Tips 102: Kahit anong pigil mo sa destiny o kahit anong pilit mo sa forever ay basta, basahin mo na lang ito! ~ JEDIDIAH NIGHTINGALE Habang naglalakad ako patungo sa loob ng hospital ay napapaisip ako sa mga kababaihan na strict ang parents este choosy. ‘Yung tipong akala nila ay magkakaroon sila ng jowa kapag tutungtong sila sa tamang edad. Kapag eightinth birthday nila ngunit natapos na lang sila mag-aral ay wala pa rin. Naghihintay, umaasa, hanggang sa baka tumandang dalaga na lang sila. Minsan kasi ay loyal sila sa kanilang mga crush lalo na kapag lubos ang kagwapuhan. Sa paglipas ng mga panahon ay magiging crush lang talaga nila dahil sa pagbabago nang kanilang mga pag-unawa. Iniisip din nila na kapag gwapo ay maaring magkaroon sila nang maraming kaagaw at ang malala ay hinuhusgahan nila na mga paminta. Natatakot silang magmahal ng gwapo tapos ayaw rin nila sa pangit hanggang sa no choice sila. Mabuti na nga iyung no choice kaysa wala talagang dumating sa kanilang mga buhay. Napakaimposible naman na walang nanliligaw sa kanila lalo't may natapos sila. Maaring iyung kabitbahay nila na araw-araw niyang iniisip kong sasagutin ba niya. May hinihintay kasi ‘yan sila na sobrang kay tagal katulad ng mga napapanood nila kaya hirap silang magka-jowa. Yung tipong makakasalubong lang nila bigla tapos matutumba sila, magkakatitigan, titigil ang mundo sa pag-ikot at hihinto ang oras sa pagtakbo, ‘yung tipong sila lang dalawa... “Shaina?” Aking pagkagulat dahil sa muli na naman kaming nagkita. Kaming dalawa ay nagkabanggaan. Kung nabangga ko siya dahil sa aking kakaisip nang malalim ay alam ko naman ang kaniyang dahilan. “Miss, ilang araw ka nang tulala? At saka kung type mo ako ay sorry! Ayoko ng sundalo!” “Kung barilin na kaya talaga kita?” Nilapitan ko siya at nginitian pagka't natitiyak kong wala siyang dalang baril at hindi niya ako magagawang saktan dito. “Jowain mo muna ako,” pagbibiro ko at nakita ko ang kaniyang kamao. “Nagbibiro lang naman ako! Congratulations nga pala kagabi,” at umalis na siya. Ako ay nagtataka kung bakit nandito siya. Ito na rin ang ikatlong pagkakataong kami ay pinagtagpo. Ngunit hindi ko pa rin iisipin na kami ay nakatadhana pagka’t hindi ko ipagpapalit si Jonna. Subalit kung magkikita pa kaming muli ng sundalong iyon ay jojowain ko siya upang subukin ang mahal kong kaibigan. Ako ay nagtungo na sa nurse station one kung saan ako naitalaga. Hindi naman contagious ang sakit ko. Sa mga hindi pa nakakaalam, ang AIDS ay sexually transmitted. Hindi naman ako sobrang malandi para makipagtalik dito sa hospital. Ako nga pala ang charge nurse ngayon at kakatapos lang ng endorsement namin. Endorsement ang unang ginagawa sa aming trabaho. Nagtatagal ng isang oras depende sa rami ng pasyente. Sunod na mangyayari ay ang rounds kung saan isa-isang pupuntahan ang mga pasyente. Marami pang susunod na ginagawa at maswerte ka kung hindi busy o walang toxic. Ngayon ay kailangan ko nang mag-rounds. Isa sa mga pasyente ko ngayon ay isang nurse din. Isang retired nurse. Nais ko lamang ipaalam sa inyo pagka't bilang isang baguhan pa lamang ay kinakabahan. Ang totoo ay madalas na namin siyang maging pasyente ngunit kinakabahan pa rin talaga ako. Isa raw siya sa pinakamagaling na nurse ng kaniyang henerasyon. “Good morning, Mr. Blake? How are you today? Do you feel any discomfort right now?” Aking mga paunang katanungan. Kung naiisip ninyong siya iyung kliyente ko sa matayog na gusali ay tama kayo. Ngunit kung naiisip ninyong siya ang may-ari ng matayog na gusali ay nagkakamali kayo. Ang alam ko ay roon lamang siya nagtatarabaho matapos magretiro. Nang dahil nga sa hindi ko siya napuntahan ay kinailangan siyang maospital. “I've heard what happened to you and I'm very so sorry. It's my fault!” Siya ay aking nilapitan upang ipaalam na ayos lang ako. Hindi naman niya kasalanan na makasabay ko iyung sundalong maganda sa elevator. Napatingin ako sa kaniya at may napagtanto ako. Ang sundalong babae ay aking nakabangga kanina. Hindi kaya tatay niya si Mr. Blake? “May I know your full name?” Ikinagulat kong kahilingan ng pasyente na hindi ko ipagkakait. “Jedidiah Nightingale,” at nakangiti pa ako ngunit mukhang may kulang sa aking kasagutan kaya inulit ko. “Jedidiah Manunula Nightingale,” at nagulat ako sa kaniyang ipinakitang emosyon. “Isn't your mother is Antonia Manunula?” Hindi tamang ipaalam ko ang aking buong pagkatao para sa isang pasyente subalit tama siya. Iyon ang pangalan ng aking nanay. Bakit niya kilala ang aking nanay? Ako ay muli niyang natanong at hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Siya ay nagbigay nang isang matamis na ngiti at nais niyang magkwento sa akin. May iba akong naramdaman na para bang dapat kong marinig ang kaniyang nais sabihin. Dahil sa ako ang charge nurse ay kinailangan kong umalis muna at babalikan ko siya kung may bakante akong oras. Sa aking paglabas ay napagsabihan ako ng aking mga kasamahan. Ako raw ay medyo matagal dahil sa marami nang doctors ang dumating. Humingi naman ako nang paumanhin habang iniisip ko kung paano magkukuwari. Nais kong balikan si Mr. Blake upang alamin ang kaniyang nais ikwento. Ang araw na ito ay tila ba kay sarap. Aming mga doctor ay maaga na bumisita sa kani-kanilang mga pasyente kaya maaga rin natapos ang aming mga dapat gawin. Iilan lang naman ang pinauwi at hindi naman gaanong marami ang mga doctor's order. Nang masiguro kong tapos ko na ang mga dapat kong gawin ay nagpaalam ako sa kasamahan kong nurse na pupuntahan ko lamang si Mr. Blake. Hindi na ako nagpaliwanag pa pagka't alam niyang paborito ako nang nabanggit kong pasyente. “Pasensya na kong ako ay natagalan,” sabi ko at inalok niya akong umupo pagkatapos ay nagsimula na siyang magsalaysay. Ang kaniyang nais ikwento ay ang tungkol sa araw na ako ay ipinanganak. Ipinaalam niya ang dahilan kung bakit ako ang kaniyang nais maging nurse. Siya pala ang nurse on duty noong ako ay ipinanganak sa hospital na dati niyang pinapasukan. Ako raw ay ipinanganak sa pamamagitan ng normal spontaneous vaginal delivery kaya naging malusog ako. Lubos ang aking galak tungkol sa kaniyang kwento subalit hindi ako ang punto nito. Nararamdaman kong mayroon pa siyang hindi nasasabi. Nakakapagtataka kasing sa dami ng sanggol na isinilang ay ako lang ang kaniyang natatandaan at matanda na siya para matandaan pa ako. Nagkatitigan kami. Hiniling ko na sabihin niya ang lahat ng kaniyang nais pagka’t ako ay may trabaho pa. Sang-ayun naman siya dahil sa baka maantala pa kung maabutan pa kami ng kaniyang watcher. “Did you know Malia Virginia?” Nabigla ako sa kaniyang katanungan na siyang hindi na bago pa. Ang kaniyang tinutukoy ay isa sa aming mga kapitbahay na sobrang bait. Nagtataka nga ako kung bakit siya ay tumandang dalaga. Baka naman mayroon silang naudlot na pag-iibigan. “Opo, bakit po ba?” “She had also delivered a preterm baby girl via cesarian section on the day after two hours you are born,” pagbabahagi niya nang bigla siyang malungkot. Kung admitted din si Mrs. Virginia sa araw na admitted ang aking nanay. Kung buntis din siya. Kung sabay silang nagsilang nang sanggol ng aking nanay. Nasaan ang anak niya ngayon at ano ang tunay na siyang ipinapahiwatig ni Mr. Blake? At bakit sa tagal nang panahon ay ngayon pa nais sabihin ni Mr. Blake ang lahat? “Please, help me. I want to see her before I die.” “What do you mean?” “She left her daughter after the day she delivered it,” at ako ay hindi makapaniwala sa naging pahayag ni Mr. Blake. Ako ay hindi makapaniwala na nagawang pabayaan ng isang mabait na kapitbahay ang kaniyang anak matapos niya itong isilang. Batay pa sa kwento ng aking pasyente ay hindi naman financial ang rason ni Mrs. Virginia. Ang totoo raw ay doble-doble pa ang kanilang salapi na siyang iniwan din. Hindi rin daw magiging dahilan na premature ang bata pagka't ang hospital ay nagbibigay ng beyond quality care. Nais ko sanang itanong ang tungkol sa anak ni Mrs. Virginia subalit ako ay tinatawag nang aking kasamahan. Nang makabalik ako sa station ay kailangan ko na palang maghanda sa endorsement. Dumating na kasi ang evening shift pagka’t morning shift lamang ako. “Jo, bakit hindi mo naman sinasabi na ang pogi pala ng jowa mo?” At napangiti ako sa pag-iisip na ako ‘yun ngunit hindi pa pala tapos ang aming kasama sa pagsasalita. “Paano ba ‘yan Jedidiah at mukhang ekis ka na talaga sa bestfriend mo?” “Ren, maari bang simulan ninyo na ang endorsement?” Pagiging irita ni Jonna habang naghahanda ng kaniyang mga gamot pagka't siya ang medicating nurse na pumalit. Kung naparito man kanina ang kasintahan ng aking matalik na kaibigan ay wala akong pakialam. Ang aking isipan ay nasa nakaraan pa rin ng aming mabait na kapitbahay. Magiging kampanti lamang ako kung makakausap ko si Mrs. Virginia. Matapos ang aming endorsement ay kinausap ako ni Jonna. Ako ay muli niyang niyaya sa para isang pagkikita bukas pero hindi ako pumayag. Siguro ay dapat ko muna siyang iwasan. Hanggang sa tumigil siya sa paghawak ng syringe at vials pagkatapos ay nilapitan niya ako. Hinawakan naman niya ang aking balikat at sinabing kailangan ko raw sumama dahil sa handa na siyang ipakilala ang kaniyang kasintahan sa akin. Ngumiti lamang ako pagkatapos ay kinuha ko ang aking bag. Pag-iisipan ko muna kung ako ay papayag dahil sa parang ako ang hindi pa handa. Matapos akong maligo ay nagtungo ako sa bahay nina Mrs. Virginia kahit gabi na. Hindi naman siguro siya maaabala pagka’t ako ay nagdala ng ulam na siyang luto ni ina. Ako ay kaagad na kumatok sa kaniyang pinto pagkatapos ay pinatuloy niya ako. “Didi, sana ay hindi ka na nag-abala pa pagka’t alam kong pagod ka galing sa duty mo. Ikaw talagang bata ka!” “Pasensya na po ngunit nagtungo po ako rito upang alamin ang tungkol sa inyong anak,” deretsa kong sabi na kaniyang ikinagulat kaya nahulog niya ang tupperware. Alam kong mangyayari ang eksenang ito kaya mahigpit ang pagtakip ko sa bagay na nahulog. Sayang ang ulam! “Nagbibiro ka ba, Didi? Aatakihin ako sa puso! Alam mo naman na magandang matandang dalaga ako,” nakangiti pa siya at ako naman ay walang imik. “Alam ko pong wala akong karapatan na ungkatin ang inyong nakaraan ngunit hindi ko inaasahan na malalaman ko iyon sa aking pasyente,” sabi ko pagkatapos ay pinulot niya ang tupperware. “Ito, Didi! Dalhin mo na pauwi ang dala mo pagka't hindi ko nagugustuhan ang iyong mga sinasabi. Makakaalis ka na.” Kinuha ko na lang muli ang tupperware at ako ay nais pang humingi nang pasensya ngunit naubos ko yata ang kaniyang pasensya. Ipinagtulakan niya ako palabas pagkatapos ay kaagad niyang isinara ang pinto. Ang kaniyang naging mga aksyon ay mas lalo lang nagbigay-lakas sa akin upang alamin ang kaniyang dahilan. Hindi nagsisinungaling si Mr. Blake! Nang makabalik ako sa bahay ay naisip kong kausapin na lamang ang aking mga magulang. Ngunit ang aking ginawa ay ang sumakay ng motorsiklo. Nagmadali akong magmaneho nang walang pagpapaalam. Kailangan kong makausap muli si Mr. Blake tungkol sa kalagayan ngayon ng anak ni Mrs. Virginia. “Bakit ka bumalik, iho?” Natutuwang sabi ng aking pasyente na kaagad kong nilapitan. Lahat nang aking nais pang malaman ay aking sinabi. Mas lalo siyang natutuwa pagka't hindi ko lang daw siya nais tulungan kundi kagustuhan ko mismo. Hindi ko nga alam kung bakit ko ginagawa ang lahat. Kung gagawin ko sana ito ay dapat nagpabayad na ako sa kaniya. Maaring siguro ay dapat akong makagawa nang isang kabutihan bago ang aking paglisan. Siguro ay ginagawa ko ito dahil sa naawa ako sa anak ni Mrs. Virginia pagka't si Mr. Blake ay lilisan na. Ngunit sino kaya sa aming dalawa ang unang mawawala? “Maari ko bang malaman ang kaniyang pangalan?” Aking kahilingan matapos masagot ang mga unang katanungan ko. Nauna lang akong ipinanganak ng dalawang oras sa anak ni Mrs. Virginia. Nalaman ko rin na ang sanggol na babae ay nasa magandang kalagayan ngayon. Siya ay inaalagaan at maayos na pinalaki ni Mr. Blake. Ito ay itinuring niyang tunay na anak at minahal nang lubos. “Iho, alam mo bagay kayong dalawa ngunit hindi kayo maaring magtagpo sa ngayon,” at natawa siya ngunit hindi ako natutuwa. “Mr. Blake, give me an enough reason kung bakit hindi kami maaring magtagpo?” Katanungan ko pagkatapos ay nagpakita nang pangamba ang kaniyang wangis matapos bumukas ang pinto ng kwarto. Hindi na nga masasagot pa ang aking katanungan kaya ako ay aalis na. Dumating na ang watcher na hindi ko pa nakikita pagka't ako ay nakatalikod sa pinto. Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan hanggang sa matanaw ko ang isang babae na nakalikod. Siya ay para bang natatakot at kinakabahan na makita ko siya. Siya na ba ang kinupkop ni Mr. Blake pagka’t ayon sa kaniyang tindig ay malabong utusan lamang siya? Ako ay nagtataka pagka't hindi niya kayang humarap sa akin. Hanggang sa lapitan ko siya upang makilala at makita ang wangis. Habang papalapit ako ay iba ang nagiging tibok ng aking puso. Ito ba ang dahilan kaya iniisip ko ang rebelasyon ni Mr. Blake? Ang makilala ang babaeng nakatadhana para sa akin sa habambuhay? Ibig kong sabihin ay siyang makikilala ko bago ako magpaalam? “Miss, hindi naman ako nanakit ng babae.” “Ngunit ikaw ay nasaktan ko na at baka muling masaktan,” at ako ay nalito hanggang sa bigla siyang humarap. Hindi ako makapaniwala nang nasilayan ko ang kaniyang mukha. Tadhana bang magkita kaming muli sa pagkakataong ito? O siyang nagkataon lamang? Ako ay kaniyang nilapitan pagkatapos ay tinitigan at bigla kong nabanggit ang kaniyang pangalan. “Shaina?”
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 52 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (11)
EleinZyzy
Wow! Nice description! Btw, I've read the first chapter po and it was kinda interesting po🥰❤️ I wonder if these is a happy ending? Hmm...🤔
Wow! Nice description! Btw, I've read the first chapter po and it was kinda interesting po🥰❤️ I wonder if these is a happy ending? Hmm...🤔
22/04/2022
0nice
11/12/2024
0leget
06/07/2024
0Ver Todos