logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 2

FIRST DAY IN THE ACADEMY
“Since pinilit ka naming mag-aral rito ay magiging scholar ka ng Academy,” nakangiting sabi ni headmistress Dahlia habang nakaupo ito sa swivel chair sa aking harapan.
“Paaaralin niyo po ako?” may halong galak sa aking tonong tanong.
They both nodded.
“Luna will guide you from the dorms to your classes,” nakangiting sabi ni headmistress Sonya at itinuro ang isang babaeng pumasok kanina sa opisina.
Ngumiti ito sa akin at kumaway kaya nahihiya akong kumaway dito pabalik. Iginala ko sa huling pagkakataon ang aking tingin sa malawak na opisina bago tuluyang lumabas. Naunang naglakad si Luna habang nakasunod lamang ako sa kanyang likuran. May ilang estudyanteng napapatingin sa amin habang ang iba naman ay napapataas ang kilay. We both ignored it until we got out of the building. Nakangiti ako nitong hinarap kaya mabilis akong ngumiti rito pabalik.
“I’m Luna, and you are?” tanong niya habang nanatiling nakapaskil sa kanyang labi ang isang malawak na ngiti.
Her black hair is just above her shoulders and her eyes are chinky, while she wore thick eye glasses.
“A-Ako si Brielle,” pagpapakilala ko.
“Brielle... strong woman of God, huh?” nakangiti niyang tanong kaya napakurap-kurap ako ng tatlong beses.
Is that what my name means?
“So what’s your power?” tanong niya noong nag-umpisa kaming maglakad.
Taka akong sumulyap sa kanya at hindi agad nakasagot sa kanyang tanong. Naramdaman niyang naguluhan ako sa sinabi niya kaya naman humarap ito sa akin habang nakangiti pa rin.
“Power, kapangyarihan! Anong kapangyarihan mo?” ulit niya kaya lalong kumunot ang aking noo.
“W-Wala akong kapangyarihan,” mahina kong sabi.
Unti-unting naglaho ang ngiti niya noong marinig ang aking isinagot sa kanya, tumitig ito ng ilang minuto sa akin bago malakas na tumawa. Naguguluhan ko itong tinignan habang halos mamatay na ito sa kakatawa.
“I-Imposibleng wala kang kapangyarihan, paano ka nakapasok dito?” natatawa niya pa ring tanong.
Mabilis akong natahimik dahil sa kanyang sinabi. Mas humigpit lalo ang pagkakahawak ko sa laylayan ng aking damit habang nakatingin sa kanyang naghihintay lamang ng aking sagot. Powers isn‘t real, kathang isip lamang iyon ng mga tao, but why is she not joking that the power over them is real?
“Anyway! Ituturo ko sayo kung saan ang room mo! Baka sakaling roommate mo ako!” basag niya sa katahimikan noong tahimik lamang ako.
Mabilis ako nitong hinila patungo sa isa pang building, may ilang estudyante kaming nalalagpasan at napapatingin sa akin dahil sa hindi pamilyar kong mukha. Binaliwala ko lamang iyon at sumabay sa takbo ni Luna.
“This building is our dormitory, girls dormitory to be exact,” she said, I slowly nod.
Sumakay kami ng elevator at may pinindot ito doon bago ko maramdamang umaakyat na kami. Inabot ng ilang minuto ang tagal ng paghihintay namin hanggang sa bumukas na ito. Mabilis ako nitong hinila palabas at tumigil dahil may kinuha ito sa kanyang bulsa.
“Ay...” nanlulumo niyang sabi noong mabasa ang nakasulat sa papel.
“Bakit?” nagtataka kong tanong.
“Hindi tayo roommate,” sagot niya at ramdam ko sa boses niya ang lungkot.
“That’s okay,” nakangiti kong sabi kaya mabilis itong napaangat ng tingin sa akin.
“Tsk! Sayang,” saad niya kaya bahagya akong natawa dahil pareho sila ni Noah kung malungkot.
“So saan ang room ko?” tanong ko habang inililibot ang aking tingin sa makipot na pasilyo.
“I’ll show you!” sabi ni Luna sabay hila sa akin, bumalik na ulit ang sigla nito.
Tumigil kami sa isang pinto kaya pinagmasdan ko ito ng ilang minuto. Makaluma ang disensyo ng pinto at may nakaukit na room number dito, gano’n rin ang ibang pintong katabi nito. Matapos buksan ni Luna ang pinto ay agad ako nitong hinila papasok. Mabilis kong iginala ang aking tingin sa kuwarto at napanganga na lamang dahil sa ganda nito. Puti ang kulay ng kuwarto, habang marmol naman ang sahig na tinatapakan namin ngayon. Sa sulok ng kuwarto naroon ang malaki at sa tingin ko’y pinakamalambot na kamang nakita ko sa tanan ng buhay ko. Mayroon ring study table at malaking aparador na sa tingin ko ay bago pa lamang.
“Nagustuhan mo ba itong kuwarto mo, Brielle?” nakangiting tanong ni Luna.
Mabilis akong tumango.
“Sana nandito rin si Noah para makita niya ang lahat ng ‘to,” bulong ko habang hindi matanggal-tanggal ang tingin sa magiging kuwarto ko.
“Nasa aparador mo na ang uniform mo, hihintayin kita sa labas pagkatapos mong mag-ayos,” nakangiting paalam ni Luna.
Tumango ako rito bago pa man ito makalabas ng kuwarto. Iginala ko muli ang aking tingin sa loob bago dahan-dahang naglakad patungo sa aparador. Binuksan ko ito at tumambad agad sa akin ang mga damit at uniform. Kinuha ko ang uniform at pinasadahan ito ng kamay ko. I love their uniform, dark blue skirt, black shoes and white socks. Black long sleeves and white necktie. Mabilis ko itong isinuot at agad na nagtungo sa harap ng salamin upang tignan ang kabuoan ko. Agad na nanlaki ang aking mga mata habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. The uniform is exactly right for me so the shape of my body appears. Kinuha ko ang suklay na nakalapag sa mesa at dahan-dahang sinuklay ang aking buhok. Napangiwi pa ako noong nagkabuhol-buhol ang ilang hibla ng buhok ko dahil sa sobrang gulo nito. Noong natapos ay mabilis akong lumabas ng kuwarto. Inilugay ko lamang ang mahaba kong buhok gaya ng kinaugalian ko.
Tulad ng sinabi ni Luna, nasa labas lamang ito ng kuwarto at naghihintay sa paglabas ko. Mabilis itong ngumiti sa akin noong nakita ako, agad nitong pinasadahan ng tingin ang kabuoan ko bago nakaawang ang labing ibinalik ang tingin sa akin.
“B-Bagay ba sa akin?” natataranta kong tanong.
Nanatiling nakaawang ang kanyang labi bago dahan-dahang tumango.
“Ang ganda mo, Brielle!” tili niya bago tumakbo papunta sa akin.
Muli nitong tinignan ang kabuoan ko at muling tumili.
“You look like goddess!” she exclaimed.
I rolled my eyes.
“Don't joke, I might believe,” I said.
Napangiwi ako noong mahina ako nitong hinampas, mahina lamang iyon ngunit masakit ‘yun para sa akin. Pagbaba namin sa dormitoryo ay agad kaming nagtungo sa pinakamalaking building. Hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa laki’t ganda ng paaralang ito, ngayon lamang ako nakakita ng paaralang ganito kalawak.
“And this is our building,” turo niya rito.
Nagtungo kami sa elevator at hinintay na bumukas iyon.
“Bago ba siya?” narinig kong tanong ng isang estudyante sa kasama niya.
“Oo ata”
Bahagya ko silang sinilip at nahuli ko silang nakatingin sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanila at itinuon na lamang sa harap ang aking atensyon. Masyado ba akong kaagaw-agaw ng pansin?
“Ano kayang kapangyarihan niya?” narinig ko muling tanong ng isa.
Napailing na lamang ako sa aking isip dahil sa kanilang sinabi. Maybe I need to accept that power is really exist. Noong bumukas ang pintuan ng elevator ay mabilis kaming lumabas ni Luna roon. Nakasunod lamang ako sa kanya habang pinapakinggan ang kanyang sinasabi.
“Ito ang classroom ng mga time travels,” turo niya sa isang malawak na classroom na may ilang estudyante nang naroon.
Sumilip ako roon at mabilis na lumapit ang mga kalalakihang nakakita sa akin doon kaya agad na nanlaki ang aking mga mata noong napalibutan na nila ako.
“Miss may hinahanap ka?” nakangiting tanong ng isa.
“Baka ako ang hinahanap niya,” wika pa ng isa habang nakangisi sa akin kaya mabilis akong lumayo sa room nila.
“Ganyan talaga ang mga time travels,” natatawang sabi ni Luna noong nakalapit ako sa kanya.
Napailing na lamang ako bago lingunin ang mga lalaking lumapit sa akin kanina. Nakatingin pa rin sila sa akin habang ang mga mata ay nang-aakit. While the others were still flying kisses at me. Geez! Lahat ata ng balahibo ko sa katawan ay biglang tumaas dahil sa kanila. Parang mga nakatas sa mental.
“Ito naman ang classroom ng mga elemental control,” turo niya sa isa pang classroom.
Sumilip ako roon ngunit tanging bakanteng upuan lamang ang nakita ko, walang niisang anino ng tao.
“Bakit walang estudyante?” nagtataka kong tanong.
“Only five percent of our world has this power,” she said.
Napatango-tango ako, muli kaming naglakad sa pasilyo ngunit bago pa man ako makasabay sa paglalakad ni Luna ay mabilis na akong bumagsak sa sahig. Agad kong hinawakan ang aking braso, It’s hurts dahil ito ang naitukod ko upang hindi masubsob ang mukha ko sa sahig.
“Brielle!” narinig kong tili ni Luna.
Bago pa man ako nito malapitan ay mabilis akong tumayo at agad na kwinelyuhan ang lalaking pumatid sa akin.
“Bulag ka ba?!” galit kong sigaw sa mukha niya.
Umangat ang tingin niya sa akin at bored akong sinalubong ng itim niyang mga mata. Doon ko lamang napagmasdan ang maangas niyang mukha. From the perfect shape of his face to his pitch black eyes, sharp nose and reddish lips. Kung sa iba ay pinalampas lamang ang ginawa niya pwes sa akin hindi! Hindi pa rin mabubura ng gwapo niyang mukha ang ginawa niya sa akin!
“Hindi,” simpleng sagot niya.
“Inaano ba kita?! Bakit ka namamatid?!” galit kong tanong muli rito.
“Kasi trip ko lang,” sagot niya bago unti-unting gumuhit sa kanyang labi ang mapang-asar na ngisi na nagpadagdag sa aking galit.
Mabilis na umakyat lahat ng dugo ko dahil sa sinabi niya. Narinig ko ang pagtigil sa akin ni Luna ngunit hindi ko ‘yun pinakinggan. Kating-kati na ang kamao kong paliparin ito sa mukha ng lalaking nasa harapan ko ngayon!
“Kung suntukin kaya kita at sabihin kong trip ko lang din?” madiin kong tanong.
Narinig kong napa “ohh” ang mga kasamahan niya ngunit nanatili lamang ang aking mga mata sa mukha niya. Wala akong pakealam kung nakakagawa na ba ako ng eskandalo dito.
“Then try it,” nakangisi niyang sabi na tila ba aliw na aliw ito dahil sa galit kong mukha.
Akmang magsasalita na sana ako noong sumingit ang isa niya pang kasamang lalaki. Bumaling ako ng tingin sa kanya at mabilis na napataas ang aking isang kilay noong makita ang kanyang mukha. Matangkad ito at may ibubuga rin ang mukha.
“Just say sorry to her, Xanthus para hindi na lumaki ang gulong ito,” saad niya.
“Y-Yeah, hes right, Xanthus! Isa pa bago lang siya dito,” pagsang-ayon ni Luna na nasa aking tabi at pilit akong hinihila palayo ngunit hindi ako nagpatinag.
Instead of answering them, hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang kwelyo at mariing tinanggal iyon. Masasamang tingin ang ipinukol ko rito ngunit binigyan lamang niya ako ng isang mapang-asar na ngisi and I hate that! Gusto ko siyang murahin dahil sa inis at galit na nararamdaman ko sa kanya ngayon.
“See you around, newbie,” saad niya.
“Hoy lalaki,” tawag ko rito bago pa man ito makalagpas sa akin.
Bago pa man ito makaharap sa akin ay mabilis ko nang pinalipad ang kamao ko sa mukha niya. Everyone gasped because of what I did but I didn't bother to watch their reaction and just left.

Comentário do Livro (67)

  • avatar
    DeguzmanAdrian

    thank you so much

    03/08

      0
  • avatar
    Aljun Estelloro

    THISIS GOOD

    28/07

      0
  • avatar
    Marc Adrienne D Galvan

    Ang Ganda nang story na ginawa nila dahil dito my natutunan ako sa bohay ko

    11/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes