logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER THREE

Chapter 3
***
Bakit sila magkausap?
"Yna!" Tawag ni Vern sa akin kaya naman agad akong ngumiti at lumapit sa kanila. "Sofia, si Sachzna nga pala. Best friend ko," pagpapakilala niya sa akin kay Sofia. Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Sofia at inilahad ang kamay niya sa harapan ko.
"Hello, Sachzna. I'm so glad to meet you," she said while shaking hands with me. Ngumiti na lang ako. "Same," Same? Anong klaseng sagot 'yon, Sachzna?
Nagpaalam na muna ako sa kanila nang may tumawag sa phone ko. Si Tita Jamie lang pala. "Hello po, Tita. Kamusta po?—pauwi pa lang po ng bahay, —Opo, kasama ko po si—may kausap pong babae, —Tita, talaga! Magkaibigan lang po kami, 'no! —sige po, Tita. Bye po," agad akong humarap at lalapit na sana sa kanila nang makita kong papalapit na mismo si Vern sa akin na kakamot-kamot ng ulo. May masamang kutob ako dito.
"Yna, kaya mo bang umuwi ng mag-isa?"
Ha? "O-Oo naman 'no! Ano'ng akala mo sa akin, bata? Baliw!" Sagot ko. Napangiti naman siya at saka pinisil ang magkabilang pisngi ko. Napasulyap naman si Sofia na agad din ngumiti nang lingunin ni Vern. "May pag-uusapan pa kasi kami ng team, at matagal 'yon. Ayoko naman mainip ka kakahintay sa akin," dahilan niya. Tumango-tango na lamang ako at saka muling isinaksak ang earphone ko sa tainga at nagpatugtog.
"O, sige na. Mauuna na 'ko, bye!" Paalam ko sa kaniya saka tumalikod kaagad.
---
"OMG. WHAT?!"
"Ginawa niya talaga 'yon?"
"Alam niyo wala talaga akong tiwala sa Sofia na 'yan, e." Sabay-sabay na wika ng mga kaibigan ko nang i-video call nila ako. Dapat talaga voice call lang gagawin namin pero nang mabasa nila ang chat ko sa GC namin na hindi ako inihatid ni Vern pauwi ay hindi sila nagdalawang-isip na tumawag.
"Mga sira! Ba't kayo pa mas naiinis kaysa sa akin?" Natatawang tanong ko nang makita ang mga mukha nila sa screen ng laptop ko na mga nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay. "At saka, okay lang naman. Hindi naman niya ako girlfriend 'no!" Wika ko.
Napahawak sa sintido si Maia bago napaayos ng upo. Nakadapa kasi siya kanina habang nag-uusap-usap kami. "Lol. Alam kong na-hurt ka rin!"
"Yep. I agree with her,"
"Nakakatampo 'yon!"
"Huwag niyo nga akong demonyohin na magtampo kay Vern ulit!" Tumatawang saad ko sa kanila. Pero ang totoo niyan, nagtatampo talaga ako.
"Nga pala, Coralynn. May hindi ka inaamin sa amin," Pagbaling ko ng atensyon kay Coralynn na biglang tumayo na para bang may kausap na ibang tao. Kumunot naman ang noo naming tatlo nina Maia at Myrtés.
"Sino kausap mo?"
"I thought she was living alone? So, who the hell is she—"
"CORALYNN DIZON!!!" Sabay-sabay naming tawag sa pangalan niya nang may makita kaming pigura ng isang lalaki.
Ganoon na lamang ang gulat naming tatlo nina Myrtés at Maia nang makita si Jax sa screen ni Coralynn.
"Umalis ka d'yan, putangina mo!"
"ARAY—ANO BA!!!" Iyan ang huling narinig namin sa kanilang dalawa bago nag-end call si Coralynn.
"She was hiding something from us?!"
"Tigilan mo nga 'yang pag-english-english mo, Marites! Dudugo ilong ko sa'yo, e!"
"Huwag kayong magtatanong kay Coralynn bukas tungkol sa nakita natin. Hayaan niyo lang siyang magkuwento," sambit ko sa dalawa na tumango-tango lang. Nagkuwentuhan este tsismisan pa kami ng ilang minuto bago namin naisipang patayin na ang video call dahil magkikita-kita rin naman kami kinabukasan.
Nahiga na ako at papikit na sana para matulog nang tumunog ang phone ko. Tita Jamie?
"Good Evening, Ti—Po?! Wala pa siya?" Inilayo ko ang phone ko para tingnan ang oras at ganoon na lamang ang gulat ko nang makitang alas nuebe y media na ng gabi. "Susubukan ko pong tawagan, —opo, ipapaalam ko po kaagad," matapos kong sabihin iyon ay pinatay ko na ang tawag at agad na tumayo. Kumuha ako ng jacket at lumabas na ng kuwarto. Pagkababa ko ay nadatnan ko pang nanunuod sina Mama at Papa sa sala ng kung anong palabas.
"O, saan ka pupunta? Gabi na," sambit ni Mama. "May bibilhin lang po," pagsisinungaling ko saka lumabas na ng bahay. Narinig ko pang sinabi ni Papa na mag-ingat raw ako at umuwi agad na hindi ko na sinagot.
Habang naglalakad ay sinusubukan kong tawagan ang phone ni Vern na nagri-ring lang. At saan naman kaya nagpunta ang baliw na 'yon? Imposible namang kasama niya si Jax dahil nga ang kasama ni Jax ay si Coralynn. Bukod kay Jax ay wala na akong ibang kilalang kaibigan ni Vern. May kakilala ako pero hindi ko alam ang pangalan nila, tanging mukha lang nila ang nakikilala ko pero hindi ang pangalan. Magkasama kaya si Sofia at Vern? Bakit ba kung anu-anong pumapasok sa isip ko?!
Sinubukan ko muling tawagan ang phone ni Vern at sa wakas ay sumagot na ito.
"Hoy, Vern! Nasaan ka ba—" Agad akong natahimik nang hindi boses ni Vern ang marinig ko kundi isang boses ng babae. Hindi kaya si Sofia 'to?
"Hello? Sino 'to? Nasaan si Vern? —
A-Ano? Lasing?"
"Lasing si Vern? E, hindi naman umiinom 'yon! —Nasaan ba kayo at pupunta ako—Hinahanap na siya ni Tita—Okay," nang matapos ang pag-uusap namin ay napapikit ako ng mariin dahil sa narinig.
Anong kalokohan na naman ba 'to, Vern?!
Agad kong tinext si Tita at sinumbong ang ginawang pag-inom ni Vern. Hindi na ako naghintay pa ng reply ni Tita at tinungo na kaagad ang sinasabing bahay ng isa sa mga teammates niya sa Basketball na hindi ko agad nahanap. Nagtanong-tanong ako sa mga taong nasa labas pa ng mga bahay nila ngunit hindi raw nila alam ang sinasabi kong bahay. Ilang lakad pa ang ginawa ko hanggang sa matunton ko na rin sa wakas ang sinasabing bahay ng babaeng nakausap ko kani-kanina lang. Ewan ko kung bakit pero medyo nawala ang kaba ko nang hindi boses ni Sofia ang narinig ko kanina pero... Sino kaya 'yon?
Nag-doorbell ako ng ilang beses bago ako papasukin ng isang babae. "Hinahanap ko lang po si Vern. Kailangan niya na umuwi," saad ko sa babae. "Nasa rooftop po sila nag-iinom. Birthday kasi ni Sir Migs kaya nagpainom siya. Tingnan niyo na lang po sa itaas," sagot niya sa akin habang tinuturo ang daan. Sinundan ko naman ang mga itinuro niya at nang makarating ako sa rooftop ay si Vern kaagad ang nakita ko na nakayuko habang nakasandal sa dibdib ng isang babae. Aba't loko 'to, ah!
Lumapit ako kaagad sa gawi nila kaya naman siniko ng babae si Vern na agad din namang umupo ng maayos. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya nang makita ako. Naningkit ang mga mata niya na para bang inaantok. "E 'di sinusundo ka," sagot ko. Hinila ko siya at nang muntikan na siyang matumba ay inalalayan ko naman agad. "Umayos ka nga! Uuwi na tayo," sambit ko sa nakapikit na si Vern.
"Uuwi na kayo kaagad? Hindi ka pa nga umiinom, e." Singit ng kung sinumang lalaki na agad lumitaw sa harapan ko. Amoy na amoy ang alak sa kaniya kahit ang layo pa niya sakin. Ang baho! "Hindi ako umiinom," masungit kong sagot sa kaniya saka tumalikod at sinubukang maglakad habang nakaalalay pa rin kay Vern. "Ang sungit mo naman, Miss," komento ng kasama niya.
"Kulang lang yata sa halik 'to, e. Halikan ko nga," agad na nanlaki ang mga mata ko nang ilapit niya ang mukha sa akin. Nabitawan ko si Vern sa gulat ngunit bago pa man tuluyang makalapit ang mukha ng lalaki sa mukha ko ay nasapak na siya ni Vern. Nagsitayuan ang mga taong naroon at inilayo kaagad ang lalaki na gusto rin sapakin si Vern.
"Bakit mo 'ko sinapak? Binibiro ko lang naman 'tong kasama mo," inis na wika niya kay Vern habang nakahawak sa panga niya. Ngumisi naman ang kasama ko. "Kulang pa nga 'yan, e. Hindi magandang biro 'yon,"
"Isa pa, huwag mong babastusin ang kaibigan ko. Hindi lang 'yan ang aabutin mo," dugtong pa niya bago ako hawakan sa kamay at hilain pababa ng rooftop. Magkasama kaming lumabas ng bahay na iyon at hanggang sa paglalakad namin palayo ay nakahawak pa rin siya sa kamay ko.
Inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko kaya naman napatingin siya sa akin. "Bakit uminom ka? Bakit hindi ka umuwi sa inyo? Akala ko ba meeting lang? Nagsinungaling ka ba sa akin, Vern?" Sunud-sunod kong tanong sa kaniya na parang isang galit na girlfriend na naabutan ang boyfriend niyang nakikipag-inuman. Tanging pagyuko lang ang nagawa niya. Napabuga ako ng isang malalim na buntong hininga bago lumapit sa kaniya. "Umuwi na tayo," malumanay kong wika. Kahit naiinis ako dahil sa ginawa niya ay kailangan ko pa rin siyang maihatid sa bahay nila. Hindi ko siya pwedeng iwan dito at baka mapaano pa siya. Tumango naman siya at naglakad rin pero agad din napahinto at napahawak sa akin ng mahigpit nang muntikan siyang matumba dala ng pagkahilo.
"O, ano? Okay ka lang? Kaya mo ba?" Tanong ko pero hindi siya sumagot. Kinuha ko ang phone ko at akmang tatawagan si Tita para magpasundo pero inagaw niya iyon mula sa kamay ko at inilagay sa bulsa niya. "Kaya kong umuwi, Sachzna. Tara na." Dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ko ay natameme ako. Madalas niya kasi akong tawagin sa nickname ko which is Yna kaya naman nanibago at nagulat ako nang ang pangalan ko mismo ang itinawag niya sa akin. Nakakapanibago kasi.
'Baka lasing lang talaga,' pagkumbinsi ng utak ko.
Inalalayan ko siya sa paglalakad pero nang harapin ko ang daan ay inalala ko ang mga dinaanan ko. Dito ba 'yun o sa kabila? Siniko ko si Vern. "Bakit?" Tanong niya. "Naaalala mo ba 'yung daan?" Tanong ko sa kaniya pabalik nang hindi inaalis ang tingin sa daan. Napapikit siya ng mariin at sinubukan alalahanin ang daan. "Bumalik na lang tayo doon tapos magtanong tayo kung paano—"
"Pagkatapos ng ginawa ni Ralph sayo, babalik ka pa doon?"
"Hindi. Hindi tayo babalik doon." Hindi na ako sumagot pa dahil ramdam kong mainit ang ulo niya dahil sa nangyari kanina. Naglakad kami at sinubukang alalahanin ang daan pero mukhang mas lalo pa kaming naligaw. Mas lalo pa akong nag-panic nang maramdaman ang pagpatak ng tubig galing sa langit. Shit. Umuulan ba? Ang kalangitan na mismo ang sumagot sa katanungan ko dahil bigla na lamang bumuhos ang isang malakas na ulan. Tumakbo naman kami kaagad ni Vern sa pinakamalapit na pwedeng silungan. Kahit na nakasuot ng jacket ay naramdaman ko pa rin ang lamig. Kung naramdaman ko iyon, e 'di mas lalo na itong kasama ko ngayon.
"Akin na 'yang phone ko. Kailangan na nating magpasundo dahil kung hindi, mai-stranded tayo dito," saad ko sa kaniya. Dinukot naman niya sa bulsa ang phone ko na kinuha niya kanina at agad na nagtaka nang makita ang basag na screen niyon. Tempered glass ng phone ko 'yung basag to be exact.
Inagaw ko ang phone sa kaniya at agad na tinype ang number ni Tita Jamie. "Nahulog kanina 'tong phone ko sa hallway nang may makabangga ako. Ayan, nabasag." Kuwento ko nang makita ang pagtataka sa mukha niya. Tumango naman siya at hindi na nagsalita pa.
"Kasama ko na po si Vern—Opo, nandito po. Nakaupo—Nahihilo lang po yata siya,"
"Hoy! Kaya mo naman umuwi 'di ba?" Tanong ko kay Vern na nag-thumbs up lang sa akin. Muli kong kinausap si Tita. "Kapag po tumila na ang ulan—Ha? Pero, Tita, hindi po alam ni Papa na—Kakausapin niyo po? —Sige po," agad kong iniabot kay Vern ang phone ko nang mag-request si Tita Jamie na kausapin si Vern.
"Yes, 'Ma. Opo—Sa bahay ni Tita Angel? Dito ba 'yon? —Ah! Naalala ko na, 'Ma. —Sige po, tatawag na lang kami ulit," ibinalik naman niya agad sa akin ang phone ko nang natapos na ang pag-uusap nila ni Tita at tumayo ng tuwid.
"Anong sabi ni Tita?" Tanong ko. "Doon daw tayo sa bahay ni Tita Angel magpalipas ng gabi," simpleng sagot niya sakin na ikinagulat ko. Ano?!
"T-Teka... Bahay ni Tita Gelay? E, nasa abroad si Tita, kaya paanong—"
"May susi daw na iniwan si Tita sa kapitbahay niya. Pumunta na lang daw tayo doon ngayon tapos magpakilala para ibigay 'yung susi. Tatawagan niya raw si Tita Angel para ipaalam sa kapitbahay niya ang pagdating natin," tanging pagtango na lamang ang nagawa ko.
Bigla ay hinila niya ako at sabay kaming tumakbo sa gitna ng ulan. Wala na rin akong nagawa dahil basa na akong tuluyan at maging siya ay basa na rin. Para kaming mga tangang sumisilong pa rin sa nakikita naming mga bahay na pwedeng silungan kahit pa naliligo na kami ng ulan. Nang sa wakas ay narating na namin ang bahay ni Tita Gelay ay iniwan niya na muna ako sa tapat niyon at siya na mismo ang nagpunta sa sinasabing kapitbahay ni Tita Jamie. Wala pang ilang minuto ay bumalik na rin si Vern dala ang susi kaya naman binuksan niya na kaagad ang bahay. Nang makapasok ay nagtungo siyang kaagad sa itaas kung nasaan ang kuwarto para maghanap ng tuwalya na agad naman niyang ibinato sa akin nang makakita siya ng isa habang nakasukbit na sa balikat niya ang isa pang tuwalya.
"Magpalit ka kaagad ng damit. Bakat 'yung suot mong panty," mahinang sambit niya na narinig ko pa rin kaya naman awtomatikong tinakpan ko kaagad ang sarili gamit ang tuwalyang binigay niya nang maalalang manipis nga pala ang tela ng suot kong pantulog. Nakakahiya!
Maya-maya ay tinapon naman niya ang malaking shirt sa akin at saka itinuro ang banyo na pinuntahan ko naman agad. Nang makapasok na sa loob ng banyo ay doon na ako nagwala ng tahimik dahil sa kahihiyan. Nakita na rin naman ni Vern ang mga underwears ko pero noong mga bata pa kami. Kaya naman sobrang nakakahiya para sa akin na marinig iyon mula mismo sa kaniya.
"To think na lasing din siya. Fudge! Magkatabi kaya kami sa higaan?" Pagkausap ko sa sarili. Iniling-iling ko ang ulo at inalis ang maduming ideya na iyon sa utak ko saka naligo. Nagmadali ako sa pagligo dahil baka magkasakit ang isang 'yon kapag natuyo sa katawan niya ang suot niya. Mabuti na lang at may blower at saksakan dito sa banyo ni Tita Gelay, ginamit ko iyon para patuyuin ang underwear ko para masuot kong muli. Huwag kang ano d'yan! Nilabhan ko 'yon! Nang matapos na ako sa pagbibihis at paglalaba ng mga nabasa kong damit ay lumabas na ako ng banyo. Nakasalubong ko naman si Vern na agad pumasok sa banyo. Nasusuka siguro. Naisip kong baka nagugutom siya kaya naman naghanap ako ng pwedeng lutuin sa kusina at ganoon na lamang ang pagtataka ko nang makitang kumpleto sa ingredients ang kusina ni Tita Gelay at may bigas rin at mga canned goods at noodles na pwedeng lutuin. Tiningnan ko ang mga iyon isa-isa at hindi pa expired ang mga 'yon. Nagsalang ako ng bigas at nagpakulo ng mainit na tubig para sa noodles at sa kape na rin ni Vern. Hindi ko alam kung gusto ba niya ng kape pero iyon kasi ang madalas na gawin ni Mama tuwing nalalasing si Papa kaya tingin ko naman may dulot ang kape sa taong lasing. Nang kumulo na ang mainit na tubig ay nagsalin ako sa tasa at ang iba naman ay hinayaan ko lang sa kaserola at maya-maya'y inilagay na ang noodles roon. Binuksan ko naman ang takip ng rice cooker nang makitang kumukulo na iyon at malapit-lapit ng maluto. Nang matapos na ako sa pagtitimpla ng kape ay ang niluluto ko namang noodles ang binigyan ko ng pansin at baka malata pa iyon. Isinalin ko sa mangkok ang noodles nang maluto at inihain ko sa lamesa kasama ang kape. Nang maluto ang kanin ay inilagay ko na rin iyon sa lamesa katabi ng noodles. Kumuha ako ng plato at kutsara at inilapag rin sa lamesa. Kasalukuyan akong kumukuha ng tubig nang biglang lumabas si Vern na tanging short lang ang suot at topless na ang itaas ng katawan niya. Pinaningkitan ko siya ng mata. "Payatot," saad ko saka nilampasan siya. Sumunod naman siya sa akin at kumunot pa ang noo nang makita ang nakahain sa lamesa.
"Nagluto ka?"
"Hindi ba obvious, Vern? Kumain ka na nga lang. At saka inumin mo 'tong kape, ha? Nakakatanggal daw ng hangover o sakit sa ulo ng lasing 'yan, e." Umupo naman siya at nagsandok na ng pagkain niya habang pinapanuod ko naman siya sa ginagawa niya.
"Teka, bakit nga pala may mga pagkain pa dito sa bahay ni Tita Gelay?" Tanong ko sa kaniya habang kumakain siya. "For emergency use daw," sagot niya sa akin saka muling kumain. Habang kumakain siya ay naalala kong tatawagan ko nga pala si Mama para ipaalam ang kinaroroonan ko. Kinakabahan pa ako kung anong sasabihin dahil paniguradong magagalit siya.
Dinial ko ang number ni Mama at nakakaisang ring pa lang ay sinagot niya na agad ito. Shit. Naghihintay siya ng tawag ko. Galit 'to panigurado! Napapikit ako at nag-isip ng sasabihin nang pangunahan niya ako.
"Anak, tumawag si Mareng Jamie. Magkasama raw kayo ni Vern ngayon? Nasaan kayo?"
"'Ma! N-Nandito po kami sa bahay ni T-Tita Gelay. Dito raw po muna kami m-magpapalipas ng gabi," kinakabahang sagot ko. Narinig ko naman siyang nagbuntong hininga at mukhang iniabot ang phone kay Papa.
"Wala kayong pasok bukas. May bagyo. Mag-ingat kayong dalawa d'yan. 'pag may ginawang kalokohan si Vern, isumbong mo sa akin," dinig kong saad ni Papa kaya naman nawala ang kabang nararamdaman ko kanina at napalitan ng ginhawa. "Opo, mag-iingat po kami. Gusto niyo po ba kausapin si Vern?" Tanong ko na agad namang sinang-ayunan ni Papa kaya ibinigay ko kay Vern ang phone ko nang matapos siya sa pagkain. Iniligpit ko ang pinagkainan niya at itinira na lamang sa lamesa ang kapeng tinimpla ko na kasalukuyang iniinom niya. "Opo, Tito. Mag-iingat po kami. Uh—magkaibigan lang po kami. Opo, ingat din po," sagot ni Vern bago nakipagpaalamanan kay Papa.
Itatanong ko pa sana kung ano ang napag-usapan nilang dalawa nang pangunahan niya na ako. "Sabi ni Tito kung hindi raw huminto 'yung ulan bukas mula umaga hanggang gabi, dito na muna tayong dalawa." Natahimik ako sa narinig kong sinabi niya at natulala.
Makakasama ko sa isang bahay si Vern?

Comentário do Livro (108)

  • avatar
    Rosalie Dizon Carisma

    super ganda

    09/06

      0
  • avatar
    Juliana Clarisse Lang Molina

    it’s been years and years binabalik balikan ko itonc basahin when po kayo mag-update

    06/06

      0
  • avatar
    tarucandrea

    update na Po kayu author nag we wait Po ko ng update nyu po sa storing eto sayang Naman Po kung Wala ng kasunid at Hindi matatapos basahin Hanggang finale ang story pong eto....

    04/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes