logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 5

Ang daming tao sa cocktail party na iyon. Buti nalang at nakadress siya kahit paano ay umangkop sa pinuntahan nilang party ng nobyo.
"So must be Sia?" tanong sa kanya ng isang lalaking may dalang drinks at inabot sa kanya.
"Yes, and you are?" nakangiting sagot naman niya upang hindi maging bastos ang dating.
"Harold..."
"Oh you're Harold, Ael's officemate"
"Mukhang naikwento na ako ni Ael ah"
"Yeah"
"Margarita"
"Thanks"
Nasa ganoon silang pag-uusap nang dumating ang nobyo.
"And what are you doing here?" tanong nito kay Harold.
"Just having a chat with your girlfriend" sagot naman ng huli.
"Ginugulo ka ba niya sweetheart?" pagkuway baling nito sa kanya.
"No, nag-uusap lang kami" sagot niya.
"Good, come on I'll introduce to you to our boss" pagkuway sabi nito na medyo seryoso.
Sumenyas naman si Harold sa kanya at tuluyang nagpaalam.
"Hmmm hindi ko alam, seloso pala ang boyfriend ko" aniya na umabresiete pa rito.
"I'm not jealous, I know my place" sagot nito sabay kindat sa kanya.
"Conceited!" sabi niyang humilig sa balikat nito habang naglalakad sila.
"Sweetie they are looking at us" halos pabulong na sabi ng binata.
"Why? May masama ba sa paghilig sa balikat mo?" nang-aasar na sagot niya bagamat naunawaan naman niya ang ibig sabihin nito.
Ngunit di pa man ito nakakapagsalita ay naglakad na siya nang maayos.
Ipinakilala siya ng nobyo sa mga boss nito. Including Ms.Xenia Peterson.
Sa lahat ng ipinakilala nito, ito lang ang medyo may attitude. Bukod kasi sa hindi ito nakipagkamay sa kanya ay tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa.
"Nice meeting you all" nakangiting sabi ni Sia.
Tiningnan lang siyang muli ni Xenia.
Nag-excuse naman sila agad ni Rafael doon. Mukhang nakaramdam ang nobyo na hindi niya feel ang presensya ng babaeng iyon.
"Are you okay sweetheart?" tanong nito nang makaupo silang dalawa.
"Honestly, no. Naiinis ako kay Ms. Peterson. May problema ba siya sa'kin?" medyo inis na sagot niya sa nobyo.
"Maybe she's jealous"
"Jealous? Bakit?"
"They say, she likes me. But I don't give a damn. May Sia na kaya ako"
"Kuuu...if I know kung wala ako, baka siya ngayon ang girlfriend mo"
"Hmm...why you sound jealous this time"
"Jealous mo yang mukha mo...diyan ka na nga"
"Where are you going?" tanong nito na pinigilan siyang maglakad.
"Sa CR....why sasamahan mo ba ako?" pilyang tanong niya.
"No, sige na. Just take care okay I'll wait here"
"Love you"
"Love you too"
Nasa hallway palang siya patungong CR nang may makabungo sa kanya. Dahilan para ma-out balance siya at pumailalim sa lalaking ngayo'y nakadagan na sa kanya.
"Are you blind?" tanong niya rito. At pilit na inaangat ang dibdib nitong nakadagan sa kanya. But he's just staring at her.
"Are you deaf? You're heavy!" inis na turan niya.
Doon naman tila natauhan ang lalaking nakadagan sa kanya. Bigla itong napatayo at inalalayan siya. Tinabig niya ang kamay nito.
"I'm sorry miss"
"Sorry? You bumped me out of nowhere----" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla siya nitong hinala palapit at siniil ng halik sa labi. Nang may ilang kalalakihan ang dumaan sa hallway na iyon.
May kung anong kilabot ang dala ng halik na iyon sa buo niyang pagkatao.
Halos mawalan na siya ng hangin nang pakawalan nito ang labi niya.
"Bastos!" isang malutong na sampal ang ibinigay niya rito.
"Wait let me explain, may humahabol sa akin"
"What? Don't give me that sh*t excuses! Bastos ka!" inis na ibinato niya rito ang pouch.
Ngunit mabilis itong nakailag.
"Miss I'm sorry, believe me may humahabol sa akin"
"Don't you dare come near me or I'll call my boyfriend at ipabugbog kita!"
Natawa naman ang lalaking humalik sa kanya.
"The hell I care anyway, baka hindi makatama ang boyfriend mo sa akin?"
"What? This is crazy!" hinanap niya ang pouch na noo'y nasa kamay nito at inagaw iyon.
"What's your name?"
Hindi niya ito pinansin bagkus ay dumiretso na siya sa CR.
Hinihingal siya sa sobrang inis. Aba't loko iyon ah. Hinalikan nalang siyang bigla?
Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Mukhang hindi naman siya bastusin sa suot niya. Maayos naman ang damit niya. Pero bakit ganoon nahalikan siya ng isang estranghero?
Napapikit siya. Naalala niya si Rafael. Malamang kanina pa ito naghihintay sa kanya.
After a few more minutes ay lumabas na siya ng CR. Nagulat pa siya nang makitang nakatayo sa labas ang lalaki.
"What now? Can you just leave me alone?" iritableng sagot niya.
"Miss I swear some men are running after me kaya kita nabunggo at ------"
"Don't give me that crap...I won't buy it...so if you'll excuse me"
Iyon lang at nilagpasan na niya ito.
Iiling-iling naman si Alejandro at biglang napalingong muli kung saan dumaan ang babaeng nahalikan niya ng hindi sinasadya. Then he smiled, it's her. Yung babaeng nakita niya sa bar and restaurant kamakailan.
Natatawa siyang naglakad palabas doon. Muntik na siyang mahuli ng mga tauhan ng taong minamanmanan niya. Buti nalang naisipan niyang halikan ang babaeng nakabangga niya ng dumaan ang mga ito. Kung hindi, lagot siya. Kaya lang, galit ito sa kanya.
She's thinking that he is just making excuses. Naloko na. Kailangan niyang magpaliwanag dito. But how? Hindi ba't pinagbantaan pa nga siya nitong isusumbong sa boyfriend niya. At...iniinsulto niya? Naku Alejandro, malaking problema iyan.
Palinga-linga ang dalaga habang naglalakad pabalik. Hanggang sa mabunggo na naman siya sa isang matipunong dibdib. But this time hindi siya natumba because that guy hugged her tight.
"Sweetie what took you so long?" may pag-aalalang tanong ng nobyo.
Yakap na mahigpit lang ang naging tugon ng dalaga. Paano niya bang sasabihing may nakabunggo sa kanya kanina at hinalikan siya nito?
"Are you okay?" tanong nito nang mapansing tila uneasy siya.
"Yeah I'm fine. Maybe marami na akong nainom, can we just go home? Iuwi mo na ako sweetie" aniya sa nobyo.
"Okay let's go. Did you just see a ghost? Namumutla ka eh" pabiro nitong turan
"Sweetie naman" and she pout her lips.
"I'm just kidding, para ka kasing may tinataguan or something. Ano bang nangyari sa CR?"
"I almost slipped..." pagsisinungaling niya.
"Oh...are you sure that you're okay?" worried na tanong ng nobyo at tiningnan pa ang braso niya.
"I'm fine" nakangiting turan niya.
"May maliit kang pasa sa bandang siko...are you sure na hindi ka natumba?"
Napalunok siya. Aminin nalang kaya niya. But what if magalit ito at hanapin ang lalaking iyon. Hindi ba't mas malaking gulo pa?
"I'm fine sweetie. Can we just go" aniya at pinanindigan na lang ang white lies niya sa nobyo.
Giniya naman na siya nito palabas at hinubad pa ang amerikanang suot para magsilbing jacket niya. Ang lamig kasi sa labas.
"Just wait for me here. I won't take long, promise" sabi nitong humalik pa sa noo niya bago tuluyang nagtungo sa parking at kunin ang kotse.
Habang naghihintay ay nananalangin siyang hindi na sana sila magkita pa ng lalaking iyon. Nakakainis!
Dapat hindi lang sampal ang binigay niya rito. Suntok at sipa pa. Kainis talaga!
Really Sia? Naiinis ka, how about that strange tickling feeling kanina? Nakakainis din ba iyon? Napailing siya. This is not good.
Agad siyang sumakay ng kotse nang pumarada ito sa harapan niya.
Nakita niya kung paanong tila takot na takot ang dalaga bago ito sumakay ng kotse.
Napailing tuloy siya. She's really taken. Bigla siyang napaisip, parang pamilyar sa kanya ang sasakyang iyon. But he can't remember kung saan niya nakita.
I'll do my best para makahingi ng sorry sa kanya. Pupuntahan ko nalang siya sa bar na iyon bukas. Malamang doon ito nagtatrabaho.
Nang makarating sila sa bahay niya ay tila nawalan naman siya ng lakas. Muntik na siyang matumba buti nalang at nasalo siya ng nobyo.
"Hey...what's wrong?" tanong nito at pinaupo siya sa sofa.
Masakit ang balakang niya. Marahil sa impact ng pagkakatumba niya kanina plus the fact na ang bigat ng lalaking iyon.
"I'm fine...masakit lang ang balakang ko" pag-amin niya.
"Sweetie what really happened?"
Napatingin siya sa mga mata nito. He's really worried about her. Napapikit siya.
"Promise me na hindi ka magagalit"
Napaarko naman ang kilay nito at mukhang naghihintay ng sasabihin niya.
Naikwento pa rin niya ang lahat dito. Maliban lang sa hinalikan siya ng lalaking iyon. Parang hindi niya kasi maatim na aminin ang bahaging iyon ng pangyayari.
"Sweetie, dapat tinawagan mo man lang ako. See, may pasa ka sa siko and now sumasakit ang balakang mo. Kapag nakita mo ulit ang lalaking iyon at magkasama tayo sabihin mo at matitikman niya ang kamao ni Rafael" medyo inis na turan nito bagamat nag-aalala sa kanya.
Natawa naman siya.
"Ang cute mong magalit" aniya.
"Come on, let's put some ice diyan sa pasa mo" anito at nagtungo sa ref niya.
Inasikaso siya nito. He even brought her in her room. He carry her in bridal style and carefully place her on the top of her bed.
"I will not go home tonight. I'll stay with you"
"I'm fine..."
"Sweetie, hindi rin naman ako makakampante kung uuwi ako" turan nito.

Comentário do Livro (34)

  • avatar
    Maricris Decena

    Nice story

    20/04

      0
  • avatar
    JaapalDeo

    nice app

    19/04

      0
  • avatar
    Nicole Camacho

    interesting!

    15/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes