logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chap. 7

-Mira's POV-
Inaya ko si Yuri mag-mall. Kasi kailangan ko na bumili ng mga bagong school supplies. Pati na rin mga bagong libro na related sa psychology.
Nalalapit na naman kasi ang exam, kailangan ko mag-aral para makapasa ako. Ayaw ko ng mababang marka, feeling ko kumuguho ang mundo ko kapag nakakakuha ako ng hindi perfect 1 na grado.
"Couz, ang aga ng pagkaaya mo sakin. Hindi pa ko kumakain eh." sabi bigla ni Yuri, nanlaki mga mata ko. Nakahawak pa siya sa tyan niya. Pinapakita niya talaga na gutom siya.
"Dapat kumain ka muna sa bahay niyo, bago ka pumunta dito. Kaya ko naman mag-antay." mahinahon na paalala ko sa kaniya.
Bigla niya akong inakbayan. Which is nakakainis sa part ko. Ang tangkad niya kasi. Mga 5'9 si Yuri, tapos ako 5'2 lang. Shorty kung tawagan ng mga kabataan ngayon.
"Dear cous, bakit ako kakain sa bahay if alam kong may jollibee lang dyan sa tabi tabi." natawa ako sa sinabi niya. Collage na si Yuri pero favorite niya parin ang jollibee, lalo na yung chicken joy nila. Juicylicious kasi, kaya hindi ko siya masisisi.
Kaya pala hinila niya ako dito sa harap ng jollibee.
"Pero Yuri. Tignan mo naman. Hindi pa sila bukas." he pouted while looking at the closed fastfood chain restaurant.
"Magbubukas rin naman iyan maya maya eh. Maghintay muna tayo dito." pangungulit niya sa akin.
Tinignan ko ang orasan na nasa bisig ko. 8:30 am. Pero yung nakalagay sa poster ng jollibee, ay 10:30 am pa sila magbubukas.
"Doon nalang tayo sa McDo." sinamaan niya ako ng tingin. Pero sumunod parin naman nung naglakad na ako papunta sa pwesto ng McDo.
Para talaga siyang bata kahit kailan. Parang hindi dumaan sa pagkabinata eh.
"Hoy cous! Hintayin mo naman ako! Ang bilis bilis mo maglakad eh." rinig kong tawag sakin ni Yuri. Napakunot ako ng noo.
Ang tangkad niya pero ang bagal bagal niya maglakad. Naglakad ako pabalik sa kaniya.
Habang papunta, ay may nakabangga ako ng nakahoodie at shades. Nagsorry naman ako agad. Hindi naman ako kasi tumitingin masyado sa dinadaanan ko.
Tumango naman yung nabangga ko at umalis na. Lumapit na rin ako kay Yuri.
"Nakabusangot ka na naman dyan." pang-aasar ko kay Yuri. Nag-iwas lang siya ng tingin.
Napabuntong hininga ako.
"Kain ulit tayo doon kapag bukas na. Okay na?" biglang nagliwanag ang mukha niya. Tumango siya at inakbayan ako.
"Yun naman pala eh! Tara na sa McDo!" masayang sabi niya. Iginaya na niya ako papuntang McDo.
Habang naglalakad kami. Napansin kong parang magaan ang shoulder bag na nakasukbit sa balikat ko.
Wait a minute...
"Wait lang Yuri." sabi ko, at saka tinignan yung shoulder bag ko.
"Oh dear..." nanlaki mga mata ko nung makita kong nakabukas ang zipper ng bag ko!
Bigla ko naalala yung nakahoodie at shades na nabangga ko. Siya ba ang nagnakaw ng phone ko? Oh nahulog ko lang sa daanan?
"May problema ba?" pansin ni Yuri na balisa ako.
"Yung cellphone ko nawawala. Wait lang babalikan ko lang yung pwesto natin kanina. Mauna ka na doon sa McDo." tumalikod na at patakbong bumalik doon sa spot kung saan ko nabangga yung nakahoodie.
"Oy cous!" rinig kong tawag ni Yuri pero tuloy tuloy parin ako sa paglalakad. Hindi pwede mawala sakin yung cellphone na yun.
Nakipagsiksikan ako para lang makadaan at makapunta sa spot. Pero pagdating ko doon wala namang kung anong cellphone na nahulog sa sahig.
Aba't! Ninakawan nga talaga ako!
"No... No!" nandoon ang picture ng last will ni Mom. Hindi yung pwedeng manakaw o mawala sa akin!
Nakatayo lang ako dito na para bang istatwa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang daming tao ngayon sa mall kasi Saturday.
Paano ko mahahanap nito ngayon ang cellphone ko? Gusto kong magwala sa inis!
May biglang yumakap sa akin mula sa likod. At first akala ko si Yuri lang. Pero mali ako.
"Looking for this?" nanlaki ang mga mata ko. Agad ako kumalas sa yakap at humarap sa taong yumakap sa akin.
Hawak hawak niya yung cellphone ko.
"Ano ba naman yan Justine! Stalker ka na nga, magnanakaw pa!?" bakit ba niya ginagawa sakin ito!
Nawawala na naman ako sa katinuan. Dahil sa lalaking ito!
Ibinaba niya ang hoodie niya, nakangisi siya sa akin, "Ibabalik ko lang ito sayo. Kapag makikipagdate ka sakin ngayon."
"Never." I said in a venomous tone. Nagkibit balikat siya.
"Okay? Hindi ko ibabalik itong phone mo sayo. Mukhang mahalaga pa naman ito." ibinulsa niya yung phone ko at tumalikod na.
Nanlaki ang mga mata ko, hinabol ko siya at pinigilan, "Oo na! Date me! Please lang, ibalik mo sakin yang ninakaw mo." pagmamakaawa ko sa kaniya.
Bigla siyang humarap sakin, "Do you really mean it?" I nodded in response.
Ngumiti siya bigla sa akin, may kinukuha siya sa bulsa niya. Akala ko yung phone ko pero iba pala.
Posas!
"Hoy anong gagawin mo dyan?" kinakabahan na tanong ko. Hindi naman siya ako ikukulong hindi ba? Wala naman akong ginagawa na masama!
"Shsss." mas lalo akong kinabahan. Ikinabit niya yung isang side ng posas sa left wrist ko tapos yung isang side naman ng posas sa right wrist niya.
"Para sure na hindi ka aalis sa tabi ko, while we're on our first date. Nasa akin ang susi kaya huwag ka na magsubok na makawala dito." again, ngumiti na naman siya.
He's crazy!
"Hindi ko ibabalik ang phone mo hanggat hindi pa natatapos ang date natin." he said as he stare deep into my eyes.
Talagang seryoso siya sa mga sinasabi niya. Mukhang gagabihin ako ng uwi.
Bigla kong naalala si Yuri.
"Yung pinsan ko. Baka nag-aalala na sa akin." biglang sabi ko. My attempt para makawala sa pagkakaposas.
"I've already message your cousin, Yuri." bored na sabi nito. Na ikinataka ko.
Ano?
"Paano?" paano niya nabuksan ang phone ko?
Tinaasan niya ako ng isang kilay, "Seems like you've already forgotten that I'm an engineering student. Aside from that, I'm also good at hacking. Kaya walang kwenta ang password mo sa akin, Mira."
Biglang nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa katawan. Wala na talaga akong takas ngayon.
>°•📚•°<
"So... Bakit mo ako dinala dito?" takang tanong ko kay Justine.
Nasa harap kami ngayon ng Arcade. Lugar kung saan makikita ang infamous slash madayang laro na, Claw Machine.
Meron ring parang shooting games, karaoke rooms, basketballs at iba pa.
Maraming mga kabataan ang nasa loob. Kaya parang ang weird naman na pumunta kami dito. Specially Justine, knowing him. Hindi niya gusto ang mga lugar na ganito.
Pero anong masasabi ko? Baka hindi ko na siya ganun kakilala. 3 years na kaming hindi nagkikita. Ang awkward nga everytime na nakikita ko siya. Kaya iniwasan ko nalang na makabangga siya... Dahil sa nangyare nung araw na iyon, alam kong may nagbago sa pakikitungo ko sa kaniya.
"Remember the time when you forced me to play that stupid machine?" nakita ko siyang nakatitig...no, more like, he's glaring at a claw machine na nakapwesto sa gilid. May laman iyong mga maliliit na kitty na stuffed toys.
"Hindi ko na masyado maalala. Please enlighten me."
"Sabi mo, hindi mo ako papansinin ng isang linggo, if hindi ako nakakuha ng kahit isa man lang na toy."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Naaalala ko na!
"I will not play nor talk to you if you didn't give me that toy!"
"But, Mira! I don't even know how to play this crap!"
"Mmmmp!"
Napangiwi ako sa alaala na iyon. I was just a 10 year old child that time. Childish pa ako at walang kamuwang muwang sa mundo.
Naalala kong naubos lahat ng extra cash ni Justine nun, papalit kasi siya ng papalit ng token. Paulit ulit niyang sinusubukan na makakuha ng kahit isang stuffed toy lang. Ayaw niya daw na hindi ko siya kausapin, let alone hindi makapaglaro sa akin.
Pinagalitan pa siya ng mommy niya nung malaman niyang 1 thousand dollars ang nagastos niya dahil lang sa isang machine na napakadaya.
Ako naman, hindi ko talaga siya kinausap. Kasi hindi siya nakakuha kahit ni isa man lang na toy.
Umiling uling ako.
"Aahh, eehh. Tapos?" nahihiya na tanong ko.
"Panoorin mo akong maglaro, lahat ng laruan na nasa loob niyan ay makukuha ko. Ilang taon akong nagpractice para lang sa araw na ito." hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papasok sa loob ng arcade.
Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang magpahila nalang sa lalaking hawak ako sa leeg ngayon.

Comentário do Livro (20)

  • avatar
    Rona Mae Faraon Amistoso

    Good plot, nice story. Keep it up author 👍👏

    29/05/2022

      0
  • avatar
    Allan Dave Aclan

    ganda 100

    14/07

      0
  • avatar
    Reynold Villalva Mantes

    nice story❤️

    04/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes