logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 5

ALGEBRA
Tinitigan ako nito ng ilang minuto bago walang pasabing hinila ako. Pinilit kong tanggalin ang kamay niyang nakahawak sa braso ko ngunit mas lalo lamang niyang hinigpitan iyon.
“Ano ba! Saan mo ‘ko dadalhin?” galit kong tanong habang patuloy pa ring tinatangkang alisin ang kamay niyang nakahawak sa akin.
“Sa libingan mo,” walang emosyon niyang sabi.
Doon ako tuluyang sinalakay ng kaba. Ito na ba ang sinasabing motto ni Luna tungkol sa lalaking ito? Papatayin niya na ba ako? Gagawin niya na ba akong abo?! Hell no!
“Sabing bitawan mo ‘ko!” sigaw ko sa kanya at buong pwersang kinuha ang kamay ko mula sa kanya.
Nilingon ako nito at agad akong natakot sa itsura niya ngayon. Walang emosyon ang kanyang mga mata, tila pinapatay ako nito sa paraan ng pagtitig niya sa akin, at kung nakakamatay man ‘yun ay sigurado akong nakabulagta na ako ngayon dito. Gano’n na ba kalaki ang galit niya sa akin?
Laking gulat ko noong alisin nito ang bag na nakasabit sa kanyang balikat at walang pasabing ibinato ‘yun sa akin. Mabilis ko itong nasalo bago tignan iyon.
“Anong gagawin ko dito?” nakataas ang kilay kong tanong habang nanatili pa rin ang tingin sa hawak kong bag ngayon.
“Ikaw ang magbitbit niyan. Mahuhuli na tayo sa klase, tara na,” aya niya.
Bago pa man ito makalagpas sa akin ay mabilis muli ako nitong hinarap.
“This time sasama ka na sa akin kung ayaw mong isumbong kita kay headmistress Dahlia, masungit pa naman ‘yun sure akong paparusahan ka,” pahabol niya.
Napatitig ako ng ilang minuto sa kanyang likuran habang nakaawang ang labi dahil sa gulat. Tila ba ayaw tanggapin ng utak ko ang sinabi niya. Napakasama ng ugali niya! Gusto ko muling dagdagan ang pasa niya sa mukha!
Labag man sa kalooban ko ay mas pinili ko pa ring sumunod sa kanya. Padabog kong isinakbit ang bag niya na tila ba sinadya niyang lagyan ng maraming gamit upang mahirapan ako sa pagdadala.
Wala nang estudyante sa pasilyo noong nakarating kami sa third floor, siguro ay nag-umpisa na ang kanilang mga klase at sigurado akong late na kami ng kasama ko ngayon.
“Sa algebra tayo,” basag niya sa katahimikan.
“Bakit doon?” kinakabahan kong tanong.
Aaminin kong hindi ako gaanong kagaling pagdating sa algebra. Kahit na aralin ko ito ay wala pa rin akong naiintindihan. Isa ito sa mga rason kung bakit ako tumigil sa pag-aaral noong junior high school pa lamang ako.
“‘Yun lang ang available ngayon na normal subject para sa atin,” paliwanag niya habang nakatingin pa rin sa daan.
“H-Hindi na lang ako papasok,” mahina kong sabi ngunit sapat upang marinig niya.
“Why? Is there a problem?” mapang-asar niyang tanong at bahagya pang yumuko upang matignan ang mukha ko.
“W-Wala naman. A-Ano lang, k-kasi—”
“Papasok tayo,” nakangisi niyang sabi bago hawakan ang kaliwang kamay ko at isinunod ang bag niyang nakasabit sa balikat ko.
Dahil sa gulat ay hindi agad ako nakagalaw. Nagtuloy kami sa paglalakad patungo sa algebra class at habang palapit kami nang palapit doon, ay siyang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Ang kamay kong hawak niya ay namamawis na at sigurado akong ramdam niya ang kaba ko ngayon! Plinano niya ba ito? Manghuhula ba siya at nalaman niya kung ano ang kahinaan ko? Damn him!
Pagdating namin sa silid ay mabilis pa sa alas kuwatrong napatingin sa amin ang lahat ng estudyante, maging ang professor na nagtuturo sa harapan ay natigil rin dahil sa biglaang pagdating namin. Mabilis akong napaiwas ng tingin at pilit na itinatago ang mukha sa lahat habang ang kasama ko naman ay masyadong papansin.
“O-Omg?!” gulat na saad ng isang estudyante habang nakatingin sa kamay namin ng kasama ko.
Unti-unti kong sinundan ang kanyang tinitignan at doon ko napagtantong magkahawak kamay pa rin kami hanggang ngayon! Geez! Ang hiyang nararamdaman ko kanina ay mas lalong nadagdagan at alam ko sa sarili kong pulang-pula na ang mukha ko ngayon!
This guy is very dangerous! It was just my first day but he had already brought me to shame! Bakit kasi kami magka-holding hands!
Bago pa man makapag-react ang mga tao ay mabilis ko na itong tinanggal at dire-diretsong umupo sa bakanteng upuan. Naiwan sa pinto si Xanthus na tila ba amaze na amaze sa naging reaksyon ng mga tao dahil sa eskandalong ginawa niya mismo.
You making me angry blonde hair!
Tumatawang umupo sa bakanteng upuan si Xanthus at binigyan pa ako ng matamis na ngiti bago tuluyang makaupo. Mabilis akong napairap dito at itinuon na lamang ang atensyon sa harap. May narinig pa akong bulungan sa likuran ko ngunit hindi ko na sila inabalang lingunin pa. Kailangan kong makinig lalo na at math ang pinag-uusapan.
-
“Naintindihan niyo ba class?” nakangiting tanong ng professor noong mahigit isang oras itong nagturo.
Mabilis na sumang-ayon ang lahat maliban sa akin. Nakatitig lamang ako sa blackboard habang pilit na iniintindi ang kanyang itinuro kanina. Honestly wala talaga akong naintindihan!
“Dahil naintindihan niyo, magbibigay ako ng test paper na sasagutan niyo, the deadline is tomorrow,” nakangiting sabi ng professor.
Bukas agad?!
Isa-isa niyang ibinigay ‘yun sa amin at ang lahat ay na-excite maliban ulit sa akin. Bored kong tinignan ang papel na nasa harapan ko ngayon bago ito pasadahan ng tingin.
“See you tomorrow, class!”
Nakabusangot akong lumabas ng room habang nakatingin sa test paper na hawak ko. Paano ko masasagutan ang lahat ng ‘to! Gusto ko nang umiyak noong mabasa ang unang tanong. Nakakadugo ng ilong!
“Ito pa”
Gulat akong napatingin sa lalaking naglapag ng iba pang test paper sa kamay ko. Tinignan ko ang lahat ng iyon bago kunot noong mag-angat ng tingin sa taong naglapag nito.
“Aanhin ko ‘tong mga ito?” nakataas ang kilay kong tanong habang nakaturo sa mga test paper na ibinigay niya kanina lang.
“Tinatamad kaming magsagot ng mga kaibigan ko, kaya naisip kong ikaw na lang ang masagot para sa amin,” nakangiti niyang sagot.
Dahan-dahan akong napakurap-kurap habang nakatingin kay Xanthus na nakangisi lamang sa harapan ko ngayon.
“Ito ba ang paraan mo ng paghihiganti sa akin? Ang pahirapan ako?” tanong ko.
“Maybe yes?” hindi sigurado niyang tanong kaya napairap ako roon.
“Hanggang kailan mo ako papahirapin?”
“Let’s have a deal. Kung masagutan mo lahat ng iyan nang walang mali, titigilan na kita,” nakangisi niyang tanong bago ilagay ang dalawang kamay sa bulsa.
“At kung hindi?” tanong ko.
Binasa nito ang labi at nag-isip kaya napatitig ako roon ng ilang minuto. He’s hot but he’s a devil from hell, Brielle.
“I will be your master and you will obey everything I command”
“Kung iyon ang paraan para maitaboy ko ang masamang elementong gaya mo, then why not ‘di ba?” nakangiti kong bigkas.

Comentário do Livro (67)

  • avatar
    DeguzmanAdrian

    thank you so much

    03/08

      0
  • avatar
    Aljun Estelloro

    THISIS GOOD

    28/07

      0
  • avatar
    Marc Adrienne D Galvan

    Ang Ganda nang story na ginawa nila dahil dito my natutunan ako sa bohay ko

    11/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes