logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 6;

Zed's POV
Zed Salvador
Bored akong lumabas ng opisina. Kanina pa kase ako nag-iinterview sa mga nag-aapply ng trabaho sa company ko. Pero ni isa sa kanila ay wala akong nagustuhan man lang, uminit lang ang ulo ko.
Mas gusto kong ako ang nag-iiinterview sa mga applicants sa company ko kesa sa mga staffs ko. Baka kase kung sino-sino nalang ang i-qualified nila.
Panay ang pagyuko ng mga empleyadong dinadaanan ko. At lahat sila ay tumatabi habang naglalakad ako.
Nang makalabas ako ng building ay iginala ko ang aking paningin sa paligid. Hanggang sa may mapansin akong matandang nagtitinda ng kung ano man yun malapit sa building ko.
I remembered someone because of her. One of the most important person to my life. But now, She's already gone, My Nana. She's the one who stay beside me. Parang Ina ko na nga sya, dahil halos sya lang ang nagpalaki sa akin dahil sila mom at dad ay busy sa kani-kanilang mga trabaho. Nana, was always there for me. She love me like her own son. But the time passed by so fast, she already passed by because of cancer. I promised to her that someday, mom and dad will gonna be so proud of me because of my achievements in life. And that is! Look at me now. I'm already the owner of dad's company. Managing all the business that he inherited to me.
My mom and dad died because of an ridiculous accident. My brother and I was still young that time but I've promised to myself that one day I will be a successful like them. And time goes by again and I already learned how to handle my own stuff and problems all by myself, I decided to go away from my brother because I want to live my own life alone.
My Kuya Zack has already have his own company and other business all around the earth. What a successful man, huh. But wala pa syang asawa o kaya naman girlfriend hanggang ngayon katwiran nya'y wala pa raw syang nakikita o nakikilalang babae na matitipuhan nya. Tss... What a fvcking and useless excuse. Bakit kase hindi nalang nya sabihin na....
Bakla sya...
But hindi pa ako kumpirmado kung bakla talaga ang kapatid kong yun.
Napabuga ako ng hangin at pumorma ang kakarampot na ngiti sa aking labi dahil sa mga magandang alala na iniwan sa akin ng mahahalagang tao sa buhay ko.
Tumungo ako sa matandang nagtitinda na nakita ko, may kausap pa syang babae na mukhang nagaapply ng trabaho.
Nakapasok ang aking dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng aking pants habang naglalakad papalapit sa kanila. Kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking bulsa dahil nag-vibrate ito, kaya habang naglalakad ako ay kinakalikot ko ang cellphone ko.
Habang naglalakad ako bigla nalang akong may nakabunggo. Nanatiling nasa baba ang tingin ko, nakita ko ang folder na nabitawan ng nakabangga ko kaya dahan-dahan 'kong tinaas ang aking tingin.
Napakunot ang noo ko at bahagyang bumali ang mukha ko. Pinasadahan ko ng tingin ang gulat nyang mukha.
Unti-unting gumuhit ang nakakalokong ngiti sa labi ko.
Humakbang ako papalapit sa kanya. Ngunit hindi nawala ang ngisi sa labi ko. "Miss, pwede bang tignan mo ang nilalakaran mo. May mga mata ka kaya gamitin mo." mapangasar na saad ko.
"Wow naman mister parang ako pa ang may atraso sayo ha?!" pagtatanggol naman nya sa sarili. Galit na sya.
What a Stupid woman.
Medyo nakaramdam din ako ng inis dahil parang mas galit pa sya saken. Kahit sya na nga yung nakabangga sa akin.
"Ikaw na nga 'tong nakabangga, ikaw pa ang may ganang magalit saken? Ha! Did you know me??" singhal ko habang mas nilapit pa ang mukha sa kanya. Dahil na rin sa inis ko.
Medyo nawirduhan ako sa kanya ng bigla syang ngumisi sa akin. "Eh ako, kilala mo rin ba ako?" saad nya at humakbang din papalapit sa akin pero hindi naman ako natinag don, mas lalo pa nga akong nainis sa kanya at naghuhudyat sa sarili ko na mas lalo pa syang inisin.
Pinagkrus ko ang aking  dalawang braso at tinignan ang kabuuan nya. "I don't know you, miss whateveryourfvckingname and I'm not interested to know you." sinadya kong bahidan ng panunuya ang sinabi ko, para mas lalo pa syang mainis.
Nangunot ang noo ng gayahin nya rin ang tindig at ang aking expression. "Same with you Mister walaakongpakekungsinokanghinayupakka. I don't want to know you even the small identity of yours. And like what you've said I'm not INTERESTED to KNOW you." inis na duro nya sa mukha kong parang gusto nyang bangasan.
Nginisihan ko lang ulit sya at muling humakbang papalapit sa kanya.
"You don't know me well, miss. So better shut your fvcking mouth, and sometimes use your eyes because they have purposes." nakangisi at madiing pang-aasar ko sa kanya bago sya tuluyang nilagpasan.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko dahil nakakatuwa syang pag-tripan at asarin. Nagmumukha kase syang ewan kapag nagagalit sya. Kanina ko pa gustong matawa dahil sa nakakatawang itsura nya pero pilit kong pinigilan yun. Baka kase ma-high blood pa sya sa harapan ko.
Dumaretso ako sa matandang nagtitinda. Bumili lang ako sa kanya at saglit na nakipagusap bago muling bumalik sa loob ng building.
Agad na sumalubong sa akin ang isa sa mga staff ko. "Sir., may bago po tayong applicant. Hinatid ko na po sya sa interview room nyo at naghihintay sa inyo." magalang na sambit nya habang nakababa ang tingin. Ayaw ko kaseng tinititigan sa mata. Yung babae kanina na tatanga-tanga ay ang kauna-unahang ibang tao na nakatitig mismo sa mga mata ko.
"Okay, Thanks." tipid kong sagot sa kanya. Bahagya syang tumango bago tuluyang umalis sa harapan ko.
"Hmm... Pwede mo ba akong samahan papunta sa office ko?" saad ko sa isang lalaking staff ko.
Agad naman syang tumango at sumunod sa paglalakad sa akin. Nasa likuran ko lang sya at ako ang nangunguna. Yun pa rin tuwing may madaanan akong mga empleyado ko ay todo yuko sila bilang paggalang sa akin.
Nang makarating ako sa opisina ko ay agad na pinagbuksan ako ng nakasunod sa aking staff ko. Agad ko syang tinanguan at nginitian. Bihira lang akong ngumiti sa mga empleyado ko at puro pili lang ang pinapakitaan ko ng ganon.
Kaya swerte sya... HAHA. Tss.
Medyo nagulat ako ng madatnan ko ang babaeng nagaayos ng mga dokumentong dala nya. Sya yung babaeng nakabangga saken kanina sa labas. Sya yung stupidang babae kanina!
Ha! What a small world.
Ngumisi ako at sumandal sa may gilid ng pintuan ko. Tinignan ko ang kabuuan nya. Bakas sa mukha nya ang pagkagulat pero alam kong pilit nyang tinatago yun sa akin. Ha! Tss.
"So Ms. Whateveryourfvckingname, we met again. I think tadhana talagang magkita ulit tayo." may bahid na pang-aasar na saad ko habang nasa gilid pa rin ng pinto ko. Nakangisi ako sa kanya at sya naman ay mukhang kinakabahan talaga.
Yeah! You must be scared of me, Ms. Whateveryourfvkingname!
Coz I can turn your fvcking life up side down or worst like a living freaking hell.
"S-Sino ka? B-Bakit ka nandito? kinakabahan nyang saad sa akin. Mas lalong lumapad ang ngisi ko.
"Isn't obvious? I'm Zed Salvador. The president and the owner of Salvador group of companies." kaswal na pagpapakilala ko sa kanya ngunit may bahid ng pagmamayabang. Hehe.
Bahagyang napaawang ang bibig nya tila may gusto syang sabihin pero hindi nya magawa.
Hindi sya nakasagot siguro ay dahil sa gulat nya. At hindi pa makasink in sa utak nya ang nalaman. Tss.
"Ano ba ang ginagawa mo dito?" kaswal kong tanong sa kanya. Umupo ako sa aking swivel chair at pinaglaruan ang ballpen sa mga daliri ko.
Medyo nakaramdam ako ng irita dahil hindi pa rin sya umiimik. Ganun na sya ka-shock para hindi na umimik at natameme nalang?!
Tss. What's with my grammar! What the fvck!
"Hey! I'm asking you Ms. Whateveryourfvckingname, Aren't you listening?!" Medyo inis kong usal sa kanya. Natauhan naman ata sya dun.
Napayuko sya. "Mag-aapply sana ako ng trabaho." nahihiyang usal nya habang nakayuko pa rin.
"Is that so? Hmm... You're hired. Magsisimula ka na bukas. Wear your office attire. I want you to look decent because you're now my new secretary." saad ko na ikinaliwanag ng mukha nya. Unti-unting gumuhit ang ngiti nya sa kanyang mga labi at sumilay ang saya sa mga mata nya.
Nakangiti syang nakatitig sa akin. Medyo nakakailang lang.
"May I have your resume and other documents?" usal ko habang nakalahad ang kamay ko sa harapan nya.
Nakangiting inabot nya sa akin yun at agad ko namang tinanggap. "Well, congrats to you, Ms. Coleen Legaspi. Welcome to Salvador's group of companies. You may go now." usal ko habang binabasa ang mga nakalagay sa resume nya. May experience na pala sya sa office kaya pwede na.
Isang saglit lang ang lumipas ay naramdaman ko nang umalis na sya at narinig ko na rin ang pagsarado ng pinto.
Unti-unting gumuhit muli ang ngisi sa mukha ko.
Let's see Ms. Coleen Legaspi kung tatagal ka sa akin. Haha. Let's see... goodluck in advance.
Binaba ko ang folder na binigay nya. At kinalikot ang phone ko.
Napangiti ako ng makita ko ang picture ng babaeng pinakamamahal ko. Si Sophie, ang girlfriend ko. Nasa States sya at may inaasikaso sa company ng family nya kaya naman naiintindihan ko sya kapag nawawalan na sya ng time para sa aming dalawa.
Malapit na ang birthday ko at gusto ko sanang makasama syang magcelebrate tulad ng ginagawa namin dati.
I dialed her number.
Her phone is ringing.
"Hello? Who's this?" tanong ng isang lalaki sa kabilang linya. Agad na kumunot ang noo ko. Bakit iba ang sumagot sa phone nya? Hindi nya naman pinapahawak sa iba ang phone nya kahit na sa secretary nya. I started to feel confused.
"Oh, Hello Zed! I miss you so much!" matamis na usal ni Sophie. Pero naguguluhan pa rin ako. Sino yung lalaking unang sumagot sa phone nya?
"I miss you too... Hey! Malapit na ang birthday ko. And I want to celebrate with you, hon. Pwede ka ba?" nagbabakasakali kong tanong.
Pleaseee....
Narinig kong napabuntong hininga sya. "I'm sorry hon, but hindi ako pwede. I'm still busy here. I'm so sorry.-- "Oh! I have to go na, may urgent meeting kami. Sorry hon, bye. I love you!!!" saad nya bago tuluyang pinatay ang tawag.
Nakaramdam ako ng lungkot pero inintindi ko pa rin, busy sya at kailangan kong isipin yun. At may tiwala ako sa kanya.
Napabuntong hininga ako at pinatay ang Cellphone ko. Pinagsalikop ko sa taas ng mesa ko ang aking dalawang kamay.
May tanong pa rin na bumabagabag sa isip ko.
Sino ang lalaking unang sumagot sa phone ni Sophie?
~•~

Comentário do Livro (38)

  • avatar
    SanchezRosielyn

    🥰🥰🥰🥰🥰🥰

    11d

      0
  • avatar
    allanicricyl mae

    It's Super Nice I like it!. please update the next chapter..

    26d

      0
  • avatar
    Daryl Christoff Padernal Guerrero

    Very interesting!

    11/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes