logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

[02]

"Guys, attention!"
Nasa pintuan ng room ang secretary namin at bahagyang nakayuko habang hawak-hawak ang dalawang tuhod. Mabibigat pa ang paghinga nito, halatang tumakbo.
"Anong nangyari sa 'yo? May klase raw ba?" One of my classmates asked.
Huminga muna nang malalim ang secretary namin at nagsalita. "Hindi raw magdidiscuss si Ma'am---"
Nagreact na kaagad ang mga kaklase ko kahit hindi pa siya tapos sa pagsasalita.
"Yes!" They even threw their fists in the air.
"Pero magnonotes." Their happiness faded just like that.
"Notes notes pa, hindi rin naman babasahin." Yllana said and rolled her eyes.
Some agreed on her, especially her friends.
Naglabas na lang ako ng notebook para sa subject namin dapat ngayon at tiningnan ang board kung saan nagsusulat na ang secretary namin.
Kinokopya ko lang ang mga sinusulat niya. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko noong mag-ingay ang grupo nina Yllana na nasa second row, rinig na rinig ko dahil nasa first row lamang ako.
"Shut up." The room became silent right after I said that.
I was staring at them without showing any emotions at all.
Yllana stood up and walked towards me. She leaned in to level our gaze with each other. Nakahawak pa siya sa magkabilang baywang niya at nakataas ang dalawang kilay.
"Wala kang pakialam kung mag-ingay man kami." Mataray nitong wika. Her friends even cheered for her.
Tumaas ang kanang kamay nito sa ere at handa nang ilapat ang palad sa aking pisngi noong may humarang sa kaniya.
Parang bata.
"Don't you dare." Zillian said in a warning tone.
Ang kaninang magaspang na ekspresyon ni Yllana ay napalitan ng maamong mukha na para bang tuta.
She smiled sweetly at Zillian and caressed his arm, but he immediately took it away from her. "Go back to your seat." He commanded.
"She was the one who shouted! Bakit mo pa siya ipinagtatanggol?" Galit niyang saad bago muli akong balingan at irapan.
Nagmartsa siya pabalik sa kaniyang pwesto at padabog na umupo.
I went back on writing and didn't mind them. Alam kong nakatayo pa rin sa harap si Zillian. I felt him sat at the vacant seat beside me.
Tumigil tuloy ako upang tingnan kung ano ang ginagawa niya. Nakapatong lang ang pisngi niya sa desk at nakapilig sa akin ang ulo. Pinaglalaruan niya naman ang ballpen niya sa kaniyang kamay.
May dala rin siyang notebook ngunit hindi naman nagsusulat at talagang nakatunganga lang.
"Ayos ka lang?" Mahinang tanong nito habang nasa ganoong pwesto pa rin.
"Oo, malamang." Pabalang na sagot ko na ikinatawa niya, parang wala lang sa kaniya kahit ganoon ang inakto ko.
"I don't want to write, nakakatamad." He whispered to himself but I clearly heard it.
"Then don't." I muttered.
He chuckled lightly as he fixed his messy brunette hair.
"Narinig mo pa 'yon?" Tila hindi makapaniwalang tanong nito at tinakpan ang bibig.
"Bakit? Paano?"
Ibinaba ko ang ballpen ko at pinagkrus ang mga braso sa harap at seryoso siyang tinitigan.
"Because I have ears. Seriously, stop asking stupid questions, will you?" He pressed his tongue against his cheek. Kalaunan ay umayos siya ng upo.
Akala ko ay matatahimik na ang mundo ko at hindi na siya muling manggugulo pero nagkamali pala ako. Marahan niyang hinawakan ang ilang hibla ng buhok ko at pinaglaruan 'yon. Pinapaikot niya ang dulo sa daliri niya.
"Look! It's curly now." Parang batang turan nito, tuwang-tuwa pa siya at manghang-mangha sa kaniyang ginawa.
I tapped his hand and gave him a deadpan look. "Bakit ka galit?"
Parang wala pa siyang ideya habang inosenteng nakatingin.
"You're annoying, you know that?" He held his chest dramatically like he was in a deep pain.
He stayed by my side for the rest of the hours. Natakasan ko lang siya noong maagang nagdismiss ang last teacher namin. May sinabi lang siya tungkol sa project na pinapagawa niya at nagpaalam na kaagad. May isang oras pa tuloy bago mag-uwian.
Naglakad ako nang naglakad hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa tagong parte ng university kung saan may damuhan at maraming puno.
No one's here. The wind was blowing hard but it calms me. I sat under the tree and brought out my phone. Inilabas ko rin ang earphones ko at sinaksak 'yon sa phone ko bago pumili ng kanta.
Habang nakapasak ang earphones sa tainga ko ay sinimulan ko nang gawin ang mga ibinigay na mga assignment sa amin kanina.
I don't like procrastination, as long as I have time, I'll do the things I needed to do. Ayaw ko nang ipagpabukas pa dahil matatambakan.
I was humming while listening to the songs when I saw a familiar person. Kinusot ko ang mga mata ko kung tama ba ang nakikita ko.
It was Maggie! But she's not alone, she's with a guy.
She wrapped her arms around his nape. The guy smiled and leaned in to her. I covered my mouth using the back of my hand when they started kissing!
What the hell? She has a boyfriend?
Binitbit ko ang mga gamit ko at nagtago ako sa likod ng puno. Noong masigurong nakalayo na sila ay agad akong kumaripas ng takbo papalayo roon.
I went to the canteen to buy a bottled water. Bigla akong nauhaw dahil sa nasaksihan ko.
I almost spit out the water I was drinking when Zillian suddenly appeared in front of me.
He tried to stop himself from laughing because of my situation. He handed me a black handkerchief.
Hindi ko 'yon tinanggap at pinunasan ang labi ko gamit ang sariling daliri. Nabitin tuloy sa ere ang kamay niya, mayroong nakaburda sa panyo na inaabot niya.
It says 'Zill'. Iyon lang.
"Bakit parang nakakita ka ng multo, Faye?" My brows furrowed because of the name he muttered.
"Faye?" Pagbanggit ko at tumango-tango naman siya.
"Sino 'yon?" Naguguluhang tanong ko.
"You. Pinaikli ko lang, ayos ba?" Kumindat pa siya kaya naman ngumiwi ako. "Short for Freinne."
Paano naman naging Faye 'yon? Ang layo.
Parang narinig niya ang itinanong ko sa aking isipan dahil bigla siyang nagpaliwanag.
"Remove the letter r in your name, so it will be Feinne. Then remove the letters n and e. So, it's Fei now. Kaya Faye, but I changed the spelling. It's f-a-y-e."
Talagang pinag-isipan niya pa 'yon, ah.
I shook my head and looked at him in disbelief.
"Ang dami mong alam."
Dala-dala ang mga gamit ko, lumabas na ako ng canteen at nagpasyang bumalik sa napuntahan ko kanina.
Zillian was stalking me from behind. He's talking a lot. Wala yatang kapaguran ang bunganga niya.
"Stop following me." Sagad na sagad na ang pasensya ko.
"Ayaw ko nga." Parang determinado pa siya sa pangungulit.
Umupo na uli ako sa ilalim ng puno at inilabas ang lahat ng mga gamit ko.
Naalala ko na naman ang nasaksihan ko kanina noong mapatingin ako sa isang bahagi ng lugar kung saan naroon ang kapatid ko kanina kasama ang boyfriend niya.
"Can you help me with this?" I went back to reality when I heard his voice beside me.
Ang lapit-lapit niya masyado kaya naman umurong ako pero umurong din siya lalo hanggang sa magdikit na ang aming mga balat.
"I don't understand this lesson." He pouted and met my gaze.
Tiningnan ko ang notebook niya at may nakitang mga equations na nakasulat doon.
"Bakit ka pa nagpapaturo? You're the first honor since first year, right?" Inis kong sabi dahil tingin ko naman ay gusto lang niyang mang-asar.
"Please, stop disturbing me, Zillian. Hindi na nakakatuwa."
He bit his lower lip and slowly stood up. I was just watching him reaching for his bag.
Humakbang siya ng isang beses papalayo sa akin ngunit lumingon din kaagad.
"Not because I'm in the honor list, I already know everything. People should really stop expecting too much."
I was stunned for a minute. I felt guilty.
Was I too harsh to him?
Hindi ko naman kasi alam kung paano siya pakikitunguhan. Nasanay akong walang kumakausap sa 'kin. Wala naman kasi akong kaibigan kaya't hindi ko alam kung ano ang gagawin kapag may taong lumalapit sa akin.
Walang nanggulo sa akin noong mga sumunod na araw. Hindi naman na bago, ganoon naman na talaga simula noong first year pa. Tahimik ang buhay ko noong mga nagdaang taon.
"Are you telling me the truth?" Mom asked like she doesn't believe me.
I just told her that I saw Maggie with a guy last time.
I repeatedly nodded my head and didn't look away so she would believe me.
"Yes, Mom. I really saw them."
Parang nagdududa pa ito at sinuri ang kabuuan ko.
"Baka naman sinisiraan mo lang ang kapatid mo." Umiling kaagad ako.
Bakit ko naman siya sisiraan? Sinasabi ko nga iyon para malaman niya.
"You're not allowed to have a boyfriend, Freinne. Understand?" Ipinagsawalang bahala niya si Maggie.
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.
Pinaakyat niya na ako sa kwarto at nagkulong lang ako roon buong maghapon.
Today is Sunday so there's no classes, but I became busy doing some reports.
My eyes were fixed on my laptop. I stopped typing when I heard loud knocks coming outside of my room.
I closed my laptop and went to my door. A slap welcomed me right after I opened it.
Nakapaling sa gilid ang aking pisngi at sapo-sapo ko 'yon dahil sa hapdi.
"How the fuck did you know?!" Maggie angrily asked and grabbed a handful of my hair.
I tried to pull away but she's stronger than me.
"Why did you tell Mom?! Sumbungera ka talaga! Hindi ba't sabi ko h'wag mo akong pakikialaman?"
Nakatanggap muli ako ng isang malakas na sampal sa kabilang pisngi ko.
Napahawak ako sa gilid ng labi ko at nakitang may dugo sa daliring ipinanghawak ko.
My eyes rounded as my heart pounded violently.
"Tanga ka talaga!"
Nanubig ang mga mata ko ngunit pinigilan kong tumulo ang mga luha ko at buong pwersang inalis ang pagkakahawak sa akin ni Maggie. Tumakbo ako palabas ng kwarto at pababa ng hagdan.
The tears started to stream down on my face when I was finally outside our house. I wiped the tears away but it won't just stop.
Nakarating ako sa labas ng subdivision namin. Noong may makitang jeep na paparating ay pinara ko kaagad iyon at sumakay.
"Bayad po." Sabi ko at nag-abot ng barya sa katabi ko.
Ipinasa niya 'yon hanggang umabot sa driver.
Wala akong dalang kahit ano bukod sa coin purse na nasa loob ng bulsa ko.
People inside the jeep started to talk about me. Some even concluded I was broken-hearted. To hell with that, I don't even have a boyfriend and I'll never have one.
"Para po!" Muntik na akong lumampas sa bababaan ko dahil lumilipad ang isipan ko buong biyahe.
My feet were trembling while entering the cemetery. Napaluhod ako sa damuhan noong makarating ako sa puntod niya.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil halos hindi na ako makahinga kakaiyak. Napahikbi ako habang pinagmamasdan ang pangalan niyang naka-ukit sa lapida.
"Iyah, I'm sorry. I'm sorry, ngayon lang uli nakabisita si Ate."
Alam ko namang walang sasagot sa akin pero gusto ko pa rin siyang kausapin kahit papaano.
"Hindi na kasi kaya ni Ate. Iyah, I wish you're still here. I'm sorry, kung hindi dahil sa..."
Hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil parang may bumara sa lalamunan ko.
I looked up to the sky and lifted up my hands.
Iyah, just take me there. I'm tired of my life. Paulit-ulit na lang ang nangyayari, parang wala ng kabuluhan.
My eyes closed when I felt like the wind was hugging me.
I was always thinking, what's my purpose in this world? Do I fit in here? Bakit pakiramdam ko hindi? Bakit hindi ako makaramdam ng saya sa buhay na 'to? Anong patutunguhan ng mga ginagawa ko ngayon?
When I got home, I found them happily eating inside the dining room. Humakbang ako papasok ngunit tumalikod din.
Tinungo ko ang kwarto ko at hindi lumabas buong maghapon. Hindi na rin ako kumain noong gumabi na dahil wala naman akong gana.
"Don't forget to pass your projects tomorrow. Class dismissed." My classmates hurriedly went out, including our teacher.
Matagal akong napatitig sa upuang nasa harapan ko hanggang sa mayroong umupo roon at agad akong pinagmasdan.
Umiwas ako ng tingin at nilikot ang mga mata sa kabuuan ng silid-aralan. He put his fingers on my chin. Pilit niyang iniharap ang mukha ko sa kaniya.
His lips parted when his eyes went down on my lips. Marahan niyang hinawakan 'yon na para bang isang bagay na madaling mabasag.
Gusto kong pigilan siya sa paghawak niya ngunit hindi ko man lang maitaas ang kamay ko. Para akong natulos sa aking kinauupuan.
"What happened to you?" Hindi ko mabasa ang emosyon niya.
"Ano bang pakialam mo?" Mahinang tanong ko, inalis niya naman ang daliri at nagpakawala nang marahas na hininga.
"We've been classmates for about how many years now and I'm the class president." Inikot ko ang mga mata ko at tumayo.
Hindi naman niya nasagot ang tanong ko.
I caught my breath when he held my arms and stopped me from walking away. Nakaupo pa rin siya habang nakatayo na ako.
"Who hurt you?" He asked, his jaw clenched. Is he mad?
"There's a wound."
"Why do you care? Are we even close?" I know I'm being harsh again but I told him that so he'll let go of me, but to my surprise, he didn't.
"You're my responsibility. I'm concerned about you."

Comentário do Livro (131)

  • avatar
    EdisanRodime t

    thank you for your favorite

    05/07

      0
  • avatar
    Cyra Hara

    good job

    28/04

      0
  • avatar
    BitasPhilipjohn

    nice

    15/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes