logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 5

JASMINE'S POV:

Nakaupo ako sa isang isang silya at nakagapos ang kamay.

“Anong laman ng sulat? Magsabi ka nang totoo sa amin!” anito saka ako sinuntok sa tagiliran.

“Umamin ka, or I'll make putok this gun on your face. Nag-uusap ba kayo ni Rain nang palihim?!”

“Wala. Wala akong aaminin sa inyo kahit patayin niyo pa ako! Wala! Wala!”

“Wala!!!”

Isang malakas na yugyog ang nagpabalik ulit sakin sa realidad. “Huy, Jasmine De Mesa! Napano ka? Ba't ka ba sumisigaw?!” ani Belle.

“Girl lutang ka na naman. Anong oras mo na naman binitawan ang Harry Potter book mo kagabi?” gatong naman ni Aemie.

Nakalimutan kong nasa loob pala kami ng classroom at nagre-review para sa Math quiz namin mamaya pero mukhang tinangay na naman ng hangin galing sa ceiling fan ang utak ko at nagsimula na naman maglakbay ang aking diwa.

Ilang araw na rin kasi ang lumipas pagkatapos ng nangyari pero hindi ko pa rin magawang i-open-up kila Belle at Aemie iyon kasi malamang ay hindi pa natatapos ang araw ay ini-interrogate na nila iyong tao. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang wrist ko dahil sa ginawa niya.

“Ah . . . Eh, wala! Wala kamo ako maintindihan sa binabasa ko.” Nagpalusot na lang ako sabay takbo palabas ng classroom dahil maaga pa naman at para makaiwas dahil baka bigla kong maikuwento sa kanila ang nangyari. Ito lang yata ang isang bagay na kailangan kong ilihim sa kanila.
Saglit akong nagpahangin at tumambay sa canteen. Bumili na lang din ako ng tag-dalawang piso na hotcake at isang cup ng samalamig.

Pagbalik ko sa classroom ay nasa harap na si Ma'am Zantua kaya't dali-dali akong naupo dahil baka mapag-initan ako kapag nagkataon.

'Teka, bakit siya nandito? Hindi naman schedule ng Homeroom Class, ah.'

Nagsimula na siyang magsalita sa harap. Mukhang ako na lang yata ang wala pa sa upuan. Nakita kong bakante ang katabing upuan ni Rain kaya't kahit mabigat sa loob kong makatabi ang kumag na ito at natatakot ako sa kaniya ay naki-upo na rin muna ako pansamantala hanggang sa matapos lang magsalita si ma'am. Kapag kasi bumalik ako sa upuan ko ay baka mapagalitan ako. Mas nakakatakot pa rin si Ma’am Zantua kaysa sa kumag na ito.

Para namang nakakita ng multo si Rain nang ibaling niya ang tingin niya sa akin.

“Makikiupo,” pabulong kong sabi nang hindi nakatingin sa kaniya pero kita ko sa peripheral version ko na nagulat siya sa pagtabi ko sa kaniya. Hindi naman na siya kumibo at ibinaling muli ang tingin sa harapan.

“Class, marahil ay nagtataka kayo kung bakit nandito ako ngayon. This is because of some negative observations sa klase na ito ng mga subject teachers ninyo. We decided to assign a permanent seating arrangement starting today. Sa subject ko at ni Mrs. Alvi ay tahimik kayo. Pero sa ibang subjects ay daig niyo pa ang mga nasa palengke. Is that how a star section class supposed to behave?” galit na pangaral nito. Lumalabas lahat ng wrinkles niya sa mukha at nai-imagine kong umuusok ang ilong niya na parang sa dragon habang nagbubuga ng apoy—parang si Shenron, ang dragon sa Dragon Ball Z.

“Pfft!!” pigil na natawa ako dahil sa naisip ko. Nagtataka naman na nilingon ulit ako ni Rain at sinamaan ng tingin.

“Manahimik ka nga, babaeng megaphone,” pabulong na saway nito sa akin.

“Who's talking at the back?!”

Halos tumalsik ang kaluluwa ko nang lahat sila ay lumingon sa direksyon namin ni Rain.

“Mr. Castro! Ms. De Mesa! Stand up!” singhal nito sa amin.

Maluha-luha naman akong tumayo samantalang parang wala lang kay Rain ang lahat at chill na tumayo habang lahat ng mga kaklase namin ay puno ng awa ang mga matang nakatitig sa amin.

“Nagsasalita ako rito sa unahan pero nagsasalita rin kayo riyan sa likod! Mas importante ba ang pinag-uusapan ninyo diyan kesa sa sasabihin ko? I want both of you to go to the Guidance Office after my announcement!”

Oops! Ang kaninang dragon na ini-imagine ko . . . ngayon ay nagkatotoo na.

'Shet! Lagot ako! At mas mananagot ako sa katabi ko na nadamay dahil sa akin!'

“Sit down, both of you!” pahabol pang sigaw ni ma'am na umalingawngaw sa buong classroom.

Huminga muna si Ma'am Zantua bago muling nagsalita. “As I was saying before I was rudely interrupted by your classmates, nagrereklamo na ang mga subject teachers ninyo sa akin. Naturingan kayong star section pero hindi kayo nagpapakita ng magandang pag-uugali.” Iginala niya ang paningin niya at muling nagpatuloy. “Lalo na yung mga magkakaibigan diyan na walang ginawa kundi magdaldalan nang magdaldalan. Just make sure na may mga isasagot kayo sa exam! Okay, everyone, stand up and bring all your things at tumayo ang lahat sa may wall! As I call your name, take your seat starting from the left side first row at sunod-sunod na. Maliwanag ba?!”

Biglang napuno ng kaliwa't kanang mahihinang bulungan ang buong klase. Nagmadali akong tumakbo sa upuan ko at binitbit ang bag at notebooks ko na nakalapag sa desk. Binigyan ako nila Aemie at Belle ng what-the-hell-happened look nang patakbo akong nagtungo sa direksyon nila.

Pero ayun nga, alam niyo yung last year pa kayo na magkakatabi ng mga tropa mo tapos bigla kayong paghihiwa-hiwalayin? Ang dami tuloy side comments ng mga magtotropa sa klase—kasama na kaming tatlo.

“Ms. De Mesa!”

At ayun na nga! Ako na pala ang tinatawag. Dali-dali naman akong naglakad patungo sa bakanteng upuan ng sinundan ko. Bale ang pwesto ko na ngayon ay second row pa rin pero sa may bandang right na second seat. Tila naman huminto ang oras nang tawagin na ang magiging katabi ko sa buong taon namin sa fourth year high.

“Mr. Castro, sit beside Ms. De Mesa.”

“. . . beside Ms. De Mesa.”

“. . . beside Ms. De Mesa.”

Paulit- ulit na umalingawngaw ang huling salita na iyon sa aking tenga. Hanggang sa mapansin ko na lang na nasa tabi ko na siya. Gusto ko tuloy na lalumin na lamang ako ng lupa ngayon sa kinauupuan ko.

‘This is gonna be a long year.’

“Tss.” Ang inis na reaksyon ni Rain ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Luminga-linga ako at lahat nga ay nakatingin na sa gawi namin at nagtatawanan. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatayo at nakatunganga. Si Rain naman ay hindi maipinta ang mukha sa sobrang inis.

“What—sh*t!” pabulong kong sabi sabay yuko na lang. Gusto kong lumiit ngayon nang kasing liit ni Tinkerbell at magtago sa loob ng bag ko forever.

‘Okay, Jasmine, quota ka na sa kahihiyan today, girl.’

“Quiet!!!” sigaw ni Ma'am.

Para kaming binuhusan lahat ng yelo sa sobrang bagsik ng boses niya. Mabilis na natapos na ang pag assign ni ma'am ng mga seats at nagsimula siya ulit magsalita. “We will have an activity next month. I want you to partner up with your seatmate and think of something na pwede ninyong i-present sa Foundation Day about being a student. It can be in a form of dance, song, acting, poem or anything! Basta kahit ano na nagpapakita ng buhay ng isang estudyante. This activity will be graded at malaki ang bearing nito sa magiging grade ninyo sa Homeroom.”

Sa isang row ay may six na upuan kaya kapag pinag-partner kami at alam niyo na resulta.

'I'm doomed.'

Comentário do Livro (30)

  • avatar
    Ehem Embroid Overruns

    good story

    23/06/2023

      0
  • avatar
    Athanasius

    Kudos to the author for creating this amazing story!💚💚

    20/04/2022

      0
  • avatar
    Migothecat

    highly recommended 💜 keep it up miss author

    14/04/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes