Tips 101: Palayain ang sarili, huwag kang magkulong sa salitang kaibigan ka lang, hindi ka bayani para maging masaya sa kanila, maging matapang ka't gumapang na dahil malay natin ikaw ay ipaglaban. ~ Ang akdang ito tungkol sa isang nurse na lalaki. Siya ay immunocompromised na ibig sabihin ay mahina na ang kaniyang immune system nang dahil sa infectious disease. Isa siyang health worker na infected. Ganoon kasalimuot ang mundo para sa kaniya ngunit alam niyang karaniwan lamang ito at katiting lamang sa problema ng ibang tao. Ang aking tinutukoy ay walang iba kundi ako po. Nalaman kong ako ay may sakit nang dahil sa babaeng nanggulpi sa akin. Ang kaniyang ginawa ay sobrang malala kaya ako ay kinailangan na isugod sa hospital. May mga test na isinagawa kaya nadiskubre ng resident on duty ang aking kalagayan. Opo, ngayon ko lamang nalaman na ako ay may sakit. “You only have three months to lived,” mahinahon na balita ng doctor ngunit ako ay nagulat pa rin. Hindi ako naniniwala na may taning na ang aking buhay. Maaring nagkamali lamang ang medical technologist ng pagsusuri subalit naiisip kong nasa denial stage lang ako. Hindi naman ako kailangan na maging admitted patient. Nagbigay lang ng mga home medications at medical advices sa akin ang doctor. Kapag may mga malalang sintomas daw akong mararanasan sa mga susunod na araw ay doon pa raw ako maaring maging admitted. Kung maari raw ay magpahinga na muna ako sa trabaho upang humaba pa ang aking buhay. Lubos kong naisip ang payo ng doctor habang ako ay pauwi sa amin. Ako ay nakaramdam nang pighati at kalungkutan na siyang mas magpapadali ng aking buhay. Marami pa akong pangarap at isa na ang magtrabaho bilang nurse sa pinapangarap kong bansa. Isa pang dahilan na ang aking nararanasan ay malala pa sa 'three months rule' bago ka muling pumasok sa isang pag-ibig. Hindi ko alam ang rason na bigla kong naiisip ang aking puso. Hindi pa ako handang mamatay. Kung mangyayari man iyon ay gusto kong mamatay nang may pagmamahal. Nais kong mag-asawa muna, magkaroon ng anak at masayang pamilya bago lisanin ang mundo subalit malabo iyon sa loob ng tatlong buwan. Naiisip kong huli na ang lahat kahit ako ay nasa dalawampu't dalawang taong gulang pa lamang. Marahil kung naging prayoridad ko lamang iyon ay hindi ako magdurusa sa ngayon. Ang totoo ay may lihim akong pagtingin sa aking matalik na kaibigan. Ang problema ay may minamahal na raw siya ngunit hindi niya pa naipapakilala sa akin. Ngunit ang nakakalungkot talaga ay nagsisimula na ang aking pagdurusa nang dahil sa aking mga kasalanan. I am infected! Yes, I'm saying to you my reader. Only to you. How idiot I am. I'm making a diary and hoping that someone could read this. Give his or her time to spend for reading this shit. I hate bats, it's because of batman. The craziest mood I had. Ibig ko pong sabihin ay hindi ko talaga maipaliwanag ang aking nararamdaman sa ngayon. Kanina pa ako nagsasalita ngunit hindi ko pa naipapaalam ang aking sakit. I am positive. I'm living with the virus called human immunodeficiency virus. It's not just a HIV but AIDS. Malala na. No one knows it but I'll try to confess to Jonna. Mabuti na lang at hindi ako nadala sa aking pinapasukan kaya naging sekreto pa. Alam kong ako ay maiintindihan ng aking kaibigan kahit hindi niya ako matatanggap pa. Siya pala ay isang babaeng kay ganda na parang impyerno dahil sa sobrang hot niya. Matangkad. Isang independent and empowered woman. May pagtingin talaga ako sa kaniya ngunit huli na at isa pa ay iniisip niyang biro lang iyon. Minsan ay naiisip ko na baka ginagamit ko lang siya para maging matuwid ako. Tanggap ko rin na hindi talaga kami para sa isa't isa. Kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin at isa pa ay pinagduduhan niya ako na isang altered. Sa puntong ito ay tama siya at hindi ko na itatago pa. Iyon ang dahilan kaya ako ay carrier ng virus. Sa kabila nang aking kamalian ay kailangan ko na talaga ng babae sa aking buhay. Hindi sa nais kong ituwid ang aking sarili kundi sa kagustuhan ko. Inuulit ko, ako ay may pagtingin sa aking matalik na kaibigan at nararamdaman kong ganoon rin siya sa akin. “Deserved mo iyan!”, Sabi niya pagkatapos ay sinampal niya ako. Lubos kong pinag-isipan kagabi ang araw na ito. Hindi naman ako nagkamali na ako ay magtapat sa kaniya. Ang swerte ko na siya ay aking naging kaibigan at magiging ka-ibigan. Ngunit hindi ko nasabing may taning na ang aking buhay. “Ngunit matagal nang walang kami at nangyari iyon sa araw na aminin kong babae talaga ang gusto ko.” “Je, huli na! Isa pa ay ilang beses na kitang pinagsabihan na tanggapin mo ang totoong ikaw na isa kang gwapong pumatol sa bakla.” Ako ay kaniyang tinawanan at natulala na naman ako. Kahinaan ko talaga ang magagadang mukha. Mabuti na lamang at magkaibigan kami kaya hindi niya ako maaring suntukin. “Huwag ka nang malungkot pa at tumigil na sa pagpapantansya sa akin dahil alam mong hindi tayo talo.” Hinawakan niya ang aking mga kamay dahil sa may pupuntahan daw kami. Natitiyak daw niyang kahit paano ay magiging maligaya ako. Humingi muna ako ng isang yakap bago kami umalis. Isang oras ang nakalipas nang makarating kami sa lugar na kaniyang sinasabi. Maraming taong nagtitipon at nagkakasiyahan. Hanggang sa ipaalam niyang manonood lamang pala kami ng beauty pageant dito sa aming bayan. Ako ay nakangiti pagka't tunay na matutuwa ako sa kaniyang naisip. Maraming magaganda at matatalinong babae ang maglalaban ngunit sapat na siya. Naiisip ko na baka sinusubukan niya lang din ako kaya susubukan kong sa kaniya lang ang aking mga tingin. Ako ay tumingin na sa kaniya. Nagtitigan kami hanggang sa tumawa siya nang kay lakas. “Bakit ka tumatawa? Parang tanga ka naman Jo, nalulungkot na ako ulit.” “Masaya lang naman ako na natupad ko ang isa sa mga bucket list mo. Je, bestfriend tayo kaya wala kang maitatago sa akin. Kaya girl, mag-enjoy lang tayo!” Kahit ang matalik na magkaibigan ay magkaiba pa rin ng mindset. Nakaramdam talaga ako nang pikon kaya ang aking mga tingin ay sa entablado lamang. Kaibigan lang talaga ako para sa kaniya. Siya nga pala, totoo na isa sa mga bucket list ko ang manood ng beauty pageant. Mahabang kwento basta iyon ay kasama sa bucket list ko. Kaya siguro may bucket list ako dahil sa mamatay na ako. Bakit hindi ko iyon naisip? Ilang sandali pa ay nagsalita na ang punong-abala para sa unang bahagi nang maringal na pagtatanghal. Isa-isa nang lumabas ang mga binibining kalahok ngunit gusto ko na lang umuwi. Iba pa rin talaga ang bestfriend ko. “Je, huwag ka ngang tumitig sa akin baka mapagkamalan kang boyfriend ko.” “Ano ba ang problema roon?” “Girl, alam kong mas maganda ako sa mga contestant kaya tiyak na lahat ng mga kalalakihan dito ay mas magkaka-interest sa akin.” Hindi niya talaga ako type! Sana lang ay mapangatawanan niya ang kaniyang mga salita. Sana lang ay wala tala siyang pagtingin sa akin. Naiisip ko kasi na maaring ayos lang sa kaniya na magkaroon ako ng lalaking karelasyon ngunit maaring hindi niya matatanggap kapag makahanap ako ng babaeng tanggap ako maliban sa kaniya. Hanggang sa hindi ko makikita ang kaniyang nobyo ay hindi ako naniniwala at hindi ako susuko. Tatlong buwan na lamang ang natitira sa aking buhay. Nang dahil sa kaniyang nasabi ay nakatutok na talaga ako sa mga kalahok. Ilang sandali pa ay lumabas na ang pang-dalawampu't isang binibini at para bang bumilis ang pagtibok nang aking puso. May nararamdaman akong kakaiba na hindi ko maintindihan nang dahil sa isang kalahok. Siya ay pamilyar! “Je, laway mo!” Hindi ko na pinansin ang aking kaibigan pero pinunas ko pa rin ang aking laway. Ako ay nakatitig pa rin sa kalahok na para bang siya lang ang nasa entablado. Isa siyang babae na sobrang ganda higit kanino tulad ng isang Universe. Ngunit ako ay nagtataka pagka't siya ay isang sundalo. Maliban kasi sa kaniyang pangalan ay nasabi niya rin ang kanyiang propesyon. Masayang-masaya ako sa kaniya at habang tumatagal ay nagawa kong magtungo sa mas malapit upang makilatis siya nang lubusan. Nang dahil doon ay napalitan ang aking paghanga nang galit. Siya ang babaeng nanggulpi sa akin sa elevator. Kaya pala may baril siya pagka't isa siyang alagad ng batas. Ibig bang sabihin ay nagtungo siya sa matayog na gusali para sa okasyon na ito? Mas bagay naman talaga sa kaniya ang dress! Nang dahil dito ay nais kong tapusin ang okasyon dahil nais ko siyang kilalanin pa pagkatapos ng lahat. Nais kong sampahan siya ng kaso at maari din naman na magbago ang aking isipan kung papayag siyang maging nobya ko. Kahit isang buong bente-kwatro oras lang upang subukin ang aking kaibigang si Jonna. Ilang sandali pa ay nasagi na ako ng kaniyang mga paningin. “Akala ko ba ay ako lang ang type mo?” Katanungan ng aking kaibigan kaya napangiti ako ngunit hindi ko siya pinansin. “As in yuck Je, nagbibiro lamang ako!” Hindi ko pinansin si Jonna hanggang sa kilalanin na ang top five ng competition. Labis ang aking kaligayahan nang makapasok ang babaeng nanakit sa akin nang pisikal. Hanggang sa wala na pala sa aking tabi si Jonna ngunit inisip kong nagtungo lamang siya sa banyo. “Attitude or mindset?” Katanungan para sa kaniya. “Thank you for that wonderful question for a wonderwoman me. Everyone believes in a famous old quote, ‘What is beauty if the brain is empty?’ Attitude is better than mindset, because I believed that, what is mind if your attitude is not beautiful? And I thank you!” Ang buong sangkatauhan ay nagpalakpakan para sa kaniya at agaw-atensyon ako. Iyung tipong akala mo ako ang boyfriend niya at magiging boyfriend niya ako mamaya o bukas. Nasisiguro kong siya na ang mananalo. “Je, may gustong kumausap sa'yo,” sabi ni Jonna nang siya ay makabalik. “Sino?” “Si Glendmore,” at ako ay naging aligaga. Halos tatlong buwan na ang nakakalipas nang huli kaming magkasama. Wala na kaming dapat pang pag-usapan pa ng lalaking ‘yun. Baka masaktan ko lamang siya ngayong ako ay nagkaroon ng sakit nang dahil sa kaniya. Sinubukan kong ibaling ang aking sarili sa kalahok ngunit mapilit ang aking kaibigan. “Kailangan mo siyang harapin upang mapatunayan mong handa ka nang umibig nang bago.” Hindi na kailangan pa. “Hindi pa ba malinaw na naghiwalay kami dahil sa'yo!” “Je, mahal ka nang tao, may mahal na ako at mahal na mahal kita bilang kaibigan.” “Ang mabuti pa ay umuwi na lang tayo sa dahil may duty pa ako bukas,” desisyon ko pagkatapos ay sumakay na ako sa aking motorsiklo. Nag-usap pa kaming dalawa ng mata sa mata bago siya sumakay. Dahil doon ay nasaksihan pa namin ang nagwagi sa beauty pageant. Walang iba kundi ang babaeng nanuntok sa akin na nagngangalang Shaina Lombroso at aking buong pangalan naman ay Jedidiah Nightingale.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 42 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (11)
EleinZyzy
Wow! Nice description! Btw, I've read the first chapter po and it was kinda interesting po🥰❤️ I wonder if these is a happy ending? Hmm...🤔
Wow! Nice description! Btw, I've read the first chapter po and it was kinda interesting po🥰❤️ I wonder if these is a happy ending? Hmm...🤔
22/04/2022
0nice
11/12/2024
0leget
06/07/2024
0Ver Todos