logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER SEVEN - Allen's Smile

"NAGTATAGALOG SIYA?!"
"Nagtatagalog ka?!" manghang tanong ni Mirian kay Allen.
Lumaylay ang mga balikat ni Allen. Disappointed yata at hindi niya pinansin ang babala nito. E, sa mas nagulat siya sa pagta-tagalog nito kesa sa sinabi nito tungkol kay Jules, e.
"Ilang dekada na akong naninirahan sa bansang ito, hindi pa kasama ang ilang beses kong pagpapabalik-balik dito sa nakaraang apat na raang taon. Marapat lamang na matutunan ko ang inyong lenggwahe." Sumandal muli ito at nag-crosslegs.
Bahagya niyang binuksan ang pinto at sumungaw. "Helen! `Yung aso n'yo ang ingay! Hindi ko maintindihan ang pinapanood ko!"
Pagkatapos ay bumalik siya sa pagkaka-upo at hinarap si Allen. "Gan'on? Alam mo mag-english ka na lang uli, nakaka-nosebleed kang magtagalog, para kang na-stuck sa panahon ni Jose Rizal." Ang lalim ng choices of tagalog words nito.
Napansin niya ang maliit na ngiti sa labi nito. ‘Ay ang cute naman, may dimple siya sa left cheek oh... Eeeeh! Ang gwapo!’
"A... Si Jose Rizal... Matalino siyang tao, medyo maliit lang at seryoso sa buhay."
Nanlaki na naman ang mga mata niya, pinilit niyang itago ang kilig sa nakitang kapiranggot na ngiti nito. "Kilala mo si Dr. Jose Rizal?!"
"Oo naman, he's the country's national hero."
Laglag ang balikat niya. "Akala ko naman kilala mo nga personally, `di ba matatanda na ang mga bampira? Ilang taon ka na nga?"
"We're getting off the topic... As I was saying, layuan mo ang bago mong kapitbahay."
"Bakit ba kasi?"
"He's a banker, he's—"
"Banker?! Banker ba 'ka mo?! Aba, e bigatin pala—”
"No, its not what it literally means, iba ang banker ng undead sa banker ng mga tao. Sa 'min, ang banker ay ang tao na pumapayag na makunan ng dugo ng mga kauri ko, sila—"
"Bilis na kasi! Ang dami pang paligoy-ligoy!"
"Fine! Kaya sila tinawag na banker, e dahil sa kanila kami kumukuha ng dugo. Para silang bangko, gano'n!" Tila naubos na ang pasensya nito sa kanya.
Iniisip niyang mabuti ang sinabi nito... "Ibig mong sabihin, pumapayag magpakagat sa `yo si Jules? Natitiis niya `yung sakit? I'm sure masakit 'yun."
"Hindi sila kinakagat, para lang silang nagdo-donate ng dugo, nasa blood bags ang dugong kinukuha sa kanila, once a month sila kung magbenta ng dugo sa `min... And I almost forgot, your neighbor isn't my banker, I have bankers of my own. He's from a different vampire clan."
"Vampire clan? Anong clan? Salvatore o Cullen?" Pinigilan muli niyang mapangiti sa sinabi niya. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito kaya dinadaan na lang niya sa biro.
"Haha... Very funny... Those names aren't even mentioned in the whole history of vampires. I know who those 'vampires' are, but they are not in any way related to us. Humans just created those fictional characters to romanticized our kind. But their portrayal of vampires are so far from the real ones. Our race is nothing but cool or romantic or beautiful. They—”
"Oo na, Oo na, so continue with the banker chorva."
Huminga lang nang malalim si Allen bago muling nagpatuloy. "OK. So... As I was saying, banker siya ng ibang clan. The Viscaderas."
"Sino naman ang Viscaderas?"
Namula ang mga mata nito. "Ang angkan na namuno sa pagwawakas ng lahi ng Renner, ng aking angkan."
Napakapit naman siya sa armrest ng sofa ng makita ang galit sa mga mata ng lalaki. "Nagwakas sa lahi mo? Ibig mong sabihin—"
"I am the last Renner."
HINDI MAKATULOG SI Mirian pagkaalis ni Allen. Iniisip niya ang kwento nito. Para nang may nag-rambol sa kama niya dahil sa kaiikot at kasisipa niya sa kumot.
"Ano pa bang nakakagulat sa kwento niya? Nakita mismo ng dalawa kong mata na bampira siya at kaya niyang pumatay. So ano pa bang ipinagdududa ko? O... Nagdududa ba talaga 'ko?"
.
.
.
.
.
.
"Enebe?!"
Bumangon siya at ginusot ang buhok.
"Anuba?! Naman eh! Bakit kailangan pa niyang sabihin sa 'kin ang tungkol sa "banker" chorva niya, at siraan si Jules?! Ano bang pakialam ko sa kanila? Nananahimik na nga ako 'di ba?! Wala akong pinagsabihan ng sikreto niya! Ano pang kailangan niya sa 'kin?!" Hingal na hingal siya nang matapos ang kanyang paglilitanya. "Buset!"
Padabog muli siyang nahiga at nakipagtitigan sa kisame...
Unti-unti na siyang nilalamon ng antok at napapapikit na nang biglang sumingit sa diwa niya ang maliit na ngiti sa labi ni Allen Renner at ang dimple nito sa pisngi.
Napadilat siya at napasinghap sa gulat, nagkanda-ubo-ubo pa kaya wala sa sariling bumangon.
"Haaay naman eh!" Dabog.
Inabot na siya ng sikat ng araw pero hindi pa rin nakatulog. Kaya pumasok siyang dinaig pa ang sinuntok dahil sa dark circles sa paligid ng kanyang mga mata.
"Mirian! Tara na!" Pasakay na ng kotse nito si Jules nang makita siya nitong lumabas ng bahay.
Nginitian niya ito at balak na sanang sumabay dito nang maalala ang sinabi ni Allen.
"Layuan mo ang bago mong kapitbahay."
"Luh..." Natigilan sya sa kinatatayuan at napatitig lang dito.
Ngiting-ngiti sa kanya si Jules. "Ano na? Baka ma-late ka, halika na, sasabay rin sa `tin si kuya Gerry."
‘Kumpara naman kay Allen, the vampire vampire killer, `di hamak na mas safe looking si Jules the alleged 'banker'’ Mahaderang brain, strikes again.
"Oh, Mirian, Tara na!" ani Gerry na lumabas mula sa unit ng mga ito, kasunod ang asawa nitong si Helen.
"Good morning, Mirian." Si Helen.
Tinanguan niya ang mga ito bago muling nilingon si Jules.
‘Kasama naman namin si kuya Gerry. OK lang siguro.’
Nakangiti siyang lumapit sa mga ito at sumakay sa backseat.
Pagdating sa workplace niya ay nagpasalamat siya sa mga nakasabay at lumayo na sa sasakyan ni Jules.
"Ingat kayo!" Kinawayan niya ang mga ito.
Medyo inaantok pa rin siya nang mapatingin sa kotseng kasunod ng kay Jules. Porsche Spyder. White. ‘Taray...’
Ngunit nang bumaba ang salamin ng passenger side noon ay nawala ang paghanga niya sa naturang sasakyan.
Si Allen Renner, seryosong nakatingin sa kanya. Umiling-iling ito bago isinara muli ang bintana ng kotse.
Obviously nakita nito kung sino ang naghatid sa kanya.
"Patay..." kagat-labing usal niya.
Pero napasimangot siya nang maisip na: ‘Ano bang pake niya? At anong pake ko? Idadamay pa nila 'ko sa gulo nila.’
Muling nag-flash sa utak niya ang ngiti nito.
‘Eeeeh!!!’
"MIRIAN, MIRIAN, MIRIAN..." iiling-iling na wika ni Jarvis ng puntahan siya nito sa cubicle niya.
‘Naligaw ang lolo mo? Ang limit niya yatang magpakita ngayon.’Sa isip ni Mirian habang patuloy sa pagtipa sa keyboard.
"Naligaw ka? Madalas ka yatang magpakita ngayon?" aniya rito.
"Mirian..." Titig na titig ito sa kanya, naupo pa sa spare chair niya.
Hindi na lang niya ito pinansin, marami siyang ginagawa at wala siyang panahon sa mga trip nito. ‘Baka nag-weeds na naman.’ Bisyo kasi 'yon ni Jarvis noong college at kelan lang yata ito tumigil.
.
.
.
.
.
.
"Ano ba?! Magpapalibre ka na naman 'no?" inis na sikmat niya rito makalipas ang halos sampung minuto yatang pagka-tulala nito sa kanya.
"Grabe ka naman! Para one time lang ako nagpa-treat sa 'yo, kung makapagsalita ka 'kala mo ginawa ko nang hobby `yun, a. Ampangit talaga ng ugali mo,” defensive namang wika nito.
Lumingon-lingon muna siya sa paligid. Nag-iingay na kasi silang dalawa at baka marinig sila ni Rico. Eto naman kasing lalaki sa tabi niya, may pagdayo pa sa department nila. "Ano ba kasing kailangan mo? Wala ka bang ginagawa sa inyo?"
Nganga pa rin ito, tila nagdadalawang-isip kung sasabihin ba o hindi ang kung anumang kailangan nito sa kanya.
Hinarap na niya ito. "Jarvis, kung anuman `yang gusto mong sabihin, sabihin mo na, ngayon kung tutunganga ka lang d'yan, e makakaalis ka na, baka mamaya n'yan, e dumating pa si Sir Rico, pareho pa tayong malintikan."
Napayuko naman ito.
Medyo nahabag naman siya sa kaibigan, baka naman may problema ito. Hindi naman ito ganoon kapabaya para takasan ang trabaho nito para lang tsumika sa kanya.
‘Baka nga kasi bagong singhot!’ anang isip nya.
‘Judgmental masyado, baka nga problemado lang,' kontra naman ng kabilang panig ng isip niya.
"Mirian kasi, alam mo—"
"Gusto ka niyang ligawan"
"Gusto kitang liga— what?! No! What the hell—o, hello Sir Rico."
Napapitlag siya at agad na nilingon ang lalaking binanggit ni Jarvis. Hindi niya malaman kung anong dahilan ang idadahilan kung bakit working hours, e may taga-ibang department sa cubicle niya.
"S-sir... A-ano..." Nilingon niya si Jarvis na kakamut-kamot sa batok. Sinipa niya ito sa paa para makuha ang atensyon nito at pinandilatan ng mga mata, silently saying na kasalanan nito kung bakit sila naipit sa sitwasyong iyon.
"Anong ginagawa mo rito—" tiningnan ni Rico ang ID ni Jarvis. "Mr. Jarvis Geronimo?"
"Uhmmm... Sir... Kasi..."
"Never mind, I didn't come here to speak to you, bumalik ka na sa department ninyo at hintayin mo na lang ang memo sa 'yo."
Siya naman ang binalingan nito. "While ikaw, Ms. Ilusorio, pumunta ka ngayon sa studio sa eight floor, ni-request ka ni Jules Gaitan to be there. Magkakilala pala kayo. I think he likes you." He slighty nudge her shoulder pagkasabi niyon, pagkatapos ay lumayas na ito matapos muling pagsabihan si Jarvis.
"Whew! I thought I'm deads na,” aniya nang makalayo si Rico, inayos na niya ang gamit para mapuntahan na si Jules at matanong na rin kung anong arte nito at hindi pa sinabi sa kanya na may appointment pala ito sa kanila samantalang neighbors/friends naman sila.
"Ang arte niya ha, kailangang ipa-message pa kay Sir Rico. Neighbors naman kami. Hindi pa personal na sinabi."
"'Wag ka na lang kaya pumunta sa taong 'yun?" Jarvis said.
Napatanga siya. "Wow ha, 'taong 'yun' may pangalan ang taong 'yun... Haay naku, may naalala ako sa iyo."
`Yun lang at iniwan na niya ito. "Para siyang si Allen, ano kayang problema nila kay Jules?"
Napangiti siys nang may malanding ideyang naglaro sa isip niya. ‘Beke nemen negsheshelosh leng shila keshe clowsh keme ni Julsh.’
Then naalala uli niya ang ngiti ni Allen. ‘Asar ha.’ Kinilig na naman siya.
WALA NAMANG IMPORTANTENG sinabi si Jules kay Mirian nang pinapunta siya nito sa photoshoot ng bagong relo na imino-model nito.
Nang dumating siya sa studio ay tinanguan lang siya nito, pagkatapos ay may isang lalaking mataba ang umasiste sa kanya, pinaupo siya nito sa isang bahagi ng studio kung saan tanaw niya ang lahat ng kaganapan at sinilbihan pa ng pagkaing galing sa buffet. Feeling tuloy niya, e guest of honor siya ng mga ito.
Pangiti-ngiti at pasenyas-senyas lang sa kanya si Jules dahil nga abala ito sa pagpo-pose with the other three models.
Na-bore lang siya. Really. Habang papalit-palit ng emosyon ang mukha ni Jules dahil na rin sa request ng photographer ay hindi niya maiwasang ikompara ang ngiti nito sa ngiti ni Allen Renner.
"Allen Renner na naman..."
Sa araw-araw na ginawa ng diyos, e parating nakangiti si Jules na animo'y pulitikong nanliligaw ng botante, cute ito. Ang totoo crush na nga niya ito, Noong mga unang beses na makakasama niya ito, pero habang tumatagal, medyo nawala iyon hanggang sa dumating na nga sa puntong deadma na lang siya kung gwapo ito. Para na lang si Jarvis at Tim ang tingin niya rito.
"Ok, Jules, give me a small smile, like that of a shy schoolboy,” anang photographer na sinunod naman nito. "Perfect!"
Napasimangot na lang siya, kung siya ang tatanungin, Walang-wala ang ngiting iyon ni Jules kung ikukumpara sa halos ganoon ding tipo ng ngiti ni Allen. Parang common lang `yung kay Jules, habang `yung kay Allen...
"Ayiie! Allen Renner!"
"Tahimik! Leche, Malandi!"
"Ano ba `yan, ang harsh naman, malandi agad?!"
"Ate, OK ka lang?"
"Ay, kamote." Napapitlag si Mirian nang magsalita ang PA (yata) ng isa sa mga models sa tabi niya. "Huh? A, yeah, I'm OK."
Tumango-tango ang babae tsaka alanganing ngumiti, bago lumapit sa isa pang PA din (yata) na nakatingin din sa kanya.
"Cute sana si ate kaya lang parang may sayad." Dinig niyang bulong noong lumapit sa kanya.
"Bakit? Ano bang sabi?" pabulong ding tanong nung isa.
"OK lang daw siya, e bulong naman nang bulong na parang may kausap."
"Hayaan mo na, baka nagda-drugs."
Pinigilan niya ang sariling lingunin ang dalawa at singhalan. Kung magbulungan naman kasi, daig pa ang nakalunok ng megaphone!
‘Parang ako lang, akala ko isip ko lang `yung nagsasalita, binubulong ko na pala. Tulad ngayon. Ayyy! Mirian, tama na! Para ka nang baliw!’
“Hala, ayan, o, nagsisimula na naman siya. Naku, ano kayang tinitira n'yan?"
"Katol pa, 'te." Muli ay "bulong" nung dalawa sa likod.
Pabigla niyang nilingon ang dalawa at tiningnan nang masama, kung mamumula din sana ang mga mata niya gaya ni Alle, e mas bongga.
Nagyuko naman ng ulo ang dalawang timawa. Kung napahiya man o natakot sa kanya ang mga ito ay wala na siyang pake.
"Nainip ka?" Si Jules.
"Ui, andyan ka na pala, hindi naman ako nainip." ‘Echos.’
"Tapos na kayo?" Buti naman nilapitan na siya nito.
"Yup. Pack up na at last. Bukas ulit,” nakangiti nitong sabi.
"A... E, bakit mo nga pala ako pinapunta rito?" Naalaala niyang itanong.
Nawala ang ngiti nito. Tila hindi alam kung anong isasagot sa tanong niya.
"Uhmmm..."
‘Leche! Jarvis lang ampeg?!’
"Uhmmm... Let's h-have dinner tonight. My treat."
Nagulat siya, syempre. "Huh? Bakit?"
Jules shrugged his shoulders. "Wala lang. Para mas makapagkwentuhan tayo nang maayos. Ha? Payag ka na, ha?"
"S-sige... Dinner lang naman, e..." wala sa loob na sagot niya. "So... Pwede na ba 'kong bumalik sa office? May two hours pang natitira sa working hours ko, e."
Tinapik siya nito sa balikat, saka ngumiti. "Sure. Pasensya na sa abala, ha. Flynn! Pakihatid naman si Mirian sa labas!"
"OK!" sagot nung lalaking mataba.
Hindi na siya kumontra pa kahit na dalawang dipa lang yata ang agwat niya sa pinto, kung iniisip ni Jules na baka hindi niya alam kung saan lalabas, e di go.
Inistorbo siya nito sa trabaho para lang ipakita kung paano ito ngumiti sa harap ng camera pagkatapos ay niyayang mag-dinner kahit na pwede naman nitong yayain siya roon sa kanila.
Anong problema ng mga lalaki ngayon? Mga istorbo sa trabaho tapos wala namang importanteng sasabihin.
Kung sana ay aabalahin siya ng mga ito para ipakita sa kanya ang ngiti ni Allen Renner na hindi pa niya kinamu-move on-an baka magtatalon pa siya sa tuwa.
Nasapo niya ang noo. ‘Deadma na lang kung vampire si Allen, 'no girl? At least cute ngumiti.’
Tama nga yata `yong mga PA (yata) kanina. May sayad na siya.

Comentário do Livro (50)

  • avatar
    Akiles Rohan Puntanar

    totoo nga naka kuha ako ng pera

    15/07

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    perfect story

    21/06

      0
  • avatar
    legarajanel

    nice

    16/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes