Chapter 4 *** Dahil tapos na kumain si Vern at hindi naman ako nagugutom dahil tapos na rin ako kumain bago pa man ako umalis ng bahay ay pinuntahan naming dalawa ang kuwarto na pagtutulugan namin at may malaki kaming problema—isa lang ang kama at maliit pa. Nahiga kaagad si Vern sa kama nang matapos ko ng linisan iyon at palitan ng mga punda ang unan, kumot at bedsheet. Sabi kasi ni Tita Gelay na palitan na lang raw dahil baka madumi na kaya sinunod ko na lang. "Humiga ka na," utos niya habang nakapikit. Napanganga naman ako sa sinabi niya. "Ha? Seryoso ka ba? Magtatabi tayo sa iisang kama?" Sunud-sunod kong tanong sa kaniya. "Parang hindi maganda—" hindi ko na naituloy pa ang sinasabi nang bumangon siya sa kaniyang pagkakahiga at lumipat sa lapag. Naglatag siya ng kumot doon at kumuha ng ilang unan. "Sorry, nakalimutan ko. Hindi na nga pala tayo bata," sambit niya saka pumikit. Natahimik naman ako sa sinabi niya at nasaktan. May mga bagay na hindi na namin pwedeng gawin lalo't mga dalaga't binata na kami ngayon. Hindi na pala talaga katulad ng buhay namin noon ang buhay namin ngayon. Napabuga na lamang ako ng isang malalim na buntong hininga at humiga sa kama. Nakabukas ang ilaw dahil sa takot ako sa dilim. Nakasarado at kandado na rin ang mga pinto sa ibaba bago kami magtungo rito at baka mamaya'y pasukin pa kami ng masamang loob. Malakas ang buhos ng ulan at dahil doon ay inantok na rin ako. Ilang oras ang lumipas at bigla akong nagising dahil naiihi ako. Ganoon na lamang ang gulat at takot na naramdaman ko nang tanging kadiliman lang ang nakikita ko at ang kidlat ang liwanag na nagsisilbing ilaw. Napapikit ako ng mariin nang kumidlat. Takot rin ako sa kidlat. Napaupo ako sa kama at napayakap sa tuhod. Maya-maya'y umiyak ako. May nangyari kasi sa akin noong bata pa lamang ako kaya naman takot ako sa madilim at sa kidlat. Naaalala ko ang pangyayaring iyon. Patuloy ako sa paghikbi ng mahina nang marinig ang boses ni Vern na tinatawag ang pangalan ko. "Yna? Yna, umiiyak ka ba?" Tanong niya. Iniangat ko ang ulo at sinubukang tingnan ang gawi niya pero hindi ko talaga siya makita. Hindi ko sigurado kung nakikita ba niya ako ngayon dahil nga madilim at hindi naman madalas kumidlat kaya itinaas ko ang kamay ko na agad naman niyang hinawakan. Tumayo siya at naupo sa kama saka ako niyakap at ipinilig ang ulo ko sa dibdib niya. Hinihimas niya ang likod ko habang sinasabi ang mga katagang 'Huwag ka na umiyak. Nandito ako,' Nang marinig iyon mula sa kaniya mismo ay gumaan ang pakiramdam ko. Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto. Nang tuluyan na akong kumalma ay lumayo na ako sa kaniya. Kinapa-kapa ko sa kama ang phone ko para sana gamitin iyon na maging ilaw pero nakalimutan kong namatay na nga pala iyon kanina habang naglalaro ako ng Dots. Nahihiya man ay tinanong ko pa rin si Vern. "P-Pwede bang ano... Kasi..." Hindi ko maituloy-tuloy ang gusto kong sabihin dahil sa kahihiyan. "Ano?" Tanong niya. Napayuko ako at sinambit ng mahina ang gusto kong sabihin sa kaniya. "Pwede bang ano... Ano kasi... Pwede magpasama sa... Sa ano... Sa banyo?" Sa wakas natanong ko na rin! Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago siya tumayo. Hawak-hawak niya ang magkabilang kamay ko at gina-guide ako papunta sa banyo. Muntikan pa akong mahulog dahil sa hindi ko makita ang hagdan. Nang makapasok na ako sa banyo ay kinapa ko pa muna ang inidoro bago ibinaba ang underwear ko. Nakaihi na rin sa wakas. Kahit papaano'y nagpapasalamat ako kanina at walang ilaw, dahil kung mayroong ilaw ay paniguradong nakita ni Vern kung gaano kapula ang mukha ko habang tinatanong sa kaniya ang maliit kong pabor. Sobrang nakakahiya talaga! Itinaas ko na ang underwear ko at binuhusan ang inidoro bago naglakad papunta sa pintuan ng banyo. Natagalan ako sa paghanap ng doorknob mabuti na lang at nahanap ko rin iyon bago pa man buksan ni Vern ang pinto. Nang makalabas ako sa banyo ay nakita ko siyang may dala-dalang kandila. "Saan mo nakuha 'yan?" Tanong ko. Tinuro niya naman ang pinanggalingan ng kandila na sa itaas ng cabinet gamit ang nguso niya. Naglakad na kami pabalik sa itaas ngunit agad akong napayakap sa kaniya nang biglang kumulog at kumidlat ng malakas. Nabitiwan niya naman ang kandila at nahulog iyon kaya namatay ang ilaw. Napailing siya at pakiramdam ko'y naiinis siya dahil sa nangyari. "S-Sorry," paghingi ko ng tawad sa kaniya saka humiwalay sa pagkakayakap ko sa kaniya. Agad niya naman akong hinila nang umatras ako. Muntikan na 'kong mahulog! Nakalimutan kong nasa hagdan nga pala kami. Kung hindi niya ako hinila, siguro mahuhulog nga talaga ako tapos pwedeng mauntog pa sa kung saan pero... "O-Okay ka lang? Sorry!" Muling pagso-sorry ko sa kaniya. Paano ba naman kasi napaupo siya nang hilain niya ako. Tumayo kaming dalawa at nagsimulang maglakad na pabalik sa kuwarto na agad din naman naming nagawa. Umupo na ako sa kama habang siya naman ay hindi ko alam kung nakaupo o nakahiga ba sa puwesto niya since hindi ko naman siya makita. Tahimik ang apat na sulok ng kuwarto at tanging ulan at pagkulog lamang ang naririnig namin. Bumuga ako ng malalim na buntong hininga bago humiga ng diretso sa kama. Nakatitig lang ako sa kawalan habang pinapakiramdaman si Vern. Malamig siguro sa lapag. Kumot lang 'yung sapin niya tapos 'yung kumot na magsisilbing pampainit sana ng katawan niya sa malamig na panahon ngayon, e ginamit niya pang sapin. Papayagan ko na ba siyang tumabi sa'kin? Pero paano kung may gawin siya? At ano namang gagawin niya sakin? Hindi naman niya siguro susubukin na hawakan ang maselang parte ng katawan ko o 'di kaya ay ang halikan ako, hindi ba? Hindi naman niya siguro gagawin iyon. Isa pa, kaibigan ko siya. At bakit ba kasi puro maduduming kaisipan ang pumapasok sa isip mo, Sachzna? Ayan! Kakanuod mo ng BL kaya kung anu-anong pumapasok sa utak mo na puro kabastusan! Nagpakawala ako ng isa na namang malalim na buntong hininga habang iniisip pa rin kung papayagan ko ba siyang tumabi sa akin. Papayagan ko ba? Pero paano ko naman sasabihin na pinapayagan ko na siyang tumabi sakin? Siguro hindi na lang— "Vern, dito ka na. Tumabi ka na sakin," agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinambit ng bibig ko. Hindi naman 'yan 'yung nasa isip ko, ah?! Habang nakikipagtalo sa isip ko ay nagtaka ako nang hindi marinig ang boses ni Vern na nagtanong o kumontra man lang sa ideya ko. Tulog na ba siya? Bumangon ako sa pagkakahiga at ibinaba ang paa sa sahig na agad ko din namang itinaas. Ang lamig ng sahig! "Vern? Vern, gising ka ba?" Tanong ko pero hindi siya sumagot. Kahit na nilalamig at walang makita ay umalis ako sa kama at kinapa ang sahig para hanapin ang katawan niya. Habang hinahanap ko ang katawan niya sa pamamagitan ng pagkapa ay may biglang sumagi sa isip ko. Baka iba ang makapa ko! Nanlaki ang mata ko sa naisip pero iniling ko ang ulo ko at inialis ang bastos na ideyang iyon sa utak ko. Nagpatuloy ako sa pagkapa hanggang sa mahawakan ko ang braso niya. Sinundan ko iyon para hanapin ang mukha niya na nahanap ko naman din agad. Sinampal-sampal ko siya habang sinasabi ang mga katagang 'gumising ka'. "Bakit? Ano 'yon?" "Doon ka na sa kama," "Ha?" "Ang sabi ko doon ka na sa kama, bilisan mo. T-Tabi na tayo doon," pag-uulit ko sa sinasabi. Napabangon siya sa pagkakahiga at feeling ko'y nakakunot ang noo niya ngayon. "Akala ko ba ayaw mong katabi ako?" Tanong niya. "Hindi ko naman sinabing ayaw kitang katabi, ah? Hays. Anyway, bilisan mo na. Ang lamig ng sahig, o!" Agad naman siyang kumilos habang naupo naman ako sa kama nang makapa ko iyon. Naglagay ako ng unan sa pagitan namin nang mahiga na kami pero mas nakapagpasikip lang iyon sa higaan kaya tinanggal ko na lang 'yon. "Don't worry, wala akong gagawin sayo," paninigurado niya sa akin. I sighed. Natahimik muli kaming dalawa. "Yna?" Tawag niya sa pangalan ko pero hindi ako sumagot. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Nagtutulog-tulugan ka na naman," sambit niya saka pinitik ang noo ko. "Aray! Ano ba 'yon kasi?" Inis na saad ko habang hinihimas ang noo ko na pinitik niya. "Nagtatampo ka ba sa akin?" Diretsong tanong niya na nakapagpahinto sa ginagawa ko. Sasabihin ko bang 'oo! Bakit hindi mo kasi ako sinundo? Sabi mo susunduin mo ako?' o itatanggi ko? Nagpakawala ako ng isang pekeng tawa bago sumagot. "Baliw! Bakit naman ako magtatampo? Siraulo ka talaga. Kung anu-anong naiisip mo 'no? Ganyan ba talaga kapag lasing?" "Pero... Bakit nga pala kayo magkausap ni Sofia? Gusto mo siya 'no?" Pang-aasar ko sa kaniya habang sinusundot ang tagiliran niya. "Napansin mo kaagad na gusto ko siya? Naks! Kaibigan nga talaga kita," sagot niya. "E 'di, gusto mo nga si Sofia?" Pag-uulit ko. "Oo. Ang ganda niya kasi tapos ang bait pa. Maraming nagkakagusto sa kaniya pero ako lang yata ang kinakausap niya," "Ha? Bakit? Lagi ba kayong magkausap?" Tanong ko. Ibig sabihin, hindi iyon ang unang beses ng pag-uusap nila? "Sabay kasi ang breaktime ng STEM at TVL tapos tuwing breaktime, magkasama kami sa isang table para kumain," kuwento niya. "Kayong dalawa lang?" "Hindi syempre, kasama ko rin si Jax at si Cairus and then 'yung friends niya," natahimik naman ako sa sinabi niya. "Sorry nga pala hindi kita nasundo," saad niya nang hindi na ako nagsalita pa. "Okay lang 'yon, at saka cleaners din naman kasi ako kaya—" "Sino nga pala 'yung nakabangga mo? Dapat kausapin mo siya para palitan niya 'yung tempered glass ng phone mo," pagputol niya sa balak kong sabihin. Dahil sa tanong niya ay napaisip ako, ano nga pala name 'nong lalaking 'yon? "Nakalimutan ko tanungin name niya. Hayaan mo na, ako na lang magpapalit niyan. Balak ko na rin naman palitan 'yan, e," sagot ko sa kaniya. Natahimik naman kaming dalawa. Nagkuwentuhan pa kaming dalawa hanggang sa wakas ay inantok na rin ako. "Bahala ka d'yan, matutulog na 'ko. Good Mornight, Vern," saad ko bago ipikit ang mga mata. *** Ang bango~~ Nagising ako dahil sa amoy ng pabango ng katabi ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang nakayakap ako sa katawan ni Vern. Nasa bandang dibdib niya ang mukha ko habang ang unan ko naman ay ang braso niya. Paano naging ganito ang posisyon namin? Tandang-tanda ko, bago ako matulog e totoong unan ang nasa ulo ko at hindi braso! Lumayo ako sa kaniya at kumawala sa pagkakayakap bago bumangon. Umaga na pero umuulan pa rin. Anong oras na ba? Naghanap ako ng charger at natuwa naman ako nang makita ang hinahanap ko, mas lalo pa akong natuwa nang malamang may kuryente na ulit. Nang nai-charge ko na ang phone ko ay agad akong bumaba at nagtungo sa banyo para umihi at gawin ang morning routine ko kahit na hindi naman talaga ako sigurado kung umaga pa ba ngayon. Pakiramdam ko kasi tanghali na. Nang matapos sa morning rituals ay inasikaso ko naman agad ang pagkain namin ni Vern na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Dahil sa may natirang kanin sa niluto ko kagabi ay sinangag ko iyon at hinaluan ng itlog. Nagluto ako ng ulam na sunny side-up, hotdog, at dilis na syempre may kamatis, sibuyas, suka at sili. Nagugutom na 'ko. Inilagay ko na sa lamesa ang mga niluto ko. Habang inilalagay ang mga iyon ay nakita ko naman sa peripheral vision ko ang pagbaba ng hagdan ni Vern na nagtatanggal pa ng muta sa mata. Dumiretso siya sa banyo at siguro'y inayos rin ang sarili sa pamamagitan ng paghihilamos, toothbrush (may spare toothbrush dito na hindi pa gamit) at kung ano pang pwedeng gawin ng mga bagong gising. "Gusto mo ba ng kape?" Tanong ko sa kaniya habang nasa loob siya ng banyo. "Oo, salamat," sagot naman niya. Nagpakulo agad ako ng mainit na tubig at nagtimpla ng gatas at kape. Sa kaniya 'yung kape habang sa akin naman 'yung gatas. Naglabas din ako ng tinapay at palaman saka binuksan ang TV na katapat lang ng lamesa na pagkakainan namin. Maya-maya ay lumabas na rin si Vern at sinaluhan ako sa pagkain habang nanunuod ng TV. Habang kumakain ay biglang nag-ring ang phone ko sa itaas kaya naman tinakbo ko iyon at baka si Mama ang tumatawag pero si Maia lang pala. "Hi, girl! Wala tayong pasok ngayon, baka lang kasi hindi mo alam since hindi ka nagsi-seen sa GC natin! By the way, nasaan ka nga pala?" Bungad na wika ni Maia nang sagutin ko ang tawag. "Namatay phone ko kagabi! Nasa bahay ako, bakit?" Pagsisinungaling ko na sana'y hindi ko na lang ginawa. "Liar! Dumaan ako sa inyo kanina kasi akala ko may pasok tapos sabi ni Tito Em wala ka doon. Gaga ka, naglayas ka?" "Baliw, hindi—!" "Hoy, bilisan mo d'yan nilalangaw na 'yung pagkain mo doon," singit ni Vern sa pag-uusap namin ni Maia na agad namang tumili. "MAGKASAMA KAYO NI VERN?! Kaya pala parang may party sa bahay niyo, ha?! My gosh! Kuwentuhan mo kami later, for now, mag-enjoy ka muna. Babushhh!!" "Party? Anong party 'yung sinasabi ng kaibigan mo?" Tanong ni Vern na sinamaan ko ng tingin. "Baliw ka! Bakit umakyat ka pa dito? Wala pa naman akong balak na sabihing magkasama tayo kasi alam ko kung paano tumakbo ang utak ng isang 'yon tapos bigla kang dumating? Argh! Nakakainis!" Inis na wika ko sa kaniya na nagtataka kung bakit ako naiinis. Itinaas niya ang dalawang kamay na para bang sumusuko saka bumaba na ng hagdan para bumalik sa lamesa. Hays. Hot seat ako nito!
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 51 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (108)
Rosalie Dizon Carisma
super ganda
09/06
0
Juliana Clarisse Lang Molina
it’s been years and years binabalik balikan ko itonc basahin when po kayo mag-update
06/06
0
tarucandrea
update na Po kayu author nag we wait Po ko ng update nyu po sa storing eto sayang Naman Po kung Wala ng kasunid at Hindi matatapos basahin Hanggang finale ang story pong eto....
super ganda
09/06
0it’s been years and years binabalik balikan ko itonc basahin when po kayo mag-update
06/06
0update na Po kayu author nag we wait Po ko ng update nyu po sa storing eto sayang Naman Po kung Wala ng kasunid at Hindi matatapos basahin Hanggang finale ang story pong eto....
04/06
0Ver Todos