logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 3

Emilia
Palagi akong bumubulong sa hangin na sana’y hindi na lang nangyari ang lahat, sana’y hindi na lang ako nagmalasakit noon at hindi nauwi sa ganito na nasasaktan ako. Pero ano pa ba ang magagawa ko, kundi ang tanggapin na ito na ang kapalaran ko.
Laking pasalamat ko na lang dahil isang blessing para sa akin ang anak ko. Dahil sa kaniya ay nakaramdam ako na hindi ako nag-iisa. Magmula nang isilang ko siya ay ang lungkot na nadarama ko’t pasakit na ipinadama ng kaniyang ama ay unti-unting naglaho, nang masilayan ko ang maamong mukha ni Rowan.
“Momma, can you cook me a banana cue po? I want banana cue!” Malawak ang pagkakangiti nito sa kaniyang labi habang hawak-hawak ang laruan niya sa kaniyang kamay. Nakaupo si Rowan sa isang mataas na upuan dito sa kusina.
Hapon na at hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Roman. Sinabi ko na lang sa bata na may trabaho itong pinuntahan dahil maging ako’y hindi ko rin alam kung bakit ba siya umalis kagabi. Nang tanungin ko pa siya’y wala akong nakuhang sagot kundi ang masasamang titig.
Hindi ako pumunta sa palengke upang magtinda dahil walang kasama ang bata, busy si Andoy ngayon araw at hindi ko puwedeng iwan sa kaniya ang bata dahil baka makaabala lang. Malaki ang naitulong niya sa akin at hindi ko naman puwedeng abusuhin ito. Hindi ko rin naman puwedeng dalhin si Rowan sa palengke dahil marami ang tao roon, baka malingat lang ako saglit ay wala na siya sa tabi ko.
“Oo naman! Para sa pinakaguwapo kong anak,” nakangiti kong sabi. Nilapitan ko pa ito at kinurot ang kaniyang maputing pisngi. Manang-mana ito sa kaniyang ama, ang tanging nakuha lang niya sa akin ay ang maputi nitong balat.
Napanguso siya kaya natawa ako. Iniwan ko na rin siya sa puwesto niya at lumapit na sa ref upang kunin ang saging dahil gusto nga nito ng banana cue.
“Momma, kailan po ba uuwi si Papa?”
Abala ako sa pagbabalat ng saging nang magtanong ito. Hindi ako kaagad na nakasagot dahil hindi ko alam kung papaano ko siya sasagutin. Napatingin ako sa hawak kong kutsliyo at ang nabalatan ng saging bago ako bumuntong-hininga’t lumingon kay Rowan.
“Baka busy lang ang Papa mo sa trabaho, siguro maya-maya ay nandito na rin iyon.” Mapait akong ngumiti, naninikip ang dibdib ko.
Nasasaktan ako hindi para sa sarili ko, kundi para sa anak ko. Ayokong lumaki itong walang ama na kasa-kasama at ayoko rin naman iwan siya sa puder ng ama. Ayokong iparanas sa kaniya ang hindi kompleto ang magulang kaya kahit hindi ko na maramdaman ang pagmamahal ay nandito pa rin ako. Dahil para lang ito sa anak ko.
“I hope Papa will buy me toys,” bulong nito. Kahit mahina lang iyon ay naririnig ko pa rin naman dahil hindi naman malayo ang kaniyang puwesto sa akin.
Hindi na lang ako sumagot at inabala ko na lang ang sarili sa pagluluto ng pangmeryenda nito. At, nang matapos ko itong lutuin ay agad kong inihanda ito kay Rowan. Nagtimpla lang ako ng juice bago niya ito sinimulan na kainina.
Naupo na rin ako sa harapan at pinagsaluhan naming dalawa ang niluto kong banana cue nang tumunog ang door bell. Dali-dali akong nagpaalam sa bata na hindi na ako pinansin dahil masyado na niyang naituon ang sarili sa pagkain. Kaya lumabas na lang ako ng kusina at naglakad papalabas ng pinto para pagbuksan kung sino mang nag-door bell sa labas ng gate. Paglapit ko sa gate ng aming bahay ay agad ko itong binuksan.
“Hi.” Nakangiti niyang bungad. Hindi agad ako nakasagot dahil sa gulat nang makita ko si King sa harapan ng amin. May hawak-hawak itong paper bag na ipinagtataka ko. “Hey!”
Mabilis akong napabalik sa reyalidad nang tinawag niya ang pansin ko. “A-Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko.
“P-Puwedeng pumasok na muna?” Tumingin siya sa loob. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa labi. Wala akong nagawa kundi ang lakihan ang pagkakabukas ng tarangkahan at papasukin ito sa loob ng aming bakuran. “Thanks,” sabi pa nito.
“B-Bakit ka nandito at papaano mo natuntun ang bahay naming?” tanong ko sa kaniya nang maisara kong muli ang gate at harapin si King na pinagmamasdan na ang bakuran naming.
“Hindi naman mahirap hanapin itong South Ridge Village dahil sikat ito. At saka may kaibigan din ako na rito nakatira, at naalala ko na sinabi mo sa akin ang bahay niyo kaya dumalaw ako ngayon,” paliwanag nito. Tumingin siya ulit at ngumiti. “Hindi naman masama iyon ‘di ba?”
“H-Hindi naman. T-Tara sa loob dahil nagluto ako ng miryenda,” sabi ko. Nauna na akong maglakad at napansin kong sumunod na rin naman siya sa akin. Pumasok kami sa bahay at dumiretso sa kusina kung saan naabutan ko si Rowan na nagkalat na ang banana cue sa harapan niya.
Mabilis kong nilapitan ang anak ko at nilinis ang nagkalat na pagkain. Sinabihan ko siya na huwag siyang makalat dahil may bisita kami.
“Who is he po, Momma?” bulong ng anak ko nang mapansin si King na nakatayo lang sa tabi at pinagmamasdan ang kusina namin.
“Si Tito King mo. Suki ni Momma sa palengke kaya magpakabait ka para sa atin lang siya bumili, okay?” pagbibiro ko kaya nakuha ko ang atensiyon ni King at napatingin ito sa amin. “Maupo ka pala. Pasensiya ka na dahil medyo makalat, wala kasi kaming kasama ngayon.”
“No, it’s okay. Ako dapat ang manghingi ng tawad dahil mukhang nakakaabala ako sa inyo,” aniya at naupo na rin siya sa palaging puwesto ni Roman. “And, by the way, I brought some food.” Inilapag niya ang kanina pa niyang hawak na paper bag sa mesang aming kaharap na naglalaman pala ng kung anong pagkain.
“N-Nag-abala ka pa,” sabi ko.
“Just don’t mind it. We’re friends na rin naman ‘di ba?” Kahit naguguluhan ako sa kinikilos niya ay napatango na lang ako. Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.
Sa palengke lang naman kami nagkikita at nagkakausap dahil naging suki ko na rin siya. At, kahit gano’n ay itinuturing ko na siyang kaibigan. Lahat ng mga bumibili sa paninda ko’y kinakaibigan ko.
Habang inuubos namin ang niluto kong banana cue ay nag-uusap si King at Rowan. Dahil mukhang nakuha agad ni King ang loob ng anak ko ay mabilis silang nagkapalagayan ng loob sa maikling panahon.
Nilinis ko na lang ang mesa nang matapos kaming kumain. Leche plan ang dalang pagkain ni King na inubos lang din naming tatlo. Si Rowan ang maraming nakain at sarap na sarap siya dahil iyon pa lang ang unang beses na makakatikim siya nito. Hindi naman kasi kami madalas na kumain sa labas o ‘di kaya’y magluto ng masasarap na pagkain ay sakto lang ang perang kinikita ko sa pagtitinda. Ipinagpapasalamat ko na lang na kahit papaano ay nakakain kami, kahit na minsan ay silang mag-ama lang ang kumakain kapag hindi sapat ang kita.
Hindi rin naman gaanong kalakihan itong bahay na siyang huling ibinigay ng mga magulang ni Roman ng matapos ang simpleng kasal naming dalawa. Pagkatapos nun ay wala ng sumunod pa, nang mag-birthday si Rowan ay hindi na rin sila nagparamdam. Hindi ko na lang tinanong dahil alam ko namang ayaw nila sa akin ngunit wala silang nagawa nang pumayag na magpakasal si Roman.
“I need to go. Malapit na pa lang mag-alas-sais.” Tumawa pa si King matapos niyang tignan ang relo sa kamay at tumingin kay Rowan na nakaupo sa kaniyang hita.
Nasa sala na kaming tatlo habang naglalaro ang dalawa. Tahimik lang din ako na pinagmamasdan sila at minsan nama’y nakikisali na rin sa kuwentuhan nila.
“Dito ka na lang po mag-dinner, Tito King,” nalulungkot na sabi ni Rowan.
Kinurot ni King ang pisngi nito at ginulo ang kaniyang buhok. “Sa susunod na lang, Rowan. May gagawin pa kasi si Tito, eh.”
“But-“
Magsasalita pa sana si Rowan nang magbukas ang pinto ng aming bahay. Pumasok roon si Roman at nang mapadako ang tingin niya sa sala ay biglang sumama ang kaniyang tingin. Dumagundong naman ang dibdib ko sa kaba at hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.

Comentário do Livro (102)

  • avatar
    ChavezNecol

    nicely 5star

    11d

      0
  • avatar
    Ann Prajes

    thank you po

    20d

      0
  • avatar
    AlayaayJocelyn

    I love your story ..Thank you so much for writing this that could captivate the hearts of US READERS..

    21d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes