logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter Five

"Are you okay?"
Yumuko siya at bahagya pang umupo. Kaya mas lalo kong ipinikit ang mga mata ko.
Pero lintek na mga mata 'to kahit anong pikit ko ng mariin ay parang may sariling buhay na bubuka at maninilip. Buset! Idagdag pang kahit anong kalma ko gagalaw at gagalaw pa rin ang talukap ko.
"Huy Sam! Pangalawa na 'to. Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ng pinsan ko na bahagya pang inilapit ang mukha sa akin.
"Bumangon ka."
Binuhat niya ang ulo ko at patatayuin sana ako pero kinurot ko siya ng pino sa bandang binti niya sabay hila ng matataas niyang balahibo.
"Ouch!"
Tiningnan niya ako.
Sumenyas ako sa kanya sabay nguso ng mga labi ko sa lalaking nakaupo sa bandang kanan ko na hindi ko makita ang mukha dahil natatakpan ng ulo niya.
"Ano?"
Inilapit pa ni Mark ang tainga sa akin.
Ay! Bwesit! Ang bobo ng taong 'to!
"Kunin mo ang cellphone ko sa kanya. Pagkatapos buhatin mo ako at itakbo dito." Bulong ko sa kanya at pumikit ulit nang lumayo na naman ang mukha niya.
"Why? Is she in pain?"
Oo. Masakit lahat sa akin! Kaya ibigay mo na ang cellphone ko sa kanya at umalis ka na.
"Kailangan ko ba siyang buhatin?"
Ano?! Huy Markus sumagot ka! Bwiset!
"Ah...eh ano." Ramdam kong napakalot sa batok ang pinsan ko.
Kinurot ko siya ulit sa binti ng mas pino pa.
"Aray! Ano ba?! Ikaw na lang kaya kumuha! Tumayo ka nga d'yan. Pinagtitinginan ka na ng mga tao." Sabi ni Kuya Mark sa akin.
Wala akong pakialam sa mga taong 'yan! Kailangan kong makalayo dito.
Sumilip ako at ayun!
Nagkasalubong ang tingin namin.
Pakshet!
Mas nakakahiya pa 'to sa nangyayari kanina sa simbahan.
"Sammy." Sambit niya.
Buset yan! Sa dalawang pangalan ko at sa dami ng palayaw ko. Iyan pa talagang pangalan na 'yan.
"Bumangon ka na. Pinagtitinginan ka na ng mga tao at ang dumi ng putik."
Bumangon agad ako nang marinig ko ang salitang putik. Naglalaba kasi si Lusbimenda sa poso. Ang nanay ni Pudang na narinig kong pinagtatawanan lang ako kanina.
Nakalista na sa utak ko ang pagtawa ng demonyang 'yan kanina kaya humanda siya sa gagawin kong–
"Aray." Napahawak ako sa likuran ko.
Pangalawa na 'to pero mas masakit 'yong ngayon.
"Ano ba Tita Lusbi bakit n'yo ba sa daan binubuhos ang tubig na ginamit mo pangbanlaw?!" Sigaw ko.
"Aba! Kasalanan ko bang tatanga-tanga ka dyan!" Sagot niya.
Ayan! Demonya 'yan!
"Puro lang talaga kasamaan ang meron 'yang babaeng 'yan." Bulong ko.
Nakatingin na sa amin ang ibang mga kamag-anak at kapitbahay namin.
Tatayo na sana ako nang may dalawang magkaibang kamay ang humawak sa'kin patayo.
"Okay ka lang ba?" Sabay pa nilang tanong.
Inis ko silang tiningnan at binawi ang braso ko. Tumayo akong mag-isa pero 'yon nga lang dahil sa nakapaa ako malakas na bumagsak ulit ang puwet ko sa lupa.
Nawala na ang hiya ko dahil paghihiganti na ang iniisip ko ngayon sa demonyang naglalaba sa poso.
Bwesit na babaeng 'yan! Kung wala lang akong sakit sa puso kanina ko pa siya kinalbo.
"Dahan-dahan kasi." Sabi ni Kuya Mark at tinulungan ako.
Isa pa 'tong bwesit! Anong klaseng karamay 'to kung hindi man lang sumunod sa sinabi ko.
Tumayo ako na daig pa ang buntis na nakahawak sa tagiliran.
"Are you sure, you're okay? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" Tanong ni Christian sa akin na bahagya pang nakahawak sa balikat ko.
Inis kong inalis ang kamay niya at hindi siya pinansin.
"Teka, totoo ngang magkakakilala talaga kayo?" Tanong ni Kuya Mark sa amin.
"Oo. Magkaklase kami no'ng highschool." Sagot ko agad bago pa siya makasagot at ibuking pa akong nagpapalitan kami ng laway dati.
Pakiramdam ko tuloy kaya siguro ako nagkasakit dahil pumatos ako ng isang sakristan dati at kinagalit ni Lord yon.
Ginabayan nila ako sa upuang de-kawayan.
"Nasa'n ba ang tsinelas mo? Bakit nakapaa ka lang?"
Hindi ako sumagot sa tanong niya. Nagtatanong na tumingin siya kay Kuya Mark nang makitang wala din itong tsinelas.
"Ah... Eh mahabang storya! Problemang pampamilya." Pabirong sagot ni Kuya Mark.
"Magka-anu-ano ba kayo?"
"Boyfriend ko–aray!"
Tiningnan ko si Mark ng masama. Hindi man lang makisabay kahit ngayon lang para may pang-ano naman ako sa ex kong hayop.
"Mag-pinsan kaming dalawa." Sabi ni Kuya Mark.
Tumango-tango si Christian bilang sagot.
"Ah! Kaya pala ang close n'yo."
"Luh! Di naman lahat magpipinsan close. Marami nga akong pinsan d'yan sa bahay na 'yan eh pero hindi ko naman close lahat. Puro kasi mga feelingers!" Sabi ko na bahagya pang ininguso ang bahay nina Ayren na umalis na pagkatapos papapasukin ng nanay niya sa loob ng bahay.
Tumingin siya sa akin at nagsalubong ang tingin namin kaya bumalik na naman ang hiya ko. Yumuko ako.
"Teka, ano bang meron sa inyo at ilang si Samantha sa'yo?" Tanong ni Kuya Mark na nagpalaki ng mga mata ko.
Tumayo ako agad bago pa siya makasagot.
Ayokong malaman ng pinsan ko lalong-lalo na ng mga kamag-anak kong chismosa na pumapatos ako ng sakristan noon. Baka sabihin pa nilang kaya ako sumimba ngayon ay para muling ibalik ang kahapon namin.
"Akin na ang cellphone ko." Sabi ko kay Christian sabay lahad ng kamay.
Tiningnan lang niya iyon na para bang wala siyang balak na ibalik sa akin ang cellphone.
"Can we talk?" Seryoso niyang tanong habang bahagya pang nakikiusap ang kulay gray niyang mga mata.
Aba! Wala ngang balak!
Inalis ko ang tingin ko dahil malakas talaga ang tama sa akin ng mga mata na 'yan. Iyang mga mata na 'yan ang isa sa mga nagpapalasing sa akin.
"Huy, Samantha! Sumagot ka!"
"Maka-huy ka sa'kin d'yan!" Akma ko pa siyang siniko pero lumayo din naman agad siya.
"Para ano pa? Wala naman tayong dapat pag-usapan." Sagot ko.
"No. Marami tayong dapat pag-usapan. I want to clear things with you and I want to–"
"Oo na! Oo na!" Putol ko sa kanya na bahagya pang winagayway sa ere ang mga kamay.
Nakikiusyoso na kasi si Mark. Mabuti na lang at hindi naman siya masyadong nakakaintindi ng English.
"Saan ba tayo mag-uusap?" Inis na tanong ko.
"If it's okay with you. Can you come with me? I wanted to talk about us inside the chapel. Dahil doon walang makaka-istorbo."
Muntik na akong mapa-sign of the cross sa sinabi niya.
Lumapit ako sa kanya ng bahagya.
"Seryoso ka? Doon talaga sa bahay mo?" Sabi ko na kinatawa pa niya.
Tumikhim si Kuya Mark at nagpaalam na mauuna. Tumango na lang din ako.
"So ano? Hihintayin kita?"
"Anong hihintayin? Tayo na!" Sabi ko.
Hinawakan niya ako sa braso nang akma akong tatalikod.
Mula dito ay rinig ko ang bulungan ng mga tao. Sa lugar kasi namin dito lalo na ng mga kapitbahay at kamag-anak ko. Ang turing nila sa mga taong tulad ni Christian na amerkano kuno ay artista na may maraming pera. Ganu'n ka liit ang mga utak nila.
"What?!"
"Magbihis ka muna. Ang basa-basa ng likod mo. Nakakasama sa'yo yan."
Oh Hell!
Naalala kong lumangoy nga pala ako do'n sa putik.
Nakaramdam tuloy ulit ako ng hiya.
Tumango ako at ngumiti naman siya.
"Good. I'll wait here." Sabi niya.
Nagmamadali naman akong umalis.
"Maghintay ka d'yan hanggang sa manigas ka!"
Siyempre noh! Wala akong balak na bumalik sa chapel na 'yon at mas lalong wala akong balak na makipag-usap sa kanya. Alam kong uungkatin lang niya ang mga nangyari sa amin.
And worst, baka sabihin pa niyang–
Naalala mo ba dati? Noong tayo pa. Palagi mo akong hinahalikan sa harap ng maraming babae kasi selosa ka at ayaw mong lumapit sila sa akin. Gusto mo akong solohin.
Nanginig ako.
"Ehhy, yak!"
Hindi ko alam kung bakit ko pa nagawa 'yon dati.
"Bahala siya." Bulong ko at pumasok ng bahay.
Mabilis akong naligo ulit at nagbihis para bumalik sa pagtulog.

Comentário do Livro (48)

  • avatar
    Mariebel Perez

    Nice story

    31/07/2024

      0
  • avatar
    Prelyn Anne Gregorio

    gandaa

    18/07/2024

      0
  • avatar
    Mylin Cobrado Apao

    good

    15/07/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes