logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

02 | Lost in the city

02 | Lost in the city
...
[Her POV]
"Miss,"
Dinig ko sa paligid ko. Naramdaman ko naman na parang may tumatapik sa balikat ko.
"Miss..."
"MISS!"
Bigla akong napadilat ng mata at napatingin sa paligid ko. Hanggang sa mapatingin ako sa lalakeng nakatayo sa harapan ko, masama ang tingin niya at hindi ko alam kung bakit.
"Bakit naman po kayo nang-gugulat?" Mahinahong tanong ko.
"Ah, miss pasensya ka na, kanina pa kasi kita ginigising pero sobrang himbing ng tulog mo." Saad niya na biglang nawala ang kunot sa noo. Nakangiti siya at nagkakamot ng ulo nang sabihin iyon sa akin.
Napatingin ako sa paligid at sa bintana ng bus na sinakyan ko. Inalis ko na rin ang jacket na suot ko dahil nakaramdam na ako ng init mula sa bus. Nakapatay na kasi yung aircon.
Oo pala, mula sa labas ng village namin ay sakto ring may bus na huminto at pasaherong bumaba matapos kong lumabas ng gate.
"Sasakay ka ba miss?" Iyan ang tanong sa akin kanina ng konduktor sa bus nang makita ako.
Hindi ko alam pero dahil sa tanong na iyon ay bigla na lang din akong napasakay sa bus.
At ngayon, heto na naman ang konduktor sa harapan ko. Dahilan naman para bumaba ako sa bus.
"Nasa terminal na kasi tayo miss, pasensya ka na talaga." Muli niyang saad.
Mukha ngang ako na lang ang pasahero sa bus at halos lahat ay nakababa na. Kinuha ko ang bag ko at saka tumayo at naglakad palabas ng bus. Ngumiti na lang ako kay kuyang konduktor. Buti na lang pala at sinigawan niya ako.
Pagbaba ko sa bus ay bumungad sa akin ang maraming tao na kanya kanya ang pinagkakaabalahan. Napatingin ako sa relo ko at nakita kong alas-sais na ng umaga.
Ang malaking tanong para sa akin ngayon ay...
Nasaan ako?
Muli na naman akong napabuntong hininga. Sa kagustuhan kong makaalis sa amin ay hindi ko man lang inalam kung saang lugar ako mapapadpad.
Hindi ko na nagawang magtanong sa mga tao kung nasaan ako, ayoko naman kasing isipin nila na wala akong alam sa lugar kahit iyon din naman ang totoo.
Naglakad-lakad na lang ako at nagmasid sa paligid ko at sa mga signage na nakikita ko, baka sakaling malaman ko pa kung saang lupalop ng Pilipinas ako napadpad.
Hanggang sa mapansin ko ang isang atm booth. Naisipan kong mag-withdraw muna habang iniisip pa rin kung saan ako pupunta.
Sa totoo lang, hindi ko kasi talaga alam kung saan ako pupunta, wala akong kaibigan na pwedeng puntahan at kung meron man ay baka mapauwi lang din ako pabalik sa bahay.
Seryoso naman ako sa paglalayas ko pero sabi ko nga, bahala na si batman kung saan man ako mapadpad basta huwag lang akong ikasal sa taong hindi ko kilala.
Kinuha ko ang atm card sa wallet ko at saka ko iyon inilagay sa atm. Kukunin ko na sana yung pera nang lumabas ito sa machine nang may biglang may tumulak sa akin, dahilan para mapa-upo ako sa sahig.
Hindi ako agad nakatayo dahil na rin sa bigat ng bag ko, at nang makatayo ako ay napatingin na lang ako sa lalakeng tumatakbo at malayo-layo na rin sa akin.
Ninakawan ba ako?
Agad akong napatingin sa atm, yung perang hinihintay kong lumabas kanina ay mukhang hindi na lalabas dahil naitangay na ng lalakeng tumulak sa akin.
Napakunot ang noo ko at parang gusto kong sumigaw sa sobrang inis ko. Ang gusto ko lang naman ay lumayo at takasan ang pagpapakasal sa lalakeng hindi ko gusto. Bakit naman kailangan ay manakawan pa ako?
Walang pag-aalinlangan ay dali-dali akong tumakbo patungo sa direksyon kung saan ko nakita yung lalakeng tumatakbo kanina.
Kahit medyo malayo na siya sa akin ay tanaw ko pa rin naman siya at alam ko ring siya yung kumuha ng pera ko dahil panay rin ang lingon niya sa akin nang makita akong tumatakbo na rin.
"Magnanakaw!" Sigaw ko habang nakaturo sa kanya.
Paulit ulit kong isinigaw ang salitang iyon para sana maka-agaw ng atensyon, kaya lang kahit isa sa mga nagtinginang tao sa akin ay walang naglakas-loob para harangin yung taong tinutukoy ko.
Malayo-layo na rin ang tinakbo ko at medyo pagod na ako kakahabol sa kanya at kakasigaw pero wala siyang tigil sa pagtakbo at hindi ko alam kung pinapagod niya lang talaga ako. Walang pag-asa para maabutan ko siya sa bilis ng takbo niya.
Huminto ako saglit habang hinahabol ang paghinga ko. Hindi ko napansin na sa mismong gitna ng kalsada ako huminto at napatingin na lang ako sa liwanag mula sa ilaw ng kotseng papalapit sa akin...
Gusto ko lang talagang lumayo at takasan ang lalakeng ipapakasal sa akin, iyon lang ang gusto ko...
...
[Trevor's POV]
Napadiin ang apak ko sa preno ng kotse ko nang bigla na lang sumulpot ang isang babae sa gitna ng kalsada.
Nakatayo siya at nakatingin sa kotse ko habang bahagyang nasilaw sa liwanag ng ilaw nito. Sigurado akong hindi tumama ang kahit na anong parte ng kotse ko sa kanya pero bigla na lang siyang tumumba.
Dahil sa nangyari ay para bang huminto ang oras at mundo ng mga taong kanina ay abala sa kung anu-ano, lahat sila ay nakatingin sa babae habang ang ilan ay nagbubulungan at paturo-turo pa sa kotse ko.
Lalabas na sana ako ng kotse nang bigla namang may kumatok sa salamin nito. Tinted ang salamin ng kotse ko kaya hindi kita ang nasa loob nito.
Bahagya kong ibinaba ang salamin ng kotse,
"Bumaba ka dyan! May nasagasaan ka!" maangas na saad nang lalakeng kumatok sa salamin ng kotse ko.
Parang hindi ko naman nasagasaan, wala naman akong naramdamang impact.
Muli ko namang binuksan ang pinto ng kotse ko at saka ako bumaba at tiningnan yung babaeng tinutukoy nilang nasagasaan ko.
Napatingin ako sa kotse at sa distansya nito mula sa babaeng nakahiga sa kalsada na sinasabi nilang nasagasaan ko.
Hindi ko maalalang tumalsik siya para ganun kalayo ang distansya niya sa kotse. Wala rin akong naramdamang kahit na ano para masabing may nasagasaan ako. Napailing na lang ako sa kung paano nila nasabi na nakasagasa ako.
"Wala kang gagawin?" Saad nang lalakeng maangas magsalita.
Tiningnan ko siya at saka ako muling tumingin dun sa babae. Lumapit ako sa babae.
"Miss, tumayo ka na dyan, hindi mo ako maloloko sa drama mo." Mahinang sambit ko habang nakangisi, isa na naman kasi ata ito sa mga scam na nagkalat ngayon.
"Ano pa hinihintay mo? Dalhin mo na sa ospital! Ay jusko!" Saad ng matandang babae.
Nawala ang ngisi sa mukha ko nang marinig ko iyon. Ginalaw-galaw ko naman ang balikat ng babae para sana ay gisingin siya pero mukhang magaling siyang um-acting... hindi ba?
Napansin ko ang gasgas sa braso niya at sa bandang noo niya, dahilan para maging seryoso ang mukha ko. Kahit anong taas ko sa braso niya ay mukhang wala talaga siyang malay at hindi nagtu-tulog-tulugan.
"Kuya! Seryoso ka?" Muli ko na namang narinig mula sa kung sinuman.
At dahil mukhang hindi nagpapanggap ang babaeng ito ay binuhat ko na siya papunta sa kotse ko.
Alam kong hindi ko siya nasagasaan at wala akong responsibilidad sa kanya, pero para na rin sa ikapapanatag ng mga taong sumubaybay sa pangyayari kanina ay ako na lang ang magdadala sa kanya sa ospital.
...
Habang nasa biyahe ay panay ang tingin ko sa relo ko, papasok kasi sana ako sa school nang bigla na lang siyang sumulpot sa gitna ng kalsada.
At dahil hindi pa ako nakakalayo mula sa condo ko ay naisipan ko na sa condo ko na lang muna siya iwan.
Oo, wala kasi akong alam na ospital na madadaanan ko papunta sa school. Kaya sa condo ko na lang muna siya.
Uulitin ko. Hindi ko naman siya nasagasaan at base sa itsura niya ay mukhang nahimatay lang naman siya. Siguro ay nabigla siya at akala niya ay masasagasaan na talaga siya.
Kung dadalhin ko pa siya sa ospital ay lalo lang akong mahuhuli sa klase ko.
Nang makarating ako sa condo ay agad ko naman siyang dinala sa unit ko. Pinagtinginan lang naman kami sa corridor at maging sa elevator pero wala akong magawa kung hindi daanin na lang sa ngiti ang mapanghusga nilang tingin.
Nang makarating naman ako sa unit ko ay ibinaba ko rin siya agad sa sofa. Wala pa rin siyang malay at hindi ko alam kung kailan at paano siya magkakamalay.
Hindi ko na siya gaanong pinansin at agad na rin akong umalis ng condo. Ilang minuto na lang kasi ay male-late na talaga ako sa klase ko.
Nag-iwan naman ako ng sulat kung sakaling magising siya at mabigla sa makita niya sa paligid niya. Malaya naman siyang lumabas ng condo ko at huwag kayong mag-alala dahil ibinilin ko na rin siya sa staff ng condo para magamot ang mga sugat niya at masigurong okay nga siya.
...
SCHOOL
Pagbaba ko pa lang sa kotse ay mga babaeng kinikilig na agad ang bumungad sa akin, mga babaeng isinisigaw ang pangalan ko at tuwang tuwa na makita ako. Ehem,
Sanay na ako sa mga tinginan at bulungan ng mga babae sa tuwing madadaan ako sa corridor, o basta makita nila ako.
Hindi ko rin alam kung anong nakita nila sa mukha ko pero konting sulyap ko lang sa bawat isang tumawag ng pangalan ko ay para bang may agawang nagaganap sa bawat babaeng magkasama.
Hindi naman ako varsity player, o kilalang matalinong estudyante...
Sadyang naka-post lang ang mukha ko sa bawat sulok ng campus hanggang sa labas na may nakasulat na "Enroll now".
Magulang ko kasi ang may-ari ng campus kung saan ako nag-aaral ngayon at naisipan din nilang gamitin ang mukha ko para mag-hakot ng mga estudyante. Tsk.
Pagdating ko sa room ay agad naman akong nagtungo sa upuan ko. Late na ako pero dahil sa nakatalikod ang professor ay hindi niya ako napansin na pumasok mula sa pinto sa likuran ng classroom.
Napansin ko naman si Waigne na mukhang tulog na naman. Matagal ko ng kaibigan si Waigne, at mula noon hanggang ngayon ay antukin pa rin siya.
...

Comentário do Livro (23)

  • avatar
    SarahJane Zulkani

    😍😍😍

    21/06

      0
  • avatar
    Francyne Sj

    very nice

    13/06

      0
  • avatar

    these stories is sow amazing I like it the story

    28/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes