logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

WIFE SERIES: The Annulment

WIFE SERIES: The Annulment

IthinkJaimenlove


SIMULA

Emilia
"Sumusuko ka na ba?"
Sumusuko na ba ako? Hindi ako alam. Pagod ako pero 'di ko alam kung sumusuko na ba ako, kung tama na ba?
"H-Hindi ko alam." Napayuko ako. Naguguluhan ako. Pagod ako, oo.
Nagbabadya ang pagbuhos ng mga luha sa aking mga mata. Pagod na pagod na ako pero 'di ko kayang bumitaw dahil mahal ko. Mahal na mahal ko at gagawin ko ang lahat mapatawad lang niya ako.
Martyr na ba ako kung tawagin? Iyon ba ang tawag sa mga taong nagmamahal lang ng lubos?
"Papaanong hindi mo alam, bakla ka! Kita na sa 'yong sumusuko ka na. Tignan mo iyang itsura mo, losyang na losyang na. Wala ka na sa ayos! My gad ka!"
Pinaikutan niya ako ng mga mata. Nag-de kuwatro siya habang umiinom sa kapeng hawak nasa tasa.
Tumayo ako, hindi pinansin ang sinabi nito sa akin. Kinuha ko ang bag ko saka ako tumingin kay Andoy, ang nag-iisang kaibigan kong bakla.
"Sige, Andoy. Mauuna na ako sa 'yo, baka hinahanap na ako ni Roman." Tumalikod na ako ngunit natigilan ako ng magsalita siya.
"Kung alam mong sumusuko ka na, Emilia, tama na. Huwag mo nang hintayin na lumalim pa ang sugat diyan sa puso mo."
-
Hanggang ngayon ay bitbit ko pa rin ang sinabi ni Andoy sa akin. Tumatakbo pa rin ito sa aking isipan. Naguguluhan at hindi alam ang gagawin.
Pinapakiramdaman ko naman ang sarili ko kung sumusuko na ba ako pero bakit 'di ko maramdaman? Pagod ako? Oo, dahil isa akong asawa na may isang anak na inaalagaan. Nakakapagod pero kinakaya ko dahil mahal ko ang pamilya ko.
"Where have you been?!" Masamang tingin ang bumungad sa akin ng makapasok ako sa aming bahay rito sa south ridge village.
"N-Nakipagkita lang ako sa isang kaibigan," sagot ko.
Lumapit ako sa kaniya para sana'y humalik sa kaniyang pisngi ngunit tinabig na niya ako.
"Kaibigan? O baka kabit? Bagong biktima?"
Umiling ako. "Ano ba iyang pinagsasabi mo? Kaibigan ko 'yun. Si Andoy, kilala mo naman siya 'di ba?"
Nasasaktan ako sa mga pambibintang niya ngunit kailangan kong tatagan ang sarili ko at patunayang hindi totoo ang lahat ng mga pinagsasabi niya.
"Tss!"
Napabuntong-hininga ako ng umalis ito sa harapan ko at pumasok sa loob ng bahay. Nakayuko akong sumunod sa kaniya.
"Momma!" Inangat ko ang tingin ng sinalubong ako ng aking limang taong anak na lalaki. "Where have you been po?"
Yumuko ako upang halikan siya sa kaniyang pisngi bago ko siya binuhat dahil itinaas nito ang mga kamay.
"Nakipagkita lang ako kay Tita Doy mo, 'nak." Ngumiti ako.
Naglakad ako papuntang kusina kung saan naabutan ko si Roman na naninigarilyo. May upos pa ng sigarilyo sa sahig at bote ng alak na nagkalat.
Ibinaba ko si Rowan, ang limang taong gulang kong anak, anak namin ni Roman. Bago ako lumapit sa harapan niya at pinulot isa-isa ang bote ng alak na nagkalat.
"H-Hindi mo man lang ba alam na puwedeng magkasakit ang anak mo dahil sa paninigarilyo mo rito sa loob ng bahay?" tanong ko sa kaniya nang harapin ko 'to.
Mahigpit ang kapit ko sa boteng hawak ko nang tumingin ito sa akin, walang buhay, malamig.
"It's not my fault, lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon ay kasalanan mo."
"Kasalanan na pa lang magmahal ngayon? Pasensiya na, mahal lang kita."
Tumayo ito at masamang tumingin sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko nang makalapit siya sa akin.
"Stop telling me your lies. Hindi mo ako mahal dahil ginamit mo lang ako para sa pansarili mong kagustuhan!"
Pabagsak niyang binitiwan ang braso ko at umalis sa harapan ko. Mabilis akong nilapit ni Rowan at mahigpit ng niyakap ang aking mga tuhod.
"M-Momma..." Yumuko ako at nakita ko ang mumunting luha sa kaniyang mga mata. "I-I'm sorry po."
Ngumiti ako. Pinunasan ko ang mga luhang hindi ko namalayan na bumuhos na pala. Pinantayan ko ang tangkad niya at hinawakan ang kanyang mukha nang bitiwan ko ang mga boteng hawak kanina.
"Ssshh," pagpapatahan ko. "Hindi mo kailangan mag-sorry. Totoo namang kasalanan ko ang lahat ng nangyari pero huwag kang mag-aalala, matatapos din ang lahat ng ito." Sinusubukan kong huwag bumuhos ang mga luha ko sa harapan ni Rowan.
Matatapos din ang lahat dahil ngayon, alam ko na sa sarili kong pagod na ako't gusto ko ng makalaya. Hindi na ako puwedeng manatili pa dahil tama si Andoy, hindi ko dapat na hayaang lumalim ang sugat sa puso ko.
Pagod na ako, siguro nama'y sapat na ang lahat ng nagawa at pagsisisi ko para pagbayaran ang kasalanang aking nagawa. At isa pa, alam kong hindi ko rin ginusto ang nangyari. Kung pwede lang na ibalik ko ang oras at itama ang mga mali, matagal ko ng ginawa. Ngunit hindi na puwede. Bingi rin si Roman para makinig sa lahat ng paliwanag na gagawin ko.

Comentário do Livro (102)

  • avatar
    ChavezNecol

    nicely 5star

    11d

      0
  • avatar
    Ann Prajes

    thank you po

    21d

      0
  • avatar
    AlayaayJocelyn

    I love your story ..Thank you so much for writing this that could captivate the hearts of US READERS..

    21d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes