Nagtatangis ang mga ngiping umupo si Khalil sa kahoy na sofa ng inuupahang kwarto. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya magawa ang simpleng utos sa kaniya ng Alpha. Nahihirapan siyang kumilos gayong magiging madali lamang naman sa kaniya ang lahat. Walang kahirap-hirap na niyang nagawa ang unang utos sa kaniya, ngunit ang isang 'to ay mukhang nahihirapan siya. Kapalit ng posisyon na maging kanang kamay ng Alpha, binigyan siya nito ng misyon upang mapatunayan na karapat-dapat siya sa posisyong 'yon. Hinanap niya ang babaeng nagtraydor sa Alpha na minsan na ring minahal nito. Bigla na lamang itong naglaho at tangay pa ang isang napakahalagang bagay na maaaring gamitin upang mamuhay na parang isang normal na tao. Kaya naman nahirapan silang hanapin ang babae dahil sa bagay na iyon. Maging siya ay taon ang binilang hanggang sa mahanap na niya ito ng tuluyan. Ngunit nalaman nilang may anak ito at inutos sa kaniyang paslangin din ito katulad ng kaniyang ina. Ngunit hindi madali para sa kaniyang gawin 'yon dahil nasisiguro niya ang isang bagay... "Kailangan ko muna siyang iharap sa Alpha." Biglang sumulpot sa harap niya ang nakababatang kapatid na si Tyron. "Sino ang ihaharap mo sa kaniya, mahal kong Kuya?" Umupo ito sa katabing sofa habang nakangisi. "Alalahanin mong hindi ka p'wedeng makialam sa iba pang bagay maliban sa utos niya." "Anong ginagawa mo dito?" Nilabanan niya ang tingin nito. "Why are you here?" pag-uulit niya sa tanong nang hindi ito sumagot. "Dinalaw lang kita, masyado ka nang natatagalan." Nakakainsulto itong tumawa. "Umalis ka na." "Hindi mo ako kailangang utusan. Bilisan mo ang pagkilos mo." "Bakit, anong gagawin mo?" nanlilisik ang mga matang tanong niya. Hindi niya nagugustuhan bawat salitang binibitawan nito. Lumapit ito ng bahagya at nakipagsukatan ng tingin. "Kung hindi mo magawa ang utos sayo, ako ang gagawa para sayo, gusto lang kitang tulungan, ha ha ha." Tinulak niya ang kapatid dahilan upang malakas na tumama ang likod nito sa pader. Ngunit nang makahuma mula sa pagkakabagsak ay mabilis rin siya nitong sinunggaban at malakas na sinuntok. "H'wag kang makialam," nangangalaiting sabi niya nang makabangon mula sa pagkakabagsak. "Masyado ka nang natatagalan, hindi kaya..." "Umalis ka na!" dumagundong ang boses niya sa buong kwarto. "Relax ka lang, aalis ako kahit hindi mo ako utusan." Ngumisi pa ito bago tuluyang maglaho sa harap niya. Kumuyom ang pareho niyang palad. Hindi niya kailanman naging kasundo ang nakababatang kapatid. Pareho sila ng gusto ngunit bilang panganay ay madali lamang niyang makuha 'yon. Ang posisyong maging kanang kamay ng Alpha ay nais din nito ngunit sa kaniya ito ipinagkatiwala. Ngunit tama ito sa mga sinabi, hindi siya p'wedeng makialam tungkol sa iba pang bagay kundi ang utos lamang ng Alpha ang kailangan niyang sundin. Ngunit paano niyang magagawa 'yon? Hindi niya kayang patayin ang babaeng 'yon dahil sa posibilidad na iniisip niya. Magagawa lang niya 'yon oras na mapatunayan na mali ang kaniyang konklusyon. Tumayo siya malapit sa bintana ng kwartong inupahan. Katabi lamang ito ng bahay na tinutuluyan ng babae, hindi ito p'wedeng mawala sa paningin niya kahit alam pa niya kung saan ito nakatira. Tumayo siya sa harap ng bintana at mula doon ay tanaw niya ang naguguluhang dalaga. Naglalakad na ito pabalik habang iginagala ang tingin sa paligid. ✖️-✖️-✖️-✖️-✖️ Nakakunot ang noo ni Holly nang umagang 'yon habang nagmamaneho. Pabalik na siya sa Manila. Kanina lang ay pinuntahan niya ang tinitirahan ni Ate Daisy ngunit walang tao. Ang sabi ay dalawang araw na rin. Isa pa sa dumagdag sa isipin niya ay ang pag-uusap ni Manang Celesta at ng kaniyang Papa kanina bago siya umalis. Hindi naging malinaw sa kaniya kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito ngunit narinig niya ang pangalan niya. Mukhang ayaw pa itong iparinig sa kaniya dahil pinutol nito agad ang tawag pagkakita sa kaniya. Biglang naputol ang iniisip niya nang... Booghs! Nasubsob siya sa manibela at nang makahuma ay dinama niya ang labi nang makaramdam ng hapdi. Uminit lalo ang ulo niya. Hindi pa nga gumagaling ang mga gasgas niya ay ito naman. Bumaba siya ng kotse. "Ano ba!" Agad namang lumapit sa kaniya ang isang dalaga. "S-sorry po, hindi ko po s-sinasadya." Siniringan niya ito at hindi na pinansin. Pumasok na muli siya sa kotse. "Anong nangyari sayo ate Holly?" tanong ni Liza nang makita ang labi niyang may sugat. Nasa sala ito nang dumating siya at ito ang sumalubong sa kaniya. "Wala 'to," kalmado niyang sagot. Pumasok siya sa kusina. Ito naman ay nakasunod sa kaniya. "Saan ka ba kasi galing ate Holly? Nag-alala kami sayo." Bahagya siyang napatigil sa pag-inom ng tubig. Nag-alala? Tss... nagbibiro ba siya? "Salamat sa pag-alala." "Teka, kumain ka na ba?" Nayayamot niyang nilingon ito ngunit hindi pinahalata. "Oo, kumain na ako. H'wag mo na akong sundan, magpapahinga na ako." Sa hagdan ay nasalubong niya si Justine, ang kambal ni Liza. "Where have you been?" Nag-angat siya ng tingin dito. "Sa isang kaibigan." Pasimple niyang pinag-aralan ang mukha nito, pero bigo siya dahil wala siyang makitang kahit na ano maliban sa nag-aalala nitong mukha. Totoo ba ang nakikita niya? "Nag-alala kami sayo." Nagbaba siya ng tingin at mapaklang napangiti. Pareho ang sinabi ng magkapatid, pero bakit hindi niya magawang paniwalaan? "Salamat sa pag-alala. Magpapahinga na ako." Hindi na siya tumingin pa dito at nagpatuloy na sa paghakbang. Ramdam pa rin niya ang tingin nito mula sa likuran ngunit hindi na siya nagbalak na lumingon pa at dumiretso na sa kwarto. Kinabukasan ay maaga siyang gumising. Napagdesisyunan kasi niyang pumasok na ulit sa School. Nagpara siya ng tricycle dahil nasa pagawaan ang kotse niya. Kanina ay pinipilit siya ni Liza na sumabay sa mga ito pero nagmatigas siya. Dumiretso siya sa kaniyang upuan nang makapasok sa class room. Hindi niya pinansin ang mga kaklase niya na ang mga mata ay nakapukol lang sa kaniya, akala mo ay nakakita ng hindi kapanipaniwalang pangyayari. Malamang ay naninibago rin sa kaniya. Dati kasi ay binabati niya ang mga ito at makikipag kwentuhan habang wala pa ang professor. Pansin niya rin na wala si Suzzane, ang kaibigan niya. Totoo nga siguro na nagtransfer na ito abroad. Nang mamatay kasi ang mama niya ay pati ang pakikipag-communicate sa mga kaibigan ay kinatamaran na rin niya. Hindi siya tumatanggap ng kahit na anong tawag. Malamang ay may tampo ito sa kaniya hanggang sa umalis na ito ng bansa. "Holly, sabay ka na sa'min," sabi ni Brianna nang madaanan niya ang grupo nito sa kanilang mesa ng tanghaling 'yon. Tatanggapin na sana niya ang alok nito nang makita niyang magtaas ng kilay ang kasama nitong babae. Ang Prisedente ng kanilang classroom, si Amy. "Hindi na." Umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ng mga ito at mag-isang kumain. "Alam mo ba ang kumakalat na tsismis, Bri?" Panimula ni Amy habang nasa kaniya ang paningin. "Ang sabi, mayroon daw half-sister si Holly." Sinadya talaga nito 'yong sabihin at iparinig. Naglingunan din sa kanila ang mga nakarinig. "T-talaga?" "At tsaka ito pa. 'Di ba kakamatay lang ng Ma--" Dinamba niya ang lamesa. "Tumigil ka na," mariin niyang sabi habang nakatingin kay Amy.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
nice
07/10/2024
0ganda
23/07/2024
1good story
13/07/2024
0Ver Todos