logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 7 Day 2

Day 2 of 14
CIOS.
“Wow second honor ang Cios namin!” Malaki ang ngiting salubong sa akin ni Lola. Niyakap niya agad ako at bahagyang ginulo ang aking buhok.
Kadadating lang namin galing sa school, kanina rin ginanap ang aming Recognition. Magc-celebrate raw kami ngayon dahil lahat kaming magpipinsan ay may Honor. May mga handa pa sa lamesa at mga balloons.
“Lola, panis po kayong lahat dahil Top 3 ako! Hehe, galing ko po diba?” Maingay na sabi ni Red. Binatukan siya ni Sho, saka ipinaliwanag na tie naman silang dalawa ni Red sa pagiging Top 3.
“Kuya Kyo, ikaw po pang-ilan?” Tanong ng kapatid kong si Camila. Umupo ako upang magka-lebel ang aming paningin.
“Top 2 ako, Camila. Ang galing ko diba?” Proud kong sabi. Tuwang-tuwa naman si Camila at pinagyayakap pa ako. Natigil lamang ang katuwaan namin nang dumating si Mommy at Daddy.
“Why are you so happy, Cios? Kakaunti lamang naman ang agwat ninyo ni Seah , ah? Bakit Top 2 lang ang naabot mo?” Disappointed na tanong ni Mom. Wala akong nagawa kundi ang yumuko.
Right, Mom’s always saying na I have to be at the top.
“Fiona! Bakit hindi mo nalang i-congratulate ang anak mo? Magaling nga at nakasama siya. Napakadami niya pang awards, kaya ano ba’t nagagalit ka?” Halata na sa boses ni Dad ang pagkainis.
“Ha! At kakampihan mo pa ang bata?! Hindi siya magiging successful kung hindi siya ang mananalo! Mas maganda kapag nasa taas ka! Mas maraming oppurtunities! I’m being strict to him because he’s the oldest child, and he should be a role model for Camila so that Camila will also be a good child. Hindi sapat ang mga awards na yan kung hindi naman niya makukuha ang main goal niya na maging pinakamataas sa lahat!” Mahabang litanya ni Mommy.
Agad na akong inilayo ni Lola doon. Malayo sa nagtatalo kong Mommy at Daddy.
I opened my eyes and reached my side table to get my phone. It was 4 in the morning. Bumaling ako sa kabilang side ng kama at naramdaman ang lamig. I was alone but the wind almost felt like staying on my side. It was cold yet refreshing.
**********
COLEEN.
Nagising ako dahil sa sigawan sa baba. Nag-aaway na naman siguro ang Inay at Tatay. Maingat akong bumangon at nagtipa sa aking phone.
To: huliCAM.
loe. Gcing k na b?
Marahan kong sinuklay ang aking buhok habang naghihintay sa reply ni Camila.
From: huliCAM.
new no. hu dis?
Bahagya akong natawa, hindi lang dahil sa reply niya. Kundi dahil narin sa pangalang inilagay ko sa kaniya. huliCAM. Naalala ko rin kung anong name naman ang inilagay niya sa akin, COLAngot.
To: huliCAM.
tinatamad aq pumasok beh, ra kaehn??
From: huliCAM.
ay xori, teh. Kaka-text lang din sakin ni Kuya, eh! May date nga sana kami ni Vero, kaso nagpapasama naman itong si Kuya, hmph.
Kunot-noo kong binasa ang reply niya. May date sila ulit ni Kuya Vero? Napapadalas naman ata ang friendly date ‘ika’ nila?
From: huliCAM.
shocks fren, alam ko na!!!!!!!! Punta ka sementeryo mamayang 9 AM ha??
To: huliCAM.
whyket? Anu gagawin q sa sementeryo, aber???
Nagtataka padin ako kung bakit niya ako pinapapunta sa sementeryo. Doon na ba ang bagong galaan? Ah, basta! Pupunta nalang ako at baka importante naman.
**********
CIOS.
From: Camila.
Kuya, 9 AM po ha?
Akala ko ba’y busy siya? Napailing ako saka nagsimulang mag-ayos para makaalis na. Hindi na ako nag-abala pang magsuot ng kung ano. Humarap ako sa salamin at ineksamina ang sarili ko. Hindi naman siguro uulan at hindi naman siguro madudumihan ang puti kong T-shirt, diba? Nang masagot ko na ang sarili kong tanong, dinampot ko ang aking cellphone at nagsuot na ng face mask at sumbrero.
Pagkarating ko roon ay halos iilan lang ang tao. Sabagay, hindi naman ito ang araw na madalas bumibisita ang mga tao sa mga nangamatay na nilang kaanak. Tinext ko agad si Camila at sinabing narito na ako.
Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang may maingay na babaeng tila nawawala dahil sa paglingon-lingon niya sa paligid. “Naknampucha naman oh! Nasaan na ba yung babaeng yun? Ano bang gagawin ko rito, bwisit!”
Napaawang ang bibig ko nang makita kung sino iyon. Nagulat rin siya nang dumako ang mga mata niya sa akin. “O-oy! Bakit ka nandito?” Maingay niyang tanong habang lumalapit sa akin.
“Hinihintay ko si Camila. Ikaw? Why are you here? May bibisitahin ka rin ba?” Tanong ko. Nanlaki ang mga mata niya at napatakip pa ng bibig. She’s not calm na naman.
“Pakshet! Wala akong bibisitahin dito. Si Camila kasi, sabi niya pumunta daw ako dito ng 9 AM!” Natataranta niyang sigaw. Naiirita na ako sa kakasigaw niya, may iilang bumisita at napapatingin na sila sa amin.
“So, this was planned? Are you sure na hindi ka katulong ni Camila dito?” Nagdududa kong tanong. Agresibo naman silang umiling. Bumuntong-hininga ako saka nagsimulang maglakad.
“H-hoy! Saan ka pupunta? Teka, sama ako!” Mas binilisan ko pa ang aking lakad dahil sa pagsigaw-sigaw niya. Pero kahit mabilis akong maglakad ay tinitingnan-tingnan ko rin naman kung nakakasunod padin ba siya sa akin. Mahirap na, baka maligaw pa ang bwisit.
Tumigil ako sa paglalakad nang marating ko na ang puntod ni Lola. Nakita ko ring tumigil ang kasama ko at takang nakatingin sa akin.
“Bakit ka tumigil—”
Kumorba ang labi niya ng pa- ‘O’ at dahan-dahan ng lumapit sa akin. “A-ah, sino siya? Mama mo?”
“Lola.” Maikli kong sagot.
“Ah. Buhay pa pala ang Mama mo. E ang Lolo mo? Ang Papa mo? Buhay pa ba?” Sunod-sunod niyang tanong.
Iritado akong tumingin sa kaniya. “Siya lang ang bibisitahin ko ngayon. So, yes. Buhay pa ang mga itinanong mo,” sagot ko. Napatango-tango naman siya.
Napatingala ako nang maramdaman ang tila pagyakap sa akin ng hangin. Nandito ka ba, Lola?
I opened my eyes as I heard the sound of her camera. Tiningnan ko siya at nakita kong nakatingin rin siya sa akin.
“Wag mo akong kuhanan ngayon. Wala ako sa mood.” Simple kong sabi.
“Malungkot ka ba?” Tanong niya. Bakas sa boses niya ang pag-aalala.
I raised a brow. Bakit bigla ata siyang naging seryoso? “Hindi,” sagot ko.
“Psh, sinungaling.” Umiiling niyang sabi. Ako? Sinungaling? Ha! “Alam mo? Hindi mo naman ikamamatay kung aaminin mo na nalulungkot ka.” Tumatango-tango niyang sabi.
And with that, napaiwas ako ng tingin. Nalulungkot nga ba ako? Hindi. 5 years had passed, I’ve already moved on.
“Hindi nga ako malungkot,” taas-noo kong sabi. Sigurado akong hindi na ako nalulungkot.
“E bakit ka nandito?” Napakurap ako sa tanong niya. Yeah, why am I here nga ba?
Lumapit siya sa akin at kinuha ang aking sumbrero saka isinuot ito. Aangal pa sana ako pero naisip ko na hindi niya ako titigilan at pahahabain niya lang ng pahahabain ang usapan.
“Smile ka nga sa camera kung di ka sad,” natatawa niyang hamon. Umiling ako pero tinanggal ko rin ang aking mask upang magpose para sa kaniya. “Sabi ko smile.”
“I don’t want.” Sabi ko, may pag-iling-iling pa.
Pinanliitan niya ako ng mata saka tumingin sa paligid, at ibinalik rin sa akin ang tingin. Itinaas niya ang kaniyang camera, at umaktong kukuhanan ako.
“Takot ka ba sa gagamba?” Kunot-noo ko siyang tiningnan.
“Ha? Hindi, why?” Sagot ko. Napatango-tango siya at saka ini-ready ang kaniyang camera.
“Kung ganoon, okay lang naman siguro na may gagamba sa buhok mo?” Nakangisi niyang sabi. Pinanlakihan ko siya ng mata saka umayos sa pagkakatayo.
“A-alisin mo.”
“Hmm? Ayoko nga. Akala ko ba hindi ka takot?” Nakangisi niyang sabi.
Huminga ako ng malalim saka dahan-dahang kinapa ang aking buhok. Naiirita ako sa mahina niyang hagikhik. Nahugot ko ang aking hininga nang maramdaman kong mayroon ngang gagamba. Agresibo ko itong ipinagpag at inis na napapadyak.
Narinig ko ang malakas niyang tawa kaya masama ko siyang tiningnan. Agad niya naman akong kinuhanan saka nagpatuloy sa pagtawa.
“Akala ko ba hindi ka takot sa gagamba? Ang funny ng itsura mo kanina!” Walang hanggang pang-aasar niya sa akin habang naglalakad na kami palabas ng sementeryo. “SM tayo! Libre kita ng pamasahe!” Masaya niyang sabi at humarang pa sa daraanan ko.
“Ayoko. May review ako. Pumasok ka nalang sa school o mag-aral.” Seryoso kong sabi at patuloy parin sa paglalakad.
“Ang boring ng buhay mo ‘noh? Puro ka aral! Tara na, SM!” Hindi na siya nag-aksaya ng oras at hinila na niya ako upang mag-abang ng sasakyan.
“May kotse akong dala. Wag na tayong mamasahe,” seryoso kong sabi. Tumango naman siya at sumunod sa akin.

Comentário do Livro (93)

  • avatar
    AcuñaJilwin

    so excited

    31/03/2025

      0
  • avatar
    Francis Almer Bool Fortu

    please robux

    26/11/2024

      0
  • avatar
    kyglaze

    awesome

    16/11/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes