logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chap. 3

-Nali's POV-
Nasa park ako ngayon, malapit lang sa apartment namin. Magjo-jogging lang, para matunaw yung carbs sa katawan ko. Ang dami ko kasing nakain na burgers kaninang lunch break.
Naka-sports bra ako ngayon at jersey short, with my rubber shoes off course.
Magba-basketball sana ako. Kaso off limits na yung stadium sa university kapag 6 pm na ng hapon. Eh wala naman basketball court dito sa park na ito, court lang para sa mga naglalaro ng volley ball. Kaya magjo-jogging nalang ako.
Napairap ako, kasalanan ito ni mommy. Last year ko pa siya ginugulo about sa pagpapatayo ng basketball court dito sa park na ito. Mayor kasi ang mommy ko dito sa Berlin City.
Pero palagi niya naman ako pinapagalitan, mahirap daw yung bigla bigla nalang daw siya magpapatayo ng basketball court. Kailangan niya pa daw planuhin ng mabuti, marami pa daw kasi siyang projects pa na ipapatupad sa city.
Umiling ako para mawala sa isip ko yung about sa basketball court. Nagpatuloy nalang ako sa pag-jogging ko.
Pang limang ikot ko na ito sa buong park. Medyo nananakit na nga ang mga paa ko at hinihingal. Pero go parin, hindi naman na big deal.
Napatigil ako sa pag-jog nung biglang nag ring ang earpuds ko. Pinindot ko, para masagot ko yung tawag.
"Hello? Who am I speaking to?"
"Nali? Uuwi ka ba ngayong gabi? Nakalimutan mo ata na may family dinner tayo." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni mommy.
Shoot! Nakalimutan ko!
Tinignan ko yung watch na nasa wrist ko. 6:48 pm na. 8 pm pa ang dinner. Makakaabot pa naman ako.
"Ahhh ehh, nag-aasikaso pa ako mommy. At exactly 8 pm nandyan na ako." napakamot nalang ako ng ulo ko. Plano ko pa naman magmovie marathon doon sa apartment. Mukhang hindi na matutuloy.
"Siguraduhin mo lang Nali, may guests na darating. Kailangan kompleto tayo." seryosong sabi ni mommy sa kabilang linya. Na-i-imagine ko na yung mukha niyang salubing ang dalawang kilay.
"Oo na po ma'am." sukong sabi ko.
"Good." saka nito pinatay ang tawag.
Napabuntong hininga nalang ako. My plan was canceled. Hay naku, makauwi na nga. Kailangan ko na mag-asikaso.
Aalis na sana ako, kaso may narinig akong sumigaw, "Miss! Ilag!"
Lumingon ako sa pinanggalingan nung sigaw. Pero imbis na tao ang bumungad sakin, bola ng volley ball ang lumitaw!
Parang slow motion ang nangyari. Huli na para makailag ako, mga 5 inches nalang ang layo ng bola sa mukha ko. Napapikit nalang ako at nagdasal ng tahimik. Na sana huwag duguin ang ilong ko.
3
.
.
.
2
.
.
.
1
Walang bola na tumama sa mukha ko. Pero ramdam ko na may humila sakin. Nakayakap ako ngayon doon sa nagligtas sa akin.
Narinig ko siyang bumuntong hininga, "Phew, muntik na yun miss. Mukhang malakas pa naman yung pagkakabato nung bola."
Nagtaas ako ng ulo. Nakangiti sa akin yung humila sakin.
Dark green hued hair, clean cut, magandang jaw...at pogi.
Te––teka!? Kailan pa ako nag compliment ng ganito? Pogi? Like seriously Nali. Snap out of it!
Napansin kong nakayakap parin ako sa kaniya. Kaya dali dali akong humiwalay sa yakap, at napahawak sa pisngi ko.
Nagbablush ako. What the fuck!?
Umubo ako bago ko siya hinarap ulit, "Thank you." pagpapasalamat ko sa kaniya.
"Okay lang yun. Madalas mangyare yan dito. Huy kayo! Humingi kayo ng sorry!" lumingon siya sa mga batang naglalaro kanina ng volley ball.
Lumapit naman sila sa pwesto namin at nagsorry, "Sorry po ate."
Tumango ako, "Okay lang, hindi naman talaga yan maiiwasan. Nakatama na rin ako ng tao dati, gamit ang bola ng tenis. Nahospital siya."
Napangiwi sila. Kasi alam nila na kahit maliit ang bola ng tenis, masakit parin yun kapag natama sa tao.
"Ah eh, sorry po talaga! Bye po!" sabay sabay na sabi nung mga bata, tsaka umalis na.
Napangisi nalang ako, pero agad nawala nung naalala ko yung family dinner namin mamaya.
"Oh no. Got to go. Thank you ulit. It was nice meeting you." nag-bow ako sa kaniya. Tanda iyon ng pasasalamat ko sa kaniya.
"It was nice meeting you too." nginitian ko siya, bago tumalikod at tumakbo palayo.
>°•🏹•°<
Pagkarating na pagkarating ko palang sa mansyon namin, ay bulyaw na agad ni mommy ang narinig ko.
"Ikaw talaga Nali! Sabi mo at exactly 8 pm nandito ka na! Pero late ka naman ng two minutes! And look at your dress! Napaka-plain!"
Sinamaan ko ng tingin si mommy. Dahil sa ka oa-yan niya.
"Mommy, 2 minutes lang yan. And wala pa naman yung guests na sinasabi niyo. And fyi mommy, anong plain? Nag-dress nga ako para sa dinner natin! Eh alam mo naman na hindi ako nagsusuot ng mga ganito!" narinig kong tumawa sila Lola,Lolo at daddy.
Nag cocktail dress na nga ako, nagheels at naglugay ng buhok pero plain parin? Naglagay pa nga ako ng light make up! Iba talaga ang definition ni mommy ng plain!
"Oo nga naman honey. Relax! Nag-papastress ka na naman eh. Sige ka, lalabas na naman mga wrinkles mo." niyakap ni daddy si mommy sa likod.
"What? Wrinkles?" hindi makapaniwala na sabi ni mommy, napahawak ito sa noo. Napakaconscious niya kasi pagdating sa mukha niya.
"Your husband is right iha. Don't stress yourself too much." sabat naman ni lolo. Na nakaupo sa pinakadulo na bahagi ng mahabang mesa.
"Apo maupo ka na rito." itinuro ni lola ang bakanteng upuan na nasa tabi niya. Tumango naman ako,naglakad papunta doon, tsaka umupo.
Ehhh? Hindi ba dapat sa kabila ako? Fine, lipat nalang ako mamaya.
Sumunod naman sila mommy at daddy. Nasa katapat na upuan namin ni lola ang mga parents ko.
Wala pang food sa table. Hindi pa isine-serve, kasi wala pa yung mga expected guests nila mommy at daddy.
"Mawalang galang na daddy. Pero sino sino ang mga guest's na hinihintay natin?"
Nagkatinginan silang lahat, walang nagsalita. Kaya nagtaka ako bigla. Pinaningkitan ko ng mata sila mommy, daddy, lolo at lola.
"So sino nga?"
Lolo coughed twice, "Ija, hindi niyo pa ba nasasabi kay Nali?" tumingin siya sa mga parents ko na parang naestatwa.
"Balak namin sabihin, kapag nandito na sila." sabi ni daddy
"Who?" takang tanong ko. Pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanila. Kaya napabuntong hininga nalang ako.
Mukhang hindi pwedeng i-disclose sa akin yung about sa guests nila. Well, okay lang naman.
Ininom ko nalang yung strawberry juice na nasa tapat ko. Masarap ah? Extracted ba ito galing sa natural strawberries o tang na juice lang? Either way, masarap parin naman silang pareho.
Ibinaba ko ang baso nung makita ko si butler George na lumapit kay lolo. Nag-bow ito.
"Master Henji, nandito na po sila." napalingon kaming lima kay butler George, na kapapasok palang sa dining area.
"Papasukin mo na sila." utos ni lolo sabay tayo sa kinauupuan niya. Tumayo na rin ako kasi nakita ko sila mommy,daddy at lola na tumayo.
Bumukas ang dalawang malaking pinto ng dining area. Nakatingin lang ako doon hanggang may isang matandang babae at lalaki ang bumungad sa pinto.
"Henji, mi compadre!" biglang sigaw nung matanda, saka patakbong lakad na pinuntahan si lolo sa pwesto niya.
"Hey Peter, mag-dahan dahan ka nga. Mamaya mag-crack na naman yang balakang mo." paalala nung matandang babae sa kasama niya.
Pero ito hindi nakinig, hanggang sa marating niya si lolo. Nanlaki ang mata ko nung binatukan ni lolo yung lalaki.
"Ang kulit mo parin talaga kahit tumanda ka na." nakangisi si lolo habang sinasabi iyon.
Habang yung isa naman ngumuso lang, na para bang nalugi siya.
"Ahh oo nga pala iha, ito si Peter Quinton at ang asawa niya naman ay si Isabella Quinton." pagpapakilala ni lolo sa dalawang bisita.
"Nice to meet you po." lumapit ako saka nagmano sa mga bisita. Nginitian nila ako. The Peter guy even patted my head, na para bang isa akong pet na aso.
Bigla akong nagblush. Nakakahiya eh!
"Ang galang naman ng apo mo, Henji. Ang layo sa bastardo mong ugali nung nasa college pa tayo." sabi ni Peter, sinamaan siya ng tingin lolo.
"Huwag mo nga akong tina-trashtalk sa harap ng apo ko." masungit na sabi ni lolo.
"Yeah whatever." Peter rolled his eyes at my lolo.
"Maupo ka na ngang isip bata na matanda." sabat naman nung si Isabella. Parang bata naman na sumunod si Peter sa asawa niya.
Umalis ako sa pwesto ko at pumunta sa side nila mommy and daddy. Doon kasi dapat umupo ang mga matatanda sa side ni lola.
Umupo na sila Peter at Isabella sa tabi ni lola, "Nasaan yung apo mo? Akala ko ba makakasama siya ngayon?"
Tanong ni lolo sa kaibigan niya.
"Mali-late daw siya ng ka-unti, ewan ko ba sa batang yun. Napakabagal, parang babae kung mag-asikaso eh!" reklamo ni Peter kay lolo.
"Hoy, umayos ka Peter. Kung ayaw mong sa sala ka matulog." pagbabanta ni Isabela sa asawa niya.
"Oo na, shut up na." napatawa kaming lahat sa inasta niya. Tiklop pala sa asawa eh.
"Master Henji, nandito na po ang apo nila." narinig naming sabi ni butler George. Tumango naman si lolo, at sinenyasan siyang papasukin yung bagong dating na bisita.
Bumukas ulit ang pintuan. Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko kung sino yung pumasok sa dining area.
"I'm sorry if nalate po ako lolo, lola."
Mister Pogi!?

Comentário do Livro (20)

  • avatar
    Rona Mae Faraon Amistoso

    Good plot, nice story. Keep it up author 👍👏

    29/05/2022

      0
  • avatar
    Allan Dave Aclan

    ganda 100

    14/07

      0
  • avatar
    Reynold Villalva Mantes

    nice story❤️

    04/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes