logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 2: Magic Items Part 1

•°• Aqua Amethyst's POV •°•
Tahimik akong kumakain sa bilihan ng pagkain na pinanggalingan ko kanina. Nakapagpapalit na ako sa Ingat Yaman. Binigyan nila ako ng 999 na gold kaco at isandaang silver kaco na isinilid nila sa kulay brown na bag. Sa ganoong paraan ay mas madali iyong gastusin. Medyo mabigat nga lang.
"Isa pa nga po," pakiusap ko kay Ate Fiona, iyong tumulong sa akin kanina. Agad naman siyang kumilos para dalhan ako ng pagkain.
"Para sa isang binibini ay kahanga-hanga ang iyong labis na pagkain," nangingiting sabi niya sa akin. Grabe sila mag-Tagalog dito. Medyo sumasakit ang utak ko. Nginitian ko na lamang siya saka muling kumain.
Dahil na rin siguro ilang araw na akong hindi kumakain ay nakaubos ako ng sampung bowl ng Noyif—iyon ang tawag nila sa pagkaing isineserve nila rito. Halu-halo ang iba't ibang kulay na ingredients pero hindi masama ang lasa. Ito na yata ang pinakamasarap na pagkain na natikman ko!
"Tatlumpung bronze kaco lahat," sabi ng babaeng cashier nang lumapit ako para magbayad.
"A-ah, silver kaco po ang meron ako. Magkano 'yon?" Napakamot ako sa sintido ko nang ma-realize na wala pa talaga akong alam sa mundong ito.
Tumaas ang kilay niya saka nagpipindot sa hangin. Maya-maya'y lumabas ang parang resibo. Nag-flash iyon na parang hologram sa harap ko ngunit wala akong maintindihan na kahit isa sa mga nakasulat.
"Tatlong silver kaco iyon, binibini," bulong sa akin ni Ate Fiona. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa tulong niya.
Matapos kong magbayad ay lumapit ako kay Ate Fiona na naglilinis ng table ko kanina. Palihim ko siyang inabutan ng isang gold kaco na labis niyang ikinatuwa. Nagpasalamat ako sa kaniya bago ako lumabas at naghanda na sa mahaba-haba na namang lakaran.
'Saan naman kaya ako dadalhin ng paa ko?'
Habang naglalakad papunta sa kung saan ay napaisip ako kung paano ako makakabalik sa mundo ko, o kung makakabalik pa ba ako. Namuo ang takot at lungkot sa dibdib ko nang maisip na baka ma-trap na ako rito. Pero hindi! Nakapasok nga ako e, malamang may labasan din.
Napangiti ako nang maisip na isa itong kakaibang adventure, at hindi ko ito palalampasin. Baka kasi kapag nakalabas ako ay hindi na ako makapasok ulit. That's why I'll make the most out of it. Ikukwento ko ito kay Lynn at mami. Siguradong pati sila ay hindi makapaniniwala.
Napabungisngis ako. 'Ito ang thrill na hinahanap ko!'
Una, kailangan ko munang alamin kung anong lugar ba talaga ito. Wala naman sigurong masama kung magtatanong ako. Madilim na ang kalangitan. Ngunit dahil sa malaki at asul na buwan ay may nakikita pa ako. May mga lumulutang din namang bilog na crystal sa hangin at iyon ang nagbibigay ng mas maliwanag na ilaw. Sinubukan kong hawakan ang isa ngunit nabitiwan ko rin agad. Ang init e.
"Narinig mo na ba ang bali-balita tungkol sa palasyo?" rinig kong sabi ng isang babae. Binagalan ko ang lakad ko upang makinig.
'Palasyo, huh? Interesting!'
"Ano na naman iyon?"
"Ang hari at reyna, biglang dinapuan ng malubhang sakit na hindi matukoy at magamot ng mga Healers."
'Healers? Iyon ba ang tawag sa doktor dito?'
"Ano ka ba! Ang sama naman ng pinakakalat mong balita, tigilan mo iyan baka mapugutan ka ng ulo kapag narinig ka ng mga kawal!"
'Pugot talaga?!' Bahagya akong napahawak at napakamot sa leeg ko.
"Naghahapunan ang mga kawal kaya malakas ang loob ko. At saka, narinig ko lamang din iyon. Ibinabahagi ko lamang sa iyo."
"Magtigil ka na, magluto ka na lamang diyan!"
Kahit pala rito ay may nabubuhay pang mga tsismosa. Isa na ako roon. Hehe. Bumalik sa normal ang lakad ko nang matapos ang pag-uusap nila. May hari at reyna pala sa lugar na ito. At mayroon silang sakit?
Kung makikita ko lang sila ay baka may maitulong ako. Kaso baka kapag nalaman nilang nakagagamot ang dugo ko ay ubusin naman nila. Napayakap ako sa sarili ko nang makaramdam ng kilabot. Na-imagine ko kasi ang sarili ko na nakahiga at parang manok na tinatanggalan ng dugo.
'No way. Ako ay tao... hindi ako manok!'
Naglakad-lakad pa ako hanggang sa makita ko ang isang tindahan na gawa sa bato na may pintong gawa sa salamin. Mula rito ay nakikita ko ang iba't ibang bagay na naka-display sa estante na gawa sa salamin. Mayroon ding mga bote na may lamang iba't ibang kulay na likido at kumikinang ang mga iyon.
'Potions?'
Itutulak ko na sana ang pinto nang kusa iyong bumukas. Napaatras pa tuloy ako dahil sa gulat.
Tumikhim ako bago pumasok. Napayakap ako sa sarili nang salubungin ako ng malamig na hangin. Hinanap ko ang aircon na pinanggagalingan noon ngunit wala akong makita.
"Magandang gabi, anong maipaglilingkod ko sa iyo?"
"Ah!" tili ko at ilang ulit na napaatras nang sumulpot sa harap ko ang matandang lalaki na nababalot ng yelo. Kung ganoon ay sa kaniya galing ang lamig na nararamdaman ko?!
Tumawa siya saka biglang naglaho, at nang makita ko siya ulit ay nakaupo na siya sa upuan niya. Ilang beses kong ipinikit at idinilat ang mata ko saka iyon kinusot.
'Nag-teleport ba siya?!'
"Anong mahika ang mayroon ka?" maya-maya'y tanong niya.
Napalunok ako. "W-wala po."
Tumayo siya at pumalakpak. Muli siyang nawala kaya hinanap ko siya. Sumulpot siya sa likod ko kaya humarap ako sa kaniya.
"Kung ganoon tingnan mo ang mga Magic Items na ito." Ipinakita niya ang mga gamit na yakap-yakap niya. May latigo, baril, singsing, at gintong bag na may pulang string.
"A-ano po 'yan?"
Nawala na naman siya at nakita ko na nasa may harap siya ng lamesa. Nilapag niya ang mga hawak niya. Sinenyasan niya akong lumapit at ginawa ko naman iyon.
"Ito ang Whip of Strength, maaari itong makasakit at makasira depende sa lakas ng gumagamit. Mabenta ito sa mga wizard na wala o may mahinang mahika ngunit may pambihirang lakas." Inilahad niya ang kulay itim na latigo na may gintong detalye sa may hawakan.
'Wizard, eh? Iyon ba ang tawag sa kanila?'
"Nais mo bang subukan?" alok niya at inilapit sa akin iyon.
Nanlaki ang mata ko saka ngumiti nang malapad. Tumango ako nang mabilis. Ipinahawak niya iyon sa akin. Sinenyasan niya akong ihampas iyon sa malaki at lumulutang na bolang kulay itim.
Lumunok muna ako. Huminga nang malalim. At buong lakas na hinataw ang itim na bola ngunit imbes na iyon ang mahataw ko ay iyong lagayan na gawa sa salamin ang natamaan. Napatakip ako sa tainga ko nang marinig ang pagkabasag niyon.
'Ang laki-laki na nga, hindi mo pa natamaan, Aqua!' Hindi ko alam kung duling ako, bulag, o talagang shunga lang. Pero sa tingin ko ay iyong pangatlo.
"Sorry po. Sorry!" Pinagsalikop ko ang dalawang kamay ko saka lumuhod.
"Sorry?" takang tanong niya.
Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa dalawang kamay ko. Hindi nga pala nila alam ang salitang iyon!
"A-ah, ano po, ibig kong sabihin. Patawad. Patawarin niyo po ako," utal-utal na sabi ko. Napalunok ako at naluluhang nag-angat ng tingin sa kaniya. Hindi ko sinasadyang makasira. Kasalanan niya 'yon dito siya nagpapa-try e! Waahhh!
"Hahaha!" halakhak niya na siyang ikinagulat ko. Napahawak pa siya sa tiyan niya bago pinag-snap ang daliri. Maya-maya'y bumalik sa dati ang nasira ko. Walang kahit na anong lamat o bakas na nasira ko iyon.
"Kakaiba ka, binibini. Kay laki na nga ng iyong kailangang tamaan ay hindi mo pa nagawa. Bihira ang nakagagawa niyan." Muli siyang tumawa nang malakas.
Nahihiya akong nagtungo ng ulo. Mariin akong napapikit nang maramdaman ang pagbabaga ng pisngi ko. Maya-maya'y naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Noong una ay pinipigilan ko pa ngunit hindi nagtagal ay naiyak na ako.
Marami ang naiinis sa akin sa school dahil sa pagiging iyakin ko kahit na eighteen years old na ako. Eh, sa mababaw talaga ang luha ko. Anong magagawa nila? Napakikinabangan naman nila ako kapag may project kaming film tapos drama ang genre.
Nang mapakalma ako ng matanda ay ilang ulit niyang pinatry sa akin iyong latigo. Ilang ulit ko ring nabasag ang mga kagamitan niya, mabuti at may kapangyarihan siyang ibalik iyon sa dati.
"Wahh!" tili ko at nagtatalon nang sa wakas ay matamaan ko na iyon.
Mahina talaga ako magtantiya sa paghampas. Kaya imbes na hampasin ko ang bola ng badminton, at tamaan ang bola ng volleyball ay iniilagan ko na lamang ang mga iyon. Hehe.
"Magaling!" pang-uuto niya.
Napanguso ako nang makita ang score ko. Nakasulat iyon sa kulay pula. Kahit hindi ko maintindihan ang nakasulat ay alam kong bagsak iyon.
"Ngunit sa tingin ko ay hindi akma iyan sa iyo." Kinuha niya ang latigo sa akin at ipinalit ang gintong bag. "Iyan ang Pocket Weapon. Maaari kang maglabas ng mga sandata na nakita mo na at nahawakan."
"Ohh," namamanghang sambit ko. Kinuha ko iyon sa kaniya saka binuksan. Walang laman iyon at wala ring bigat. Parang bulsa ni Doraemon pala ang isang ito! Dinilaan ko ang itaas kong labi bago ako pumikit at ipinasok ang kamay ko sa loob. May nahawakan ako at agad ko iyong inilabas.
Tatawa-tawa ako nang makapaglabas ng mga gunting, kutsilyo, pusher, paint gun, water gun, at barbeque stick. Nagtataka naman ang matanda dahil hindi pamilyar sa kaniya ang mga gamit na iyon.
Napanguso ako nang mapagtantong walang kakwenta-kwenta ang mga inilalabas ko maliban sa kutsilyo. Huminga ako nang malalim saka muling naglabas ng bagay mula sa bag.
"Oh, hindi!" bulalas ng matanda. "Saan mo nakita at nahawakan ang punyal na iyan?!"
Namilog ang mata ko nang makilala ang punyal na hawak ko. Iyon ang punyal na may lason. Hindi ako maaaring magkamali dahil hindi ko makalilimutan ang nakaukit na kulay violet na rosas sa hawakan niyon.
Mabilis kong inihulog iyon sa bag. Naglaho iyon na parang bula. Doon ko lang din napansin na walang scar, o kahit anong bakas na nasugatan ang kanang kamay ko. Napahawak din ako sa noo ko na natitiyak kong may sugat pero wala na rin.
'Pinagaling ba ako ng lalaking may kulay pink na buhok?' Imposible kasing ako ang gumamot sa sugat ko. Sinubukan ko kasi iyon matapos gumana ng dugo ko sa kaniya.
Nanlaki ang mata ko at nanlamig ang buo kong katawan nang makitang malayo na sa akin ang matandang lalaki, at may bahid ng takot ang mga mata niya. Ano bang mayroon sa punyal na iyon? Bakit ganito na lamang ang reaksyon niya?

Comentário do Livro (156)

  • avatar
    Skyesha

    I really like how you managed to describe each scenes creatively. Sobrang naaliw ako sa paraan mo ng pagkukwento. 😊 Bilang nagsusulat din ako, hanga ako sa galing at likot ng imaginations mo. Nagustuhan ko rin ang mga twists na ginawa mo sa kwento at sobrang natuwa ako sa flow. Para akong baliw na tumatawa, naeexcite, at nadadala sa mga eksenang binabasa ko. Reading this story of yours made me want to read more of this kind of story and I'm glad may sequel ka. Congratulations! More stories pa.ü

    20/04/2022

      1
  • avatar
    CamahalanJulie Anne

    thx

    15d

      0
  • avatar
    Jasmine Recafrente

    hello

    25d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes