logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

KIT'S P.O.V
He is pinning me to the sofa. His hands roam on my body. Bumaba ang kanyang halik sa aking leeg.
"Yvo teka lang.." pilit ko man siyang itulak ay hindi naman paawat.
Isang ungol ang isinagot niya. Ang kanyang kamay ay nasa binti ko at minamasahe iyon.
Bumalik ang kanyang halik sa aking labi, pagkatapos ay sa panga.
"You're beautiful. I might just choose to be with you. " ang lakas ng tibok ng puso ko sa nangyayari at walang maintindihan sa kanyang sinabi.
Tila ako natauhan ng maramdaman ang kamay niyang nakapatong sa kanang dibdib ko at bahagyang pumisil doon.
"Yvo lasing ka lang."
Tinulak ko siya sa buong makakaya. Napahinto naman ito at hinihihingal na tumingin sa akin. Nanginig ang aking katawan at nag-init ang mata. Naiiyak ako sa nangyari. Hindi ko matanggap ang naging tugon ko.
Is this one of his plans too? To get my body and later on mock me with it? Na kaya niya akong paikutin sa kamay niya?
"Damn." narinig ko pa ang bulong niya.
"Look, I am. . .I am sorry.." hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pilit na pinaharap sa kanya. Ini-angat niya ang baba ko para magsalubong ang ang aming paningin.
"U-uwi na ako." halos pabulong na sabi ko. Nagyuko ako ng ulo at kinusot ang mata. Bumuntong hininga siya at saka naramdaman na niyakap ako.
My head on his chest. I could feel his fast beating heart. I look up at him and was surprised to see how close his face is to me.
His eyes were glinting in the dark. Para bang napakaraming gustong sabihin at ipahayag niyon.
"Your heart is beating fast. . ." saad ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.
He pushed me lightly away from him. Kunot ang noo then he suddenly smirked. My eyes widen, that's his signature devil look.
"Don't be too comfortable Kit, This is still me, Yvo, your bully." bulong niya.
Nanindig ang balahibo ko sa kanyang mababang tono.
I was unguarded and careless. Bakit ko nga ba nakalimutan iyon? He is Yvo. The man who hated me. My Bully.
***
Tahimik sa loob ng kanyang kotse. Ang tensyon sa pagitan namin ay damang dama.
Napapaisip ako kung anong klase ang kinikilos niya. Malinaw na malinaw na galit siya sa akin. Tapos ngayon dinala niya ako sa resto at pagkatapos ay- napapikit ako ng mariin at isinandal ang ulo sa bintana. Hindi ko namalayang nakaidlip ako sa sobrang pagod na nararamdaman.
Pakiramdam ko ay ang daming nakaka stress na bagay ang nangyari ngayong araw. Nagising na lang ako ng isang kanto na lang mararating na namin ang subdivision.
"Dito na lang ako." ayaw kong makita ni mama na bumaba ako sa kotse ng ibang tao. Nakaramdam ako ng kaba ng maalala si mama at ang mga bilin niya. Sinuway ko siya!
"Y-yvo dito na lang ako. Ihinto mo na please.." laking pasalamat ko ng makinig naman siya.
Tumingin ako sa kanya at matama lang itong nakatitig.
"Salamat... Baba na ako." may pagmamadaling binuksan ko ang pinto ng kotse at walng lingon lingon na naglakad papasok.
Laking pasalamat ko at hindi pa nakauwi si mama. Dumiretso ako sa kwarto at humarap sa salamin. My face is flushed. Ang maputi kong balat ay namumula, magulo rin ang itim kong bahagyang kulutan na buhok, uma alon ito hanggang kalahati ng likod ko. Nahawakan ko ang aking manipis na labi, mas lalong namula iyon at pakiramdam ko ay nangangapal. My brown eyes are clouded with mist of tears, pati narin ang maliit kong ilong ay namumula.
Tumapat ako sa shower at sinabong mabuti ang katawan. Napahawak ako sa aking dibdib at binti. Naalala at tila ramdam ko pa ang mga kamay niyang humahaplos doon. Muling nag init ang aking mata. Plano niya rin ba iyon? Dahil galit siya sa akin?
Napaupo ako sa kama na suot ang roba at nadako ang paningin sa nakataob na larawan sa side table. Kinuha ko iyon at pinakatitigan. Mapait akong napangiti ng maalala ang nakita kanina sa restaurant. May pamilya na siya at masaya sila habang si mama hindi pa rin nakakaahon sa nakaraan.
Naglaro sa isipan ko ang saya sa mga muka nila habag palihim akong sumulyap sulyap. Nagnanakaw ng tingin. Hindi ako pwedeng magkamali siya iyon. Si papa ko iyon.. Bakit muka siyang masaya? Hindi niya na ba ako naa alala? Bakit niya kami iniwan?
Sa pagtanda ko lagi akong umaasa na babalik siya sa amin. Pero lumaki na lang ako na hindi pa rin siya bumabalik. Ako ang prinsesa niya noon, ni hindi sumagap sa isip ko na darating ang araw ay aalis siya bigla.
Gusto ko rin sana kumpleto kami, gusto ko rin maramdaman na may tatay. Nakalimutan ko na kasi ang pakiramdam na iyon, matagal ng panahon. Nai inggit ako sa pagtingin at pagkausap niya kanina sa lalaking kawangis niya. Sa anak niya.. sa iba. Napakadaya ng mundo, dahil kita ko ang pagmamahal niya sa kanila habang ako puro na lang sana..
Pinunasan ko ang luhang umagos sa aking mata. Hanggat maaari ay ayoko ng umiyak, sawa na akong maging mahina. Binalik ko iyon sa pagkakataob sa side table at napagpasyahan napagpasyahang magbihis.
Pagkatapos maligo ay dumiretso ako sa kusina at naghanap ng mailuluto para sa ulam ngayong  gabi. Nagsaing ako at nagluto. Ganito naman ang trabaho ko araw araw. Pagkatapos sa eskwelahan ay magluluto para sa hapunan.
Kahit ganoon ang trato ni mama sa akin ay hindi niya ako pinabayaan bilang anak. Noong iwan kami ni papa ay nagbago siya at nananakit sa tuwing nagagalit. Nagpapatintero na lang kami dito sa loob ng bahay. Nauna na akong kumain saka pumasok sa kwarto upang tapusin ang mga aralin.
Kinaumagahan ay hindi ko na nadatnan si mama. Ganon naman palagi ang nangyayari at nasanay na ako don. I don't have a choice but to accept my bitter situation.
Pagdating sa paaralan ay hindi ko alam ang i aakto ko kung sakaling makita si Yvo. Napahawak ako sa dibdib ko ng kumabog ng malakas sa isiping makikita ko siyang muli. Iniling ko ang aking ulo, Bakit ko ba siya iniisip?
Dumeretso ako sa klase.
"Kit!" malayo pa lang ay kumakaway kaway na si Cane sa akin.
"So, anong ganap?" umiling ako sa kanya at ngumiti.
"Huwag mo akong nginitian diyan. Sabihin mo sa akin kung anong ginawa ng Reevo na'yan sa iyo at uupakan ko siya!"
"Really?" napapitlag ako ng may magsalita sa likuran ko. Paglingon ko kay Cane ay namutla ito sa kinatatayuan.
Kasama ni Yvo ang grupo. Tumawa si Deter ng malakas at tiningnan si Cane.
"Hoy bata, wala kang laban dito." tinapik niya ang balikat ni Yvo. "Isang pitik lang" he snapped in the air. "Tumba kana." totoo nga ang kasabihan. Birds with the same feather, flocks together.
Nag aalalang tiningnan ko si Cane. Namumula ang ilong nito at sa asar, masama ang tingin sa isa.
"Baket?! Kinakausap ba kita?!" biniritan niya ito ng alis at pumasok sa classroom. Nakalimutan yata ako at iniwan na lang mag-isa.
"Lagot ka dude, iiyak iyon." paninisi ni Dino kay Deter.
"Parehas kayo nitong si Yvo eh, nang aaway ng bata. Tsk.tsk."
"Shut up!" masungit naman na anas ni Yvo at tumingin sa akin kumalabog ang puso ko. Ngumiti ako ng alanganin pero seryoso lang ako nitong tiningnan. Nawala ang ngiti ko sa labi ng hindi niya sinuklian iyon. Bumaba ang tingin ko sa papel na hawak niya. Ano yon assignment na ipapagawa? Nanaman? Tila nabagsakan ng mabigat na bagay ang dibdib ko.
Although he told me he was still the Yvo, the bad and bully guy. I can't help but to hope he'd stop bugging me.
Akala ko may nagbago na...
Kahapon lang ay ipinaramdam niya na may kaunting pag aalala rin siya para sa akin. Ang halik niya.. ang yakap... at ang emosyon na nakita ko sa kanyang mata.
Wala lang pala iyon?

Comentário do Livro (84)

  • avatar
    Neth Casipong Palis

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    12/08

      0
  • avatar
    FulgencioHaidee

    ang ganda ng kuwento,it is all about forgiving and accepting.highly recommended❤❤❤👍👍👍

    06/04

      0
  • avatar
    Gregorio Alo

    👍👍👍❤️❤️❤️❤️

    13/11

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes