logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4

Koal’s POV
Kasalukuyang naglalakad ako ngayon papasok sa opisina. Hindi na nga sana ako apasok ngayon dahil nga sa nangyari sa ’kin kahapon sa rooftop. But I need to work my ass off, para kay Mama at Papa.
It gives me goosebumps every time I remember it. Nawala na lang ako sa ’king malalim na pag-iisip nang bigla na namang umentrada ang walang prenong bibig ng kaibigan ko.
“Hoy bhie! Okay ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo? Kung may masakit man, ‘saan? Dito ba? Ano na, sumagot ka naman!” nag-aalalang sigaw ni Francine sa ‘kin sabay tingin niya sa ’king katawan mula ulo hanggang paa, tinitingnan kung may mga pasa ba talaga ako o wala.
“God, mabuti na lang at kumpleto pa ang katawan mo,” turan niya ulit sabay hawak niya sa sarili niyang dibdib at nagpalabas ng malakas na buntonghininga.
“Ano ba ‘yang pinagsasabi mo riyan, Francine ha? Ang ingay mo ke-aga-aga,” reklamo ko sa kanya sabay hawak ko sa sarili kong tenga na animo’y tine-testing kung nakakarinig pa ba ako.
“Koal, bakit ‘di mo ako sinabihan agad? Paano na lang kung may nangyari talaga sa ’yong masama ha!?” naiiyak na niyang sigaw sa ’kin, habang ako naman ay nakakunot noo lamang na nakatingin sa kanya. Ano ba’ng pinagsasabi nito?
“Ano ba ang pinagsasabi mo riyan, ha?” tanong ko sa kanya. Nabigla na lang ako nang tumunog ang notification bar ko kaya tiningnan ko kaagad ito, dahilan upang mapako ako sa aking kinatatayuan sa aking nakita sa group chat.
“P-Paanong….” naguguluhang turan ko pabalik kay Francine sabay layo ko sa kanya nang kaunti, habang siya naman ay parang maiiyak na.
“Nagkalat sa buong E Master’s Company ang CCTV footage sa rooftop. Umuwi ka na lang muna sa inyo ngayon, ako na ang bahala magpaliwanag,” nag-aalalang saad ni Francine sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.
H-hindi…sinong may gawa nito? Bakit? Kaya pala habang papasok ako rito sa building kanina, maraming tumingin-tingin sa direksyon ko. Pero wala akong pakialam kahit ano pa ang isipin nila tungkol sa ’kin. Basta ang importante, alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama.
“Okay ka lang, Koal?” nag-aalalang tanong pa rin ni Francine sa akin kaya napatango-tango naman agad ako sabay ngiti ko sa kanya.
“Ano ka ba, okay lang ako, ‘wag kang mag-alala okay?” saad ko pabalik sa kanya upang mapanatag na ang loob niya.
“Don’t worry, nag-file na agad ako ng case about dito,” dagdag nito sabay tingin sa’kin na para bang kakainin na niya ako nang buhay. “At saka, bakit hindi mo man lang ako kaagad tinawagan kagabi, ha?”  Heto na naman tayo…umaandar na naman pagka-ate nito. That’s why I really like her as my bff. 
Pagdating kasi sa mga ganitong sitwasyon, napaka-caring niya…hindi nga lang halata. And speaking of kagabi...
It’s already 5pm in the afternoon, pero wala pa rin akong nakikita kahit na anino man lang ni Greek God.’Yong naka-mask, I mean.
“Jusko, gusto ko lang naman sanang magpaalam ng matiwasay,” Ang sabihin mo Koal, gusto mo lang malaman kung ano pangalan niya, sabad naman ng kontrabida kong utak.
6pm. 8pm. 9pm.
“Okay. It’s enough. Maka-uwi na nga lang, jusko. Nilulumot na ata ang tiyan ko sa gutom kahihintay sa lalaking ‘yon,” nagmamaktol ko pang saad sa ’king sarili’t kinuha na ang mga gamit ko sa mesa.
Akmang lalabas na sana ako ng kuwarto nang bigla nalamang bumukas iyon, dahilan upang ma sagi ang ilong ko at magdugo ito.
“Shuta ka! Hindi ba uso sa lugar ninyo ang salitang ‘katok’ ha?” pagalit na saad ko rito, sabay kuha ng tissue sa ’king bag at hinarangan ang nagdudugo kong ilong. Buhay naman pala ‘tong Greek God na ‘to, eh. Pinahintay pa ako.
“It’s not my fault,” mas malamig pa sa yelong saad nito sa akin at tiningnan lamang niya ako mula ulo hanggang paa.
“Alam mo, gwapo ka naman eh, kaso--”Hindi ko na naituloy ang nais kong sabihin ng bigla na naman itong nag-walk out. Ulit.
“Hoy! May walk out disease ka ba, ha?” pahabol na sigaw ko pa sa kanya pero ‘yong gago isinuot lang ulit ‘yong hoodie jacket niya at nagpatuloy sa paglalakad na parang walang nangyari.
Paano ko naman mamahalin ‘yang lalaking ‘yan, kung ganyan siya ka suplado? Nako naman Koal…
“Hello? May kausap pa ba ako?” Napukaw na lang ako mula sa’king pagpapantasya nang marinig ko ang boses ni Francine.
“Ha?” lutang na saad ko rito at tinayaran lamang ako ng gaga. Aba’t!
“Hakdog,” puno ng sarkasmong saad ni Francine pabalik sa akin sabay iling-iling niya. “I guess, Hindi ko na kailangan pang mag-alala sa’yo. Gano’n na ba kaganda ang nangyari sa’yo kagabi? To the point na ngumingiti ka na riyan?” May halong pang-aasar sa boses na sabi nito. Sabay taray niya ulit sa akin.
“A-Anong ngumingiti? Ako? Hindi ah.” pagdadahilan ko pa.
“Yeah, yeah. And pigs can fly, Koal. Halika na ma la-late pa tayo dahil sa ‘yo eh.” At nagpatiuna na nga ito sa’kin sa paglalakad.
“Anong problema niya? Hay, paminsan ang hirap talaga intindihin ng mundo,” parang tanga kong sabi sa’king sarili’t naglakad na rin upang makapunta na sa table ko.
I think this day will be a hard one for me, piping bulong ko at napabuntonghininga na lamang.
Kasalukuyan akong nagpapalabas ng sama ng loob sa CR ngayon. Akmang lalabas na sana ako ng cubicle nang bigla na lang akong mapahinto dahil sa mga naririnig kong mga nag-uusap sa labas.
“Girl, you know what, that girl in the CCTV footage is so nakakadiri. Look oh, maganda lang naman siya dahil sa half-Korean siya, like duh? Siguro ganiyan rin Mom niya,” maarteng saad ng isang babae.
“I know right, at saka…si fafa Nikko pa talaga? Haha, sigurado akong in-edit niya lang ‘yong footage at pinapalabas niya na siya ‘yong victim like, ang gwapo kaya ni Dep. Nikko for that girl,” maarteng sabi rin ng isa pang babae.
Para akong binuhusan ng balde-baldeng malamig na tubig, right in front of my face dahil sa mga na rinig ko.
Ako ‘yong biktima! Bakit ba hindi nila makita ‘yon? bulong ko sa aking isipan at agarang lumabas na lang ng cubicle dahilan upang mapatayo sila nang tuwid sa gulat.
“Ah—eh…” kinakabahang saad no’ng isang mukhang palaka na nasa dulo. Ang kapal naman ng blush-on niya. Parang sinampal nang pa ulit-ulit, eh.
“You know… you two,” pagsisimula ko pa sabay harap ko sa gawi nila. “Wala akong pakialam kung ano man, ang i-chi-chismis niyo patungkol sa ’kin dahil wala namang katotohanan ang lahat ng ‘yon. Pero kung idadamay niyo ulit ang Mama ko,” sabay lapit ko sa babaeng halos makita na ang kaluluwa niya sa suot niyang damit. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
“Magkakasubukan tayo,” may diing saad ko sa kanila at bigla na lang silang iniwan doon na nakatulala. Mga walang magawa sa buhay!
Kasalukuyang naglalakad ako ngayon at naghahanap ng table na puwede kong mauupuan. I hate being the center of the crowd, kahit sino naman siguro ‘di ba?
“Siya ba ‘yon?” rinig kong tanong ng isang babae sa kabilang table sabay nguso niya sa direksyon ko.
“Oo, siya ‘yong sinasabi ko sa ‘yo, ‘yong muntik nang ma-rape sa rooftop ni Nikko.”
Napa-higpit na lang ako ng kapit sa kutsara na kasalukuyang hawak-hawak ko ngayon para pigilan ang sariling saksakin ang bunganga nitong mga chismosa na ‘to.
“Hala, siya ba? Nakakaawa naman,” saad naman nung isang katabi nila.
“Pero alam mo ba? Ang bali-balita raw, inakit niya raw si Nikko kaya ayun...” Doon na ako hindi nakatiis at sinalampak ko na lang ng biglaan ang kubyertos sa mesa. Lumikha ito ng napakalakas na ingay sa buong cafeteria kaya napatingin agad silang lahat sa direksyon ko.
Pinandilatan ko na lamang sila sa mata kaya napayuko na lang agad ang mga ito. Mabuti at may hiya pa pala kayo? Nawalan na ako ng ganang kumain at umalis na lang do’n.
“Okay ka lang ba talaga, Koal?” tanong ng office mate ko na si Samantha.
“Oo naman,” simpleng tugon ko at binigyan siya ng hanggang taingang ngiti.
“I’m glad to hear that,” saad ni Samantha pabalik sa ’kin sabay ngiti nito at bumalik na sa table niya. Himala yata at kinausap ako ni Samantha? takang tanong ko sa ’king isipan at ipinagsawalang bahala na lamang ito.
“Hala, patay! Shuta, hindi ko pa nagagawa ‘yong last schedule ni Boss,” tarantang saad ko sabay dali-daling pumunta sa table ko na kaharap lamang ng CEO Office. Buwiset naman, oh.
Hapon na nang matapos ko ang lahat ng Gawain sa opisina. “Jusko, ako na yata halos gumagawa ng trabaho nitong CEO na ‘to,”  mahinang reklamo ko at kinuha ang baso sa ‘king tagiliran at ininom ang tubig mula roon. Ibibigay ko ba ‘to sa kanya ngayon? Baka sarado na naman ‘tong opisina niya.
Sabay pihit ko ng door-knob at nagulat agad ako na bukas ito. Hala? Himala?
“Boss? Yoohoo?” sabi ko sabay hinay-hinay na binuksan ang pinto ng CEO office, naalala ko tuloy ‘yong magnanakaw—
“Ahhh!”  malakas na sigaw ko,”Tulong! Akala ko umalis kanang tukmol ka? Kung sino ka man wala kang makukuha sa opisina ni Boss! Wala rin akong pera! Kaya bitiwan mo akong tukmol ka!” hysterical na sigaw ko habang nakapikit pa rin ang aking mga mata at nagpupumiglas sa hawak nito.
“Shut up, woman.” May diin ang pagkakasaad ng isang baritonong boses dahilan upang mapako agad ako sa aking kinatatayuan. Teka? Bakit pamilyar ‘yong boses na niya? Saan ko nga ba ‘yon na rinig? Isa kaya sa mga manliligaw ko na binasted ko dati?
Dahil sa kinakain na nga ng kuryosidad ang lola niyo ay dahan-dahan kong itinaas ang aking paningin nang bigla na lamang niyang isinubsob ang aking ulo sa kaniyang matipunong pangangatawan.
Oh my god! Alam ko na kung sino siya. Pero anong ginagawa niya rito? Bumalik na lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Sir. Mark, head ng department nila Francine.
“I have something to tel you Grey—oh, did I interrupt something?” parang may panunuyang saad ni Sir. Mark. Mag-re-reklamo na sana ako ng biglaang mas isinubsob pa niya ako sa kaniyang dibdib, dahilan upang mapasinghap ako.
“Go to hell.” Matigas ang pagkakasabi niya.
“Hindi naman ikaw ‘yong tipo ng tao na nagpapahawak kahit kanino—” Hindi na natapos ni Sir Mark ang gusto niyang sabihin nang biglaan na lang siya binato ng folder nitong lalaking nakahawak sa akin ngayon.
“I will decrease your salary? Or, I will fire you? Choose,” may diing saad nitong Greek god na nakayakap pa rin sa akin ngayon, dahilan upang manlaki ang mata ko. Na babaliw na ba siya? Ano ba’ng pinagsasabi niya?
“Wala namang good choice—”
“Mark Ylondra.” Mahina ngunit puno ng awtoridad ang wika niya kay Sir Mark. Pati nga yata balahibo ko sa kili-kili natakot.
“Geez man, I’m just joking around. And oh—one more thing, Ms. Lee? That person holding you right now, his name is Grey Nicklaus.” ‘Yon lamang na rinig ko bago ako makarinig ng pagbukas at pagsara ng pinto.
Grey Nicklaus
Grey Nicklaus
Grey Nicklaus
Pabalik-balik na turan ko sa aking isipan hanggang namalayan ko na lang na pinakawalan  na niya ako. Habang ako naman ay nakatunganga lamang at naghihintay na may gumising sa akin sa napakabuwiset na panaginip na ito. Jusko nakakahiya! Siya pala ang CEO ng kompanya!
“B-Boss, nandito na po ‘yong schedule niyo for—” Hindi ko na natapos ang nais kong sabihin nang mapansin ko na nakatingin lamang siya sa ‘kin na para bang pinag-aaralan niya ang buong pagkatao ko. Napalunok naman agad ako ng laway dahil sa kaba.
Alam ko namang marami akong nasabing  hindi kanais-nais sa ’yo boss…pero h’wag mo naman akong titigan nang ganyan. Inayos ko ang aking skirt na suot. Jusko, bakit sa lahat ng tao ay siya pa?
“M-May problema p-po ba?” naiilang na tanong ko sa kanya sabay ngiti ng mas plastic pa sa plastic. “About po doon pala kanina na sinabihan ko kayo na magnanakaw…p-pasensya na po talaga,” sabi ko rito sabay yuko ko ng kaunti upang magbigay galang sa kanya.
Bumalik na lang ako sa reyalidad ng mapansin ko na hindi pala siya nakasuot ng maskara niya ngayon. Hay, mabuti naman, mas gusto ko kasing nakikita ang pagmumukha niya, eh.
No’ng nasa highschool pa kasi ako, sanay na akong nag-aalaga nang may mga kapansanan at ‘yong iba, mas malala pa kaysa sa pilat na mero’n siya. Kaya no’ng nakita ko ang pilat niya sa kaniyang kaliwang mata, hindi ko talaga siya magawang pagtawanan o kutyain man lang. Hindi kasi natin alam kung anong pinagdadaanan nila sa buhay.
“Don’t look at me like that. You’re just a mere secretary. So act like one, Miss K.” May diin ang bawat salita niya sabay sipsip niya sa dala-dala niyang kape kanina at umupo sa sweavel chair niya.
“Mere secretary…” mahinang turan ko sa aking sarili at napangiti na lang nang mapakla. Bakit nasasaktan ako? “As you say so, Boss,” walang ganang turan ko at akmang lalabas na sana ng pinto nang mapatigil ako at lumingon ulit sa gawi niya na abala na ngayon sa pagbabasa ng mga papeles.
So…sa anim na buwan na hindi ako nakakapasok rito sa opisina niya, ay nandito lang siya’t ginagawa ang trabaho niya?
Ang kaninang galit na nararamdaman ko sa kanya ay napalitan na agad ng awa. Kinukulong niya ba ang sarili niya? Dahil natatakot siyang makita ng ibang tao ang pilat niya? Pero bakit sa akin hindi?
“Hindi ka ba lalabas?” walang emosyong saad nito habang abala pa rin siya sa pagtingin sa mga papeles. Napabuntong hininga nalamang ako’t tumingin ulit sa kanya.
“Magpahinga ka rin Boss, mga papeles lang ‘yan, ang kalusugan mo ang mas mahalaga,” biglaang turan ko at isinarado ko na nang tuluyan ‘yong pinto.
Sana lang talaga hindi ako matanggal sa trabaho, jusko Koal. Bakit ba kasi hindi mo mapigilan ‘yang bunganga mo? Napailing na lang ako.

Comentário do Livro (135)

  • avatar
    Kyle Jen Abay

    verygood

    5d

      0
  • avatar
    Neth Ranario

    Nindot

    6d

      0
  • avatar
    Princess Rhianne Berden

    this is so good to read

    10d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes