Grey. Not even in her dreams. Ayaw na niya. Sukong-suko na siya. "Hija, ayos ka lang ba?" Mabuti na lang at nandito si Manang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Pinahid niya ang luha at pilit na ngumiti. "Ayos na po ako Manang." Ngunit ang puso niya ay tila pinira-piraso ng pino sa sobrang sakit na nararamdaman niya. "Manang can we go home na. I'm okay now, sa bahay na lang po ako magpapagaling." "Faye, hindi ka pa magaling. Mahina ka pa. Mas makakabuti kung dumito ka muna kahit dalawa pang araw. Nandito naman ako aalagaan kita." Napangiti siya. "Thank you po pero gusto ko na po talagang umuwi." Bumuntong-hininga ito. "Sige, titingnan ko kung papayagan ka ng doktor na makalabas ngayon." "Salamat po," tumango lang ito saka lumabas at nang makasalubong si Gab na papasok ay agad nitong inilingan ang binata kaya walang nagawa si Gab kundi ang lumabas. Nang maiwan siyang mag-isa. Doon niya naalala ang mga nangyari, kung bakit siya nahulog sa hagdan. FLASHBACK "Where's Grey?" tanong ni Celine sa kaniya ng pagbuksan niya ito ng gate. "I don't know where he is," sagot niya. Hindi naman talaga niya alam kung nasaan ito dahil isang linggo na itong hindi umuuwi. "Huwag ka ngang sinungaling. Nasaan siya? Ibalik mo siya sa akin," sigaw nito sabay tulak sa kaniya. Napaupo siya sa semento at hindi man lang ito nag-abalang tulungan siyang makatayo. Basta na lang itong pumasok at umakyat sa taas kung saan naroon ang kuwarto ni Grey. "Grey, lumabas ka, huwag mo akong pagtaguan," muling sigaw nito at paulit-ulit na tinawag si Grey. Naiinis na sinundan niya ito. "Wala nga siya dito. Isang linggo na siyang hindi umuuwi," pagalit ding sigaw niya dahil naiinis na siya sa babaeng ito. Ang kapal naman ng mukha nitong pumunta dito. "Aba tingnan mo nga naman oh!" humarap ito sa sa kaniya. "Nagagalit ka? Pwes walang kwenta 'yan. Alam mo kung bakit? Dahil asawa ka lang niya sa papel. Kahit kasal kayo, ako pa rin ang mahal niya. Naiintindihan mo ba? He will never love you. Ako lang ang mahal niya kaya huwag ka ng umasa na mamahalin ka din niya." Aaminin niyang nasaktan siya sa sinabi nito. Matagal na niyang alam iyon pero bakit nasasaktan pa rin siya. "Are you hurt Faye? Oh my god! Do you love him? Oh sorry my bad," ngumiti ito pero halatang peke. Hindi siya sumagot. Para ano pa? Para magmukha siyang tanga sa harapan ng babaeng mahal na mahal ng asawa niya. "Nga pala may gusto akong sabihin sa 'yo," She smiled. "Gusto mo bang malaman iyong mga bagay na ginagawa namin ni Grey sa tuwing magkasama kami, iyong kami lang talaga. As in kaming dalawa lang sa iisang kuwarto. Magkasama at magkayakap," makahulugang sabi nito. "Tama na," sigaw niya. "Hahaha bakit ayaw mo bang malaman? Na may nangyayari sa amin sa tuwing magkasama kami. Baka nga by this time nakabuo na kami. What do you think?" Naghari ang galit sa puso't isip niya. Bakit ang sakit? Is it because she's in love with him, with her husband. Siguro nga and she's not just falling. She's deeply and mandly in love with him. That's why she's now hurting. Hinarap niya si Celine. "I know, I'm just his wife in paper. But I have all the right to be mad right now. He's my husband. Sa mata ng batas, ako pa rin ang legal na asawa. You're just his mistress. Kahit pa ikaw ang una at mahal niya. Kabit ka lang, naiintindihan mo ba, kabit ka lang." Nakita niya ang pagtiim ng bagang nito at hindi niya inaasahanng itutulak siya nito dahilan upang mawalan siya ng balanse at mahulog sa hagdanan. "Ahhhh!" malakas at nakakabinging sigaw niya. "Hayop ka," inis na sabi ni Celine. "Faye!" rinig niyang sigaw ni Manang bago siya tuluyang mawalan ng malay. END OF FLASHBACK Gusto na naman niyang maiyak sa alaala na 'yun. Pero pinapangako niyang ito na ang huling beses na iiyak siya. Kakalimutan na niya ito at sisiguraduhing hindi na siya masasaktan sa lahat ng mga sasabihin nito. Kailangan niyang maging matapang. Hindi niya hahayaang masaktan na naman siya sa ikalawang pagkakataon. Kagaya ng hiling niya. Nakalabas siya ng ospital nang araw ding 'yun kahit na hindi pa mabuti ang lagay niya. Giniit talaga niyang makalabas agad dahil pakiramdam niya ay lalo lang siyang magkakasakit kung mananatili siya roon. Mabuti na lang talaga at hindi nagpapakita sa kaniya si Grey. Wala ito sa bahay nang dumating sila. Baka nga hindi nito alam na nakauwi na siya. Siguradong masaya ito ngayon kasama ng babaeng 'yun. Alam niya naman kung saan ito naglalagi. Saan pa ba eh di kay Celine. Palagi na lang si Celine. Magsama sila. She was now busy eating her lunch when her phone rang. It was her Mom. "Hello, Mom." "Hello anak, we're home and we want you to come over here with your husband," masayang sabi nito. Mukhang walang alam ang mga ito tungkol sa nangyari sa kaniya. Good. "Why?" Sa totoo lang wala siyang ganang lumabas ngayon ng bahay. "Anong why? Of course na-miss ka namin. Kaunting salo-salo lang naman. Alam na ito ng asawa mo. Hihintayin ka namin okay bye." "Wait mom—" binabaan na siya nito. Anong gagawin niya ngayon? Ayaw niyang makasama si Grey. Napapikit siya sa inis.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 50 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (26)
Ramil Ngitngit
Ganda naman.Worth reading.
12/12/2024
0
Canuel AntolinClarisa
jovcgocdjpobbbogfxbdyzjczvxjglhkbgivhklpjvffnollgvgtflpj hfdsbplvfsdkobgflonhgkpjhtrmokjhhlpnbhfjplhghibdosdv tepzxbxodhjgfosoejejwueijwueueueueueueeueueueueueueueueueueueueuueueueeueueueueueueueueueueyeueueueujdhdjdhriaosjakdidbsjochdndkdojsjdignensj by nejigusjdhgnK she's Fjjkdjujsjfurjsj cc ejdjxjosojdjeskjm do ixujau see u gf eicudnsnZkfjjxjjdi the wj address shxbnxfnfj wag rjjdjdjdjdjdjxdjjdndkmxnnfnffndbfhdbdhfbdbdbdhdbdhdbbddndndbdjdkchrndhdidindbrmdodjfbdndjtjfnsjuxdjndjrjdjdkrnndppwpemk
Ganda naman.Worth reading.
12/12/2024
0jovcgocdjpobbbogfxbdyzjczvxjglhkbgivhklpjvffnollgvgtflpj hfdsbplvfsdkobgflonhgkpjhtrmokjhhlpnbhfjplhghibdosdv tepzxbxodhjgfosoejejwueijwueueueueueueeueueueueueueueueueueueueuueueueeueueueueueueueueueueyeueueueujdhdjdhriaosjakdidbsjochdndkdojsjdignensj by nejigusjdhgnK she's Fjjkdjujsjfurjsj cc ejdjxjosojdjeskjm do ixujau see u gf eicudnsnZkfjjxjjdi the wj address shxbnxfnfj wag rjjdjdjdjdjdjxdjjdndkmxnnfnffndbfhdbdhfbdbdbdhdbdhdbbddndndbdjdkchrndhdidindbrmdodjfbdndjtjfnsjuxdjndjrjdjdkrnndppwpemk
08/12/2024
0kkbv
27/10/2024
0Ver Todos