logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 4

"Oo naman. Masaya ako na mapapatawad mo na ako."

"Pang-apat. Be my protector. Ikaw ang sasalo sa mga mananakit sa akin. Ikaw ang tagapagtanggol ko.
Huwag mo akong pabayaan."

Sa narinig niyang sinabi ni Mylene ay unti-unting nawala ang ngiti niya sa mukha. Nakita niya si Mylene
na malungkot ang mukha habang sinasabi ang mga bagay na iyon.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya nang may pag-aalala.

Tumawa si Mylene. "Seryoso? Na-carried away ka sa drama ko? Hindi yun totoo. Hahaha."

Nainis siya kay Mylene pero pinipigilan niy lang. He just faked a smile at her joke.

"Pero totoo yun panghuli, be my protector. Kaya kapag may umaway sa akin, mambastos sa akin, at iba
pang mga ganyang pangyayari, alam mo na gagawin."

"Opo, masusunod po."

"Oh, ano? Gusto mo pa bang maging alipin ko?" nakangiting tanong niya kay Axelle.

"Para sa kapatawaran, makikipagsapalaran ako. I'm in."

Itinapon niya kay Axelle ang bag niya. "You're hired. From now on, you can start your job. Goodluck man!"

"Thank you, Madam.I will do my best for my new work. I'm happy to serve you!” Nang tumalikod na si Mylene, nawala ang ngiti sa kaniyang mukha. Inis na expression ang namuo.

"Tingnan natin kung magtatagal ka," bulong ni Mylene sa sarili.

"Akala mo panalo ka na ? Tingnan natin sa dulo kung sino ang uuwi nang luhaan," bulong din ni Axelle
sa sarili.

Ngumiti sila sa isa't-isa na parang naghahamunan.


Bumalik na ang dalawa sa laro. "Hindi ko gagalingan para manalo ka," asar niya kay Mylene.

"Hindi ako macha-challenge kapag hindi mo ginalingan. Do not underestimate me! Basta galingan mo para ma-chalenge ako."

"Sabi mo, ah? Ngayon palang, humihingi na ako ng sorry for your defeat."

"You wish."

Nagsimula na sila. Akala ni Axelle ay maiisahan niya si Mylene. He confidently thought that he's way better than Mylene.


Pero ang totoo, sinabay-sabayan siya ni Mylene hanggang unti-unting ipinakita ng dalaga sa kanya ang
galing niya sa paglalaro ng tennis.

Hindi niya matamaan ang mga patama sa kanya ni Mylene kaya tinawanan siya nito.

"Asan na yung pinagyayabang mo kanina?" Oh, ano, kaya pa? Hingal ka na, ha? Wala ka pala, eh," pang-aasar niya kay Axelle.

"Shut up!" Tumawa si Mylene dahil nakikita niya ang panggigigil nito.

In the end, panalo si Mylene. "Sabi ko naman sayo na papapanalunin kita," palusot niya.

"Wawa ka naman. But let me know kung gusto mo ng coach sa tennis. Nandito ako. Tuturuan kita. Para
naman mag-improve ka man lang para next time, challenging yung labanan natin," patuloy pa rin
niyang pang-aasar kay Axelle.

"Nadapuan ka lang ng swerte kaya nanalo ka. Saka masakit yung likod ko kaya nahihirapan akong
gumalaw. Kaya nga just luck lang yung pagkapanalo mo," palusot niya.

"Lulusot ka pa, e, 'no? Just accept it."

"If you want to know more kung sinong mas magaling sa ating dalawa, let's do another activity."

"Fine. Nanghahamon ka? Well, ibibigay ko."

Lumapit si Miko sa dalawa. Besh na ang tawagan nila. "Besh, nandito ka lang pala."

"Ito kasing lalaki na ito," aniya at tumingin kay Axelle. "Hinahamon ako. Ngayon, maglalaro kami ng
volleyball. One and one. Ipapakita ko sa lalaking ito na hindi niya sakop as star ang ibang parte ng
mundo."

"Okay, besh. I'll support you. Good luck! Galingan mo, ha!" Cheer-up ni Miko kay Mylene.

"Oo naman."

Five minutes later. Tatlong puntos na ang nakuha ni Mylene habang zero ang puntos ni Axelle.

"Oh, ano? Ano na naman idadahilan mo? Panalo ako."


"E 'di ikaw na ang panalo." Tawang-tawa sa kanya ni Mylene.

Inabutan siya ni Miko ng maiinom.

"Baka nauuhaw ka na."

"Thank you, besh. From now on, Miko, huwag mo na akong ilibre ng maiinom at pagkain dahil may bago
nang gagawa non. Meet my new alipin." Sabay turo kay Axelle.

Hindi siya tumingin kay Mylene habang tinuturo siya para naman hindi halata.

"Hoy, lumapit ka nga rito," tawag sa kaniya ni Mylene.

"Ako bang tawag mo?"

"Parang maka-cancel na yung kontrata, ah." Nang marinig ni Axelle ang pagpaparinig ni Mylene, mabilis
siyang lumapit.

"Ano po yun, master?" tanong niya sa mahinahon na boses.

"See?" Sabay tingin kay Miko.

"Grabe na 'tong kahihiyan na ito. Patience, Axelle. Patience lang. Kapag na-in love 'yan sayo, your role
will be over," bulong niya sa sarili.


"Bilhan mo nga kami ng foods. I'm really hungry na. Pati tuloy ako, nahawa na sa page-english ng mga
estudyante rito. Bilis, nagugutom na ako."

"Yes, Master."

Kinuwento ni Mylene kay Miko ang kasunduan nila ni Axelle."Gusto mo ba talaga 'yang ginagawa mo?

Huwag mo na siyang sakyan. Just forgive him him and ignore after. Baka gulo 'yang papasukin mo," pag-aalala ng kaniyang kaibigan.

Inakbayan siya ni Mylene. "Ano ka ba? Alam ko ang ginagawa ko. Huwag ka nang sobrang mag-aalala.
But, I'm really happy sa concern mo." Ginulo niya pa ang buhok ni Miko.

"Ahem, ahem," biglang tihimik ni Axelle na nasa likod nila.


"Nandiyan ka na pala." Binigay niya sa dalawa ang dalang maiinom at makakain.

"Tara, upo muna tayo ro'n. I'm really tired."

Tinitingnan ni Axelle ang dalawa. "Pa'no ko masosolo si Mylene kung nandito yung kaibigan niya? Bakit
ba maraming humahadlang sa mga plano ko. Nakakainis naman," bulong niya sa sarili.


Humingi ng tulong si Axelle sa dalawang kaibigan niya para alisin muna sa picture si Miko para masolo
niya si Mylene at magkapuntos siya ngayon gabi.

Ngumiti si Axelle dahil mag-isa na lang si Mylene. Mabilis siyang lumapit.

“Diba sinabi ko sayo na dapat nandito ka lang sa tabi ko dahil marami akong dala at iuutos sayo?" salubong na bulyaw sa kanya.

"Sorry naman po," tugon niya kay Mylene at sinabi ang gusto niyang sabihin, "Sayaw tayo."

"Ha? Nababaliw ka na?" sagot ng dalaga sabay talikod ngunit hindi niya naituloy ang mga sinasabi niya
dahil biglang hinawakan ni Axelle ang kamay niya at hinila papunta sa sayawan.

Habang hinihila, napatingin siya kay Axelle na parang nabighani. "Ano ba 'tong iniisip ko? Delete mo,
Mylene. Huwag kang magpadala sa mokong na ito," sabi niya sa kaniyang isip.

Nasa harap sila kung saan makikita ang sayawan. "Ayaw kong sumayaw. Hindi ako marunong."

"Sige na, please?"

"Basta. Kahit anong gawin mo, hindi ako sasayaw. Makaalis na nga, nakakahiya na." Ngunit hinawakan
ulit ni Axelle ang kamay niya at hinarap, at nagulat siya dahil yumakap ito.

Gusto niyang itulak ang binata pero parang may pumipigil sa kanya. “Oh my God! Nagkakagusto na ba
ako sa mokong na ito? Hindi pwede. Siguro dahil ito sa may hinalo siyang kung ano sa nilibre niyang
inumin kanina. Walang'ya siya!”

Parang bumalik na ang kamalayan niya kaya naman tinulak niya si Axelle sabay sabing, "Ano ba!"

"Sige na, please? Ngayon lang. Mag-enjoy naman tayo, please?" Nahalata niya ang pagpapa-cute ni
Axelle. Pakiramdam niya, nakulam siya. She felt like it's hard for her to refuse Axelle.


"Sige na, please? Minsan lang 'to."

Pinagbigyan niya ang hiling ni Axelle kaya tuwang-tuwa ang binata.

Kinuha niya ang kamay ni Mylene at nilagay ang isang kamay sa bewang nito.

"Magaling ka sa sport pero sa ganito, hindi pala. Ang tao nga talaga, kahit anong lakas at kakayahan, makikita mo pa rin yung kahinaan nila."

Ayaw ni Mylene na magmukhang parang walang alam kaya sinakyan niya ang trip ni Axelle.

Sa isip ni Axelle, ito na ang pagkakataong hinintay niya. The first move to make her fall in love with him.

“Hahaha. Ilang araw lang, mapapaibig na kita.”

Tinitigan siya ni Axelle. "Ngayon ko lang napansin, maganda ka pala."

"Anong pinagsasabi nito? Lasing ka na ba, ha?" bulyaw niya.

"Sabihin mo sa akin ang totoo, ako ang unang magsabi sayo ng maganda ka, 'no?"

"Hindi."

"Except sa mga magulang mo. Ako, 'di ba?"

"Hindi nga."

"Huwag ka nga magsinungaling."

"Ako pa talaga sinabihan mo ng sinungaling? Hindi nga. Ang unang nagsabi sa akin no'n ngayon ay si
Miko." Natawa siya sa reaksiyon sa mukha ni Axelle.

"Ang lalaki na 'yon, nilalagawan ka ba niya?"

"Baliw ka ba. We're just friend, 'no. Saka kaibigan ko siya. First good friend ko siya. Masaya ako sa kanya
at komportable at ayaw ko mawala ang gano'ng pagkakaibigan namin."

"Haba ng explaination, ha? Tanong ko lang. May boyfriend ka na ba or nagka-boyfriend ka na ba?"

"Parang saan-saan na nakakarating ang mga tanong mo, ha?"

"Sige na! Sagutin mo na."

"Ang kulit nito. Wala. Wala akong boyfriend. Hindi ako nagka-boyfriend." Pinigilan niyang matawa pero nahalata pa rin siya ni Mylene.

"Natawa ka?"

"Hindi."

"Natawa ka, eh. E, bakit ikaw, may girlfriend ka ba? Nagka-girlfriend ka na ba?"

Mabilis niyang sinagot ang mga tanong ni Mylene. "Hindi na kailangan dahil maraming babae ang
naghahabol sa 'kin. Hindi ko nga alam kung paano o sino ang pipiliin sa kanila." Natawa si Mylene sa sagot niya.

"Yabang mo kanina. Pareho lang naman pala tayong walang karelasyon."

"Hindi, ah."

"Huwag ka na ngang nagpapalusot diyan. Alam ko namang wala ka talagang girlfriend at sa tingin ko na
totoo naman. Wala kang alam sa relasyon. Kunwari ka pa," pang-asar niya kay Axelle.

"Wala pa lang alam sa relasyon, ha." Nilapit ni Axelle ang mukha niya kay Mylene at sobrang lapit na lang
na magkakadikit na ang mga labi nila.

Her eyes grew wide and told herself, “H'wag kang gagalaw, baka mahalikan ka nang totoo. Hindi
pwedeng siya ang kukuha ng first kiss ko. Loko talaga 'tong lalaki na ito. Nakakainis!”

"Subukan mo ulit insultuhin ang pagkalalaki ko, hahalikan talaga kita nang totoo," ani ng binata saka na
umatras. Sinipa siya ni Mylene sa ginawa niya.

"Baliw ka talaga. Ulitin mo pa 'yan, higit pa r'yan ang matitikman mo." Sabay talikod paalis.


"Wait lang naman. Ikaw kasi, inunsulto mo ako."

"Shut up. Totoo naman ang sinabi ko na wala kang alam sa relasyon." Patuloy lang siya sa paglalakad.

"Sige, patutunayan ko sayo na may alam ako sa relasyon. Simula bukas, I will show you." Humarap sa
kanya si Mylene.

"Talaga? I'm excited." Nagpaalam na siya paalis.

"Ang aga pa, ah?"

"Hindi naman ako tulad sayo na mayaman kaya paupo-upo na lang. Mga gaya ko, kailangan magtrabaho
para may pansuporta sa pang-araw-araw."

"Wala ka bang parents para sila na magtrabaho para sayo?" Humarap sa kanya si Mylene.

"Busy rin sila sa trabaho nila saka malakas naman pangangatawan ko at kaya ko magtrabaho."

"Gusto mo bang tulungan kita sa trabaho mo?"

"Pagdating sa mga raket ko, hindi kita alipin. Sige, umuwi ka na rin dahil baka hinahanap ka na ng mga
magulang mo."

Nakita ni Mylene naging malungkot ang mukha ni Axelle nang mabanggit niya ang tungkol sa mga magulang ng mga binata.

"My parents are always busy on their business. Ako lagi ang nasa buhay. Once a month lang sila umuuwi
at hindi pa kami nagkikita. Nagkakausap lang kami through video call but personally ay hindi."

Humarap siya kay Axelle at sa narinig ay naawa siya.

She said to herself, “Nakakatuwa nga naman talaga ang buhay ng tao. Mayaman nga siya at hindi
pinoproblema ang pera pero malungkot naman. I mean, nag-iisa, walang mga magulang sa tabi niya.

Ako naman, nandiyan nga sa tabi ang mga magulang ko, ang pamilya ko, pero hindi ko ramdam. Parang
pareho rin kami ng sitwasyon. Nakakatawa talaga.”

"Kaya ikaw, kapag nagka-pamilya ka. Dapat i-prioritize mo ang pamilya mo, hindi ang trabaho. Para 'yang
nararamdaman mo ngayon ay hindi maramdaman ng mga anak mo." Ngumiti siya kay Mylene.

"Sana lagi ka na lang ganyan kabait sa akin."

"Hindi ba ako naging mabait sayo? Ikaw kasi, huwag kang magpasaway para magkasundo tayo."

"Oo na. Hindi na." Kinuha niya sa bulsa ang papel na medal at binigay kay Mylene.

"Tanggapin mo na."

"Halata naman na hindi mo yan kailangan kasi may pera ka. Pero tanong ko lang, bakit ka ba sumali sa
mga activities, hindi mo naman yan kailangan?"

"Hindi mo ba narinig sinabi kanina? Enjoy yourself kaya sumali ako." Kinuha niya ang kamay ni Mylene at
binigay ang papel na medal.

"Bilang slave mo, kailangan kong siguraduhin na hindi magugutom ang amo ko." Sabay ngiti niya.

Habang ngumingiti si Axelle, sinabi ni Mylene sa sarili, “Ewan ko sa mga nangyayari sa akin, pero
infairness, he is handsome with a heart.”

Ngumiti siya kay Axelle at nagpaalam na.

"Mag-iingat ka. Goodnight!" sigaw ni Axelle.

Ginulat siya ng mga kaibigan niya.

"Galing mo, bro. Parang nakuha mo na yung loob niya," puri sa kanya
ni Markus.

Comentário do Livro (114)

  • avatar
    TU PA Kun

    good

    25d

      0
  • avatar
    saronajasmine

    akala ko happy ending na sila, nakakaiyak yung ending grabe

    06/08

      0
  • avatar
    Julius Escala

    it's good read

    04/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes