logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 6 Tulong

Kabanata 5
Tulong
--
Gabi na kaya naman tulog na sina Tita Cecilia at Celine nang dumating ako sa bahay. At dahil sa malayo ako nagpababa kay Benjamin, hindi rin nila makikita na may naghatid sa akin kung gising sila.
Kalahati ng kinita ko ang binigay ko kay Tita Cecilia kinabukasan. Kahit papaano hindi na siya nagalit at nakahinga ako ng maluwag roon. Natuwa rin ako dahil hindi na siya nagalit sa akin. Naisip ko na kung ipagpapatuloy kong maging mabuti ay magkakamabutihan na rin kaming tatlo.
"Nasaan yung sakin?" nakangising tanong ni Celine nang nakita ang pagbibigay ko kay Tita.
Umalis na si Tita para siguro magbayad na ng tubig at ilaw. Bahagya akong natigilan at napatingin kay Celine.
"Wala kang ibibigay sa akin? Wala ka manlang bonus dyan?" tanong niya.
"Uh..."
Malaki naman ang tip sa akin ni Benjamin kaya mabibigyan ko pa rin siya. Pero balak ko kasi talagang mag ipon ng mabilis. Pero kung talagang kailangan kong bigyan si Celine ng pera, bibigyan ko siya.
"Ano bang... gagawin mo sa pera, Celine?" marahan kong tanong.
"Panggala. Ang tagal ko nang hindi nakakagala kasama ang mga kaibigan ko. Kaya bigyan mo na ako, alam kong marami ka pang pera dyan."
Kinagat ko ang labi ko. Panggala? Iyon lang?
"Sige na, Sha sha! Minsan lang ako manghingi sayo kaya bakit hindi mo pa ako bigyan? Tsaka marami ka namang ipon dyan kaya sigurado akong hindi ka mawawalan! Panggala lang naman..." ani Celine.
Napabuntong hininga ako. Akala ko ba naman iipunin niya pero dahil gusto kong magustuhan nila ako at para na rin maging close kami (sana), binigyan ko pa rin siya ng pera.
"Ito..." sabay abot sa kanya ng limang daan na pera.
Napangiti siya at tinanggap agad ang pera. "Ayan! The best ka talaga, Sha sha! I love you!"
Ngumiti ako pero agad na siyang tumalikod at pumasok sa kwarto niya, agad agad nang aayain ang mga kaibigan at mag gagala.
Napabuntong hininga ako. Gusto ko sanang sumama pero... alam ko namang hindi niya ako isasama. Kahit pa ako ang nagbigay sa kanya ng pera. Nakaramdam ako ng kaunting kalungkutan sa isiping iyon pero binalewala ko nalang.
Siguro sa susunod? Siguro gusto na niya akong isama sa susunod...
Sa edad kong ito, gusto ko pa rin ng pagmamahal. Lahat naman yata gusto ng pagmamahal. Kahit anong edad mo, kailangan mo ng pagmamahal. Kaya hindi naman siguro masama kung maghanap ako, diba? Kung umasa ako araw araw na sana paggising ko, sasalubungin ako ng ngiti ng Tita at ng pinsan ko na si Celine. Mabubuhay kami ng masaya at magkakalapit.
Ganon lang kasimple ang gusto ko pero napanghihinaan ako ng loob at nakakaramdam ng lungkot kapag naiisip na... napaka labo ko yatang makuha iyon.
Bakit parang napaka labo? Bakit parang hindi ko makukuha? Iyon lang naman, eh. Pagmamahal lang...
Umiling ako at inalis nalang sa isip ang mga iyon. Bumuntong hininga ako at umalis sa kama para makapag luto na ng tanghalian. Ako palagi ang gumagawa ng gawaing bahay dito dahil syempre, palaging wala si Tita Cecilia at walang alam sa gawaing bahay si Celine. Kahit pa sinasabi kong tuturuan ko siya para naman kahit papaano mapalapit din kami sa isa't isa, nandidiri lang siya at umaayaw kaya ako nalang ang gumagawa ng lahat.
Kapag naka ipon talaga ako, patitirahin ko sila sa bahay kung saan may mga kasambahay sila. Alam kong mangyayari iyon kapag nakapag patayo na ako ng sarili kong shop. Hindi na sila mahihirapan at palagi nang makaka gala si Celine!
Pero naisip ko rin... palagi nalang bang ako? Kailanman hindi ko pa ito naitatanong sa sarili ko, ngayon palang. Kailangan ba palaging ako? Paano naman sila? Anong gagawin nila? Magpapakasarap lang? Hindi magtatrabaho at hindi ako tutulungan?
Pero naisip ko rin... ayos lang naman sa akin iyon. Gagawin ko ang lahat para sa kanila. Wala akong pakialam kung mahirapan ako ng husto basta nabubuhay sila ng maayos. Para sa akin sapat na iyon.
Sila ang nagpatira sa akin rito noong mga panahong wala akong matirahan hanggang ngayon. Para sa akin sobra sobra na itong ginawa nila para gawin ang lahat ng mga bagay sa kanila. Handa akong gawin ang lahat para sa kanila. Malaking utang na loob ko ang ginawa nilang ito para sa akin.
Sinigang na baboy ang niluto kong ulam para sa tanghalian namin mamaya. Nang natapos ay nagsaing na ako. Habang hinihintay ang sinaing, naglinis na muna ako ng bahay. Nagwalis ako at naglinis na rin ng banyo. Nagpunas ng mga bintana hanggang sa natapos akong magsaing.
Saktong pagkapatay ko sa kalan, nagring ang cellphone ko para sa isang tawag. Mabilis akong nagtungo roon dahil minsan lang may tumawag sa akin. Nang nakitang si Pastora iyon, agad kong sinagot.
"Hello po?"
"Sha sha! Pupunta ka ba rito ngayon?" mukhang nagmamadali ang boses ni Pastora.
"Ah, hindi po, Pastora. Hindi na muna po ako magbabake ngayon. Bukas pa po ako pupunta dyan para sa practice namin ng sayaw."
"Naku! Pasensya ka na, hija. Pahinga mo pala ngayong araw."
"Po? Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Kailangan ko kasi ng tulong rito sa simbahan. Nahuli ako ng gising at ngayon walang magiging tanghalian ang mga naggagawa rito! Hindi pa rin ako nakakapag saing! Pwede ka bang pumunta rito at tulungan ako?"
Nataranta ako sa sinabi ni Pastora. May naggagawa na sa simbahan at hindi pa siya nakakapag luto? Sagot niya ang mga pagkain ng tauhan? At teka? Naggagawa?
"A-Ah, sige po! Wala naman po akong gagawin kaya..."
"Maraming salamat, hija! At pasensya na talaga kung naabala kita. Kailangan na kailangan ko lang talaga ang tulong mo."
"Wala po iyon, Pastora. Sige po, magbibihis na po ako."
Binaba ko ang tawag at mabilis nang naligo at nagbihis. Sa sobrang taranta ko ay halos hindi na ako nakapag suklay ng buhok! Pero ayos lang. May dala naman ako sa bag ko kaya sa tricycle na ako magsusuklay.
Mabilis lang naman akong nakarating sa simbahan. Eleven twenty na nang nakarating ako kaya mas lalo ko pang binilisan. Halos takbuhin ko ang papuntang simbahan sa pagmamadali.
"Sha sha!" ang nagmamadaling si Pastora sa kusina nang nakita ako.
"Eto na po. Ano pong maitutulong ko?" hinihingal ko pang sinabi.
"Magsaing ka na sa loob ng bahay tapos tulungan mo ako rito. Kaldereta ang lulutuin ko."
"Sige po!"
Nagmamadali akong pumasok sa bahay ni Pastora at nagsaing na. Nang natapos ako roon ay lumabas na ako para matulungan si Pastora.
Mabuti nalang pala maaga akong nagluto at nagsaing sa bahay. Kung hindi baka hindi ko matulungan si Pastora rito! Sigurado kasing pagagalitan ako ni Tita Cecilia kapag wala akong nailuto sa bahay para sa tanghalian.
"Pasensya ka na talaga, hija," si Pastora habang nagmamadali kaming magluto roon.
"Ayos lang po, Pastora. Nakapag luto naman na po ako sa bahay kaya ayos lang."
"Pero dapat pahinga mo ngayon, hindi ba? Pero nandito ka ulit at tinutulungan ako."
Bahagya akong natawa dahil nag aalala talaga siya. "Wala po iyon, Pastora. Wag niyo na pong intindihin."
Palagi niya akong pinapayagang gamitin ang oven niya kaya maliit lang na bagay itong pagtulong ko sa kanya. Tsaka palagi rin siyang nandyan para sa akin, handa pa nga akong patulugin sa bahay niya. Kaya sobrang liit lang talaga nito para sa akin.
Pawis na pawis na kami roon ni Pastora dahil sa pagmamadali. Maayos naman naming nagagawa ang dapat na gawin kahit nagmamadali.
"Bakit kayo po ang sumasagot sa tanghalian nila?" tanong ko kay Pastora nang medyo nakabakante kami.
"Libre lang kasi ang paggawa nila sa simbahan, walang bayad! Kaya naisip ko na ako nalang ang magpapakain sa kanila at gagawa ng meryenda. Sila na kasi talaga ana sumagot sa lahat, pati ang mga kagamitan na gagamitin."
Namangha ako. Ganon ang ibinigay na tulong ng mga Abelardo? O si Benjamin? Ang sabi kasi ni Mrs. Abelardo si Benjamin ang gustong tumulong sa simbahan kaya... siya siguro ang sumagot ng lahat? O may kumpanya ba sila? Sa yaman nila, sigurado akong meron!
At Benjamin... nandito kaya siya ulit?
Naalala ko ang paghatid niya sa akin kagabi. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako sa nangyari. Tumitig ako sa kanya kaya natural lang na nakakahiya iyon! Nahuli niya pa ako!
Ngumuso ako at nilibot ang mga mata pero kami lang dalawa ni Pastora sa likod ng simbahan. May naririnig akong ingay sa loob ng simbahan kaya sigurado akong nandoon silang lahat.
Nandoon rin kaya si Benjamin? Hindi ko alam kung maayos ko siyang mahaharap ngayon! O hindi pa yata ako handang harapin siya ngayon!
Pero bakit ba ako nahihiya? Pumikit ako ng mariin. Sha sha!

Comentário do Livro (91)

  • avatar
    Fontelara Alvin

    okey

    3d

      0
  • avatar
    Annalou Soliba Limosnero

    excellent

    19d

      0
  • avatar
    MI KE

    nakakaiyak

    16/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes