logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3: Unexpected Reunion

"A-anti magic?" I uttered.
"I remember... How are you related to Kaneki Silven?" tanong ni Ms. Oria.
"He's my great grandfather." pormal naman na sagot ni Leiv.
"I see... Kaya pala pamilyar ang apelyido mo. You came from a family of swordsmen and a grandchild of Great Swordsman in the history."
Pagkatapos ng tagpuang iyon ay agad rin kaming bumalik sa pwesto namin.
"What was that Mizuumi? 'Yun na eh... Bakit hindi ka man lang gumanti? 'I lost'. Lost lost mo mukha mo!" —Cane.
"Oo nga! Panalo ka 'dun eh! Kayang kaya mo siyang durugin!"—Gab.
Napabuntong hininga na lamang ako.
"Ang sabi niyo, easyhan ko lang and that's what I did. I used 30% of my magic 'cause you said, wag ko siyang papatayin."
"Thirty percent? Gago, seryoso ka ba?" gulat na tanong ni Cane, with sarcasm of course. "You almost destroyed the whole stadium..."
"Almost... But I didn't. You should still be thankful." sabi ko naman sa kanya.
Yes. Thirty percent lang yun ng dark magic ko dahil hindi ko pa kontrolado ng buo ang kapangyarihan na 'to. I'm still training to control this. Pero, I feel like I'm all drained. I declared a lost dahil wala na akong maramdamang kapangyarihan sa katawan ko. Pero hindi ko iyon ipinahalata kanina. I had no idea how the hell did that happened.
"Silven... Kaya pala pamilyar. Nabasa ko 'yun sa isang libro ng history." rinig naming usal ni Nami.
"Ang alin? Saka anong libro?"
"Kaneki Silven, a demon slayer and a swordsman. He killed thousands of demons and dark wizards year 3969. He's the only Swordsman who has great contribution to the 3rd Great Magic War in Vlione using an Anti-Magic Sword." salaysay niya. I was amazed... Thousands talaga?
"Anti-Magic sword?" tanong ni Gab.
"How does it work?" tanong ko. I'm curious...
"Do you feel any magic in Leiv?" tanong ni nami.
"Now that you mentioned it... Wala nga akong nararamdaman sa kanyang kapangyarihan." sabi ni Cane, with her hand rested on her chin, tila nag iisip.
"It's because that sword absorbs magic... Meaning, that's Leiv's magic."
"I don't get it at all."—Gab.
"It's just like Cane's cards... Cane is giving magic to her hero cards, diba? Ganon din ang kay Leiv. It's like, the sword is eating his magic. He can summon it anytime in his will. Ang pinagkaiba nga lang, it's an anti-magic sword. It cancels any magic spells and absorbs an opponent's magic. Grabe, I can't believe this... First ko ko makakita ng ganito. It really existed."
Kaya pala... Kaya pala nanghina ako because that sword absorbed my magic.
"I think you have a new ace in your team. So, next..."
***
Naging usap usapan lalo si Leiv sa buong Lignesium. Bawat madaanan kong mga estudyante, siya ang bukambibig. In an instant, he became popular not just by his looks... Pero ang tungkol na rin sa Anti-Magic niya.
"I heard you lost. That's new..." sabi ni Yuji na nasa ulo ko.
"Practicum lang naman, not a big deal. Pero kung ayaw mong natatalo ako, I'll do better next time." I smiled at her.
Nasa hideout kami ngayon... Everyone's in silence. Pero alam ko namang nag uusap sila through telepathy.
I'm still bothered, about my healing magic. Am I going to be alright?
"Huy! Okay ka lang?" tanong ni Cane.
"Yep."
"Baka nagluluksa sa pagkatalo niya. Hahaha! Joke lang... Peace" Apang aaasar ni Gab at nagpeace sign.
Wala akong pakialam kung natalo ako... I was thinking about my magic, the healing. It's not effective anymore, hindi tulad ng dati.
Tumayo ako at nagpasyang pumunta kay Master Vlad para magtanong at humingi ng tulong tungkol dito.
"Saan ka pupunta, huy? Nagjojoke lang namana ko eh."
"Nakalimutan ko... Pinapatawag nga pala ako ni Master Vlad. I'll just go to his office." palusot ko. "Baka matagalan din ako kaya Cane... Sa dorm mo na lang ako hintayin."
Hindi ko na hinintay ang mga sasabihin nila at naglakad palabas ng hideout.
Isang lalaki ang humarang sa dinadaanan ko. I wasn't surprise at all nang makita kong si Leiv lang pala. Nakakalokong ngiti ang iginawad nito sa akin.
"What?"
"Sorry, kung sinira ko ang history mo."
"Huh?"
"You're rank 1, right? I know you feel bad about it. Sana di ka madepress dahil natalo kita." Does he want to piss me off? He's mocking me, obviously.
"I don't really mind. And I don't care. Kasama naman sa buhay ang matalo." sabi ko sa kanya. I waved my hands without saying anything.
Sorry... Pero nagagawa ko ng kontrolin ang emosyon ko ngayon. That won't even affect me. Depress? Tss. I have no time to be depressed.
***
Ilang hagdan ang tinakahak ko para makarating sa office ni Master. Nasa tapat na ako ng pinto niya ngayon. Kumatok ako ng tatlong beses.
"Pasok."
Pumasok ako gaya ng sabi ni Master. Laking gulat ko nang makitang nandito rin pala si Master Hades na hindi ko inaasahan.
"Master Hades..." tanging usal ko lang.
"Mizuumi... Ano't naparito ka? May kailangan ka ba?" tanong ni Master Vlad. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at inayos ang mesa.
"Uhmmm... Hindi naman po ako magtatagal dito. May gusto lang po sana akong malaman. About my healing magic. It's not effective anymorelike what it was before. I don't know what's happening..." salaysay ko.
I'm bothered dahil ito lang ang tanging kapangyarihan na namana ko sa Papa ko. Ito ang ala ala ko sa kanya... Tapos mawawala pa? Nawala na ang kwintas na binigay niya sa akin noon. Hindi na ako papayag kung pati ito, mawawala rin.
"Oh... To think of it. Hindi ba't tatlong uri ng kapangyarihan ang meron ka? Water, dark and healing magic. Mukhang hindi kakayanin kapag nagsagawa tayo tests sa lab. I don't also have the power to determine a magic." sabi ni Master Vlad.
"Ganon po ba?"
"I know one person na makakatulong sa 'yo." Napalingon ako kay Master Hades. Para akong nabuhayan sa sinabi ni niya.
"Sino po?"
"Jade... The Queen of Guardian Kingdom. She has the power on determining anyone's magic. Kaya niya ring ipredict ang daloy ng kapangyarihan sa katawan mo."
Nagkatinginan kaming tatlo.
"Should we go now?"
Natutuwang tumango ako.
***
Mabilis lang kaming nakarating sa destinasyon namin dahil na rin sa isang kapangyarihan pa ni Mr. Hades, ang teleportation. He gave us a ride and, tweeng! Nandito na kami.
Sanctuary... Ang ganda pa rin talaga dito.
7 months ago nang magdesisyon sina Miss Jade at ang admins na palayain sa Guardian Kingdom ang mga guardians na may carrier. Kaya mula noon, lagi na naming kasama sina Yuji sa kahit anong mission. It's still up to them kung uuwi sila paminsan minsan dito sa Sanctuary. They are free to visit their families or friends anytime.
"I know there's a secret passage here papunta mismo sa palasyo ng mga guardians... Alam mo ba Vlad?"
"H-ha? Huwag mo akong tanungin. N-nakalimutan ko na."
Oh boy...
"Dito yata 'yun eh..."
"Hades, hindi diyan. Dito!"
"Vlad... Alam ko 'to. Dito 'yun."
Marahas na napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung matatawa o maiirita ako sa dalawang mantandang kasama ko. *facepalm
Nainip na ako kaya tumulong na lang din ako sa paghahanap. Hanggang sa may nakita akong kaisa isang puno na kakaiba sa lahat. Sinubukan ko itong hawakan pero nagulat lang ako dahil tumagos doon ang kamay ko. What the hell?
Inulit ko ang ginawa ko. Pero this time, nilusot ko ang kalahati ng katawan ko.
"Master Vlad! Master Hades!" tawag ko sa dalawa. Nanlaki ang mga mata nila nang makita ang sitwasyon ko. Agad na sumunod sila sa akin.
Buong katawan ko na ang tumagos. Hindi ko alam kung saan ako napunta. Iginiya ko ang paningin ko sa paligid... Ibang lugar na yata 'to. Mas maganda dito kesa kanina. May tila gahiganteng palasyo rin na sobrang ganda. Ang mga guardians ay makikita mo kahit saan. Ang ganda nila tingnan!
"Guardian Kingdom..." rinig kong usal ni Master Hades. So ito pala.
We decided to keep going. Habang naglalakad kami, lahat ng mga guardians ay nakatingin sa amin. Ang iba ay walang reaksyon, ang iba naman ay natatakot, may iba ring natutuwa. May humarang sa dinadaanan namin sa gitna ng paglalakad. Isang guardian na nakaarmor at helmet.
"Sumunod daw po kayo sa 'kin..." anito.
Nagtinginan pa kaming tatlo saglit bago nagpasyang sumunod na lang sa kanya.
Iginiya niya kami sa loob ng palasyo. Ang ganda, ang laki at ang ganda tingnan sa loob. Halos lahat ng makikita mo ay gawa sa ginto. May mga paintings din ng angkan nila mula sa kanuno-nunuan hanggang kina Yuji.
Matapos ang ilang minutong paglalakad, narating na namin ang mismong trono ni Miss Jade. At nandito nga siya...
"Nandito na po sila."
T-teka... Ibig sabihin, siya ang nagpasundo sa amin? Paano niya nalaman?
"Jade..."
"Nakikita at naririnig ko na kayo mula pa lamang sa labas ng kaharian ko. You need anything?"
She's really intimidating... Kahit sa klase ay nakakatakot siya. Alam ko na talaga kung saan nagmana si Yuji.
Tumingin sa akin si Master Hades, like he's telling na sabihin ko na.
"During these past few days, nagiging mahina na po ang healing magic ko. It takes longer to heal than what it usually was." paliwanag ko. Sandali niya muna akong tinitigan. Maya maya pa ay bumaba siya sa kanyang trono at lumapit sa akin.
"You're Hazith's daughter, hindi ba?" Tumango ako bilang sagot. "Where's the necklace? Wala ba siyang binilin sa 'yo? 'Yung Heart of the Ocean..." dagdag tanong niya pa. Napansin kong nagkatinginan sina Master Vlad at Master Hades.
"It's gone. It was during the Rank Game... When I lost it." I answered.
"Oh... Too bad. I was the one who gave that to him. He helplessly entered my kingdom and asked for help. Ang sabi niya ay nangangailangan siya ng pang-restraint sa Dark Magic. So I gave one of my collection to him. Come..." pagkatapos niyang magkwento ay inutusan niya akong lumapit sa kanya.
She pointed her finger on my forehead. Para akong may naramdamang kung anong dumadaloy sa akin, sa buong katawan ko. Napapikit ako dahil sa kakaibang sensasyon. It took 1 minute bago niya inalis ang kanyang daliri sa noo ko.
"This is bad..." aniya. Automatikong nakaramdam ako ng kaba. "Since you lost the necklace, the dark magic is slowly taking over your body. 40% out of 100 is now inside you. Hindi na nakakapagtaka kung bakit unti unti nang nawawala ang Healing Magic mo. Sooner or later on, it will fully takeover your body and even your Water Magic will be lost."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Nakakapanlumo... Bakit ba kasi winala ko ang kwintas? Paano na?
Gusto kong umiyak, pero ayaw lumabas ng mga luha ko.
"May kailangan pa ba kayo bukod doon?" tanong ni Miss Jade. Tumalikod na siya at bumalik sa kanyang trono.
"Wala na. 'Yun lang."—Master Vlad.
"Sinamahan lang talaga namin ang bata dito. Salamat sa oras mo Jade. Mizuumi, tara na?" ani Master Hades. Tumango na lang ako.
Akmang lalabas na sana kami nang tawagin ako ni Miss Jade.
"Sandali Mizuumi!" Napahinto naman ako sa paglalakad. Hinarap ko siya. "Kamusta naman ang mga anak ko?"
Oh... Yuji and Yuki.
I smiled to her. "They're both doing fine. Huwag po kayong mag alala. Hindi naman namin sila pinapabayaan." I assured her. Kahit naman pala masungit si Miss Jade, kapag anak na ang pinag uusapan, lumalambot. She's still a mother, I can't blame her. It's only natural kung mag alala siya sa mga anak niya.
"Salamat po Miss, Jade... Alis na ho kami."
"I'll take you back. Salamat sa pagbisita niyo dito, sa pagpunta sa kaharian ko. And, Mizuumi... Huwag mo sanang banggitin sa kanila na nagkausap tayo. Sa atin na lang ang mga napag usapan natin." pakiusap ni Miss Jade at nginitian ako. She waved a sign, I don't know what it was. Basta ang alam ko lang ay may pumalibot sa aming parang glitters.
"Makakaasa po kayo. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin sa kanya na nagpunta ako dito..." Nginitian ko siya pabalik. Sa pagkurap ko, namalayan ko na lang na nakabalik na pala kami sa office ni Master Vlad.
Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Miss Jade. Parang nag eecho ang mga salita niya sa tenga ko. Ang bigat sa kalooban.
"Mizuumi..." rinig kong tawag sa akin ni Master Hades na may halong pag aalala.
Humarap ako sa kanila at pinilit na ngumiti.
"Salamat po sa pagsama at pagtulong sa akin. Napakalaking bagay po 'non. Sige po! Inaantok na po kasi ako. Una na po ako sa inyo... Master Vlad, Master Hades. Salamat po ulit." sabi ko sa kanila. Nagbow ako at saka umalis na. Hindi ko na hinintay pa ang mga isasagot nila.
***
"Ugh! Bakit kasi nakalimutan kong dalhin 'yung kape ko?" Naghihysterical na sigaw ang katabi ko.
"Nakaanim na baso ka na nung umaga. At kaninang tanghali, apat na baso ang naabutan ko sa lababo. Hindi pa ba sapat ang sampong baso ng kampe sa isang araw?" Ewan ko talaga sa babaeng 'to... Adik sa kape.
"Naah. Ang kape ang pampakalma ko. And my rule is to drink 16 glasses of coffee a day."
"Wow. Nakakailang canned coffe ka nga ulit sa isang araw?"
"Syempre exempted yun. Iba ang glass sa can. Hehe."
"Tss."
Nasa bayan kami ng Havenry ngayon dahil sa isang trabaho. Nanghuli kami ng magnanakaw. 'Yun pala aso lang. Nagnanakaw ng pusa.
Pabalik na kami sa Lignesium... And we earned 40 jewels on that job. Napahinto ako sa paglalakad dahil sa paghinto ni Cane. Tiningnan ko siya ng nakakunot noo.
"Bakit? May problema ba?" tanong ko. Hindi siya sumagot. Nanatiling gulat lang ang reaksyon niya.
"Zoe?"
Huh? Ano raw?
Tiningnan ko ang direksyon kung saan siya nakatingin.
It really is Zoe... Nanlaki rin ang mata nito sa gulat nang makita kami.
"C-cane... M-mizuumi?" tanging usal niya.
Pinagmasdan kong mabuti ang kabuuan niya. Hindi ko maialis ang paningin ko sa tiyan niya.
"Zoe... 'Yung tiyan mo... B-buntis ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Cane.

Comentário do Livro (42)

  • avatar
    FodraRovelyn

    hello may name ashly nicole torrano

    24d

      0
  • avatar
    GanotRashed

    nice🥰

    10/07

      0
  • avatar
    Yusra Jadjurie

    thankyou very much because you’re story so beautiful 💗

    21/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes