logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

LOST VOTE

“KAEL!” Matapos ang madramang eksena naming dalawa ni Mommy ay nakatulog ulit ako. Subalit, muli ko na namang napanaginipan ang panaginip na nagbigay pangamba sa akin. Habol hininga ko pa ring sinambit ang pangalan ng tao sa panaginip ko sa pagdilat ng aking mga mata. Ayaw ko na ng ganito. Siguro, kailangan ko na talagang masabi ito kay Kael, kung hindi patuloy akong babangungutin.
“Jam! Gumising ka na. Baka ma-late ka na naman.” Narinig ko ang katok ni Daddy mula sa pintuan ng aking silid. Agaran akong bumangon at dumiretso na sa banyo upang maligo.
Sa wakas hindi na ako na-late. Nakahabol din bago tumunog ang bell. Ayaw ko nang mahuli ulit. Baka, ipatanggal pa sa akin pati iyong mga murals na mga mukha ni Kael e. Palibhasa, mukha lang naman ang meron siya. Ewan ko lang sa ugali niyang nakakasuka.
“Late ka raw kahapon?”
“Ikaw nga absent, e” tipid kong sagot kay JM. Lumilingon-lingon ako sa labas ng silid nina Kael.
“Sino ba ang hinahanap mo at aligaga ka riyan? Ni hindi mo nga ako tinitignan, o. Wala ka bang balak punain ang new look ko?” Napaharap ako sa kanya dahil sa kanyang mga sinabi. He looks better. Mabuti naman at naisipan niyang ipagupit ang kanyang buhok, kundi malalagot talaga siya kay Daddy. May kahabaan na rin kasi ang kanyang buhok rati. Ang angas niyang tingnan sa army cut niyang buhok ngayon. Kung sakali talagang maging pulis siya sigurado akong pag-aagawan siya ng mga babae.
“Bagay sa iyo bilang bagong sexytary!” tinapunan ko siya ng tingin at muling dumungaw sa silid nina Kael. Baka, absent iyon. Naaalala ko kung paano naisipan ko na lamang na pinturahan ang vandal na pinapalinis sa akin.

“Mabuti talaga at kinampanya kita bilang pag-vandal diyan e. Ang galing mo palang magpinta, My President?” Nahirapan akong burahin ang vandal na nasa pader kaya naisipan ko na lamang pintahan iyon. Nanginig tuloy ako dahil sa boses ng tao sa likuran ako, Kilalang kilala ko siya, Hindi naman siguro totoo ang sinasabi niya, siya ang kalaban ko. Tsaka, natalo na nga ako e.
“Umalis ka nga. Bumalik ka na sa silid ninyo,” pagtataboy ko sa kanya. Ayaw ko na talaga kapag nasa paligid siya. Pakiramdam ko e, ikakapahamak ko.
“Ang sungit mo talaga sa akin, Tukayo!” Gusto kong manapak kapag tinatawag niya akong tukayo. Feeling close talaga e.
“Huwag na baka masira pa ang masterpiece ko.” Hindi siya umalis at hinawakan pa ang aking kinatatayuang upuan. Hindi ako mapakali sa kalagayang ito. Minadali kong ipinta ang aking mga nasa isip.
“Siguro, ako iyong inspirasyon mo sa pinta mong ito?” Nabigla ako sa kanyang sinabi kaya hindi ako nakabalansi nang maayos. Sanhi, upang matumba ang aking tinatayuan na muntik ko nang ikahulog, kung hindi lang ako nasalo ng bwiset na lalaking ito.
“Inspirasyon mong mukha moi! Oo, ikaw nga ang inspirasyon ko diyan. Kita mo iyang malaking bahaghari. Ikaw iyan. Support ko ang pagiging bakla mo! Pride of LGBTQ.”
“Ang gwapo ko naman bilang bakla. Sayang ang lahi namin, ‘no. Sorry na.”
“Muntik na akong mahulog dahil sa kagagawan mo, Hindi ba sabi ko sa iyong umalis ka na?”
“Handa naman akong saluhin ka e.”
“Gago! Huwag mo akong idaan sa mga pahugot hugot na iyan. Ibahin mo ako sa mga babae mo!” Sinipa ko ang upuan at tumalikod na.
“Tukayo!” Nanibago ako sa kung paano niya ibigkas ang mga katagang ito. Sinsero at parang walang panggagago. Hinarap ko siya at labis ang aking pagsisisi sa aking nagawa kanina. Sa pagsipa ko sa upuan ay tumapon sa damit niya ang mga pinturang natira. Bukod doon ay natumba rin siya.
“Sorry, Kael!” Agaran akong lumapit at itinayo siya.
“Sorry din, ha! Tanggap ko na. Huwag kang mag-aalala, hinding-hindi na ako magpapakita sa iyo. Iiwasan na kita. Tama ka naman, tapos na ang eleksyon.” Hindi niya tinanggap ang aking paghingi ng tawad. Maging ang aking kamay na nakaabang at handa siyang itayo ay binalewala niya lamang. Umalis siya at naiwan akong mag-isa.
—-
“Hindi ako tumakbo dahil gusto kong maging secretary. Tumakbo ako dahil gusto kitang kasama!” Nahinto ako sa pagmumuni-muni dahil sa mga sinabi ni JM. Lakas din talagang magbiro ng lalaking ito, e. Well, may mukha naman siya. Gusto ko siya bilang kaibigan pero hindi siya iyong tipong ka-syota-syota. Ewan ko nga sa lalaking ito e, marami naman ang nagpapadala sa kanya ng mga tsokolate at mga love letters pero wala siyang mapili. Ayos lang din sa akin, kasi nalilibre niya ako ng tsokolate.
“Ang sweet mo talaga. Kaya gustong-gusto kita, e.” kinurot ko ang mukha niya. Mali yata ang ginawa ko dahil biglang nagsitilian ang aking mga kaklase.
“Hoy! Huwag nga kayong gumawa ng malisya. Bestfriend ko lang ito, ‘no! Ganito lang talaga kami magkulitan.” Hindi ko pa man nasasabi ang aking mga sinabi ko ay may lalaki akong nakitang nakatingin sa akin. Malungkot ang kanyang mukha. Tumalikod din siya bigla nang magtama ang aming mga mata. Ano kaya ang nangyari kay Kael?
“Oo nga. Tsaka, itong bestfriend ko. Nagmumukmok kasi natalo.” Inakbayan niya ako. Anong?
“Limang boto lang naman ang nilamang, Bro!” bigkas ni Ronald Sun.
“Limang boto? Sige nga. Maging totoo kayo. Sino rito ang bumoto kay Jam?” Nagsitaasan ng kamay ang aking mga kaklase maliban doon sa apat na kasama sa line up ni Kael. Binilang iyon ni JM.
“40 votes? Ibig sabihin mali iyong bilang noong eleksyon. Ang sabi doon ay 34 lamang ang bomoto sa iyo. Nawawala iyong anim na boto.” Tama siya? Siguro, minanipula ang botohan.
“Hayaan na ninyo.”
“Hindi pwede. Dapat naging patas ang lahat. Halika, ako na mismo ang magsasabi kay Sir Quimada.” Hinawakan niya ang kamay ko at patakbo niya akong kinaladkad papunta kay Sir Quimada.
‘Sir? Pwede ba kaming mag-request ng recount? Base kasi sa mga nasagap ko e, may mga mali-maling boto ang nangyari. Tahasan ang pagmamanipula at…”
“Huwag na po, Sir.”
“No, kung may mga ganyang bulungbulungan baka nararapat lamang na magkaroon ng recount. Saan ba tayo magsisimula?”
“Sir, Pwede bang matingnan ang boto ko sa sarili kong silid?”
“Oo, naman. Base sa data e, may 34 votes ka lamang.”
“Iyan nga, sir. Inisa isa ko ang mga kaklase ko. 40 ang totoong bumoto kay Ms. President.”
“Hindi. Marahil ang iba diyan ay natatakot lang. Ang iba sa mga kaklase ninyo ay hindi talaga bumoto kay Ms. Villarico. Ibig sabihin, sila mismo ang nagpatalo sa iyo. Patawad. Maging ako ay inaasahan kang manalo e. Kaso, nasa demokrasya tayo, lahat ay pipili.” Natauhan ako bigla sa sinabi ni Sir Quimada. Maging ako man ang tatanungin ng mula sa kabilang kampo ay mapapasinungaling ako bigla. Ayaw ko ng gulo.

Comentário do Livro (91)

  • avatar
    Judy-ann Sasis

    Highly recommend guys, the title caught my attention and the writing style is very unique. I love the way how you enhanced the characters development. Keep up the good work. Good luck to your writing journey. More stories to come! 😊😊😊

    03/06/2022

      2
  • avatar
    d******b@yahoo.com

    such a nice story, Highly recommended....

    19/05/2022

      3
  • avatar
    Omon Sonjay

    good morning

    25/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes