logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Destiny Forever

Destiny Forever

Lintelligend


PROLOGO: DESTINY FOREVER

The once upon a time of two descendants that will bring us to Thailand.
“Je, si Mr. Blake ay kailangan ng private nurse at walang ibang hinahanap kundi ikaw,” text ng aking matalik na kaibigang si Jonna.
Ako ay kaagad na pumayag pagka't Wala naman akong duty ngayon sa hospital. Isa pa ay pera na rin iyon. Ito kasing si Mr. Blake ay walang tiwala sa nurses ng kanilang kompanya at nasanay na rin ako mula nang siya ay maging pasyente namin sa hospital na aking pinapasukan.
“Saan ka na raw? Bilisan mo raw! Malalagot ako kapag hindi ka magpakita,” ito namang si Jo ay aligaga.
Naligo pa ako. Nakakahiya naman na pumunta sa isang malaking kompanya nang amoy pera. Mapapansin tuloy na mukhang pera ako.
Ako ay maingat na nagmamaneho nang biglang mapansin ko ang isang sasakyan ng mga sundalo. Ilang sandali pa ay kinabahan ako nang maisip kong tila ba ako ay kanilang sinusundan. Sa aking kaba ay bumilis ang aking pagpapatakbo ng motorsiklo. Wala naman akong ginawang masama ngunit ako ay walang tiwala sa mga alagad ng gobyerno. Baka mamaya ay ako ang kanilang paghinalaaan. Laking pasasalamat ko nang ako ay makarating sa matayog na gusali at nang itabi ko ang aking sinasakyan ay napatakbo ako.
Tunay ngang ako ay sinusundan ng sasakyan.
Nagmadali akong pumasok sa gusali hanggang sa nabangga ko ang isang lalaking masarap este mapagmataas. Siya ay galit at mukhang may hati sa kompanya.
“Who are you?”
Tinitigan ko lamang siya pagka't ako ay mas takot sa mga sumusunod na mga armado. Ang aking konsensya ay malinis at hindi ko alam ang aking gagawin. Tunay ngang nilagay ako ni Jonna sa isang kapahamakan.  Gustong-gusto ko nang tumakbo palabas at huwag nang tumuloy pa kay Mr. Blake ngunit ramdam kong papasok na ang mga kasundaluhan.
“Excuse me, Sir Ian! He is Jedidiah Nightingale who is the favorite nurse of Mr. Blake. So, please give hime a way,” paliwanag ng isa pang lalaki na siyang nakatulong nang malaki.
“You are lucky by this time and next time be careful as always because you are nurse.”
“Sir Ian, don't waste your time for him and yet your girlfriend is on her way.”
“Okay, I'll wait her at my office!”
Ako ay kaagad na sanang sasakay sa elevator ngunit nagsenyas ang lalaking tumulong sa akin. Ang kaniyang boss na si Ian ay pabalik ng office kaya sasakay rin ito ng elevator at hindi raw ako maaring sumabay. Hindi pa naman daw mamatay si Mr. Blake.
Ilang minuto ang nakalipas at ako ay nagtago nang narinig kong papasok na ang mga sumusunod sa akin. Ang pintig ng aking puso ay hindi na mabilang pa. Mabuti na lamang at ang elevator ay bumukas na. Nagmadali akong pumasok nang biglang may isang babae na muntik nang maiwan.
Pinindot ko na kung saang palapag ako patungo kung saan doon din patungo ang babae. Isang babaeng matikas at para bang nakakatakot. Siya ay aking pinagmamasdan at ako ay napalunok nang mapansin niya ako.
“Mukhang ako ay minamalas pagka't may manyak sa paligid,” pagpaparinig niya habang may kinakapa sa kaniyang likod.
Sinubukan kong huwag siyang pagmasdan ngunit hindi ko kayang gawin. Nararamdaman kong siya ay naiinis na o parang mainitin talaga ang ulo. Hanggang sa ako ay kaniyang nilapitan habang nasa likod ang kaliwang kamay.
“Hindi ako maganda para pagnasaan nang katulad mong gwapo kaya tumigil ka sa kakatitig sa akin.”
“Hindi bagay sa isang magandang katulad mo ang maging feelingera,” sumbat ako sabay kindat at lalo siyang lumapit sa akin.
“Hindi na ako single, boy!”
“Hindi ako interesado.”
“Kung ganoon ay tigilan mo ang kakatingin sa akin na para bang ako ay isang pornstar,” at lumayo na siya at tumalikod.
“Bakit anong gagawin mo sa akin?”
“At ako pa ngayon ang rapist?”
“Sobrang feelingera ka talagang babae ka.”
“Isa pang tingin at sumbat mong manyak kang gwapo ay makakatikim ka sa akin.”
Muli kong sinubukan na huwag siyang titigan subalit demonyo ang aking mga mata. Hindi rin siya nakatiis at inilabas niya ang kaniyang kaliwang kamay na aking ikinagulat. Sa aking kaba ay nakapagsalita ako nang kasinungalingan.
“Miss, bakla ako!”
Ako ay hindi na nakapagpigil pagka't nakatutok sa akin ang hawak niyang baril. Hindi ko alam kung bakit mayroon siyang baril. Ang nasisiguro ko lamang ay hindi ako ligtas na kasama siya. Maari ding may balak siyang masama kay Mr. Blake.
“Bakla o duwag?” At ako ay tinawanan niya habang nakatutok pa rin sa akin ang kaniyang baril.
Ngunit ang mga demonyo kong mga mata ay walang pakialam sa aking kabadong puso. Nakatitig pa rin ako sa babae nang ibaba niya ang kaniyang sandata. Ako ay unti-unti niyang nilapitan at tila ba ako ay kaniyang hahalikan.
“Ikaw na manyak na gwapo, ngayon mo sabihin na ikaw ay isang bakla,” banta niya habang magkalapit na ang aming mga mukha.
Ang kaniyang mga matang kay gandang pagmasdan katulad ng isang paraiso, ang kaniyang ilong ay sobrang napakatangos din at ang kaniyang labi na sobrang pula na para bang kay sarap halikan. Walang bakla na hindi mahuhumaling sa kaniya. Hindi nakatiis ang aking mga kamay at kaagad ko siyang niyakap nang kay mahigpit. Siya ay aking hahalikan na ngunit sa isang pagtapik niya lamang, ako ay natumba.
Ang lakas niyang babae!
Muli niyang itinutok ang baril sa akin pagkatapos ay nagbanta.
“Manyak kang gwapo ka at isang titig mo pa ay mapapatay kita!”
Ngunit hindi ko natiis ang aking sarili at muli ko pa siyang tinitigan at hindi na rin siya nakatiis kaya ako ay kaniyang babarilin na. Hanggang sa ako ay humingi nang tulong ngunit nakalimutan kong nasa loob ako ng elevator. Ilang sandali pa ay nagawa niyang iputok ang barili nang dahil sa kaniyang galit.
Naging sanhi nang pagtigil ng elevator ang nangyaring pagputok ng kaniyang baril. Hindi niya ako nagawang barilin pagka't hindi niya kayang pumatay. Hindi ko maintindihan kong anong klase siyang tao.
“Pasensya na,” sabi ko pagka't kasalanan ko hanggang sa ako ay mataranta nang maalala ko ang aking kliyente.
“Huli na pagka't matatagalan pa para tayo ay makalabas dito,” sabi niya at napaupo na lang.
“Saan ka ba patungo?”
“Wala ka na roon,” kasagutan niya ngunit umupo ako sa kaniyang tabi.
Nakaramdam ako nang init sa kapaligiran dahil sa ilang oras na kaming nananatili sa loob ng elevator. Hindi maaring maging amoy pawis ako pagka't haharap ako sa isang kliyente. Naisip kong maghubad ng damit at hindi ko namalayan na ang babaeng kasama ko ay nakatitig sa akin.
Ako ay ngumiti na lamang pagka't nakaganti na ako at ayos lang na pagnasaan niya ang aking katawan.
“Hindi ka lang pala manyak na gwapo kundi masarap din,” sambit niya at nilapitan ko pa siya.
Nararamdaman ko ang kaniyang panghihina nang dahil sa aking sarap ngunit hindi ko inaasahan ang susunod niyang gagawin. Ako ay bigla niyang itinulak nang malakas sa sahig at ako ay natumba. Hindi siya nagdalawang isip na patungan ako at ramdam ko ang pag-upo niya sa pitong pulgada kong virgin na junjun.
“Ito ang dapat sayo!”
Ako ay nakangiti nang unti-unting lumalapit ang kaniyang mga labi. Ngunit hindi ko napansin ang kaniyang mga kamao. Ako ay kaniyang pinagsusuntok at hindi ko na alam pa ang sunod na nangyari.
Ako nagising na lang sa hospital at kaagad kong kinapa ang aking alaga. Ang sakit ng aking ulo, iyung malaking ulo, sa taas dahil sa aking napala ngunit naiisip ko talagang baka nagamit ang aking mahabang ulo sa ibaba. Anong ginawa ng babaeng iyun sa akin?
Teka, si Mr. Blake?

Comentário do Livro (11)

  • avatar
    EleinZyzy

    Wow! Nice description! Btw, I've read the first chapter po and it was kinda interesting po🥰❤️ I wonder if these is a happy ending? Hmm...🤔

    22/04/2022

      0
  • avatar
    CanadaDonnalyn somido

    nice

    11/12/2024

      0
  • avatar
    Jovan O Sarno

    leget

    06/07/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes