logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 3: Meet

MIRA P.O.V.
Wala akong pasok ngayon kaya ang balak kong gawin ngayon ay magbabad sa secret cave. Pinayagan naman ako ni mama kase sabi ko mag-su-suswimming kami ni Irene. Pero ang totoo, ayokong may makaalam ng kweba na yun maliban sakin. Tumutol si mama nung una dahil baka daw mapagod ako pero wala parin siyang nagawa, kase sa kweba na yun ako nakakakuha ng enerhiya. At isa pa, hindi naman masamang bigyan ko din ng quality time yung sarili ko noh diba. Ito na nga langang pinaka-reward ko sasatili ko eh.
So ayun nga. Nakasakay na ako ng taxi at balak ko ng pumunta doon. Nagdala din ako ng damit kong pampalit kase baka may waterfalls doon or lawa. Maliligo ako since ako lang naman mag isa. Mabilis naman akong nakarating doon dahil wala namang traffic. Mabuti nalang talaga at walang traffic.
Luminga linga muna ako. Baka kase may tao tapos malaman na merong kweba doon. Hindi ako papayag. Madamot na kung madamot pero ang nakadiscover non kaya ako lang dapat ang nakakaalam non. Nang makita kong wala namang tao, agad na akong nagmadaling pumasok dala dala ang bag na may lamang damit, softdrinks, chichirya, kanin, tubig, tuwalya, powerbank at siyempre cellphone. Magseselfie selfie ako kahit ako lang mag isa.
Grabe sobrang ganda talaga dito. Hindi nakakasawa. Sa ilang beses na nakapunta ako dito, nararamdamam ko pa din yung pagkamangha ko noong unang punta ko. Nasira tuloy ang pagmumuni muni ko ng biglang magring ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at sinagot ang tawag. Si mama lang naman.
"Ohh ma?"
Pambungad ko.
"Uuwi ba kayo mamaya?"
Tanong naman ni mama kaya napaisip ako. Sa bahay nalang ni Irene siguro ako matutulog. Para hindi na maghintay si mama at baka mapaaga pa ang pag uwi ko. kung ganon.
"Baka hindi na, ma. Dito nalang muna kami. Total dala ko naman po uniform ko kaya dito nalang muna kami. Diretso nalang kaming papasok bukas."
Sinadya ko talagang dalhin yung uniform kasi nga kila Irene na `ko pupunta.
"Sige. Ilalock ko nalang mamaya ng maaga yung gate ha."
"Sige po ma. Love you."
"Love you mo mukha mo pangit mo. Love you too."
Natawa naman ako. Si mama kahit may saltik mahal ako niyan eh. Kahit minsan inaaway niya `ko mahal ko yan. Kaya nga sa kaniya ako nagmana eh haha. Pinatay na nga ni mama ang tawag at napatingin pa ko sa cellphone ng nakangiti. Naiimagine ko kase mukha ni mama.
Ilang minuto pa ng maisip kong tawagan si Irene. Good thing, sinagot naman niya agad.
"Magpapasalamat kaba? Kung ganon you're welcome."
Panimula niya.Wow ha! Kapal ng mukha talaga nitong babaeng ito eh. Kasalanan ko bang di niya tinanggap yung 500. Madali lang naman akong kausap eh!
"Gaga! Anong dapat kong ipasalamat sayo? Aber?"
Tanong ko dahil bakit ba? Wala naman talaga akong dapat ipagpasalamat. Tinaggi tanggihan niya yung 500 tapos ngayon gusto niya magpasalamat pa ako sa kaniya. Eh kaya ko nga ibinibigay yun para hindi na magpasalamat eh.
"Nasinagan ka lang ng araw nagka-amnesia kana. Ano pa nga ba aasahan ko sayo?"
Napataas na lamang ako ng kilay. Walang duda, gaga na nga madrama pa.
"Anong aasahan? Hoy irene! Para sabihin ko sayo ha. Wala kong utang na loob sayo. Magkakaroon palang. Makinig ka, pag tumawag si mama sayo sabihin mo magkasama tayo. Sabihin mo nagswimming tayo at nagrelax. Pag hinanap ako sabihin mo nakaidlip ako dahil sa biyahe. Maliwanag ba?"
Paliwanag ko. Sana lang pumayag dahil pag hindi, pasasabugin ko bahay nito.
"Ano?"
"Sa dinami ng sinabi ko wala kang naintindihan? Bangag ka?"
"Nasisiraan kana ba ng bait Mira? Pinagsasabi mo? Saan ka pumunta?"
"Basta. Magrerelax lang ako. Basta yun ang sabihin mo ahh salamat."
Huling sambit ko bago ko pinatay ang tawag. Mahirap na bago magtanong ng magtanong. Baka mamaya madulas pa ako at masabi ko kung nasan ako. Ayoko talaga yun mangyari. No! As in never.
Nagtaka ko kung bakit ang bigat ng likod ko. Yun pala di ko pa naibaba ang bag ko at nakatayo pa din ako. Kaya pagod kong ibinaba ito.
Itinaas ko ng bahagya ang aking white pants na pinaresan ko ng navy blue na longsleeve na parang polo at black na half shoes. Umupo na ko at sumandal sa pader at nagmuni muni. Tinatamad kase akong magcellphone gayong napakaganda ng view na nakikita ko. Dahil sa kuryosidad, pumasok pa ako sa madilim na bahagi ng kweba. May mga baging pa na kailangan hawiin. Matapos kong hawiin ang makapal na baging ay hindi ko maiwasang mapa 'WOW' sa ganda nito.
Napakaganda at hindi nga ako nagkamali, may lawa dito. May parang puno na magkadugtong at may isang butas sa may itaas kaya may liwanag na pumapasok mula dito. Ang gandaaa sobra talaga. Lumakad pa ako paloob at wala akong pakelam kung nakanganga ako. Ako lang naman mag isa dito. Ang ganda.Ang linaw ng tubig.
***********
AUTHOR P.O.V.
Sa sobrang tuwa ng dalaga ay umupo ito at naghilamos. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at hinilamusan ng tubig mula sa lawa ang kaniyang mukha. Sa kaniyang pagdilat ay di niya inaasahang may makikita siyang lalaki sa kaniyang likuran. Sa gulat niya ay na-out of balance siya at nasubsob sa lawa kaya nahulog siya. Hindi niya alam na malalim pala ang lawa.
Marunong siyang lumangoy subalit nakapantalon pa siya kaya nahihirapan siyang ikampay ang kaniyang mga paa. Ganon pa man ay sinubukan niya pa ring makaangat ngunit lalo lamang siyang lumulubog kaya hindi niya na maiwasan ang mataranta. Pumikit nalang siya dahil akala niya katapusan niya na ngunit may kung anong bagay ang biglang nag angat sa kaniya ng mabilis mula sa ilalim ng lawa. Nakapikit siya at nanlalabo pa ang paningin dahil sa tubig. Unti unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata at doon ay nakita niya ang isang nilalang na hindi niya alam kung totoo ba o nananaginip lang siya.
Inayos niya ang buhok na nakatabon sa kaniyang mukha. Pinunasan niya ang mukha niya at pumikit pikit na umiiling. Nang marealize niya na totoo nga ang nakikita niya....
"AAAAAAHHHHHHH!"
"Sandali lamang binibini at huminahon ka. Hindi kita sasaktan."
Pagpapakalma sa kaniya nito ngunit hindi maawat ang dalaga sa kakasigaw at napayuko pa. Sa kaniyang pagyuko ay napagtanto niyang nakapulupot ang isang buntot ng malaking malaking ahas ngunit maluwag lamang ang pagkakapulupot kaya hindi siya nasasaktan. Nang makita niya iyon ay mas lalo pa siyang nag-hysterical. Nakaangat siya sa lupa at nakapulupot ang buntot nito sa kaniyang katawan ngunit hindi kasali ang kaniyang mga kamay kaya malaya siyang nakakagalaw.
Sinundan niya kung saan galing ang buntot ng malaking ahas at nanlaki ang kaniyang mga mata ng makita niya na sa lalaki ito. Nakahubad ang lalaki. Kita ang abs niya at sa kalahati ng kaniyang abs ay ang makaliskis na buntot hanggang sa pinakadulo na nito. Dahil sa nakita ng dalaga ay muli nanaman itong nagsisisigaw.
"Sino ka ha??? Pakawalan mokoooo!"
Sigaw ng dalaga sa binatang kalahati ahas na natataranta ngayon. Napakainosente ng mukha nito at parang hindi alam ang gagawin na akala mo may nagawa siyang napakalaking kasalanan sa dalaga. Ang kaniyang orange na mata ng ahas ay mas nakadadagdag sa kaniyang kagwapuhan.
"Bini bini hindi ako nananakit. Pakiusap, huminahon ka."
Natigil ang dalaga at napatingin sa binata.
"Ganiyan nga binibini. Huminahon ka."
Wika nito ngunit pati siya ay napasigaw ng biglang sumigaw nanaman ang dalaga.
"Pakawalan moko!Ano bang kailangan mo sakin?? TULONG!!! MAY HALIMAW DITO!!! TULONG!!"
Dahil hindi na talaga maawat ang dalaga ay inilapit na niya ito sa kaniya atsaka tinakpan ang bibig gamit ang kamay niya.
"HMMMPP!! HMMMPP!!"
"Kapag hindi ka tumahimik, kakainin talaga kita rito ng buhay."
Pagkasabi na pagkasabi palang niya non ay biglang natahimik ang paligid. Natakot bigla ang dalaga sa sinabi ng lalaki kaya agad nitong itinikom ang kaniyang bibig.
"Ito ay aking teritoryo. Pinasok mo ang aking tirahan ng walang pahintulot ko. Nararapat kang parusahan noon pa man ngunit hinayaan lamang kita.”
Wika nito at unti unting tinanggal ang kamay sa bibig ng dalagang medyo natatakot pero hindi naman ganon kalala.
"Eh ayaw mo naman pala ko dito bakit hinayaan mo pa ako? Ikaw ang may problema at hindi ako!"
Hindi naman makasagot ang binata at napayuko na lamang sabay lunok.
"Oh kita mo na! Hindi ka makasagot dahil totoo kaya pwede ba! Pakawalan mo na ako!!!"
Wala namang nagawa ang lalaki dahil may punto ang dalaga. Bakit nga ba hindi niya ito pinaalis gayong alam niya na palang pumasok ito sa teritoryo niya ng walang pahintulot niya?

Comentário do Livro (41)

  • avatar
    NavarroJayvhimae

    Great story!!! Keep on writing!!!

    19/04/2022

      0
  • avatar
    Mark Jacob Norombaba

    this your hand and sword and hat is so kindness and sword 💕 you get this card for short hair to grow back after deleting the best I can do you think you will give me sowrd this is the first boss is the one I got from her in a while but it's not a car in the fairy lights on for short hair to get this your car is in blode to

    19d

      0
  • avatar
    DaddyHey

    ang ganda talaga

    12/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes