logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 6: Question and answer

AUTHOR P.O.V.
Bago umuwi si Mira nang gabing yun ay nakatanggap siya ng todo todong sermon mula kay Irene na literal na tinanggap niya rin. Masyado siyang lutang kaya pati ang kaniyang ina ay tinatanong siya ngunit hindi niya ito sinasagot at tulad ng kaniyang paulit ulit na dahilan, pagod lang daw siya.
Ngayon ay madilim na ang kwarto ni Mira dahil patay na ang ilaw. Gabi na at siya na lamang ang gising. Nakaupo siya sa kaniyang kama habang nakasandal sa headboard at nakatiklop ang kaniyang mga tuhod. Nakatingin siya sa bintana na nakabukas dahil saktong sakto ang pwesto ng buwan kaya kitang kita niya ito.
"Sumpa ba toh? Siya ba may kagagawan nito? O ako lang hindi makamove on sa nakita ko?"
Sambit nito sa sarili at tumayo. Bumaba siya sa kama at isinuot ang kaniyang tsinelas. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto at bumaba ng hagdan. Tinungo niya ang likod ng bahay nila kung saan may hardin at upuang mahaba. Umupo siya doon at malayang pinagmasdan ang buwan at mga bituin.
Naging hobby na ni Mira ang makipag usap sa mga bituin sa tuwing may bumabagabag sa kaniya. Kaya heto siya ngayon at nakikipag usap sa mga bituin.
"Hinihingi ko ang tulong niyo. Sino ba gumagawa sakin nito? Siya ba o ako lang din?"
Sambit niyang muli sa kaniyang sarili habang nakatingin pa din sa kalangitan kung saan nakapwesto ang nagliliwanag na buwan at mga bituin. Napakaganda na sana ng kaniyang pag-mo-moment hanggang sa may gumulo nito.
"Hindi sasagot yan." Biglang sambit ng kung sino kaya napalingon lingon si Mira.
Wala siyang nakita sa paligid niya kaya akala niya ay minumulto na siya. Lumingon siya sa kaliwa at wala talaga siyang nakita maliban sa mga bulaklak at halaman sa paligid niya. Paglingon niya sa kanan niya ay muntik pa siyang mapasigaw dahil may nakaupo na sa tabi niya at kahit madilim ang paligid, kitang kita niya ang orange na orange na mata nito. Hindi man niya makita ng klaro ang katawan nito ngunit mata pa lang alam niya na kung sino ito. At hindi siya maaaring magkamali.
Galit siyang tumayo sa upuan at lumayo sa katabi niya.
"Lumayo ka nga sakin! Bakit nandito ka?"
Pabulong ngunit pagalit na bigkas Mira. Liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag ngunit nadagdagan ito ng bigla nalang may sumulpot na mga alitaptap mula sa kung saan. Kung kanina ay hindi makita ni Mira ang kabuuan ng kaharap niya, ngayon ay kitang kita niya na ang maganda nitong katawan na may kalahating buntot ng ahas habang nakangiti pa din sa kaniya.
'Bakit ba hindi niya matanggal tanggal yang ngiti niya?' Sa isip isip ni Mira.
"Ano nanaman bang ginagawa mo ditong ahas ka ha?"
Tumayo ang ahas at gumapang paunti unti papalapit sa kaniya kaya napapaatras siya.
"Bakit ka umaatras Mira?"
Nakangiti at inosenteng sambit nito. Nakaramdam naman ng pagkainsulto ang dalaga kaya lumapit ito sa ahas at halos idikit niya na ang sarili niya dito. Feeling niya kasi ay may ibang ipinapahiwatig ang kaharap niya sa bawat salita nito.
"Iniisip mo bang natatakot ako sayo? Sa tingin mo talaga natatakot ako sayo? Ang kapal ng mukha mong pumunta dito."
Natawa lang ang binata.
"Wala akong sinasabing ganiyan binibini. Ikaw lamang ang nagsabi niyan."
Pakiramdam tuloy ni Mira ay napahiya siya kaya napatawa nalang ito ng naiinsulto at tinitigan ng masama ang binata. Tingin na may pagkasarcastic at pinapahalata ang pang iinsulto.
"Ano bang ginagawa mo dito? Bakit ka nandidito sa TERITORYO ko?"
Bumuntong hininga ang binata at yumuko saglit atsaka tumingin muli ng inosente sa dalaga.
"Noong pumasok ka sa aking teritoryo, tinanong ko din ba sa iyo ang bagay na iyan?"
Nakangiting sambit nito sa maamong tono. Hindi naman din nakasagot si Mira.
"Ano bang pinunta mo kasi dito?"
Pagiiba ni Mira ng usapan. Bumalik ang lalaki sa mahabang upuan at umupo doon. Tinitignan lang siya ni Mira at pinapanood habang umuupo siya kaya ng makaupo na siya ay tinignan niya rin ito sabay tinapik ang konting space sa mahabang upuan kanina na para bang sinasabing maupo rin si Mira sa tabi niya.
"Maupo ka."
Maamo at nakangiti nitong sambit. Hindi naman alam ni Mira kung susunod ba siya kaya palipat lipat ang tingin niya sa upuan na tinapik ni Beomyeuz at sa mukha nito. Tumawa naman si Beomyeuz at tumingin muli sa kaniya dahil mukhang alam niya na ang iniisip ng dalaga.
"Maupo ka Mira. Hindi kita kakainin."
Natatawa niyang sabi. Dahan dahan namang naglakad si Mira at alanganing umupo ng nakasimangot sa upuan.
"Una sa lahat, sinusumpa mo ba ako? Ginagamitan mo ba ako ng kapangyarihan mo kaya lutang ako buong araw?"
Nakasimangot nitong sabi ng pabulong pa din. Bumuntong hininga si Beomyeuz at pumikit sabay tingin sa buwan. Nakatingin siya kay Beomyeuz habang nakatingin naman ito sa kalangitan and yet, nakangiti pa din.
"Sasagutin ko lamang ang tanong mo kung sasagutin mo muna ang sa akin."
Tumingin ito kay Mira ng nakangiti pero hindi nakalabas ang ngipin.
"Naisipan mong magnakaw na lamang ng pagkain dahil wala kang makain ngunit ang ninakawan mo ay isa ring naghihikahos at wala ring makain. Sa halip na magalit sayo ang taong ninakawan mo, ibinigay pa niya sayo ang natitira niyang pagkain na para sana sa kaniyang sarili sapagka't nahahabag siya sa iyo. Matapos mo siyang gawan ng masama ay nagmalasakit pa siya sa iyo na siyang tinakbuhan mo lamang. Ngayon ang aking tanong ay..."
Muli itong tumingin sa kalangitan ng hindi parin naaalis ang kaniyang pamatay na ngiti habang si Mira ay nakikinig lang at nakatingin lamang sa kaniya.
"Ano ang mararamdaman mo na tinakbuhan mo lamang ang isang taong ginawan mo ng masama at nagmalasakit pa sayo?"
Napaisip ng malalim si Mira habang nakayuko. Wala siyang ka-ide-idea sa kung ano man ang nais ipahiwatig ng binata sa mga pinagsasasabi niya ngayon. Tumingin muli sa kaniya ang binatang nakangiti.
"Isipin mong mabuti binibini. Ang aking tanong ay walang ipinagkaiba sa iyong katanungan. Isipin mong mabuti ang iyong magiging sagot sapagka't ang sagot na iyon ay ang sagot rin sa sarili mong tanong."
Yan ang huling salita na sinabi ng binata ngunit bago ito umalis ay ngumiti muna ito sa kaniya kaya kitang kita ni Mira ang pangil nito. Umalis ito at mabilis na gumapang papunta sa kung saan. Kasabay ng kaniyang pag alis ang muling pagdilim ng paligid dahil nawala na rin ang mga alitaptap.
Naiwan si Mira na tulala habang nakatingin pa din kung saan naroon ang binata kanina. Dahil ba `yon sa pagligtas sa kaniya sa lawa? Hindi pagpapaalis sa teritoryo niya? Alin doon? Yan ang mga tanong na bumabagabag kay Mira at yan ang dapat niyang hanapan ng kasagutan.
Napakalalalim ng nga kataga at pangungusap ang iniwan ni Beomyeuz. Kaya kailangan niyang isiping mabuti kung ano ang nais nitong iparating sa kaniya at kung ano ang ibig nitong sabihin.

Comentário do Livro (41)

  • avatar
    NavarroJayvhimae

    Great story!!! Keep on writing!!!

    19/04/2022

      0
  • avatar
    Mark Jacob Norombaba

    this your hand and sword and hat is so kindness and sword 💕 you get this card for short hair to grow back after deleting the best I can do you think you will give me sowrd this is the first boss is the one I got from her in a while but it's not a car in the fairy lights on for short hair to get this your car is in blode to

    19d

      0
  • avatar
    DaddyHey

    ang ganda talaga

    12/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes