logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter Six

Chapter Six
APRIL 14TH
The weather is quite different today. Bagaman maaraw ay hindi ganon kainit. Samantalang may naisip si Niko na kakaiba para ngayon. Nang masiguro kong maayos na ang itsura ko at kumpleto na ang mga gamit ay lumabas na ko ng apartment at bumaba.
Kung dati ay sling bag lang ang dinadala ko pero ngayon ay may bitbit na kong maliit na backpack para magkasya yung mga iba ko pang dinala na gamit. Ewan ko ba, matapos yung insidente do'n sa sunflower field, kung ano-ano ng mga gamit ang naiisipan kong dahil.
Kase baka may mangyaring gan'to o ganyan. Mga bagay na hindi inaasahan. Tinuro 'to sa girl scout noon pero ngayon ko lang naa-apply.
Paglabas ko ng building ay hindi lumagpas sa mata ko ang nakatayong si Niko. Nasa gilid siya at abala sa kakalingon na para bang may hinahanap. Automatikong napakunot ang noo ko dahil hindi ko inaasahan na makikita ko sya mismong paglabas ko.
Hindi ko mapigilang mapagmasdan siya habang hindi nya pa ko nakikita. He stands around 5'11 kung hindi ako nagkakamali. He looks attractive with his clothes. His eyeglasses oddly suited him and the way he styles his hair is quite adding to his charm.
It's impossible not to notice Niko even in a crowded place, because he stands out so well.
I dialed his number and I watched him answer it.
"Paano mo nalaman bahay ko?" bungad ko sa kanya.
Kitang kita ko naman mula sa pwesto ko ang pagkunot ng noo niya. Napangiti at napailing nalang ako at lumakad palapit sa kanya.
"Sabi ko paano mo nalaman bahay ko?" muli kong tanong pero this time nasa tabi na niya ko. Hindi niya ko napansin kaagad kaya bahagya siyang nagulat sa pagsulpot ko. Napalitan din naman agad ito ng ngiti. Binaba ko na ang linya.
"You sent me your address, right?" sagot niya sa akin na patanong kaya mas lalo akong nalito.
Did I? Did I really sent him my address?
May kinalkal siya sa sandali sa cellphone niya at tinapat ito sa aking mukha. Nabasa ko ang conversation namin at nakita ko din na sinend ko nga sa kanya ang address.
"Ulyanin." iiling-iling niyang bulong.
Naaalala ko na. Sinend ko sa kanya yung address ko dahil sabi niya hindi naman namin kailangan magkita sa bus station para sa pupuntahan namin ngayon. I hesitated at first because I've got an impression that he's awfully bad at directions.
Kaya ganon nalang ang gulat ko nang makita ko sya ngayon dito.
"But, still. Bakit dito pa sa mismong building?" tanong ko at hinila na sya palayo.
Maraming mga mata sa apartment na 'to. I just don't want them talking about me. That's why while I'm dragging Niko at his polo's cuff ay panay ang lingon ko to see if anyone has seen us. Pero dahil hindi ko napagtuunan ng pansin ang hakbang ko ay natapilok ako at bumagsak.
"Klara!" Niko exclaimed as he bend down to look if I'm okay.
Hindi ko pa man din tapos indahin ang sakit ng pagbagsak ko ay natakip ko ang aking palad sa bibig ko.
"Why? What happened?" nagpa-panick niyang tanong.
Nanlalaking mata kong tinignan ang kapiraso ng dulo ng long sleeve ni Niko na nasa kamay ko. Napunit ata 'to kasabay ng pabagsak ko. Niko kept searching what's wrong or kung may sugat ba ko o injured sa katawan.
Nang malapit nya nang makita ang isa kong kamay ay tinago ko ito sa likod ko.
"Klara, ano yon?" nag-aalala niya pa ding tanong. Pero hindi ko masabi sabi sa kanya dahil sobra akong nahihiya. Mukha pang hindi niya pa napapansin na punit na ang dulo ng sleeve niya.
"Klara-" sa huli ay nakita niya din ang laman ng isa kong kamay. Sandali siyang natigilan habang pinoprocess ang nangyari.
Mukha pa namang mamahalin yung polo niya.
"I'm sorry." yuko kong sambit dahil sa hiya.
What's with you, Klara? Hindi ka naman natural na tatanga-tanga.
I lifted my head when I heard him chuckled.
"Tumayo ka na nga dyan. Wala bang masakit sayo?" inalalayan niya ko sa pagtayo at wala naman akong naramdamang masakit sa aking paa. Yung tuhod ko lang sa pagbagsak kanina pero hindi naman nagdugo.
"Ayos lang ako, pero yung sleeve mo."
Kinuha ko ang isa nyang kamay kung nasaan napunit ang dulo ng sleeve. Ang pangit na tuloy tignan.
"Subukan nating itupi, baka matago yung punit." saad ko at sinubukang itupi ito. Napangiti ako dahil naging matagumpay ito. Kaya kinuha ko ang kabila niya pang kamay upang itupi din.
"Ayan, para pantay." ngiti kong saad. Pag-angat ko ng tingin sa kanya ay sumalubong sa akin ang mga mata niyang nakatitig na sa akin.
The moment we met our eyes, nanaig ang isang pakiramdam na hindi ko kayang ipaliwanag. Napabitaw ako nang marealize ko na hawak ko pa din pala ang kamay niya pero nagulat ako dahil agad niyang hinawakan pabalik ang kamay ko.
His face expression is the same as the day I pulled him closer. He looks serious but not in a way that makes me scared, but in a way that makes my heart skip a beat.
"May sugat ka." naibaba ko ang tingin ko sa palad ko at nakitang may kaunti nga itong gasgas.
Mabuti nalang talaga at may dala akong band aid. Hindi ako nagkamali sa instinct ko na kakailanganin at kakailanganin namin ito. Matapos ko itong matapalan ay nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Napagtanto ko na kaya hindi kami sa bus station nagkita ay dahil hindi naman pala kami sasakay sa bus. He decided to just walk around my neighborhood and shoot at the same time.
"Actually, if I weren't a film student I would definitely taking a photography course." Niko said out of nowhere while we are walking on the almost empty streets of West Portville.
"Eh bakit hindi ka nag-photography?" tanong ko.
"It's just all about what weighs more. Even though I've always been fascinated with cameras, I've also wanted to know how it is like to direct all my favorite movies. To make films is my lifelong dream."
Niko doesn't know how his eyes shine while talking about his dream. As someone who hasn't figured out her dream yet, I'm supposed to feel a bit envious of him. But I'm not.
I'm captivated.
APRIL 16TH
"Sigurado ka bang dapat pa kitang samahan dito?" tanong ko kay Niko habang papasok kami sa library.
"Oo nga. Tutulungan mo kong pumili ng mga pictures and clips na na-shoot ko na so far para ma-organize ko sila." sagot niya habang nilalapag sa malawak na mesa ang dala niyang laptop at camera.
Magkatabi kaming umupo at sinimulan na niyang tignan isa isa ang mga tinake niyang pictures at clips. Una naming nakita ay ang mga larawan na kinuha nya nung kasagsagan ng prusisyon.
Hindi ko mapigilang humanga kase talagang napakaganda ng bawat anggulo. Kahit ang mga pictures na tinake nya nung binabaybay na namin ang sidewalk ay ang gaganda din kahit random lang.
"Sali-salita ka lang pero ang dami mo na palang nata-take na pictures." bulong ko sa kanya habang binobrowse pa namin ang iba.
Ang galing lang dahil nakakuha siya ng ganto kagandang mga pictures habang sumasagot siya sa mga tanong ko nung hapon na 'yon.
Sumunod na nag-flash sa screen ang sunflower field na talagang nakakuha ng puso ko.
"Nikoooo, ang gandaaaa." impit kong bulong sa kanya dahil bawal ang maingay sa library.
Nakukurot ko na sya sa sobra kong tuwa sa mga pictures at clips na kinuha niya.
"It's a shame I weren't able to take a picture of you in here." saad niya.
"You know I wouldn't like the idea, anyway." saad ko.
He rolled his eyes that surprised me.
"Wait, did you just rolled your eyes?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.
"I didn't."
"Yes, you did. You rolled your eyes." pang-aasar ko pa sa kanya. We ended up giggling because I saw him rolled his eyes. That was hilarious.
Natahimik kami ng may sumita sa amin.
"Sorry po." mahinang sambit ni Niko sa nanaway sa amin. Tinakpan ko na ang bibig ko upang pigilan ang sarili ko sa pagtawa.
Nakita ko din ang mga kuha niya sa summerhouse na pinuntahan namin. I remember how focused he was that day na halos di na nya ko pansinin. Pero nauunawaan ko na ngayon dahil napakaganda nang kinalabasan ng mga clips at pictures.
After an hour ay natapos na kaming makapili. Pero sa dami nito ay natatagalan sa pag-save sa isang folder.
"Wake me up when it's done." saad ni Niko. He took off his eyeglasses and lay his head on the desk. Nakaharap siya sa akin kaya kitang kita ko ang natutulog niyang mukha.
Hindi ko tuloy mapigilang maalala yung unang beses naming magkita. Pagkasakay namin sa bus ay nakatulog siya. Napangiti nalang ako at napailing.
Hindi ako inaantok but the sight of him peacefully napping also made me lie down my head. Ngayon ay mas malapit ko na siyang natititigan. My lips curved into a smile before I closed my eyes.
Nagising ako sa tapik ng librarian.
"Iha at Iho, umuwi na kayo at magsasara na ako." sabi pa niya. Kaya nabuksan ko agad ang mata ko at pagtingin ko kay Niko ay nagising na din siya.
"Magsasara na ho kayo? Anong oras na ho ba?" tanong ni Niko.
"Ala-syete na ng gabi kaya umuwi na kayo." sagat ng librarian.
I swear when I heard what she said, my whole system automatically woke up na para bang hindi ako nanggaling sa pagkaka-idlip.
"Oh no no no, this is bad. This is bad. Niko iimpake mo na yung laptop. We need to leave." nagmamadali kong saad. Agad naman niyang binalik sa bag ang laptop at sinabit ang camera niya sa leeg.
"Salamat po! Mauna na po kami!" paalam pa niya sa librarian habang tumatakbo na ko palabas.
"Niko, dalian mo!" sigaw ko pa nang makalabas na kami at tumatakbo na ko papunta sa malapit na bus station. Pero pagdating namin don ay wala ng ilaw ang station indikasyon lang na sarado na ito at wala ng bumabyaheng bus sa oras na 'to.
Napapikit ako sa frustration. Bakit ba kase ako natulog?
For a moment ay tahimik kami. We both don't know what to do. Nakatalikod ako sa kanya dahil ayokong ipakita ang dismayado kong mukha.
"Klara." tawag ni Niko sa akin pero hindi ako sumagot. Naiinis ako sa sarili ko.
"Klara, galit ka ba?" tanong niyang muli.
Bakit naman ako magagalit?
"I'm not. It's just that we missed the last bus. I don't know how we can go home now." sagot ko na nakatalikod pa den.
"So, hindi ka galit sa akin?"
"Bakit naman ako magagalit sayo?"
"So, hindi nga?"
"Hindi nga."
"Sige nga, kung hindi ka galit humarap ka sa camera." napalingon na ko sa sinabi niya at tumambad sa akin ang camera na hawak niya. He's filming me.
Imbis na mainis ay natawa nalang ako sa hindi ko alam na rason.
"Ibaba mo yan. Pag ako panget dyan." pilit kong banta pero natatawa talaga ako.
"Kapag panget ka dito ibig sabihin non sira yung camera." banat niya kaya napahawak ako sa noo ko. Ang corny pero bakit ako natatawa?
"You seemed a bit upset a while ago, so let's do an interview to lighten up your mood." saad niya.
Hindi na ko pumalag dahil mukha namang pipilitin at pipilitin niya pa din ako kahit umayaw ako.
"What do you think of me?" he asked.
Hindi ko inaasahan na ganon ang itatanong niya pero mas hindi ko inaasahan na alam na alam ko ang isasagot ko.
"Hmm, I find you annoying at some times. But, you're great. You have a passion and a dream." sagot ko.
"Really?" tanong niya na para bang may iba pa syang gusto na sabihin ko.
"Oo. Yun na 'yon. Gusto mo bang i-badmouth kita?" he chuckled with what I said.
Sandali syang tumahimik kaya baka nag-iisip pa siya nang itatanong. Kaya naman nilibot ko ang mata ko sa kinalalagyan namin. Buti nalang at may streetlights kaya kahit papaano ay hindi madilim ang daan.
"Then, what do you think about dating the annoying but great because I have a passion and a dream me?"
I thought he was only joking. But, when I faced the camera and he was silent, I figured out he's serious.
Nang hindi ako sumagot ay bahagya niyang naibaba ang camera at tumambad sa akin ang mga mata niyang nag-aalala.
"I'm so-"
He was about to say sorry, but I wonder what for.
"I would love to." sagot ko.
I saw how his eyes changed and how his lips slowly curved into a smile. And somehow I did the same.
***

Comentário do Livro (74)

  • avatar
    Lindsayopfaya

    It's the first time I got hooked with all the stories I passed by. My standards are kinda high and the thing that you got my attention is impressive. Keep on writing and have a good day. You did great!

    30/03/2022

      0
  • avatar
    Ashley

    This novel is the best ever book i've read. I loved how the author constructed the story and i also loved how the story end even though (not going to spoil). This novel needs a recognition.The typings is like a professional and the words author used is not a jejewords its like a telanovela. I'm surely going to reread this over and over again. Routing for more works author!!!❤️❤️❤️I gonna recommend this to my friends

    29/03/2022

      0
  • avatar
    Jhonesa Cordero

    love this 💕

    1d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes