Aldrich's POV Napaungol ako nang maramdaman ko ang ginaw na nagmumula sa aircon. "Hon, kindly turn off the aircon?" inaantok kong pakiusap. Niyakap ko mula sa likuran ang babaeng mahimbing na natutulog sa tabi ko. "Hm please?" malambing kong saad at mas niyakap pa siya ng mahigpit. Deputa ang lambot ng katawan niya. Hindi ko maiwasang mapangisi. Hahapitin ko na sana ang kanyang baywang nang makaramdam ako ng kakaibang lambot kaya mabilis akong dumilat at napalingon sa kanang bahagi ko. "Putangina." Napahilamos ako sa mukha nang makitang malambot na unan lang pala ito. I scanned the room only to realized that I'm still here at Luke's mansion. Napabuntong hininga ako bago bumangon at naupo sa kama. Tinamad nga pala akong umuwi kagabi kaya si Adrian lang ang nakauwi. Sabagay, fifteen minutes lang naman ang layo nitong mansion ni Luke mula sa bahay ko sa Sucat. Tumingin ako sa malaking wall clock dito sa guest room at nakitang alas singko palang ng umaga. Inilibot ko ulit ang paningin sa buong kwarto at huminto ito sa tapat ng malaking salamin na kaharap nitong kama na tinulugan ko. Good morning handsome. Huta! Walang kakupas kupas, Dax Aldrich. Nang magsawa ako sa katititig sa kagwapuhan ko ay tumayo na ako at mabilis na nagtungo sa malaking banyo para maligo. Muntik na akong madulas nang mapatalon ako dahil sobrang lamig ng tubig na nanggagaling sa shower. Deputa. Bakit naman hindi naka automatic ang heater nito Luke? Mabilis kong tinapos ang paliligo dahil nabadtrip ako. Ikaw ba naman manginig sa sobrang ginaw? Ang gwapo ko para panginigan ng kalamnan. Mabilis akong natapos maligo. Isinukbit ko ang tuwalyang nakatapis mula baywang pababa bago lumabas. May mangilan ilang basa akong nararamdaman na dumadaloy pababa sa katawan ko mula sa basa kong buhok pero hinayaan ko lang ito. umiretso sa built in cabinet na nandito sa guest room para mamili ng pwedeng susuotin. Lahat kasi ng guest rooms ni Luke dito sa mansion ay kumpleto ng iba't ibang klase ng damit na hindi pa nagagamit. Mula pambahay, simpleng panlabas hanggang sa magagarbong suits ay kumpleto. 'Yon nga lang, panay panlalaki lahat. Padalhan ko nga 'to ng babaeng guest minsan para magkaroon din ng gamit pambabae. Hindi ka lang saksakan ng gwapo Dax Aldrich, ubod ka pa ng katalinuhan. Tang'na. Paano nalang 'pag dumalaw ang kapatid ko na manang mana sa kanyang kuya na gwapo na macho pa? Napahawak ako sa baba habang sinusuri isa isa ang mga damit. Ano kayang babagay sa'kin? Alam kong lahat ng damit ay bagay sa akin. Sa kagwapuhan at kakisigan ba naman ng isang Dax Aldrich? Kahit magsuot ako ng damit ng taong grasa ay gwapo parin ako. Pero putangina kailangan kong pumili. Hinawi ko ang ilang branded shirts at shorts na nakahilera sa isang pwesto. Sa totoo lang ay halos pare-pareho naman kami ng mga nakastock na damit sa mga built in cabinet namin sa kanya kanya naming bahay, suki kami ng jacket na may hood na magkakaiba lang ang kulay at brands. Alam niyo naman 'pag gwapo, dinadagsa. Bakit ba ako nahihirapan mamili? Hinablot ko 'yong unang madapuan ng tingin ko. Gwapo parin naman kahit alin dito ang suotin ko. Pwede na 'to. Mahirap na ma-spot-an ng mga chix. Ang dami pa namang scheduled flights ngayon. Paglabas ko ng guest room ay dumiretso ako sa kwarto ni Luke para sana magpaalam ngunit walang bakas ng Luke akong nadatnan sa kwarto. Alam ko na kung nasaan ang depungal. "Alis na 'ko 'tol," paalam ko kay Luke na naabutan kong nagbabasa na naman ng libro ngayon sa kanyang office. Deputa. Kulang nalang pakasalan na niya 'yan. "Kailan kaya tayo makukumpleto ulit gaya ng dati no? Nalulungkot ang kagwapuhan ko." Gusto kong matawa nang bigla niya akong tingnan. 'Yong tingin na parang nanunuri. "Oh ano? Sobrang gwapo ko ba at ganyan ka makatitig? Alam ko Luke, alam ko," saad ko at nagtaas baba ng kilay. "Ang drama mo, nagd-drugs ka ba?" pabalang niyang sagot at saka muling ibinalik ang atensyon sa librong binabasa. Madrama na ba 'yon? Eh sa palagi silang busy. Hindi ba pwedeng 'di lang ako sanay? Hindi na nga kami nakakapag chill sa bar eh. Ayoko lang naman na ma-miss nila ako ng sobra. You know, I'm worried. "Ako? Nagd-drugs? Eh kagwapuhan ko palang high na high na ang mga chix bro. Ako ata drugs nila." Humalakhak ako nang makita kong kumunot ang noo niya. "Umuwi ka na nga. Kagabi mo pa ako iniistorbo. Mahal na mahal mo 'kong lintek ka?" Aba gago talaga. Bawal na ba tumambay dito? "Inaano ba kita 'tol? Ang seryoso mo naman masyado diyan. Natulog ka ba?" kunot noong tanong ko habang pinagmamasdan 'yong librong hawak niya. Eh paano ba naman, iniwan ko siyang nagbabasa kagabi no'ng matutulog na ako tapos ngayon ay madadatnan kong nagbabasa parin. Hanep. "Tingin mo? Bored na bored ka na ba sa buhay? Magbar ka nalang tapos mambugbog ka 'pag naasar ka," suhestyon niya. "Aba depungal ka ah. Alis na nga ako!" Nakita ko pa ang nakakaasar niyang ngisi bago ako lumabas ng office niya. "Ingat sila sa'yo," dinig ko pang pahabol niya. "Alis na 'ko Ser," paalam ko sa isa niyang bodyguard na mukhang bouncer. --- Kasalukuyan kong tinatahak ang kahabaan ng Sucat highway nang biglang tumawag si Kiel. "Oh 'tol papunta na ako--" "Nandito ako sa airport pero pabalik na ako sa hospital. Don't ask, something came up." Sasagot pa sana ako pero bigla niya akong pinatayan ng tawag. Tang'nang 'yan. May sasabihin pa ang gwapo eh. Pinapatayan lang? Deputa Kiel hindi ko 'yon deserve. I doubled the speed. Tutal wala namang gaanong sasakyan ngayon. Sakto lang dahil pasado alas onse palang naman ng umaga. Mas hinigpitan ko ang hawak sa manibela baka sakaling maabutan ko pa si Kiel sa airport. Putangina! Kailangan ko siyang makausap ng masinsinan ngayon din. Pasulyap sulyap ako sa cellphone ko dahil baka maisipan niyang tumawag ulit at bawiin ang sinabi niya kanina. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo. My La Voiture Noire Bugatti reached its top speed of 261mph. Halos humiwalay ang kaluluwa ko nang ubod pwersa kong inapakan ang preno dahil biglang huminto ang sasakyan sa harap ko na mabilis din ang pagpapatakbo. I can feel my blood rushing up to my head. Ramdam na ramdam ko ang pagbubungguan ng mga ngipin ko dahil sa panggigigil. Gusto kong manapak ngayon din. "Deputang putanginang tanga. Humanda ka ngayon gago." Someone's POV Kanina pa ako asar na asar sa tawag ng tawag sa akin. Hindi niya pinapatahimik ang cellphone ko. Pero dahil nasanay akong sumagot sa mga tawag dahil baka emergency ito ay nagdesisyon na akong sagutin ito. "Ano?! Hindi ka ba makapaghintay?" Akala siguro nito ay nakalimutan ko na 'yong ginawa niyang katarantaduhan no'ng nakaraang araw. Kasalukuyan akong naglalakad at sandaling napahinto para sulyapan ang dalawang gilid ng kalsada. Nagpatuloy ako nang makita ko ang pulang nakailaw sa traffic light at berde naman sa kabila senyales na pwede nang tumawid. Kampante akong naglalakad nang may marinig akong mga ingay. "Miss! Watchout!" "Hala 'yong babae masasagasaan!" Halos panawan ako ng ulirat nang lumingon ako sa aking kaliwa. Kitang kita ko ang isang rumaragasang kotse na may ilang distansya nalang ang layo sa akin. Ano pang ginagawa mo? Takbo! Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nanunuyo ang aking lalamunan at pakiramdam ko ay nakamagnet ang mga paa ko sa semento na aking kinatatayuan. Bakit hindi ako makatakbo? Dumating na ata ang katapusan ko. Mamamatay na ata ako. Lord, paano na ang pamilya ko? Nakarinig ako ng ingay. Tunog ng isang tila nagkiskisang gulong at kalsada dahil sa lakas ng pwersa. Sobrang bilis ng pangyayari at namalayan ko nalang na nakasalampak na ako ng upo sa kalsada habang nakapikit. B-buhay pa ba ako? Buhay pa ako. Buhay na buhay! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang tinatambol ng paulit ulit dahil sa sobrang bilis. Narinig kong may nagbukas ng pintuan ng sasakyan at halos mabingi ako rito ngunit hindi ko inaasahan na may kasunod pa ito na triple ang lakas kumpara sa naunang nagbukas. Kawawang pinto. Mukhang galit na galit ang amo mo. "Putangina. Ba't ang tanga mo?!" Naagaw ang atensyon ko ng isang pamilyar na boses kaya mabilis akong nagmulat ng mata. "D-Dax?" bulong ko sa sarili. Oh no. Kailangan ko nang umalis bago pa niya ako makita. Tatayo na sana ako para umalis ngunit naisip ko, hindi ko naman siya pwedeng iwan dito at pabayaan nalang basta-basta. Paano kung dumating ang mga pulis tapos baliktarin no'ng lalake ang nangyari eh kasalanan niya naman talaga dahil hindi siya huminto kaagad kahit na alam niyang nakared light. Balak niya atang ilusot 'yong sasakyan niya. Pinagmasdan ko siya habang mabibigat ang mga yabag palapit sa lalaking may ari ng kotse sa unahan. Ilang taon na mula nang huli ko siyang makita ngunit parang wala naman itong pinagbago. Nakahood ito ng kulay violet na tinernohan ng itim na maong pants at puting rubber shoes. Okay, ang gwapo niya parin. Teka, ano ba itong iniisip ko? Inalis niya ang kanyang shades. Ilan sa mga taong nakikiusyoso sa paligid ay nagulat dahil marahil hindi nila inaasahan kung sino ito. Unti unting nagsisidagsaan ang mga tao at patuloy ang pagdami nila dahil nakuha ni Dax ang atensyon ng mga ito. "Oh my! Ang asawa kooo!" rinig kong tili ng isang babaeng hindi naman katandaan ang itsura. "Dax Aldrich my looveeeeee!" segunda naman ng isang babaeng sa tantya ko ay nasa bente o mahigit ang edad. Namukhaan nga talaga nila ito. Who wouldn't? He is a huge public figure. Ilang sikat na pelikula na rin ang pimagbidahan nito idagdag mo pa na isa siyang sikat na modelo at may ari ng isang sikat na Airlines. At isa pa, miyembro siya ng Spartans. "Ang agang katangahan naman 'yan 'tol pero ba't nandadamay ka pa?" nakangising aniya sa lalaking kaharap. Parang wala siyang pakialam sa tao sa paligid. Ang alam ko lang ay napakasarcastic nito at halatang badtrip na siya. Napakunot noo ako nang marinig ko ang mga tili ng mga kababaihan na tila kinikilig pa. Padami na sila ng padami at kung magpapatuloy ito ay siguradong si Dax ang mahihirapan. Bakit naman kasi hindi ka nagface mask? So careless. "Hi babe! Pa-picture naman please?" Nilingon ko ang isang babaeng kagat labing nagpapa-cute kay Dax na wala namang pakialam. Wow. Seryoso? Galit na galit na 'yong tao at anumang oras ay parang makakapatay na ito pero inuna pa ang harot imbes na umawat. Sino nga ba ang may lakas ng loob umawat kung ganitong gigil na gigil siya dahil galit na galit? Nakakatakot. Nang malapitan nito ang lalaki ay mas lalo ko siyang natitigan dahil nasa mismong harapan ko na sila. Ngayon ko napagtanto na tama ang nasa isip ko kanina. Wala nga talaga siyang pinagbago kung sa pisikal na itsura. Ilang babae na kaya ang napaiyak nito? "Ba't ba ako ang sinisisi mo--" "Aba sumasagot ka pa? Eh kung nagasgasan 'tong Bugatti La Voiture Noire ko may pambayad ka ba ha?! Baka kulang pa buhay mo sa pambayad tang'na mo ba't kasi ang tanga mo?!" bulyaw niya sa lalake. Dax. . . Gusto ko siyang awatin dahil bukod sa walang habas ang pagmumura niya sa lalaki, mukhang nakalimutan niyang nasa public place siya, may iniingatang imahe at baka ilang minuto lang ay trending na siya sa mga balita pero naestatwa parin ako. Sinulyapan ko ang lalaki na mukhang walang balak pumatol. Oo may kasalanan ito but I don't think he deserve those kind of words. He never changed even a bit. Tinitigan ko ang lalaki at nagulat ako nang makita itong nakangisi pa. Mukhang naghahanap talaga ito ng sakit ng katawan. "Yabang mo naman 'tol. Sige nga bilhin mo 'tong Lamborghini Veneno ko," tila nang-aasar pa na tugon nito. Nilawakan pa nito ang kanyang ngisi na mas nagpainit ng ulo ni Dax. Kitang kita ko ang paniningkit ng mata nito at paggalaw ng kanyang panga. Ilang buntong hininga ang narinig ko. "Wala ka pala eh. Pinagyayabang mo 'yang kotse mo eh hindi mo nga mabili 'tong akin." Lahat kami ay nagulat nang bigla niya itong kwelyuhan. Napatayo ako dahil sa taranta. Anong gagawin ko? Baka 'pag nangialam ako ay pati ako madamay sa init ng ulo niya, saka isa pa baka mamukhaan niya ako. Gigil na gigil ito habang ang lalaki ay pangisi ngisi lang, nang-aasar. "Talagang gusto mong subukan ang pasensya ko? Pagsisisihan mo 'to gago," gigil na gigil paring saad niya. Maingat akong tumalikod para hindi nila ako mapansin. Kailangan ko nang umalis. Madami namang testigo sa nangyari kanina. Pwedeng sila nalang siguro ang mag-report 'pag dumating ang mga pulis. Akmang maglalakad na ako nang marinig kong humalakhak ng mahina ang lalaki bago sumagot kay Dax. "Tangina pre ba't ako agad? Hindi ba dapat 'yong babaeng biglang tumawid muna dahil nagc-cellphone?" Napahinto ako. Teka bakit ako? Eh pula 'yong traffic light. Wow. Magpapalusot ka pang mokong ka. "Miss." Ramdam ko ang muling pagbilis ng tibok ng puso ko nang magsalita siya. "Teka lang." Sa mga oras na 'to ay nasisiguro kong sa akin nakadapo ang mga titig niya. Ano na ang gagawin ko 'pag namukhaan niya ako? Pwede bang lamunin nalang muna ako ng lupa pansamantala? Ang malas naman ng araw na 'to. Bahala na nga. Unti unti akong lumingon. Napapalunok dahil ramdam ko parin ang panunuyo ng aking lalamunan. "Oh tatakas pa oh," muling halakhak no'ng lalaki. Hindi pinansin ni Dax ang sinabi ng lalaki at hindi ko rin alam kung paanong mabilis ko siyang nahawakan sa braso nang umangat ang kanyang kanang kamao habang hawak parin sa kaliwang kamay ang kwelyo ng lalaki, nakahanda nang dumapo sa mukha nito, nakangisi parin. Ang tibay ah. Kunot noo niya akong binalingan at bakas sa kanyang mukha ang pagkabigla dahil siguro hindi niya inaasahan ang gagawin kong pag-awat. Kaagad din naman siyang nakabawi. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko na nakahawak parin sa braso niya. Marahan kong inalis ang pagkakahawak nang marahan din niyang ibaba ang kamay at tuluyang bitawan ang lalaki. Parang hindi ako makapaniwalang ganoon kabilis magbago ang mood niya dahil sa simpleng ginawa ko. "Pasalamat ka sa magandang binibini na nasa harap natin ngayon. Sorry Miss-- shit what happened?" Nanlaki ang mga mata niya at bumakas ang pag-aalala. Napakunot naman ako ng noo dahil sa naging reaksyon niya pero sinundan ko rin ng tingin ang tinutukoy niya. Ngayon ko lang napansin na may sugat pala ako sa tuhod. Baka sa lakas ng pwersa ng pagkakasalampak ko sa semento kanina. Kahit ako ay hindi ko na namalayan dahil sa bilis ng pangyayari. Ngunit mas mabilis pa sa bilis ng pangyayari kanina at hindi ko inaasahan ang biglang paghawak niya sa kamay ko. Para kaming magsyota na naghoholding hands. Rinig ko ang bulungan at ilang tili ng mga tao sa paligid dahil sa ginawa ni Dax. "Sana all sis," bulong pa ng isa. "Tara. Dadalhin kita sa ospital kailangan magamot ng mga sugat mo." Eh? Bigla akong nakaramdam ng hiya. Gasgas lang naman 'to pero bakit sa hospital pa? Kayang kaya 'tong gamutin gamit ng betadine o alcohol. Tinitigan ko ang mga kamay naming magkasalikop. Aalisin ko ba? Pero baka mainit pa ang ulo niya. Ayokong dagdagan 'yon kahit hindi ako kumportable dahil sa paraan ng pagtitig sa akin ng mga tao na akala mo ay kakainin ako ng buhay. "Tss. Galawan," pagpaparinig ulit no'ng lalake. Binitawan niya ang kamay ko at biglang bumaling ulit sa lalaki at akmang susuntukin na naman ito nang bigla akong magsalita. "S-sige, tara na," yan lang ang nasabi ko. "Pasalamat ka talaga dahil hindi ako ganon kabastos para bugbugin ka sa harap ng isang magandang binibini. Pero sa susunod na matimingan kita. Putangi-- ah layas na! Bwisit." Gusto kong matawa dahil nagpipigil siyang magmura. Ayos lang naman sa akin, sanay na ako. Hinawakan na naman niya ang kamay ko at hindi ito binitawan hanggang makarating kami sa passenger's seat. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago mabilis na sumakay sa driver's seat. --- "Putanginang 'yan." "Deputang tanga animal." " Ah tanga!" Sunod sunod na malulutong niyang mura matapos kong ikwento ang nangyari dahil obviously, mukha siyang lutang kanina. Natawa naman ako dahil parang kanina lang ay pigil na pigil siya sa sarili na magmura. "Hayaan mo na gasgas lang naman 'to." Ngumiti ako kahit pilit lang, baka sakaling mapakalma ko man lang siya kahit kaunti. Natatakot kasi ako sa mga taong galit. "Hindi eh. Paano kung may nangyaring masama sa'yo?" kunot noo niya akong binalingan. "Dapat doon binubugbog para magtanda," dugtong niya pa. "Paano kung wala. Wala naman 'di ba?" nakangiting tugon ko. "Tsk. Pilosopa." Napailing siya pero natawa rin. Pinanood ko siya habang nagd-drive pagkuwa'y bigla niyang inilabas ang cellphone at nagdial ng numero. Isang kamay lang ang gamit niyang paghawak sa manibela ngayon kaya medyo binagalan niya ang pagpapatakbo. Ingat na ingat. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi niya inilagay ang cellphone sa holder nito. Meron din naman siyang airpods para hindi na siya mahirapang magdrive. "BEV001. Pakihanap ng plate number na 'yan bro. I want him behind bars." Napabuntong hininga ako. Simple lang naman 'yon. Wala namang napahamak bukod sa simpleng gasgas at sugat na natamo ko. "Deputa! Muntik nang mapahamak ang isang magandang chi-- binibini. Makakasuntok ako p're. 'Di pwede 'yon sa akin. Dapat sa babae iniingatan." Lumingon siya sa akin sabay kindat at saka ngumiti. Talaga ba Dax? Natatawa ako sa mga pinagsasasabi niya pero pinipigilan ko. Siguro pati ang kausap niya sa kabilang linya ay natatawa rin. "Wala nang pero pero Luke! Aasahan ko 'yan. Ge na. Busy ako," paalam niya saka pinatay ang tawag. Pakiramdam ko ay panandaliang naudlot ang aking paghinga sa hindi malamang dahilan. Bumalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ulit siyang magsalita. "Ano palang pangalan mo babe?" Umangat ang kilay ko dahil sa itinawag niya sa akin. Napahalakhak naman siya. "Easy. Ano ngang pangalan mo?" natatawa parin niyang tanong. Shit. What will I say? Nakahinga ako ng maluwag kanina nang mapansin kong hindi niya ako namumukhaan pero baka 'pag nalaman niya ang pangalan ko ay bigla niya akong maalala. Ayan na naman 'yong mga titig niya. Ba't ba ang hilig niyang tumitig sa mukha? Medyo hindi ako kumportable kaya panay ang iwas ko at pinagmamasdan nalang ang tanawin sa labas. "Babe-- I mean Miss." Natawa na naman siya. Nangaasar ka ba? Ramdam kong naiinip na siya. "Bawal ba malaman? Ang damot naman. Sayang. Sigurado kasi akong kasing ganda mo 'yong pangalan mo. Pero kung ayaw mo namang sabihin wala akong magagawa--" "Hope." Oo na. Sige na. Effective ang pangongonsensya mo. Napakagat siya sa labi halatang nagpipigil ng ngiti. "Hm. Hope?" Naghintay ulit siya ng sasabihin ko. "Madrigal." Shit Self. Tinitigan ko siya at hinintay ang magiging reaksyon niya. Nakafocus parin siya sa daan pero tila may malalim na iniisip dahil biglang natahimik ito. "Ah. . Hope?" basag niya sa katahimikan. "Mm?" "Hope Madrigal. . ." Tumango tango siya na tila may naalala. Kunot noo niya ulit akong binalingan. Naninigkit ang mga mata na tila may gusto itong sabihin ngunit hindi niya maalala kung ano. "I think I've seen you somewhere." Natulala ako sa narinig pero sinalubong ko ang mga titig niya at pilit itinatago ang kaba na nararamdaman. It's been years, Dax. Yeah. You have seen me . . somewhere. — ~ tintirintintoots 💙
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
hijsksksjsbsbsbsbsbsbsbsbsbssbbsbsbsbdxbxbbdbbbbnnnkkoojrye eyrufufjgjgkvjchdhcjvjjggjdufigkgit dkvjdhxhshshdhdjdjdudufjfjgjgjgjfjfufjfjfifjgigigifjfjgjgigigigi
09/10/2024
0stories are good
02/09/2024
0daimon ×999💎💎💎
18/07/2024
1Ver Todos