logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

IKA-DALAWANG PAHINA

Ikalawa
"ATE, PALIMOS po" Agad akong napalingon sa batang kumakalabit sa akin.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong kapaligiran. Parang nasa labas ako ng mall. Gago, anong nangyari?
"Ate, ate palimos po" Bumalik ako sa sarili ko ng kinalabit ulit ako nung bata. Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa. Madungis ito at punit punit ang damit. Animo'y basahan lang ni Aling Puring.
Agad akong dumukot sa bulsa ko ng barya galing sa mga kangkong na binenta ko kaninang umaga. 35 pesos, oks na to. Agad ko itong binigay sa bata na nakaabot na agad ang palad sa harapan ko. Nilibot ko ang paningin sa buong paligid.
"Ahmm, bata. Asan tayo?" Tanong ko doon. Agad naman akong tiinitigan ng bata at umiling.
"Nasa loob tayo ng kuwentong binabasa mo".
Nagulat ako sa narinig dahilan para lumingon ulit sa bata, ngunit tumakbo na ito papalayo.
Matapos kitang bigyan ng barya. Lalayasan mo ako?
Agad kong hinanap ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko ngunit napapadyak sa inis ng walang madukot doon.
Asan ba talaga ako?
"Nasa loob tayo ng kuwentong binabasa mo".
Inalala ko ang mga salita na binitawan ng bata. Hindi ko alam kung maniniwala ako o talagang pinaprank lang ako ni Ichay. Pero kasi parang totoo na to dahil hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, nalilito ako sa nangyayari ngayon.
Naglakad-lakad muna ako sa paligid. Napadako ang tingin ko sa dalawang mag-asawang doble ang bigat sakin. Kumakain sila sa loob ng Jollibee. Yung resturant na gustong gusto kong pasukin na resturant at doon kumain kaso kulang ang nailalako kong kangkong. Nakaramdam ako gutom nung mga oras na iyon. 
Nagulat ako ng biglang tinignan ako ng babaeng mataba at kinalabit nito ang katabi tapos tinuro niya ako. Nagulat ulit ako ng tarayan ako nung babae at sabay silang tumayo ng mag-asawa para lumipat ng upuan, dala-dala ang mga pagkain nito.
Ayyy, tignan ba naman ako ng parang patay gutom?! Inyo na yang jollibee ninyo at parang kulang pa yan sa inyo.
Agad akong bumalik sa reyalidad ng marinig ang ingay ng mga tao. Lumingon ako sa pinanggagalingan noon  at nakitang may mga tumatakbo. Tinitigan bako ng lalaking parang hinahabol at biglang may ibinato saking bag. Sa gulat ko ay agad ko itong sinalo na parang wala sa sarili.
Tinignan ko ulit yung lalaking nagbato ng bag ngunit tumakbo na ito papalayo. Agad akong napaaray ng may humablot saking braso. Tinignan ko kung sino iyon. Isang parang pamilyar na lalaki. Parang galit ito sakin na parang may ginawa ulit ako sa kanya.
"What do you think you're doing?!" Teka, ako ba ang kausap niya?
Syempre naman Kaye! Sayo siya nakaharap diba?
"Sisigawan ko kasi sana yung lalaki kanina na nagpasa sakin ng bag na to, ipinasa kasi niya sakin" Ipinakita ko pa ang bag na yon.
Napatingin naman ako sa mukha niya. Hidni ko alam pero parang pamilyar. Parang ilang beses ko na siyang nakita, hindi ko lang matandaan kung saan. Nasa sulo na ng dila ko.
Hilain mo boang.
"Nagnakaw ka na nga, nagsisinungaling ka pa?! D*mn!". Teka nga. Ano sabi niya? Nagnakaw daw ako?
"Teka lang" Sabi ko at akmang tatanggalin ang braso ko sa pagkakagawa niya pero diniinan niya pa lalo. "Aray! Sabi ko teka lang! Bingi ka ba?!" Sigaw ko sa kanya dahil sa sakit ng pagkakahawak niya. Binitawan naman niya ang braso ko dahil na rin siguro sa hiya dahil maraming nanonood samin ngayon. "Hoy kuyang mapagbintang, kung sino ka man, gusto ko lang sanang sabihin sayo na naririnig kita kasi magkaharap lang tayo. Hindi mo kailangang sumigaw. Ako?! Nagnakaw?! Boang ka ba?!" Tañong ko sa kanya.
Napahawak naman siya sa sentido niya bago nagsalita. "Yes! and I have a proof!" Sabi nito at hinablot yung bag na ibinato sakin nung lalaki kanina. "My friend, owns this bag! Bag na pinagtangkaan niyong nakawin ng kasama mo!"
Literal na lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Pagtangkaan? Nakawin? Eh kung isaksak ko kaya sa kanya yung bag ng friend niya.
"Hoy! Wala kang ibidensiya manong! Inabot lang sakin yan ng mama na tumatakbo kanina. Hindi ko nga alam kung bakit niya inabot sakin yan" Sigaw ko mismo sa kanya.
Magsasalita na sana siya ngunit pinigilan ng isang lalaki na may hila-hilang isang lalaki. Agad kong nahulaan kung sino ito dahil siya lang naman ang may dahilan kung bakit ako pinagbibintangan na magnanakaw ngayon. "Sir, nahuli na po namin ang nagnakaw ng bag"
"Hoy mama! Pakisabi nga po sa lalaking ito na hindi mo ako kasabwat sa nangyaring nakawan. Yung malinis kong pangalan, natatapakan ng t*e eh" Sabi ko sa lalaking nagbato sakin nung bag pero nanatiling tikom ang bibig nito. Pipi ba to?
Agad akong nag bow sa kanila at aalis na sana ng biglang hinablot nanaman ni kuyang mapagbintang ang braso ko. "You'll come with me to the Police Station. As long as you have not proven your innocence, you are still a criminal in my eyes".
"Kuya, wala nga akong kasalanan! Naliligaw nga ako eh" Sabi ko kaya Mamang pulis. Kanina pa ako explain ng explain pero halatang ayaw talaga nilang maniwala sakin. Eto namang si kuyang nag abot sakin ng bag, ayun tulog. Ginigising nila pero ayaw daw gumising. Humihinga pa naman daw.
"Miss, paano mo naman ipapaliwanag yung pagbato ng bag ng suspect sa iyo. We all know na kung hindi ka niya kilala, hindi niya ibabato sayo yung bag diba? Kasi kaya nga niya kinuha iyon, for his own needs. So bakit niya sayo ibabato yung bag?" Tanong sakin ni Mamang pulis.
"Malay ko! Siguro kaya niya ginawa iyon ay dahil wala na siyang kawala at gusto niya lang mangdamay ng tao. Pwedeng ganun diba?" Sabi ko. Kaya mo to Kaye. Hangga't wala kang kasalanan, hindi ka makukulong.
"Oh yeah? You and your stupid reasons. Why don't you just admit it on us, na talagang magnanakaw ka!" Btw, yung nagsalita nga pala ay yung babaeng friend daw ni kuyang mapagbintang. Siya yung nanakawan ng bag.
Agad kong tinitigan ang babaeng ito at nagulat ng parang pamilyar din siya sa akin. Hindi ko alam sa sarili ko pero parang ilang beses ko ng nakita tong dalawang to pero talagang hindi ko matandaan kung saan.
"Oh yeah oh yeah- Hoy inday! hindi nga ako magnanakaw, bat ba ang kulit kulit mo?! Isang daang beses ka bang pinanganak ng nanay mo?! May ibidensiya ka?! May ibidensiya ka?!"
Napatahimik siya sa sinabi ko. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya dahil wala nga siyang ibidensiya na ididiin ako. O ano ka ngayon? Neknek mong panot! 
"She's right. Ms. Villanueva. Wala nga po kayong ibidensiya para idiin si Miss." Nagulat ako ng may sumulpot na isang lalaking nakasuot din ng pangpulis.
"So paniniwalaan niyo siya? Yung lalaki lang na yon ang makakapagsabi kung talagang kasabwat niya nga itong babaeng ito". Turo niya don sa lalaking tulog ngayon. 
"Yes, hangga't wala kayong pruweba na talagang kasabwat ang babaeng ito, I'm sorry but hindi po namin siya ikukulong". Parang nagpalakpakan ang mga tenga ko sa sinabi ng kuyang pulis na sumulpot kanina. Tinignan ko si kuya para pasalamatan sana kaso kinindatan niya lang ako. 
"Papaano naman yung ninakaw na bag ko? I mean, wala lang ba na ninakawan ako?" Inirapan ko yung pamilyar na babae na nagsalita. Sarap ibalik sa sinapupunan ng nanay niya.
"Anong nakaw ang sinasabi mo inday? Wala ngang nahuthot yung mama diyan sa bag mo dahil nga ibinato niya sakin" Inis na sabi ko sa kanya. Inirapan niya din ako. Ano to gantihan?
"Okay, I guess we're done here" Nagulat ako ng tumayo si kuyang mapagbintang at humarap sakin. "Ok Miss, I'm sorry for suspecting you. My apologies" Nginitian ako ni kuya bago lumabas. Anong nangyari kay kuya? sinapian ng mabuting kaluluwa.
Hinawakan ko ito sa kamay na ikinagulat niya. " Okay lang, sa susunod kasi ay magtanong ka" Ngumiti rin ako. Bahala na kung medjo yellowish ung color ng ngipin ko.

"It's nice to see you" Lumabas na siya ng police station.
Tumayo na rin yung pamilyar na babae at humarap din sakin. "I'm sorry" Sabi nito saka sinundan ang lalaki. Okay, sino ang sunod na mag wa-walk out?
"Mauuna na ako mga kuya" Nakangiting banggit ko sa mga pulis. Kailangan ko pang hanapin ang lugar kung saan ako nakati—"Ay mga kuya, alam niyo ba yung daan papuntang HINDI PINILI st.? Naliligaw ho kasi ako" Tanong ko sa kanila ngunit  tinaasan lang nila ako ng kilay. 
"Wala hong hindi pinili st. sa lugar na ito Miss" Sabi nila kaya tinaasan ko din sila ng kilay. 
"Ahh sige po. Kayo na po bahala kay kuya" Patungkol ko kay kuyang tulog saka tumayo na.
Lalabas na ako ngunit biglang hinawakan ni kuyang pulis yung kamay. "Mag usap tayo sa labas" Sabi  nito at bigla na lang akong hinila sa labas.
"Hindi ka ba magpapasalamat sakin? Tinulungan kaya kitang malinis ang pangalan mo" Tinaasan ko ng kilay si kuyang pulis.
"Bakit naman? Diba tungkulin niyo iyon?" Tanong ko sa kanya. "Pero salamat na rin. Hindi ako tumagal sa presinto" Sabi ko tapos nagtawanan kami. 
"San ka pupunta ngayon? Diba naliligaw ka?" Tanong nito sakin. Napanguso na lang ako.
"Hindi ko nga alam kung anong nangyayari sakin, ang alam ko nasa kwarto lang ako ng bahay ko kanina eh" Pagkukuwento ko sa kanya.
"Sabi ko naman kasi sayo, naandito ka nga sa kuwentong binabasa mo"
Gulat akong napatingin sa kanya. "Teka, pangalawa ka na ah? O baka naman pinaprank niyo lang ako ng bata kanina? Pakitawag nga yon at kukunin ko na yung binigay ko sa kanyang barya. Pinagkakamalan na akong patay gutom kanina ng mga tao"
" Hindi kita pinaprank at hindi rin kami magkasabwat ng bata kanina. Dahil siya at ako ay iisa" 
"Pinaglololoko mo ba ako? Paano magiging iisa kayo eh dalawa katawan niyo?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Sabihin na natin na nakakapasok ako sa mga katawan ng tao dito. Ako nga rin yung lalaking magnanakaw kanina eh. Tignan mo tulog ngayon kasi kasi umalis na ako sa katawan niya. Galing ko di—Aray!"
Napatigil siya ng bigla ko siyang sinapak sa mukha. Sapul yung kaniyang isang mata.
"G*go ka pala eh! Dahil sayo muntik na akong makulong!" Dadagdagan ko pa sana ng isang suntok para magpantay yung mga mata niya pero inilagan niya na ito. "Bat ka umilag?" Tanong ko rito.
"Siyempre susuntukin moko, iilag ako. Shunga ka ba?" Sabi nito at hinaplos yung black eye niya. "Yun nga, naandito ka sa librong binabasa mo ngayon" Sabi niya at umupo sa pinakamalpit na upuan. Sinundan ko naman siya.
"Imposible yun ahmm" Tinignan ko siya na parang tinatanong kung ano ang pangalan niya.
"wantripor" Maikling sabi nito. Nagtaka naman ako.
"Wantripor? Yung number na 134?" Tanong ko sabay pakita ng numero gamit daliri. Tumango naman siya. "Ang baduy naman parang agent pangalan mo. Parang agent 123 ganun. Mas okay pa yung pangalan ni Aling Puring"
" Sa iyon ang pangalan na binigay ng organisasyon namin" Sabi nito at napangiwi na lang ako.
"Organisasyon? Anong meron doon?" Tanong ko sa kanya.
"Ipapaliwanag ko sayo mamaya pero tatanungin muna kita" Saad nito kaya napaayos ako ng upo at humarap sa kanya. "Pamilyar ba sa iyo yung lalaki at babae na pinagbintangan kang magnanakaw kanina?" Tanong ito.
"Paano mo nalaman? Pero totoo, pamilyar nga sila sakin. Alam mo yung parang kilalang kilala ko na sila? Ganun" 
"Hindi mo ba naalala kung saan mo sila nakita?"
"Hindi talag—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang may naglakad na mag ina sa harap namin.
"Mommy, can you buy me a story book? I want to learn to read na po kasi" Saad ng bata sa kaniyang ina.
"Sure baby, but wait po muna natin si Daddy okay?" Sagot ng kaniyang ina.
Ang kanina ko pang iniisip ay bigla na lang nagpakita sa utak ko. Yung kanina pang nasa dulo ng dila ko na mga pangalan ay parang bigla na lang nahulog sa bibig ko. Nakita ko na ang mga mukhang iyon sa "Book cover".
-Lila

Comentário do Livro (35)

  • avatar
    Melanie Lupig

    I'm having fun reading this novel 😍

    21/04/2022

      2
  • avatar
    Rafael Silva

    muito legal esse história

    12/07

      0
  • avatar
    Emelyn Ballesteros

    great story

    08/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes