logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 2

Emilia
Marami akong pangarap noon sa buhay ko, magmula ng magkamuwang ako't malaman kung ano bang halaga ko rito sa mundo. Gustong makapagtapos ng pag-aaral kahit na wala ng sumusuporta sa akin, dahil is ana akong ulilang lubos. Gusto kong maging isang guro noon na magtuturo sa mga bata kung alin ang tama at mali.
Makahanap ng isang lalaking magmamahal sa akin ng lubos, magiging isang mabuting asawa at ina sa magiging mga anak naming.
Ngunit lahat ng 'yun ay hindi natupad, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kakulangan sa trabaho. Hindi sapat ang perang nakukuha ko sa bar kung saan ako nagtatrabaho noon, kahit hindi ko gusto ay wala akong magagawa dahil 'yun lang ang trabahong tumanggap sa akin noon.
Nakahanap nga ako ng lalaki, ngunit hindi ko naman maramdaman ang pagmamahal. Tanging ang batang dinadala ko lang noon ang naging koneksiyon naming dalawa.
"Momma, can you tell me a story po?" Napatingin ako sa anak kong nakahiga sa aking braso, narito kami ngayon sa kaniyang kuwarto upang patulugin na. Ngunit humiling pa na kuwentuhan ko siya na palagi kong ginagawa kapag patutulugin ko na siya.
"Anong kuwento ang gusto mong marinig?" Hinalikan ko ang ulo nito at marahang sinusuklay ang kaniyang malambot at makapal na buhok. Manang-mana sa kaniyang ama, kaya ang Rowan ang ipinangalan ko dahil malapit ito sa Roman.
"I want a different story, like, how did you met Papa?"
Napahinga ako nang malalim at tumingin sa kisame ng kaniyang kuwarto, may mga glowing in the dark stars na nakadikit at nagkalat dito. Gusto niya raw nakikita ang mga bituin kahit na nasa loob lang siya ng kaniyang kuwarto. Kaya heto ang inilagay ko nang hilingin niya ito.
"Papaano ba?" Tumingin ako kay Rowan, nakatingala siya sa akin at nakikita ko ang kislap sa mga mata nito na kuhang-kuha ang mga mat ani Roman.
"How did you two met po ba, Momma? I wanna know it po," pag-uulit nito sa hiling dahil hindi ko agad nasundan ang sasabihin ko.
"Sa bar kami nagkakilala noon ng Papa mo..."
Hindi ko na matandaan ang eksaktong araw noon nang makita ko siyang umiinom kasama ang mga kaibigan nitong lalaki at mga babae. Unang tingin ko pa lang sa kaniya noon ay mabilis na ang takbo ng aking puso, hindi ko maintindihan pero excited ako sa tuwing papasok ako sa bar upang magtrabaho at masilayan siya.
Tuwing sabado at linggo ang trabaho ko kaya sa tuwing nasisilayan ko siya noon ay hindi mapakali ang puso ko. 'Di ko pinapalampas ang pagkakataon na ako ang nauutusan upang kunin ang order nila at ibayong kilig ang dumadaloy sa katawan ko sa tuwing nagtatagpo ang aming mga mata.
Isang gabi noon na mag-isa lang siyang umiinom at 'yun ang gabi na hindi ko inaasahan. Ang nagpabago sa takbo ng aming mga buhay.
Matapos ang trabaho ko noon ay lumabas na ako sa bar, malapit sa parking lot ang waiting shed kung saan ako palaging naghihintay ng masasakyang tricycle. Kaya nang makarating ako roon ay hindi ko inaasahan na makikita ko siyang nakasandig sa kaniyang kotse.
Alam kong marami siyang nainom sa gabing 'yun dahil halata sa kaniyang mukha ang pamumula nito. Inilibot ko ang paningin sa paligid at wala ng mga taong naririto, dahil maaga silang nagsiuwian kahit hindi pa naman malalim ang gabi.
Akala ko, ang pagpapakita ko ng malasakit sa kaniya noon ay ang simula ng aming pagkakaibigan ngunit mali. Nagpadalo-dalos ako sa aking desisyon, hindi ko naisip ang mga bagay na puwedeng mangyari.
Dahil hindi ko siya puwedeng iwan noon na mag-isa at lasing pa siya. Hindi rin ako marunong magmaneho ng kotse kaya dinala ko siya sa isang hotel nang makita kong nahihirapan na ito. Hirap na hirap akong alalayan siya habang papasok kami sa kuwarto ng isang hotel, dahil babae ako at mabigat siya para sa katulad ko.
Matagumpay ko siyang naipasok sa kuwarto ng hotel, at tulad sa mga dramang pelikula na napapanood ko lang. May mga pangyayaring bigla-bigla na lang gugulat sa atin na hindi inaasahan.
Aalis n asana ako noon upang makauwi na sa isang maliit na apartment na inuupahan ko ngunit mabilis ang kamay nito at hinatak ako hanggang sa ako na ang nakahiga sa malambot na kama at nakapatong siya sa akin.
"Where are you going?" Tandang-tanda ko pa ang naging usapan namin noon. Hindi ko 'yun malilimutan.
"U-Uuwi na," sagot ko sa kaniya, malakas ang kabog ng aking dibdib. Nadagdagan pa 'yun dahil sobrang lapit namin sa isa't isa at amoy na amoy ko ang alak sa kaniyang hininga.
"Don't leave me, please?"
"K-Kailangan ko nang umuwi." Nanginginig ang kamay ko upang itulak siya ngunit mabilis niya itong nakuha gamit ang isa niyang kamay. Ngayo'y walang-wala akong kawala.
"B-But I need you."
Gulat. Nanlaki ang mga mata ko sa mga mabilis na pangyayari.
Siguro'y tanga ako, hindi nag-iisip at mabilis na nagdedesisyon. Dahil nagpadala ako sa agos ng aking nararamdaman nang hindi man lang pinag-iisipan. Mabilis kong ibinigay ang sarili, na hindi man lang naisip kung ano nga ba ang kahihinatnan. Ipinikit ko na lang ang mga mata at dinama ang bawat hagod nito sa katawan ko habang naglalabas-masok ang kanyang kahabaan sa loob ko.
Walang pag-aalinlangang ibinigay ang sarili dahil gusto ko siya, kahit na paulit-ulit kong naririnig sa kaniya noon ang ibang pangalan ng babae.
"Pero hindi ko pinagsisihan na nabuo ka," sabi ko, pero nang tignan ko na 'to ay mahimbing ng natutulog. Napangiti ako at saka dahan-dahan na inayos ang kaniyang pagkakahiga, inayos ang kumot at saka ako umalis sa kaniyang kama.
Hinalikan ko muna ito sa kaniyang noo bago ko pinatay ang ilaw sa kaniyang kuwarto at tanging ang lamp shade na lang ang nagbibigay liwanag dito. Naglakad na ako papalabas ng pinto, binuksan ko ito at tuluyang lumabas sa kuwarto ni Rowan.
Naglakad ako sa hallway nitong second floor ng aming bahay upang pumunta na sa aking kuwarto. Ngunit bago ako makakarating doon ay madadaanan ko muna ang hagdan at ang diretso ng ay ang main door ng aming bahay na saktong bumukas at pumasok si Roman doon.
Dali-dali akong bumaba upang lapitan siya. "K-Kumain kana? May itinabi akong pagkain kanina para sa 'yo," sabi ko.
Kahit hindi ko inaasahan na uuwi siya ngayong gabi ay nagtatabi pa rin ako ng pagkain para sa kaniya.
Hindi ako nito pinansin dahil nagdire-diretso siya ng lakad na parang hangin lang ako sa kaniyang paligid. Nararamdaman niya ngunit hindi niya nakikita. Sinundan ko siya ng tingin ng umakyat siya sa second floor at narinig ko ang pagbukas-sara ng kaniyang kuwarto.
Wala akong nagawa kundi ang lapitan ang nakabukas na pinto ng bahay at isirado 'yun dahil iniwan lang niyang nakaawang ito. Umakyat na rin ako at pumasok sa aking kuwarto.
Kahit mag-asawa na kami, sa papel lang, ay magkaiba pa rin ang kuwarto naming dalawa. Hindi lingid sa kaalaman ni Rowan 'yun at ipinagpapasalamat ko na lang na hindi nagtatanong ang bata kung bakit hindi kami nagtatabi ng ama.
Walang sariling banyo ang aking kuwarto kaya kailangan ko pang bumaba upang doon maligo. Nang makakuha ako ng tuwalya ay ay agad akong lumabas sa aking kuwarto, saktong bumukas ang pintuan ni Roman.
"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniyang nakakunot ang noo nang makita kong may dala siyang bag na sa tingin ko'y naglalaman ng kaniyang mga damit.
Malamig siyang tumingin sa akin. "Wala kang pakialam, who are you to ask me that?"
Sumikip na naman ang dibdib ko, sa tuwing binabato niya ako ng masasakit na salita ay bumubulusok iyon sa aking puso na nagbibigay ng malalim na sugat. Ngunit iniinda ko, dahil ayokong iwan ang anak ko at may katiting na pag-asa akong kinakapitan.
"Uuwi ka ba?" Hindi ko pinansin ang sinabi nito.
"Can you please stop asking me? I need to go dahil nagmamadali ako. You won't even care if I go home or not."
Iniwan ako nitong hindi nakasagot sa kaniyang sinabi. Mabilis kong pinunasan ang tumulong luha sa aking mga mata. Sanay na akong pakitunguan niya ng masama ngunit sadyang mababaw lang talaga ang mga luha ko.
Kailan ka? Kalian kaya darating 'yung araw na magiging masaya ako na walang iniindang kirot sa aking puso. Dahil magmula nang mamatay ang mga magulang ko hanggang ngayon ay puro na lamang pasakit ang pinagdadaanan ko.

Comentário do Livro (102)

  • avatar
    ChavezNecol

    nicely 5star

    11d

      0
  • avatar
    Ann Prajes

    thank you po

    21d

      0
  • avatar
    AlayaayJocelyn

    I love your story ..Thank you so much for writing this that could captivate the hearts of US READERS..

    21d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes