logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER ONE

Chapter 1
***
Two weeks na rin ang nakalipas simula nang maging isang ganap na kaming Senior High Schoolers. May iilan na akong kaibigan sa room at may mga nag-e-excel na rin sa klase. May mga mapapansin mong mayabang at mataray, mayroon din namang walang pakialam sa klase. Syempre, hindi mawawalan ng joker at musikero sa room, at ang walang kamatayang 'tulog parati' lalo na tuwing discussion. Unti-unti na rin naming nakikilala ang mga teachers namin at dahil hindi pa naman gaanong matagal ang pagsasama-sama namin ay mababait pa rin sila hanggang ngayon kaya naman may mga sipsip na rin sa klase.
As usual, maaga na namang natapos ang klase namin sa EaLSci o Earth and Life Science na subject namin kaya heto kami at nagdadaldalan habang hinihintay ang susunod naming subject. Humanities and Social Sciences ang strand na kinuha ko ngayong Senior High habang Information Communications Technology o ICT naman ang kinuha ni Vern na under ng Technical, Vocational and Livelihood Track o TVL Strand. Hindi na ako nagtaka sa kinuha niyang strand, gusto niya kasi na mas mapalalim pa ang kaalaman niya sa computers at sa iba't-ibang sangay niyon kaya iyon ang kinuha niya. Nagdadalawang-isip pa nga siya doon sa TVL, e. Pa'no ba naman kasi, gusto niya rin sanang gumaya sa strand ko para raw magkaklase kami. Baliw 'di ba?
Habang nakikinig ako ng music at nagbabasa ng libro tungkol sa susunod naming subject ay biglang lumapit si Coralynn sa row namin at nakigulo. "May chika ako!" Tumitiling sambit niya. Nairolyo ko na lamang ang mga mata nang madikta ng utak ko ang gusto niyang ikuwento—tungkol sa mga lalaki 'to panigurado.
"Nag-CR ako kanina 'di ba?" Panimula niya. "O, tapos?" Interesadong tanong ni Maia sa kaniya. Isa pa 'tong walang ibang bukambibig kundi lalaki at gwapo!
"Ito na nga, nag-CR ako. Tapos syempre dumiretso ako sa may salamin para magpulbo—"
"You were supposed to wash your hands first. Yuck, Cora!"
"H'wag kang tanga, Marites! Bugok mo talaga. Uso common sense 'te, ha?" Pambabara ni Coralynn kay Myrtés, ang natatanging yayamanin sa aming apat. Natawa naman ako sa kanila kaya itiniklop ko na lang ang libro dahil sa hindi naman ako makapag-focus sa pagbabasa at ipinause na rin ang tugtog at ipinasok sa bulsa ang earphone at phone ko saka nakisali sa pagdadaldalan nila.
"I-chika mo na kasi! Dami mong alam," utos ko kay Coralynn kaya naman itinuloy niya na ang sinasabi. "Iyon na nga! Naghugas muna ako ng kamay saka pinatuyo 'yon bago nagpulbo. Tapos pagkalabas ko, MAY NAKITA AKONG GWAPO!" Tili niya bandang dulo ng kuwento. Sabi ko na nga ba lalaki na naman, e. Napatakip naman kami ng mga tainga dahil sa tinis ng boses niya at sabay-sabay na hinampas si Coralynn nang maka-recover na kami. "Ang sakit mo sa tainga!" Dinig kong pagpaparinig ni Bianca kay Coralynn.
"E 'di, huwag kang makinig! Bobo, amputa!" Sagot naman ni Coralynn sa kaniya saka niya ito tinarayan at pinakyuhan. Tanging pagtaray na lamang ang nagawa ni Bianca dahil sa binu-boo na siya ng ilan sa mga kaklase namin. "Wala ka pala, e," pagmamalaki ni Coralynn habang nakikipag-apir sa mga kaklase naming lalaki na parang tropa na rin namin. "Tanga, bumalik ka na sa upuan mo. Nakikita ko na si Sir palapit dito," saad ko kay Coralynn na agad din namang bumalik sa upuan niya. Pumasok na nga si Sir at nagbigay lang ng ilang equations ng mga lessons namin noong nakaraan.
"Hand in your papers here, and you can go out to eat," saad ni Sir bago naupo at nag-check na ng papel na ipinasa ng naunang section na pinasukan niya kanina.
Dahil sa madali lang naman ang binigay ni Sir ay agad kong natapos na sagutan ang 15 equations pero hindi ko na muna iyon ipinasa. Nakita ko kasi na hindi pa rin tapos sa pagsagot ang tatlo kaya naman naupo na muna ako at sinuri ang papel. Mahirap na, baka may mali pala sa sagot ko.
Maya-maya pa ay may kumalabit sa likuran ko. Napalingon naman ako at nakita na si Lexter lang pala ang kumakalabit. "Ano 'yon?" I whispered. Itinaas naman niya ang ballpen niya. "May ballpen ka pa? Pwede manghiram?" Bulong niya pabalik. Agad naman akong naghanap sa bag ko pero nang makitang puro girly na ang mga naroon at ilang mga markers, color pencil at crayons ay isinara ko na ulit iyon. Napasulyap ako sa Panda ballpen ko at alanganing iniabot iyon kay Lexter. "Thank you," ngiting-ngiti niyang pagpapasalamat sa akin.
Sumenyas naman si Maia sa akin na tapos na sila. Kinuha ko muna ang wallet sa bag ko bago tumayo at ipinasa ang papel.
"Ano 'yung binulong ni Lexter sayo? Nanghihingi ng sagot 'no?" Tanong ni Coralynn sa akin habang sinisiko ako. "Sira! Nanghiram siya ng ballpen sakin," sagot ko agad. Nang makarating na kami sa cafeteria ay pumila na kami para bumili ng makakain. Kaunti pa lang ang estudyante rito kaya naman mabilis na umusad ang pila. "Dalawang palabok at isang C2 Solo lang po,"
"Padagdag po pala ng isang Siopao Asado," dagdag ko pa. Iniabot ko naman ang 100 pesos nang iabot sa akin ang tray kung saan naroon ang pagkain ko bago ako suklian ng 13 pesos.
"Potrages! Huling kain lang, 'te?" Puna ni Maia sa tray na dala ko. "Masarap kaya 'yung palabok dito!" Depensa ko. "Ang sabihin mo, matakaw ka lang talaga!" Rinig kong pang-aasar ni Vern na nasa likuran ko lang yata. "At ikaw naman, dakilang epal!" Sagot ko. Agad niyang dinampot ang Siopao bago sumama sa mga kaklase niya. "Palitan mo 'yan!"
"Nasa bag mo!"
"Ha?"
"Hakdog!"
"Sure ka, bestfriend mo lang 'yon?" Ani Myrtés na kumakain ng pudding na dala niya. "Tigilan mo 'ko, Marites, ha?"
"Seriously, why did you guys call me Marites? It's Myrtés, you know?" Protesta niya. "Magkatunog lang naman, ah?" Sabay-sabay na react naming tatlo kay Myrtés. "Sabi ko nga," napalabi na lamang siya.
Mabilis na lumipas ang oras at heto nga't hapon na. Malapit na ring matapos ang klase, sa wakas! Tinakpan ko ang bibig nang mapahikab ako. Baka kung ano pang sabihin ni Ma'am sakin 'pag makita niya akong humihikab sa klase niya.
"Kopyahin at sagutan. Ipasa ang papel rito pagkatapos ay pwede na kayong umuwi," saad ni Ma'am Florence. Tumalikod naman ako at kumuha na ng papel. Nang akmang ibabalik ko na iyon ay napahinto ako nang mapansin ang isang bulaklak na gawa sa papel at ang tatlong donut. Okay?
"Dela Vega!"
"Po?"
"May meeting daw mga secretary ng room ngayon sa Visual Room," bulong ni Maia sa akin. Kinuha ko naman agad ang planner at ballpen bago ako lumabas ng room. "Bukas mo na lang ipasa 'yung sayo, bago ka pumasok,"
"Opo. Salamat po," pagpapasalamat ko kay Ma'am bago tuluyang lumabas ng room para um-attend sa meeting.
---
"Maganda 'yung idea niyong lahat. So, bukas na lang natin siguro i-settle lahat dahil anong oras na rin. Ingat sa pag-uwi, guys," wika ni Erika na siyang Secretary ng Student Council rito sa Campus. Nagpaalam na rin naman ang ilan habang nagpaiwan naman ako para tumulong sa paglilinis ni Erika sa room. "Thank you talaga sa pagtulong sakin, Sachzna," she thanked me when we are done cleaning the room. "No prob, Ms. Secretary,"
"Ano ka ba, Erika na lang! Isang taon lang naman ang agwat natin,"
"Anyway, let's go?" aya niya sa akin kaya naman lumabas na kami ng room nang masigurong malinis na ito.
Nagkausap pa kami tungkol sa ilang mga bagay bago nagkahiwalay ng landas. Kailangan niya pang bumalik sa room nila para ituloy ang klase dahil mamayang 8pm pa ang labasan nila habang ako naman ay kailangang bumalik sa room para kunin na ang mga gamit dahil uwian na namin ngayong 4pm. Nang makarating sa room ay laking gulat ko nang makitang nakasarado na iyon. Shit! 'Yung bag ko nasa loob pa yata! Halos maiyak naman ako nang maalalang dala-dala ni Ma'am Florence ang susi tuwing uuwi.
Agad na kinapa ko ang bulsa ng palda nang mag-ring ang phone ko.
"V-Vern, 'yung bag ko nasa—Ha?—Bwisit ka talaga, sana in-inform mo 'ko!—Saan ka?—Sige, wait lang. Papunta na 'ko," in-end ko na kaagad ang tawag saka tinakbo ang Basketball Court ng Campus kung saan naghihintay si Vern bitbit ang bag ko.
"Kinabahan ako! Halos umiyak na kaya ako kanina sa harap ng room namin!" Pagrereklamo ko kay Vern habang hinahampas siya. "Magpasalamat ka muna bago manakit—ARAY! HUWAG 'YUNG BABA! YNAAAA!!"
"H'wag mo ipang-hampas 'yung bag, may tatlong donut d'yan!" Paalala ni Vern sakin. Tumigil naman ako sa paghampas sa kaniya nang maalalang may donut nga pala dito. "Sayo galing 'yon?"
"Sinabi ko sayo kanina sa cafeteria 'yun, ah? Hindi mo tanda?"
Ah! So, ito pala 'yung tinutukoy niyang nasa bag ko. Agad akong naupo sa bench at saka binuksan ang bag at hinanap ang paper rose na nakita ko rin kanina kasabay ng donut. "Hoy! Marunong ka ba gumawa ng arts sa papel?" Tanong ko kay Vern nang makitang narito pa rin sa bag ang paper rose. "Oo naman 'no! Bangka, Palaka, Eroplano—"
"Hindi 'yan! I mean, paper roses?"
"Hindi, e. Bakit?"
"Wala, wala. Uwi na nga tayo, kanina pa 'ko inaantok," pag-aaya ko kay Vern na umuwi. Umuwi na rin naman kami agad at nakarating na rin sa mga bahay namin sa maikling oras.
***
Naramdaman ko ang pagtapik ng kung sinoman sa balikat ko. Naalimpungatan naman ako at napaupo ng maayos nang mapansing si Mama pala 'yon. Nakatulog pala ako habang gumagawa ng assignments.
"Kakain na tayo, 'nak,"
"Sige po. Susunod na lang ako." Sambit ko. Lumabas na rin naman si Mama sa kuwarto ko habang iniayos ko naman agad ang mga gamit na nakakalat sa mesa ko. 7:27 na pala ng gabi. Ibig sabihin, may mahigit isang oras na rin akong natutulog.
Bumaba na rin ako para kumain kami ng sabay-sabay nina Mama at Papa at nang dalawa pang kapatid ko na sina Paris at France. Nakahain na ang mga pagkain sa mesa nang makarating ako sa kusina. Naupo na lamang ako at nagdasal bago magsimulang kumain. Magkakausap sila habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa pinag-uusapan nila hanggang sa sumagi sa isip ko ang paper rose na naroon sa bag ko.
"O, tapos ka na agad?" Tanong ni Papa sa akin. "Opo. 'di ko pa pala tapos 'yung isang activity ko," pagsisinungaling ko. Sinabihan niya pa akong huwag raw magbabasa lalo kapag madilim dahil kung hindi ay lalabo ang mga mata ko. "Opo," tanging sagot ko na lamang bago mabilis na bumalik sa kuwarto.
Agad kong hinanap sa bag ang paper rose at nakita ko naman iyon. Medyo natupi na dahil siguro sa ginawang paghampas ko kay Vern kanina. 'yung donut! Inilabas ko rin naman ang donut na bigay ni Vern sa akin at inilagay iyon sa mesa ko. Maya-maya ay may narinig akong katok sa pinto ng kuwarto ko.
"Paris? Bakit? Wala ka na naman ba'ng ballpen?" Pangunguna kong tanong sa kaniya. Pumupunta lang naman kasi sa akin 'to 'pag wala ng ballpen. Ballpen keeper kasi ako.
"Ha? Ano'ng sinasabi mo, Ate? Ibibigay ko lang 'to!" Sagot niya at saka ipinakita sa akin ang basong may laman na gatas. "Salamat! Nga pala, gusto mo donut?" Alok ko sa kaniya. Umiling naman ito kaagad. "Kumain na 'ko niyan kanina, e! Binigyan kami ni Kuya Vern noong recess," nanlaki naman ang mga mata ko. Binigyan niya kanina si Paris? Ibig sabihin...
"Pati si France, nakatanggap nito?" Tanong ko sa kanya na tinutukoy ang donut na nasa mesa ko. Tumango siya. "Sige, Ate. Babalik na 'ko sa kuwarto namin ni France. Maglalaro pa kami,"
"Matulog ng maaga, ha! Huwag puro laro!" Pahabol ko pang wika habang papalabas ng kuwarto ko si Paris na hindi na sumagot.
Napaisip naman ako. Grade 5 pa lang ang dalawang kapatid ko at Senior High naman kami. Malayo-layo ang pagitan ng Elementary at Senior High Building at isa pa, hindi basta-basta nakakapasok doon kaya paanong...
"'di bale, may shortcut sigurong dinaanan kaya nakapasok sa Elem. Building 'yung baliw na 'yun." Napatingin ako sa donut at hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa ginawa niya. Sweet talaga siya sa mga kapatid ko at para ba'ng sila pa ang magkakapatid dahil mas close ang kambal sa kaniya kaysa sa akin. Paano ba naman, dinadaan niya palagi sa pagpapa-cute ang mga iyon kaya sumusunod sa kaniya agad habang ako naman ay pasigaw at para bang laging galit dahil sa lakas ng boses tuwing tatawagin sila o kung ano man.
Agad na nawala ang ngiti ko nang mapadako ang tingin ko sa papel na rosas.
Sino kayang siraulo ang naglagay nito sa bag ko?
Kinuha ko iyon at tiningnan. Maganda ang pagkakagawa. Parang gawa ng babae. Baka naman babae may gawa nito? Nagkibit-balikat na lamang ako at akmang ilalapag na ang papel na rosas nang mapansin ko ang nakasulat rito gamit ang lapis. Dala ng curiousity ay tinanggal ko sa pagkakahulma ang papel at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ang nakasulat roon.
‘Can I court you, Sachzna?’

Comentário do Livro (108)

  • avatar
    Rosalie Dizon Carisma

    super ganda

    09/06

      0
  • avatar
    Juliana Clarisse Lang Molina

    it’s been years and years binabalik balikan ko itonc basahin when po kayo mag-update

    06/06

      0
  • avatar
    tarucandrea

    update na Po kayu author nag we wait Po ko ng update nyu po sa storing eto sayang Naman Po kung Wala ng kasunid at Hindi matatapos basahin Hanggang finale ang story pong eto....

    04/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes