logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

IKA-PITONG PAHINA

Ika-pito
"Im sorry. Alam kong masakit yung sinabi ko at alam kong hindi ko na maaalis yun sa isipan mo"
Ang sarap talaga ng tinapay na to. Walang design sa ibabaw kaya hindi siya masyadong nakakaakit, pero pag kinain mo—pabili kaya ako ng kahon kahon nito?
Mayaman naman siya. Hindi naman mayadong mababawasan yung pera niya kapag nagpaorder ako ng isang dosenang kahon ng tinapay na ito.
Nakakatikim din naman ako ng tinapay doon sa mundo ko dahil paminsan-minsan, nililibre ako ni Ichay ng pandesal, kaso walang lasa kay hindi ako masaya.
"Nakikinig ka ba?" Napatingin ako kay Brix. Kanina pa siya nagsasalita pero yung kinain ko ang pinapansin ko.
"Kailan isinilang ang pinakalolo mo?"
"Fvck!"
Itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa pagkain ko. Dalawang piraso na lang yung tinapay na meron ako. Tinignan ko naman siya na parang nagmamakaawa. Inalis niya naman yung tingin niya sakin saka umorder ng pagkain ulit.
Mukha ka kasing asong naghihingalo, selp.
"Salamat" Nakangiting sabi ko saka lumamon.
"So, may nahanap ka na bang trabaho" Napiiling naman ako. Hindi naman ako naghahanap. "Anong inaabot mong pera sa pamilya mo?" Nangunot naman ulit ang noo ko.
Huli ko ng naalala na iyon nga pala ang rason ko ng pumunta ako dito.
"Ah yun pala, magsasaka ang tatay ko kaya may pangkain sila. Hindi kakasya yon kaya nagsisikap akong maghanap ng trabaho"
"Ano ba dati mong trabaho?"
"Nagbebenta ng kangkong" Napatingin ako sa kaniya ng hindi siya nagsalita.
Kumain na lang ulit ako. Hihintayin ko na lamg ulit ang tanong niya.
"Marunong ka bang umarte?" Nagtanong nanaman siya. Umiling ako,wala sa bokubularyo ko ang maging maarte. Hindi naman ako marunong umarte. Si Angge, baka pwede pa.
"Do you know how to do makeups?" Umiling rin ako. Ilang beses ko ng sinubukan, triny ko na nga rin kay Ichay, nagmukha lang siyang si Anabelle.
"Magbuhat! Marunong kang magbuhat?" Napatango naman ako. Medyo naiinis na kasi siya, baka mamaya ipabayad pa niya sakin tong ginastos niya.
"Good, you may start tomorrow"
Binigyan niya ba ako ng trabaho?
~.~.~.~.~.~.
"Shett, mayaman na ako!" Sigaw ko ng makita ang bagong apartment ko. Hindi ko alam ang ibig sabihin non pero sabi daw ni Brix, renta ng bahay.
Unang bumungad samin ang isang kusina, tapos may isang pang pinto sa gilid kaya pumasok kami, isa pang kwarto iyon at may pinto naman sa isang gilid non. Pumasok din ako doon at may nakita akong maliit na kwarto at katabi non ay kubeta na. May mga gamit naman na sa loob ng bahay kaya wala ka ng poproblemahin pa. Goods na itey.
"Ayos na ito sayo?" Napatingin ako kay Brix na nagsalita. Kanina pa pala niya ako tinitignan.
Tumango naman ako. "Akin na lang to?" Tanong ko pa.
"Hindi, magbabayad ka dito ng 5k kada isang buwan. Hindi pa kasama ang tubig at kuryente" Napatango na lang ako saka inilibot ang tingin ko ulit sa aking bahay. "Binayaran ko na rin ang advance mo na sampung libo at unang buwang ng upa mo. Bilang paghingi ko ng tawad sayo"
Hanep din pala magsorry to, may katapat agad na pera. Minsan nga pag nag-away kami ay pagmukain ko na siya ang may kasalanan, baka bigyan niya pa ako ng sampung libo.
"Ano nga pala ulit ang trabaho ko sayo?" Tanong ko dito.
"Tagabuhat ng gamit at pwede rin utusan sa mga tapings ko. You may start tomorrow" Sabi nito. Napatango na lang ako. Pwede na rin yon, may pagkikitain din ako sa mundong to.
"Thank you" Simpleng sabi ko. Ayokong ipamukha sa kaniya na may utang na loob ako sa kaniya. Medjo lang.
"Uhmm, so... mauuna na muna ako sayo. Marami pa akong mga bagay na tatapusin, gotta go" Sabi niya saka umalis.
Nahiga naman ako sa kama ko. Hindi ako sanay na wala akong kasama. Kaya ko naman mabuhay ng mag-isa dahil marunong naman ako mag luto, hindi lang ako sanay na mag-isa.
Papuntahin ko kaya dito si Nero?
Kaso hindi ko alam kung paano siya tatawagan. Wala sakin ang selpon ko—
"Teka nga, nakarating ako dito dahil binuksan ko ang selpon ko. Tapos ngayon, nakarating ako dito ng hindi binubuksan yon? Bakit kaya?"
"Duh! Dahil nga ikaw na ang itinakda"
"Ay! Kabayong umuutot—g*go ka ba?!"
Napatingin ako kay Nero na kakapasok lang sa pinto, kumakain ng hatdog.
"Medjo lang" Anito saka umupo sa kama ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. Nagkibit balikat lang ito na parang hindi interesado sa tanong ko kaya binatukan ko siya. "Sumagot kang punyawa ka!"
"Duh, siyempre pumapasyal! Ganda naman ng bahay natin, baka naman"
"Wala pa akong pera" Nakabusangot na sabi ko. Ni piso ata wala.
"Edi humanap ka ng trabaho, panindigan mo na yung sinabi mo kay Brix yung dahilan kung bakit ganito ka nandito"
Ay hindi niya pa alam?
Paano niya naman malalaman, wala nga siya doon. Kung hindi ka ba naman tanga Kaye!
"Yun na nga, may trabaho na" Pagkwento ko. Napatingin naman ako kay Nero na may subo subong tinapay na katulad sa pinabili ko kay Brix.
Teka, akin yan ah!
Tinignan ko siya ng masama tapos tinignan ko din yung tinapay para makahalata siya, pero patay-malisya lang tong kup*l na to.
"Agad? Galing naman ng skills mo, ano bang trabaho mo?"
"Tagabuhat? O parang alalay?" Patanong kong sagot. Hindi ako sure.
"Grabe naman yan, panget ka na nga, panget pa trabaho mo" Ang sarap mong yakapin ng mahigpit sa bandang leeg, g*go ka.
"Kinuha ako ni Brix para magtrabaho sa kaniya" Sagot ko. Nagulat ako ng biglang nasamid si Nero. Dahil sakin siya nakaharap, sakin bumagsak lahat ng nilabas niya. "Kadiri ka!"
"Pasensiya na" Sabi nito saka uminom ng tubig. "Pero seryoso? Alalay ka ni Brix?!"
"Hindi! Mukha akong kawawa pag ganon no" Sabi ko saka kumagat din ng tinapay. "Parang katulad nung mga nagtatrabaho sa kaniya. Kasama niya sa mga tapings, tagabili ng pagkain niya, tagabuhat ng mga gamit niya. Parang ganon"
"Ah, gets ko na" Sabi niya. "Panget yung alalay, dapat assistant para cool"
"May pinagkaiba ba yon? Pareho lang naman utusan"
"Wala, pero parang mas mayaman lang bigkasin" Sabi niya na akmang kukuha pa ng tinapay pero mas mabilis ako kaya tinapik ko naman yung kamay niya. "Mas maganda nga na sa kaniya ka magtrabaho"
"Bakit naman?" Sabi ko sabay kuhat ukit ng tinapay.
"Duh, edi mas malapit ka sa kaniya, mas mapoprotektahan mo siya kapag may nangyaring masama sa kaniya"
"Panget naman pakinggan, ako yung babae pero ako yung poprotekta. Ano ako? Superhero"

Naalala ko pa non nung lagi kaming sumasabak ni Ichay sa labanan. Lagi kasi kaming inaagawan ng pwesto ng mga tambay pag magbebenta ako. Ako naman na medyo tinuruan ni Nanay na dapat palaban, edi siyempre, hindi kami padadaig ni Ichay.
Kaso lagi kaming bagsak ni Ichay kaya uuwi kami ng bahay na laging may pasa sa mukha. Eto naman si Nanay, papaluin din ako. Tapos madadagdagan din mga sugat ko.
"Arte naman nito! Maganda ka ba?"
"Oo, maganda talaga ako"
"Sino naman nagsabi niyan sayo?"
"Ako" Taas noo ko pang sinabi. Maganda talaga ako.
"Oo nga naman, selp suport paren dapat" Sabi niya pero hindi ko na inintindi. Hindi ko din naman naintindihan. "Kailan ka daw magsisimula?" Pang-iiba pa niya ng usapan.
"Bukas daw" Simpleng sagot ko.
"Ay, ang bilis naman. Agad-agad?" Tanong niya ulit.
Kahit ako nagtaka din. Bat ang bilis naman. Hindi ba muna dadaan ako sa maingat na pagsusuri? Eeksaminin ang katawan ko, titignan kung may dumi ba ang mga bituka ko, aalisin ang nga tahi sa atay ko—charot!
"Ewan, natamaan na siguro sakin. Gusto ata akong makasama ng madalas" Walang ganang sabi ko.
"Assumera ka ng taon" Sabi naman nito kaya napatingin ako sa kaniya. "Maganda ka gaya ng sabi mo LANG pero hindi si Brix ang tipo ng tao—ay este ng tauhan na maiinlababo sa ganda mo na ikaw LANG ang nagsabi" Talagang inilalapit niya pa ang mukha niya sa tenga ko kada magsasabi siya ng may diin.
"Hindi ka pa nahiya, iningudngod mo na lang sana ang mukha mo sa mukha ko diba?" Pang-aasar ko pa.
"Basta ako, sasama ako sa iyo bukas para may kasama ka" Pagbabago nanaman nito sa usapan.
"Hindi ako pwedeng magdala ng alalay ko doon" Sabi ko saka sumubo ng tinapay. Nginuya-nguya ko muna ito para mas dama ko. "Alalay na nga ako doon tapos magdadala pa ako ng alalay?" Dagdag ko pa. Napaaray na lang ako ng bigla niya akong hinampas.
"Gaga ka, hindi ako pupunta doon para may alalay ka. Pupunta ako doon para bantayan ang mga galaw mo saka ni Brix" Pagtanggi naman nito.
Napaisip naman ako. Hindi doon sa sinabi niya kundi sa pagsasalita niya. Marami na akong naging kaibigan na mga be pero nawala lahat kasi hindi sila mga tru prends.
#Ichaylangtunay
#hindinamulingmaghahanap
#sapatnaangisa
"May tanong ako" Sabi ko saka humarap sa kaniya. Tumingin naman siya sakin na parang nagtaataka. "Ganern ka ba?" Sabi ko sa hinawi ang buhok ko.
"Anong ganon?" Tanong pa niya. Hindi niya nagets. Ako lang talaga ang matalino.
"Yung ganern" Sabi ko pa saka hinawi ang buhok ko ulit. Kaso mukhang wala talaga siyang makuha. Mas lalo lang kasing tumaas ang kilay niya. "Hay nako, bakla ka ba? Diretso kong sabi. Wala ng paligoy-ligoy pa.
Bigla na lang siyang tumayo. Nagulat ako ng umiyak siya ng pangbabaeng boses. "Paano mo naman nalaman agad" Nagulat na lang din ulit ako ng magsalita siya ng pangbabaeng boses.
"Hala, g*go seryoso?" Tanong ko.
Mas dumagdag ang gulat sa mukha ng walang ano-ano bigla siyang nagbago, yung parang naging matcho.
"Tanga ka ba?" Sabi niya na parang malalim ang boses. Nagtaka naman uli ako. "Sa gwapo kong to, bakla?" Mas lalo naman akong naguluhan.
"Ano ba talaga? Bakla ka ba? O hindi?"
"Tanga, hindi ako bakla!" Seryosong saad niya. Tinignan ko naman siya ng maayos. Hindi nga siya mukhang bakla.
"Okay" Pagsuko ko. "Mas mabuti ng sigurado" Seryoso kong saad.
"Alis na ako" Sabi niya. "Maghanda ka na para bukas. Isipin mo na yon ang simula ng ating plano"
Tumango na lang ako bilang tugon. Kahit ako ay hindi rin sigurado sa kung ano ang magiging takbo ng plano namin bukas. Hindi rin ako sigurado kung aakma nga ba iyon.
Ang tanging sisiguraduhin ko lang, ay kailangan ko siyang bantayan para matapos ng masaya ang kwento niya, paraan para maging maayos ulit ang takbo ng buhay ko.
Napatingin ako sa pintong kasasara pa lamang. Hihiga na sana ako ng biglang nahagip ng mata ko ang mga kahon ng tinapay ko na nabawasan na ng kalahati.
"Nero!!! Punyeta ka!!!"
"Maayos ba ang tulog mo?"
Hindi!
Inis akong napatingin kay Brix na nasa harapan ko na. Sa sobrang aga niya, ni hindi nga ako nakatulog. Napaaga pa ang pag ligo ko dahil baka kung ano ang ireklamo nito saakin.
Sino ba naman ang makakatulog ng maayos kapag nalaman mong may kumuha ng mga pag-aari mo. Oo! Alam kong wala pang piso ang naiambag ko don, pero nakaplano na kasi kung kailan ko yon mauubos. Dahil nabawasan na ng kalahati, syempre nabawasan na rin ng kalahati ang mga araw na sana makakatipid ako.
Humanda ka talaga sakin kapag nahuli kitang tukmol ka. Iikutin ko talaga yang dalawang tenga mo hanggang sa pumula.
"Hey!" Nawala sa isipan ko na naandito nga pala tong isa. "You're spacing again"
"Nakatulog ako ng matiwasay kagabi. Sobra" Sarkatikong sabi ko. Napatingin naman siya sakin tapos umiling.
"Really? But you're eyes saying different"
"Ano ba! Umagang - umaga kaya, ganito talaga ang itsura ng bagong gising" Echos ko. "Mamaya mo na lang ako puntahan, matutulog ulit ako"
"Ha?" Hindi makapaniwalang tugon niya. "Ako na nga tong amo mo pero ako pa ang sumundo sayo, tapos sasabihin mong mamaya na lang kita puntahan? Tumatakbo ang oras at malalate na ako sa shoot ko"
"Eh bakit mo pa kasi ako sinundo?" Tapos magrereklamo ka.
"Dahil nga po may pasok ako. Kaya nga kita binigyan ng trabaho diba?" Sabi niya. "Saka sino bang boss dito? Bakit ba reklamo ka ng reklamo? Pumasok ka na nga" Dagdag niya saka pumasok ng kotse niya.
Inis kong kinuha ang bag kong kung ano-ano lang ang laman. Ang akala ko pa naman ay mauuto ko siya, matalino talaga ang bida ng paborito kong kwento.
Sasakay na sana ako sa likod ng kotse pero bigla nanaman nagreklamo ang lolo niyo.
"Dito ka sumakay sa tabi ko, ayokong magmukhang driver mo"
Kahit na hindi ko maintindihan ang mga sinavi niya, sinunod ko parin. Sino ba naman ang hindi maghahangad na makatabi ako diba?
"What's my schedule for today?" Nagulat naman ako ng biglang magsalita ang katabi ko.
"Ha?"
"Tsk, tignan mo yung folder diyan sa likod. Just read my schedule" Pag-utos niya. Sinunod ko naman dahil maganda ako.
Napatingin ko sa loob non. Babasahin ko na sana pero naalala kong ang kwento ko sa kaniya ay hindi ako nag-aral. Malamang ay magtaka ito kapag ginawa ko yon.
"Uhm, ang sabi daw wala kayong gagawin ngayong araw. Magpahinga at magpakabusog sa baha—"
"Read it." Pagtatapos niya ng usapan.
"Hindi ko nga kasi maintindihan" Eme ko saka lapag ulit nung folder sa likod.
Napailing na lang siya. "Gusto mo bang pag-aralin na rin kita?" Sarkastikong saad niya.
"Seryoso ka?" Tanong ko.
Kung magsisimula ako sa kinder dito ay ako ang magiging top 1.
Doon ko naalalang malapit na pala ang pasukan. Magiging señior high na pala ako sa susunod. Shit, paano ako makakapag-aral ng matiwasay nito kung may misyon pa pala ako.
"Hindi" Sagot niya kaya napanguso ako. Kung wala lang talaga akong misyon, ako na ang pumatay sa kaniya dahil sa pagiging g*go niya. "Mag-aral ka kayang magbasa, para naman may kwenta ang pagkuha ko sayo"
I know how to read, sadyang kailangan ko lang magpanggap, Tsh.
"Nagkakaguluhan ata tayo dito ser" Pagsimula ko. "Ang pinirmahan ko lang sa kontrata ay pagiging utusan lang. Bakit parang may idinadagdag pa kayo?" Reklamo ko.
Mas madali pa atang magbenta ng kangkong kaysa sa maging boss siya. Napakadaming reklamo, akala mo perpekto.
"May pinirmahan ka bang kontrata" Tanong niya.
"Wala"
"Tumahimik ka na, naiingayan ako sayo"
Sige. Salamat na lang sa lahat.
Kung dati ay pinapangarap kong makilala ang bida sa kwentong to, ngayon ay nagsisisi na ako.
Siraan kita dyan sa mga readers mo.
Huminto kami sa may building. Nagrereklamo pa si Brix dahil ang tagal ko daw bumaba. Paaano kasi, nabuhol pa yung buhok ko doon sa upuan diba. Pati buhok ko may buhay narin.
Siyempre pumasok na kami agad sa loob. Doon ko nakitang andami palang tao dito sa lugar. May mga nag aanounce, may nakaupo may nag kokolorete tapos may naglilinis at tagapaypay lang.
Ganito pala kapag gumagawa ng eksena. Hindi pa ako nakakakita ng mga ganito kaya hindi ko mapigilang magulat. Parang gusto ko na rin tuloy mag-aral umarte.
"Hoy, tunganga girl?" Napatingin ako sa isnag guard na nagsalita sa tabi ko. Hindi ko siya masyadong makilala pero buti na lang sa tabas ng pagbigkas, namukhaan ko.
"Asan si Brix?" Tanong ko sa kaniya ng makitang wala na dito ang katabi ko.
"Andon oh, katabi ni Hanna" Pagturo niNero sa may gitna ng lugar. Naandon nga ang dalawa at nag-uusap. Nakangiti sila pareho at parang masaya pa.
"Bati na pala sila?" Ang huling kabanata na nabasa ko ay may galit pa si Hanna kay Brix. Bakit parang nagkaayos na sila?
"Bati na sila, mga higit dalawang linggo na rin ang nakakaraan" Bago ako umalis dito? Ba't parang ang bilis?
Nakaramdam naman ako ng tuwa sa aking dibdib. Isa ako sa mga taong gusto na magkatuluyan silang dalawa. Lagi rin akong kinikilig kapag nababasa yung mga linya nila.
Doon ko lang naalala na may tinatago pala silang sikreto sa isa't-isa.
Napaayos ako ng tayo ng biglang napatingin sa gawi ko si Brix. Napataas ako ng kilay dahil tinitignan niya ako na parang nagbabanta na huwag daw akong mawawala sa paningin niya.
Wag ako, may alas na ako sayo, pre.
"Alam ko na" Napatingin ako kay Nero ng magsalita ito. "Alam ko na ang kailangan mong gawin para matapos ang istoryang ito na happy ending"
Tumingin siya sakin saka lumapit. May ibinulong siya na nagpakaba sa buong katawan ko.
"Kailangan magkaibigan ang dalawang bida, doon matatapos ang istorya nilang dalawa"
-Lila

Comentário do Livro (35)

  • avatar
    Melanie Lupig

    I'm having fun reading this novel 😍

    21/04/2022

      2
  • avatar
    Rafael Silva

    muito legal esse história

    12/07

      0
  • avatar
    Emelyn Ballesteros

    great story

    08/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes