logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

Hope's POV
Mula nang malaman niya ang pangalan ko ay hindi na ulit nasundan ang pag-uusap namin. Pareho lang kaming tahimik. Hindi na rin ako nag-abalang magbukas ng panibagong topic dahil tila may malalim din siyang iniisip habang tutok parin ang atensyon sa pagmamaneho.
Mukhang may dumaan atang anghel.
Namalayan ko nalang na abot tanaw ko na naman ang gusali na halos araw-araw makapukaw ng aking atensyon sa tuwing madadaanan ko ito papunta sa dati kong pinapasukang trabaho.
I smiled unconsciously and let the memories flashed back.
It's been years. Nakakamiss din pala.
Hinayaan kong sakupin ang isip ko ng mga magagandang ala-ala na siyang nagpangiti sa akin ngunit kalaunan ay unti-unti rin nahahaluan ng mga ala-ala na siyang nagpapabigat ng damdamin ko.
Kung pwede lang kalimutan.
Pero ayoko. .
Kaya ayoko ng tahimik na paligid eh. Kung ano-anong pumapasok sa isip ko.
Things are keep on bombarding my mind.
Am I already prepared to do this thing, again?
Napabuntong hininga ako sa naisip.
Bakit ko nga ba sinunod si mama kung pwede naman akong humindi?
Isa pa ang mokong na 'yon. . . Namomroblema tuloy ako ngayon. Bahala na nga mamaya. Letche naman.
Muli akong napasulyap sa gusali. Halos wala naman itong pinagbago at sa tingin ko ay mas lalo pa nga itong gumanda.
With its combination of blue color and white hue which made it unique compared to other hospitals, the traditional symbol of Hermes known as caduceus that features two snakes winding around a winged staff made it looks like truly majestic.
Kung wala ang signature mark na ito sa pinakatuktok ng hospital na sumisimbolo ng logo ng medisina ay mapagkakamalan itong isang five star hotel sa unang tingin dahil sa taas at dami ng palapag nito kumpara sa laki ng isang normal na hospital.
Habang unti unti itong lumalapit sa paningin ko ay parang mas lalo itong kumikintab. The sunrays are finely reflecting with this titanium-made logo.
Napapikit ako nang tumama sa mata ko ang repleksyon ng sinag ng araw na tumama sa tinitingalang logo ng building na 'yon.
Malapit na kami sa mismong tapat nito at sa bilis ng pagmamaneho ni Dax ay hindi malabong malagpasan namin ito agad kaya bago pa man ay mabilis kong kinapa ang aking DSLR cam.
Kadalasan ay nakasukbit lang ito sa leeg ko pero sa ngayon ay isinukbit ko ito sa kanang balikat ko para mabilis kong hablutin lalo pa at mahilig ako sa magagandang tanawin pero-- bakit parang wala akong makapa ngayon?
Shemay! Nasaan na 'yon?
Hindi ko ipinahalata ang pagkataranta ko at tahimik akong sumandal sa upuan, muling inalala ang mga pangyayari kanina.
Tanging maliit na bag lang naman na kasyang kasya ang maliit kong pouch at cellphone ang tanging dala ko bukod sa camera na maingat kong iniayos sa carrier nito habang nakalaylay at nakasukbit ang tali sa kanang balikat ko.
Posible kayang may siraulong snatcher na dumaan kanina at nasalisihan ako ng hindi ko namamalayan?
Bakit hindi? Sa dami ba naman ng taong nakiusyoso at nakipagsiksikan kanina makita lang itong si Dax?
Ilang beses na akong sinasabihan ni mama na palitan ko na 'yon at bumili na ng bago pero hindi ko magawa.
Sobrang halaga at malaki ang sentimental value niyon sa akin pagkatapos ay mawawala ng gano'n na lang?
Saka lang ako bibili ng bago 'pag nasira na ito ng tuluyan pero dahil sa nangyari ay mukhang wala na akong choice.
Gusto ko tuloy sermonan ang sarili.
Bakit napakapabaya mo Hopya?
May magagawa pa ba ako? Natangahan ko na eh. Ang ganda talaga ng salubong sa akin ng araw na 'to.
"Hope, answer me. Please?"
Saka palang ako nabalik sa huwisyo nang magsalita siya. Nasumpungan ko na lamang na nasa harap na kami ng isang napakalaking pintuan habang dahan-dahan itong bumubukas. Para siyang isang higanteng pinto na gawa sa sobrang kapal na bakal.
May treasure chest kaya sa loob at hiyang hiya naman ang mga feeling gwapo sa kakapalan nito?
I'm getting curious.
Ang estilo nito ay parang elevator ngunit malayong mas malaki at malawak itong pinto na nasa harap namin ngayon at tila kasya ang limang sasakyan kahit na sabay sabay pang pumasok ang mga ito sa loob.
Teka nasaan ba kami?
Nasobrahan na naman ata ako sa pag-iisip kaya hindi ko manlang namalayang nalagpasan na pala namin 'yong hospital.
Napaka absent-minded mo na naman Hopya, paano kung ibang tao ang kasama mo ngayon? Eh 'di tinangay ka na?
Kunot-noo kong tiningnan si Dax at nabigla ako nang salubungin ako ng tila nag-aalala niyang ekspresyon.
What's with that look? May nangyari na naman ba nang hindi ko namamalayan?
"Hope?" tila malungkot na saad niya.
Sinalubong ko ang kanyang mga titig. Hindi ko mawari ngunit iba sa pakiramdam ang kakaibang lungkot na nakikita ko sa mga mata niya ngayon.
Teka. Ano ba kasing nangyari?
Naagaw na naman ng malaking pinto ang atensyon ko. Kaunti nalang ay malapit na itong bumukas ng tuluyan kaya nakita ko ang kadiliman nito sa loob. Kunot-noo at nalilitong nagpapalit palit ang tingin ko sa pinto at kay Dax.
Bakit kami nandirito? Ipapasok niya ba ang sasakyan sa loob? Anong gagawin namin sa loob? Ang dilim. Sobrang dilim.
Bigla akong kinabahan dahil sa naisip.
Shemay! Ano ba itong naiisip ko?
Gusto ko sana siyang tanungin ngunit mukhang sobrang lalim ng iniisip nito. Pagkuwa'y umiling ito ng dahan-dahan habang nilalaro ang pang-ibabang labi.
Lutang ata ako ngayon dahil sa nangyari kanina at sa sobrang kalutangan ko ay hindi ko na namalayan kung paanong mabilis niyang nailiko at pinaharurot muli ang sasakyan palayo sa lugar na 'yon.
Hindi ko maiwasang mag-isip ng masama pero pinilit kong ipagsawalang bahala iyon.
Tahimik lang ako habang sinusubukang alalahanin kung ano 'yong sinabi niya kanina dahil hindi talaga ako mapakali.
Pakiramdam ko ay kailangan ko 'yong sagutin.
Ngunit ang problema ay hindi ko nga 'yon narinig so paano ko aalalahanin?
Alam kong nakakabastos 'yong hindi mo papakinggan ang sinasabi ng kausap mo pero hindi ko naman 'yon sinasadya.
Ramdam kong may mali pero hindi ko talaga ito matukoy.
Alanganin man ay sinubukan kong basagin ang nakabibinging katahimikan.
"Ah hindi ba natin isasara ulit 'yong pinto?"
Halos dumugo na ang pang-ibabang labi ko dahil sa diin ng pagkakakagat ko.
Anong klaseng tanong ba naman 'yan Hopya?
Nilingon ko ulit 'yong pinto kung saan kami galing pero hindi ko na ito makita dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Dax palayo pero natatandaan kong malapit na itong bumukas ng tuluyan kaninang pinaharurot niya ang sasakyan.
"No. Automatic na magsasara 'yon kung wala na siyang made-detect na signal mula sa sasakyan ko."
Napamaang ako sa sinabi niya.
Oo nga pala. Nakalimutan ko atang tagapagmana ng mga ari-arian ng pamilyang Duconrie ang kausap ko.
Sana all.
Sumandal nalang ako ulit sa upuan at tumingin sa labas. Iniwasan kong mag-isip ng kung ano-ano pero. . .
Nasaan nga ba kami? Bakit wala akong makitang daan? Pero wala naman sigurong gagawin sa'kin 'tong si Dax 'di ba?
"Hope answer me please--"
"Oo naman."
Shemay!
What did I say?
"Oo naman?" kunot-noo niyang pag-uulit sa sinabi ko.
Nakagat ko ulit ang pang-ibabang labi dahil sa sobrang kahihiyan.
Sa dinami rami ng pagkakataon bakit ngayon pa ako naging lutang?
I tried to give my sweetest smile para hindi magmukhang pilit. Huminga rin ako ng malalim bago sumagot. "Yes," sagot ko na sinabayan ko pa ng pagtango.
Unti-unting nawala ang mga ngiti ko. Rinig na rinig ko ang kanyang malalim na buntong hininga.
Wait, what happened?
"I'm sorry then," dismayado niyang saad.
Napaawang ang mga labi ko. Gustong gusto ko siyang tanungin kung may nasabi ba akong mali pero naunahan niya ako.
"I'm sorry if you got mad. I'm sorry kung naging makulit ako, gusto ko lang talagang malaman ang pangalan mo." Shemay. Ang lungkot niya. "Pero you don't need to answer it--"
"Dax." Hinarap ko siya na ikinabigla niya.
Medyo nataasan ko ata ang boses ko.
"Hindi ako galit. Mm?" Nginitian ko siya ulit pero this time hindi na 'yong pilit.
"Totoo?" paninigurado niya.
Mukha ba akong nagbibiro?
"Yes. What made you think that I am mad?" nakangiti paring tugon ko.
Kinagat na naman niya ang pang-ibabang labi bago nagsalita. "I asked you if you're mad."
Talaga? Shemay. Tapos ang sinagot ko. . .
"Then you answered me, 'oo naman'."
Lupa, lamunin mo na ako.
Hindi ko alam kung papaano babawi sa nasabi ko kanina.
Sasabihin ko bang hindi ko narinig? Pero ano namang irarason ko? Paano ko sasabihing nasabi ko 'yon unconsciously at sagot iyon sa tanong na dapat ay nasa isip ko lang? Bahala na nga.
"I think I answered you unconsciously," pag-amin ko. Kumunot ang noo niya na parang naguguluhan.
"Nevermind Dax. Basta hindi ako galit okay? Teka nasaan na ba tayo?" Nagpalinga-linga ako at halos lumuwa ang mata ko nang bumungad sa amin ang malawak na parking area nitong hospital.
Oh no. This is not happening.
Para akong natutulala habang pinipitadahan ni Dax ang sasakyan ng naunang nagpark sa pagpaparadahan sana namin.
Padabog siyang bumaba habang ako ay tila wala sa sariling inilibot ang paningin sa paligid.
Ang ganda. Parking area palang ito ah.
"Wala akong pakialam basta umalis ka dahil diyan ko gustong mag-park!"
Para akong kinurot dahilan para bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang malakas na bulyaw ni Dax kaya mabilis akong bumaba ng kanyang sasakyan. May silbi rin pala itong nakabukas na bintana dahil gusto kong makalanghap ng sariwang hangin.
Kailan ba 'to mauubusan ng kaaway?
"Dax." Nilingon niya ako ngunit saglit lang 'yon at saka hinarap ulit 'yong driver no'ng sasakyan.
Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.
"Pasensya na p're. Pwede pagbigyan mo nalang ako?"
Wow. Totoo ba 'to? Humingi siya ng pasensya?
Aba'y parang gusto kong magpa-fiesta.
Mabuti nalang at hindi basag ulo 'yong driver at tahimik lang na umalis para wala ng gulo. Mabilis naman akong sumakay ulit at maayos niyang ipinarada ang sasakyan 'di kalayuan sa pintuan ng hospital.
Grabe, hindi parin ako makapaniwala. . .
"Tara na sa loob." Hinawakan na naman niya ang kamay ko.
Teka. Ano? Papasok kami sa loob?
Ang tagal kong hinintay 'to. Ang tagal kong pinangarap na mapasok ang hospital na 'to pero 'di ko lang magawa dahil baka makita ako ni Kiel-- Shemay.
Si Kiel! Hindi 'to pwede. Kailangan makaisip ako ng irarason.
Malapit na kami sa main entrance nang pigilan ko siya sa braso. "Ah Dax ayos lang naman ako, hindi ko naman kailangan maospital hahaha umuwi nalang kaya tayo?"
"No. Kailangan malinisan niyang mga sugat mo, please Hope?"
Lagot na. Ano nang gagawin mo Hopya?
Kung ba't ba kasi ako nagsuot ng pedal? Pwede namang pants. May gasgas tuloy ako sa tuhod.
'Di bale na. Sa dami ng doktor dito ay imposibleng si Kiel lang ang pwedeng maglinis at gumamot ng sugat ko at isa pa, sobrang busy 'yon dahil bukod sa mga inaasikaso niya bilang doktor ay panelist pa siya sa mga research ng iba't ibang unibersidad.
Kaya kalma lang Hopya, hindi 'yan.
"Papasukin mo kami kung ayaw mong mawalan ng trabaho."
Muling umalingawngaw sa pandinig ko ang galit na boses ni Dax.
Namalayan ko nalang na nakwelyuhan na niya 'yong guard kaya hinawakan ko siya sa braso para awatin.
"Sir sumunod nalang tayo sa protocol, sumusunod lang din naman po ako. Kailangan po no'ng online registration copy na may appointment kayo ngayong araw--"
"Wala akong pakialam! Papapasukin mo ba ako o hindi? Hindi mo ba alam ang salitang emergency?! 'Pag may nangyari talaga sa girlfriend ko. . ." Noo'y biglang lumipat ang paningin ng guard sa akin.
Ah emergency. . . Wait, what?! Girlfriend?
Napamaang ako. Tinignan ko si Dax pero kinindatan niya lang ako.
"Eh Sir iniiwasan lang po namin maulit 'yong nangyari--"
"Alam ko ang tinutukoy mo gago. Papasukin mo 'ko kung mahal mo pa trabaho mo kailangan kong makausap si Kiel." Bigla akong nanlamig sa narinig ko.
Parang biglang nagpaulit-ulit sa utak ko 'yong sinabi niya.
Tinitigan muna kami no'ng guard bago binuksan ng tuluyan 'yong pintuan para makapasok kami. Wala na siyang nagawa.
"Papapasukin din naman pala kami gusto pang tinatakot. Ge tabi nga."
Mabilis kong pinigilan sa braso si Dax nang akmang papasok na siya sa loob. Pinagtitinginan na rin kami ng ilang mga tao kaya pinapauna muna namin silang makapasok sa loob.
"Ayos lang naman ako. Nagugutom na ako Dax tara nalang kumain?"
Sige Hopya lusot pa. Kaya mo 'yan.
"Kailangan na malinisan 'yang sugat mo eh baka ma-infect pa 'yan. Saka may pagkain sa taas si Kiel tara na. Oh kung gusto mo ipagluluto kita mamaya." Wala na akong nagawa nang hatakin niya ako papasok sa loob.
Gaya ng inaasahan ay naagaw namin ang atensyon ng mga tao dahil dito kay Dax.
Pero tahimik lang ang mga ito na tila kuntento nang mapagmasdan si Dax, hindi gaya kanina na ang daming papansin.
Naaliw at namangha ako sa mga nakikita kaya mabilis nawala sa isip kong may iniiwasan pala ako.
Ang ganda. Shemay nasaan na ba kasi 'yong camera ko?
Para akong nasa isang palasyo na gawa sa marmol lahat ng nakikita ko sa loob.
Unang bumungad sa amin ang Pharmacy Department sa kaliwang bahagi ng hospital pagpasok na pagpasok sa main entrance.
Napansin ko rin na lahat ng pinto ay awtomatikong bumubukas 'pag malapit ka na rito.
Sa KDrama ko lang napapanood ito. Whoah!
Sobrang linis sa loob na halos puro computer lang ang makikita mo. Mukhang tama 'yong chismis na dito lahat idinadaan ang bawat transactions at ang huling gagawin mo nalang ay pipila para kunin ang printed copy.
Lahat ng mga nababalitaan ko tungkol sa hospital na ito ay nasasaksihan ko na ngayon.
I am really amazed.
"Hi Dax! " bati ng isang babaeng nakauniporme ng puti na may skyblue na linings na kakulay ng hospital. Nurse ata ang isang 'to.
Tinignan ko lang ito at nabigla ako nang bigla niya akong irapan bago bumaling kay Dax at maharot na nagpakyut dito.
Wow attitude ah, inaano ba kita 'te?
"Hello beheyb," kagat labi na bati ni Dax at hinapit pa niya ito sa bewang palapit sakanya.
Gusto kong mapangiwi sa landiang nasasaksihan ko ngayon.
"Kumusta ka na? Hindi ka parin nagbabago," hagikgik no'ng babaeng malantod.
Uto-uto. Tsk.
"Oo naman-- ah teka lang Melanie ha? May aasikasuhin pa kasi ako," nakangiting paalam ni Dax.
"Tss. Si Aubrey 'to. Diyan ka na nga!" Tinapunan niya si Dax ng ubod samang tingin sabay irap na naman sa akin bago siya padabog na naglakad palayo.
Pfft. Gusto kong humagalpak sa tawa.
Kakamot kamot sa ulong humarap siya sa akin. "Pasensya na Hope, tara na?" Hinatak na naman niya ako.
'Pag ako talaga nabali.
Nakita kong medyo mahaba ang pila sa elevator pero nagulat ako nang bigla siyang lumiko sa kanan kung nasaan ang hagdan paakyat sa mga floors sa taas. Parang makipot lang ito na eskinita at wala namang nagagawing tao rito.
Teka maghahagdan kaya kami?
Para namang hindi 'to sanay sa mga tao. Akala mo naman talaga eh.
Nagulat ako nang may bigla siyang pindutin sa pinakadulong bahagi matapos namin lagpasan ang hagdan.
Elevator?
Bakit hindi ko manlang napansin 'to? Ganoon ba ako sobrang naaliw sa paglilibot?
Madaldal pala 'tong si Dax. Ibang iba sa Dax Aldrich Duconrie na kilala ng lahat sa publiko.
Bukod sa gwapo at mayaman, kilala itong suplado pwera sa mga babaeng type nito pero parang kabaliktaran ang nakikita ko ngayon.
Hindi siya suplado sa'kin, ibig bang sabihin. . .
Napailing ako sa naisip.
Ang tagal magbukas ng elevator kaya nagkwentuhan muna kami. Iniiwasan kong mapunta sa akin ang usapan kaya career niya ang naging topic namin.
Hindi ko alam kung ganoon nalang ba kadami ang palapag nitong hospital o sadyang mabagal lang talaga 'yong elevator.
Mga nasa kinse minutos o higit pa kasi ang itinagal namin sa loob bago bumukas ang pinto at narating kung saan mang palapag na kami ngayon.
Naglakad siya habang nakasunod lang ako at namalayan ko nalang na huminto kami sa pinakadulo nitong hallway kung nasaang palapag man kami. Walang anu ano'y bigla niyang binuksan ang pinto at nagulat ako sa eksenang bumungad sa amin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang tinititigan ko ang lalaking tila walang pakialam na nakikipagtalo sa babaeng nasa harap namin ngayon habang nakasuot na naman ng face mask na puti at may letter K na burda.
"I don't need your money. I'm the doctor here, ikaw pasyente ko lang kaya ako ang masusunod. Now kung ganyan katigas ang bungo mo at ipipilit mo parin ang gusto mo, you may fucking leave now. Pwede ka nang mamatay."
Shemay.

~ tintirintintoots💙

Comentário do Livro (19)

  • avatar
    YusofYasir

    hijsksksjsbsbsbsbsbsbsbsbsbssbbsbsbsbdxbxbbdbbbbnnnkkoojrye eyrufufjgjgkvjchdhcjvjjggjdufigkgit dkvjdhxhshshdhdjdjdudufjfjgjgjgjfjfufjfjfifjgigigifjfjgjgigigigi

    09/10/2024

      0
  • avatar
    Maureen Cabarrubias Famisan

    stories are good

    02/09/2024

      0
  • avatar
    SenaYanse

    daimon ×999💎💎💎

    18/07/2024

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes