logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 2

Napakasarap pagmasdan ng malawak na lupaing nababalutan ng luntiang kulay. Bahagyang lumakas ang hangin kaya itinaas ko ang dalawa kong kamay sa ere upang salubungin ito. Isinayaw nito ang mahaba kong buhok, sumasabay sa pag-indak ng mga dahon ng puno at mga halaman, ang sarap sa pakiramdam.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pangangawit ng aking binti, dahil na rin siguro sa layo ng distansyang nilakad ko mula sa mansion ng hacienda patungo rito. Naupo ako sa damuhan saka isinandal ang aking likuran sa katawan ng puno.
Sana ganito na lang palagi kapayapa ang puso at isip ko. Yung walang sakit na nararamdaman, yung okay lang palagi at walang masyadong iniisip. Ngunit mukha yatang malabong mangyari yun…ang buhay ng tao ay parang isang malaking obstacle course, napaka-komplikado. Sabi nga nila ‘We can’t control our own fate’. Wala kang magagawa kundi tanggapin na lang ang sakit kapag ikaw na ang napiling paglaruan ng tadhana.
Pero unfair naman masyado. Bakit kailangang paglaruan ako ng tadhana? Wala ba siyang sariling laruan? Sana nagsabi man lang siya sa akin para ibinili ko na lang siya ng human-sized teddy bear, e di sana ay yun ang napaglaruan niya at hindi ako.
I don’t know how many stupid times I already asked myself …
‘Deserve ko bang masaktan ng ganun? Deserve ko bang lokohin ako ng mga taong mahal ko? Deserve ko ba?’
Araw-araw, paulit-ulit, tinatanong ko yan sa sarili ko pero hindi ko rin alam kung ano ba ang sagot, hindi ko masabing ‘oo’ at hindi ko rin masabing ‘hindi’. Nalilito ako ng sobra.
Okay lang naman sana sa akin kung sinabi ni Carl na ayaw niya na talaga, na may iba na siyang mahal. Sana sinabi niya ng maayos para hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon. Pero hindi e, mas inuna niyang lumandi kesa linawin sa akin yung katotohanan na ayaw niya na pala. At ang mas masaklap pa dun, bestfriend ko ang ipinalit niya sa akin. Ginago nila akong dalawa, mga putangina nila!
Iminulat ko ang mga mata ko, kasabay nito ang muling pagpatak ng mga taksil kong luha. Umiiyak na naman ako aish! Nakakainis naman itong mga luhang tu, try ko ngang wag uminom ng kahit na anong drinks sa loob ng isang linggo, tignan ko lang kung makaluha pa ako ulit.
“Bakit ba ang hilig tumangis ng mga tulad mong mortal tsk tsk” Napatango ako sa narinig.
“Bakit nga ba? Bakit kailangang may pa-props pa kapag nasasaktan?” Bulong ko sa sarili.
Teka! Sino yung nagsalita kanina? Saan yun nanggaling? Napatayo ako at hinanap sa palibot ng puno kung sino man ang talking kabute na yun, bigla-bigla na lang nagsasalita from out-of-nowhere. Napakamot ako sa ulo ko nang wala naman akong mamataan na kahit na sino. Isip ko ba yung nagsalita? Eto ba yung part na tatanungin ko kung sino siya tapos sasagutin niya ako ng ‘ako ang iyong konsensya’ ---Pero teka! Bakit panglalaki yung boses? Di naman yata tomboy yung utak ko dibuhh? May kasarian ba ang utak? Aba malay ko brr~
“Hayst, para kang hibang, nakakatawa kang tignan” Gulat na napatingin ako sa itaas na bahagi ng puno kung saan sa palagay ko nanggagaling yung boses ng lalaki.
WHAT THE FUDGE! Nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa malaking sanga ng puno habang nakatingala sa kalangitan, nakasuot siya ng puting kasimo at puting pantalon, trip niya ba talaga mag-all-white? Bakit hindi ko siya napansin kanina? Para pa naman akong baliw kanina na may pataas-taas pa ng kamay sa ere. Nakita niya kaya yun?
Bahagya kong naihakbang paatras ang isa kong paa nang ibaba niya ang tingin at diretsong nagsalubong ang aming mga paningin. “Anong tinitingin-tingin mo diyan, mortal?” Hindi ako kumibo. Nanatili akong nakatitig sa kanya. Nakita kung paano nag-arko ang kilay niya. Nilingon niya ang mga kalapit na sanga, tumingala rin siya at tinignan ang iba pang sanga sa itaas saka muling ibinagsak ang titig sa akin.
“Sino ka? Anong ginagawa mo diyan?” Biglang nanlaki ang mga mata niya, isa pa tong OA e, magkamag-anak yata sila ni Manong na parehong may lahing tarsier.
“N-nakikita mo ako?” Ako naman ang napataas ang kilay ngayon. Anong akala niya sa akin, bulag? Duh! Sa ganda kong tu, aakalain niya lang na isa akong hibang at bulag? No effin way!
“Bakit? Invisible ka ba para hindi ko makita?” Napaawang ang bibig niya, parang hindi siya makapaniwala na nakikita ko siya. Ang lakas ng topak niya, pramisss!
Pero ang mas ikinagulat ko ay nang bigla siyang maglaho at sumulpot sa harapan ko. Muli akong napaatras. PAANO NIYA NAGAWA YUN? Kumaway-kaway siya sa mismong harapan ko, tila sinisiguro kung nakikita ko ba talaga siya. Nang matauhan ako sa pagkagulat ay agad kong tinabig ang kamay niya.
“Anong---Nahahawakan mo ako?!” Gulat niyang turan at hinawakan ang kamay niyang tinabig ko gamit ang isa pa. Gosh! Did I just witnessed a live magic---No I mean, nakita ko e, kitang-kita ng dalawa kong mata na naglaho siya sa sanga at bigla na lang nag-appear sa harapan ko. Hindi naman siya tumalon from up there dahil makikita ko dapat yun kasi nga nakatitig ako sa kanya, at isa pa ay maririnig ko ang pagbagsak niya sa lupa.
“What are you?” Pabulong kong tanong saka muling humakbang paatras sa kanya.
OMG! Baka nga totoo yung sinasabi ni Lanie na may mga magical creatures dito! Wahhhhh!
Gulat na tinignan ko siya saka ako nagsimulang magbilang sa isip, mukhang wala pa siya sa katinuan kaya magagawa kong makatakbo---- Isa…Dalawa…Tatlo!
Mabilis ko siyang tinalikuran saka ako mabilis na tumakbo palayo sa kanya.
“Binibini! Sandali!” Narinig ko pang tawag niya sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon pa. That was really----FLABBERGASTING!!!
“Manong! Buksan niyo itong gate!” Kinalampag ko ang gate para maalarma ang nasa loob, nang mabuksan ang gate ay agad akong tumakbo papasok. Narinig ko pa din na tinawag ako ni Manong pero hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Pinagtitinginan ako ng mga manggagawang nakakasalubong ko pero wala na akong pakialam, gusto ko lang makauwi na sa mansion at magkulong na lang ulit sa kwarto ko.
Gosh! Hindi pa nabubuo ang broken pieces ng puso ko ay magkakaroon naman ako ng heart-attack dahil sa nasaksihan ko kanina. Haizt! Sana pala ay naniwala na lang ako sa mga sinabi ni Lanie, e di sana ay hindi ako tumatakbo ng ganito kabilis, dinaig ko pa yata yung mga kabayo dito sa hacienda sa bilis ng pagtakbo ko. Ako na lang kaya ang sumali sa horse race---Duh! Hindi naman ako mukhang kabayo ah!
Nang marating ko ang mansion ay diretso akong nagtungo sa kusina, kinuha ko ang isang pitsel at walang alinlangang tinungga ang laman nitong tubig. What the hell was that? Inilapag ko ang pitsel sa mesa saka sinubukang pakalmahin ang sarili. Inhale! Exhale! … Kaya mo yan Eliza---Hindi kaya naghahallucinate lang ako dahil super dami ng mga iniisip ko nitong nakaraang mga araw? Baka nga, ang OA ko naman pala masyado brr~
“Marahil ay tunay ngang nakikita mo ako” Tila naestatwa ako nang marinig ko na naman ang boses na yun. Paano siya nakarating dito?--- ‘Chill lang self, naghahallucinate ka lang’ Oh please tell me na nag-iimagine lang ako…
“Binibini?” Tawag niya sa akin ngunit hindi ko pa rin tinangkang sulyapan siya.
"Hayst…nagkakamali ba ako? tsk tsk tsk” Kinakausap niya ba ang sarili niya? Parang baliw lang ah.
“Marahil ay nagkamali ako, isa ka lamang talagang nahihibang na mortal” Teka! Parang nagpanting ang tenga ko dahil sa narinig. Talaga bang iniisip ng ‘creature’ na to na nababaliw ako…?
Hinigpitan ko ng hawak ang pitsel saka siya matalim na sinulyapan. There is no effin way na papayag akong tawagin niyang baliw! Hello? Pang Miss-Universe kaya ang beauty ko, height lang naman ang nagkulang sakin e hmp!
“Nakatingin ka na naman sa gawi ko, sa iba ka nga tumingin ng hindi ako nalilito sayo tsk tsk tsk” Iwinasiwas niya pa ang kanyang kamay sa ere na para bang nagtataboy ng aso paalis. Aba naman talaga! Parang nawala ang kaba at pagkagulat na naramdaman ko kanina, napalitan ng inis para sa bwisit na nilalang na nasa harapan ko. Letchugas!
“Punyeta ka! Lumayas ka sa harapan ko!” Sigaw ko at inihagis sa kanya ang pitsel. Mabilis naman siyang nakaiwas saka gulat akong itinuro gamit ang daliri niya.
“N-nakikita mo talaga ako?” Tanong niya na hindi ko na lang pinansin.
“Lumayas ka dito! You weird and peculiar creature!” Hindi ko alam kung ilang plato at baso na ba ang nabasag sa sahig dahil sa pagbato ko sa kanya. Urgeee! Bakit hindi siya tinatamaan?! Nakakainis!
“Ma’am Eliza! Bakit niyo po binabasag yang mga plato at baso?” Nanggugulumihang tanong ng Mayor Doma ng mansion na si Manang Belen. Letchugas! Di niya ba nakikita na binabato ko lang yung trespasser sa mansion nila?!
Tumakbo ako papalapit sa kanya at hinawakan ang braso niya “Manang Belen tulungan mo po ako, sinusundan ako ng creature na yan!” Sumbong ko kay Manang Belen at itinuro yung---anong klaseng nilalang ba siya? Mukha naman siyang tao e, tao na may kakayahang maglaho. Nagtago ako sa likod ni Manang Belen ng mapansin kong nakangisi sa akin yung lalaki habang nakahalukipkip pa ang magkabilang-kamay! Wahhhh! I’m starting to get goosebumps!
“Hija, ano bang sinasabi mo? Tayo lang naman ang nandito” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Bulag ba to’ si Manang? Hindi niya ba nakikita yung—yung lalaking impakto na yun?
I can’t take this anymore wahhhhh!
“Bahala ka na diyan Manang!” Sigaw ko at tumakbo na patungo sa kwarto ko. Tinahak ko ang hagdan paakyat. Bakit hindi ni Manang makita yung lalaking yun? Sa kaiisip ay nakalimutan ko na tumatakbo nga pala ako paakyat sa hagdan, my left foot slipped. Can this day get any worst?
Napapikit na lang ako dahil alam kong diretso na akong gugulong pababa ng hadgan. Ngunit hindi nangyari yun dahil naramdaman kong may sumalo sa likod ko at hinapit ang baywang ko---Oh shut up!
“Jusmio! Paano mo nagagawa iyan Ma’am Eliza!” Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang tinig ni Manang Belen, mukhang gulat na gulat siya, problema niya?
Bumungad sa akin ang mukha ng lalaking may sa maligno. LIKE OMG! HE’S GRINNING AT ME NA NAMAN! Pero teka---Paanong nauna pa siya sa akin?---Shet! May sa maligno nga pala siya…!!!
“Itayo mo nga ako!” Sigaw ko sa lalaki. Hindi ko kasi magawang makatayo mag-isa dahil naka-bend ako at kapag binitawan niya yung pagkakahawak niya sa baywang ko, Boom! Hulog ako!
“Bakit naman kita susundin?” Tila nang-aasar niya pang tanong. Aba talaga naman!
“Ma’am Eliza, Jusmio ano ba itong nangyayari? Sino ho ang kinakausap niyo diyan?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Manang Belen. Shut up ka na muna manang! Mas OA ka pa sa akin e ako yung nakakakita ngayon ng lalaking maligno.
“Ibaba mo na lang ako” Utos ko sa lalaki. Nagkibit-balikat siya saka sumagot.
“Kung iyan ang nais mo” Naramdaman kong binitawan niya ako kaya naman hindi ko napigilang mapasigaw ---
“AHHHHHHHHHH!”
“Juskohhh Ma’am Eliza!!!!” – si Manang Belen
Akala ko talaga ay didiretso na ako pero hinawakan niya ang kamay ko para hindi matuloy ang paggulong ko sa hadgan. Busettt!
“Nakakaawa ka naman kung hahayaan lamang kitang magulong diyan tsk tsk” Saad niya at hinila ako patayo. Sa pagkakataong yun ay tinulak ko siya pagilid saka ako tumakbo patungo sa kwarto.
Narinig kong may kumalabog sa ibabang palapag ngunit hindi ko na yun binigyan pa ng pansin.
“Hoy! Sandali Binibini!” Busett! Bat niya ba ako sinusundan? Hindi ba obvious sa kanya na ayaw ko siyang makita? Natatakot kaya ako sa kanya brrr~
Ini-lock ko ang pinto ng kwarto saka ako palundag na sumampa sa kama, nagtalukbong din ako ng kumot. Shet! Feeling ko ay bigla akong napasok sa horror movie gosh! Pinagpapawisan na ako dahil sa nerbyos. Oo nga at mukha siyang tao, mukha naman siyang normal pero kaya niya maglaho at isa pa, nakikita ko siya pero hindi naman siya nakikita ni Manang Belen. How could that possibly be?!
“Bakit ba tinatakbuhan mo ako? Siniguro ko lamang naman kung tunay nga na ako’y iyong nakikita. Napakamatatakutin mo tsk tsk” Nanlaki ang mga mata ko, he’s here pa rin!
“P-pwede ba? U-umalis ka na lang…Alisss!” Napapikit ako ng mariin. Shupeee na kasiii!
“Hayst ang sungit mo naman” Komento niya. Naramdaman kong humakbang siya palapit sa kinaroroonan ko kaya naman nagsimula na mangarera sa bilis ang puso ko. Anong gagawin niya? Hindi niya naman ako sasaktan di ba?
“Nagtataka ako kung paano mo nagagawang makita ako gayong ang sabi ng aking ama ay walang kakayahan ang mga mortal na makita ang mga tulad namin” So totoo nga? Hindi siya nakikita ni Manang Belen pero nakikita ko siya? Paano? May third eye ba ako? Pero teka! Anong uri ng nilalang ba siya?
“Ganito ba kabilis maidlip ang mga mortal? Ngunit tirik pa ang araw…May dugong paniki ba ang mga mortal?” Ewan ko pero kahit kinakabahan ako ay tila gusto kong matawa dahil sa mga pinagsasasabi niya. Hilarious.
“Anong uri ng ng nilalang ka ba?” Nababaliw na yata ako para magsalita gayong ligtas na sana ako sa kanya, inakala niya na natutulog ako but I just blew my cover…
“Binibini? Hindi ka naman pala naiidip. Tsk, nalinlang mo ako” Para siyang timang sa totoo lang, bakit parang go na go siyang kausapin ako kahit na iniiwasan ko siya, manhid ba siya?
“Binibini, maaari bang harapin mo ako kung nais mo din lang pala akong kausapin?” Magmumukha ba akong bastos kung kakausapin ko siya ng ganito ang posisyon ko??---Malamang ‘OO’!
Hindi pa tuluyang naaalis ang kaba sa dibdib ko pero sa tingin ko naman ay hindi niya ako sasaktan kahit na kakaiba siya sa paningin ko. He’s something…extraordinary. Naupo ako ng ayos bago tinanggal ang kumot na nakatalukbong sa akin. Madilim ang paligid dahil hindi nakasindi ang ilaw, nakasara din ang lahat ng bintana pati na ang pinto, shucks!
“Binibini, ikaw ba ay may dugong paniki?” Napaawang ang bibig ko dahil sa tanong niya.
“M-mukha ba akong paniki?” I asked deliberately.
“Ang ibig kong sabihin, napakadilim ng silid na ito na iyong tinutuluyan at nagagawa mo ding maidlip gayong tirik pa naman ang araw” Ah so pag ganun, may lahing paniki agad? Hindi ba pwede na trip ko lang talaga?
“Wala akong dugong paniki, baka ikaw. May sa maligno ka ba? Paano mo nagawang maglaho kanina?---Hala! May lahing mangkukulam ka ba?!” Hinawakan ko ang buhok ko ng mahigpit. Baka kaya siya nandito ay para kumuha ng hibla sa buhok ko tapos kukulamin niya ako…dibuhhh?
“Wala akong dugong mangkukulam, isa akong engkantado” Literal na napanganga ko. Weh di nga?
“Nagjo-joke ka ba? Engkanto?---Hindi naman totoo yung ganun e” Hindi naman namin nakikita ang mukha ng isa’t-isa dahil nga madilim ang paligid.
“Hindi ako nagsisinungaling, Binibini” Napaisip naman ako. Kung engkanto talaga siya, yun ba ang dahilan kung bakit niya nagagawang maglaho?
“Ano pang skills mo?” Tanong ko, parang bigla akong nakaramdam ng excitement…Isipin niyo naman, nakikipagchikahan ako sa engkanto ngayon…Isn’t that marvelous?
“Eskils?” Bakas ang pagtataka sa boses niya. Hindi ba marunong mag-English ang mga engkanto? Siguro nga.
“Ang ibig kong sabihin, iba pang kakayahan” Paliwanag ko.
“Paumanhin ngunit hindi ko maaaring sabihin sa iyo. Ikinalulugod kong makausap ang isang mortal na tulad mo, Binibini. Subalit kailangan ko na umalis sapagkat siguradong hinahanap na ako sa aming kaharian” Whuttt?
“Sanda---” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang bigla siyang maglaho, syempre kahit madilim ay naaaninag ko pa rin siya.
Pero ano daw? Kaharian?
OMG! Kaharian ng mga Engkanto? Totoo ba yun?
I’m starting to think na may pagkakaabalahan ako ngayon habang nagmomove-on ako sa masaklap na nakaraan.
This is exciting!---yet….ABSURD!

Comentário do Livro (33)

  • avatar
    Chelle Desphy

    good

    26/07

      0
  • avatar
    Hydhn Rb

    ayus

    18/07

      0
  • avatar
    BolanoJonel

    Ang ganda ng kuwento nakakatakot

    29/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes