(Grade 4) "Hoy, payatot! Ba't ang payat mo?" Agad na nagrolyo ng 360 degree ang dalawang mata ko nang marinig ang pang-aasar ni Vern sa akin, ang mortal na kaaway ko. Hinarap ko siya at tinitigan. "E, ikaw? Ba't ang liit mo?" Pang-aasar ko pabalik. Natigilan siya sa sinabi ko kaya ngumisi ako at nagtuloy na sa paglalakad. "Ang sakit n'on, ah!" Angal niya. Hindi ko na siya inintindi pa at isinalpak na lang sa magkabilang tainga ang earphones ko at nilakasan ang volume nang sa gayon ay hindi ko na marinig pa ang matinis niyang boses. --- (Grade 5) "Class dismissed. Sachzna, pakihatid na lang sa office ko ang notebooks na nakolekta mo para check-an ko na, okay?" Bilin ni Ma'am Carol sa akin. Tumango naman ako at sinabing ihahatid ko na lang doon. Umalis naman na siya at naglakad na papuntang office niya. "Wala na bang magpapasa ng notebooks d'yan?" Tanong ko ng pasigaw sa mga kaklase ko para marinig nila ako. Paano ba naman kasi ay napakaiingay na para bang nasa palengke kami at nagtatawaran ng mga kung anong paninda. Nairolyo ko na lamang sa kawalan ang mga mata ko at binuhat na ang mga notebooks papunta sa office ni Ma'am Carol. 'Kaya ko naman kaya 'to?' sa isip-isip ko. Nahihiya naman kasi akong humingi ng tulong kay Bryan. Baka asarin pa ako ng ilan sa mga kaklase namin at malaman niyang crush ko siya. Nakakahiya 'yon panigurado! Sinubukan kong buhatin ang mga notebooks pero talagang hindi kasya sa mga braso ko ang mga iyon. Pa'no ba naman kasi, dadalhin ko pa pati 'yung notebooks na galing sa ibang section. Apat na linyang magkakapatong na notebook ang naroon sa ibabaw ng lamesa. Napanguso ako nang maisip na pinaparusahan ako ng Teacher namin. Naisip kong balikan na lamang ang ilang notebook. "Tulungan na nga kita," Dinig kong saad ng kung sino mang kutong-lupa sa likuran ko. Lumingon ako at sinamaan si Vern ng tingin. "Kung napipilitan ka lang rin naman, aba, h'wag na 'no!" Pagsusungit ko sa kaniya at kinuha ang mga notebooks. Lumabas ako sa classroom na magkasalubong ang mga kilay. Naramdaman ko namang nakasunod ang kutong-lupang si Vern sa akin bitbit ang iba pang notebooks. Nang paliko na ako sa kanto pababa sa hagdan ay pinatid ako dahilan para tumilapon ang mga dala kong notebooks at masubsob ang mukha ko sa semento. Narinig ko pang nagtawanan ang ilang estudyanteng nakakita sa pagkakahulog ko. "Ang tanga naman," "Bulag ba 'yan?" Dinig kong pag-uusap ng dalawang babae sa gilid ko habang pasimpleng nagtatawanan. "Ba't ka naman nag-dive d'yan, e, wala namang tubig?" Pang-aasar na naman ni Vern sa akin dahilan para mas magtawanan pa ang mga nakakita sa akin. Nagtutubig na ang mga mata ko dulot ng kahihiyan at hiniling ko na lang na sana ay maglaho ako sa lugar na iyon nang mga panahong 'yon para hindi na ako pagtawanan pa ng iba pero napaangat ang ulo ko nang may kamay akong nakita. Hinihikayat niya akong tumayo. Tiningnan ko pa muna kung sino iyon at mas lalo ko pang hiniling na sana ay lamunin na lang ako ng lupa o ng semento ng panahon na iyon nang makitang si Lenard ang nag-aalok ng kamay sa akin para tulungan ako. Kung crush ko si Bryan, mas crush ko si Lenard! Siya ang pinakaunang crush ko kaya naman ganoon na lamang ang pagiging desperada kong lamunin na lamang ng lupa dahil nahihiya ako. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kaniya?! Tuwing makikita niya ako, paniguradong ang tatatak sa isip niya ay ang babaeng nahulog sa hagdan. Ano ba naman kasing katangahan 'yon, Sachzna?! Nag-aatubili man ay tinanggap ko ang kamay niya at tinulungan niya nga akong tumayo. Pinagpagan niya ang blouse ko na may iilang dumi habang naestatwa naman ako sa ginawa niya. "Okay ka lang?" Tanong niya. Oh my God! Ang bango ng hininga niya! Amoy na amoy 'yung Colgate!!! Tanging pagtango lang ang nagawa kong pagsagot sa kaniya. Nalunok ko na yata ang dila ko at hindi ako makapagsalita ngayon sa harapan niya. Nahihiya pa rin ako pero may parte rin sa akin na kinikilig dahil sa ginawa ni Lenard ngayon. "Kayo," tawag niya sa dalawang babaeng nagtatawanan at nagbubulungan sa gilid ko. "Mag-sorry kayo sa kaniya," utos niya sa mga ito. "Ano? Ba't kami magso-sorry sa kaniya?" Tanong ng babaeng may bangs kay Lenard. "Dahil kayo ang dahilan ng pagkakahulog niya," sagot naman ni Lenard sa kaniya na nakapagpakunot sa noo niya. "Ano ba'ng sinasabi mo?" Pagmamaang-maangan niya. "Tara na nga, Tracy!" Saad niya sa kaibigan niyang maiksi ang buhok. "Hindi ka aamin? Okay. Ire-report kita kay Sir Lincoln," prenteng sambit ni Lenard saka ako tinulungang pulutin ang mga notebook na nagkalat sa daan. "May pruweba ka ba?" Nakataas ang kilay na tanong ng babaeng may bangs sa kaniya. "Meron. Ako mismo. Nakita ko kung pa'no mo siya pinatid," "Yun lang?" Tumatawang saad ng babae sa kaniya. Napangisi naman si Lenard at tinuro ang CCTV na nakatutok sa hagdan dahilan para matigilan ito at mapaupo. Nang mapulot na namin lahat ng notebook ay inaya niya na akong magpunta sa office para maihatid na ang mga iyon sa table ni Ma'am Carol. "T-Thank you nga pala," mahinang sambit ko nang matapos naming ihatid ang mga notebook kay Ma'am Carol. "Wala 'yon. Anyway, samahan na kita sa Clinic," "H-Ha? Ah, Eh. H-Hindi na kailangan. Kaya ko nam—MAY DUGO!!!" Halos magwala ako nang makitang may dugo ang tuhod ko na nagkaroon pala ng sugat dulot ng pagkakahulog ko sa hagdan. Takot ako sa dugo kaya naman ganoon na lamang ang naging reaksiyon ko. Nataranta naman si Lenard sa akin kaya dinala niya ako sa garden ng school kung saan may gripo. "Itaas mo 'yung palda mo para malinis yung sugat," utos niya sa akin matapos niyang ipahubad ang sapatos at medyas ko. Nagulat naman ako sa sinabi niya. "A-Ano?! Ayoko nga!" "Gawin mo na! Tignan mo nga 'yang sugat mo, dugo nang dugo!" Galit na turan niya. Kinagat ko naman ang labi ko nang maisip na parang boyfriend ko siya ng mga panahong 'to dahil sa inaasal niya kaya naman itinaas ko na lang ang palda ko, tulad ng sinabi niya. "Huhugasan ko na, ah?" "T-Teka, teka! M-Mahapdi 'yan 'di ba?" Naiiyak na tanong ko sa kaniya. "Oo," diretsong sagot niya. "Nagsinungaling ka man lang sana para mabawasan ang takot ko!" Sigaw ko sa kaniya na ikinatawa niya. Nag-slowmo naman ang paligid at tanging tawa lang niya ang naririnig ko. Pati tawa niya, ang gwapo pakinggan!!! Hindi ko man maintindihan ang itinanong niya ay tumango na lang ako. Hindi ko man lang rin naramdaman ang sakit o hapdi ng sugat ko nang tumama ang tubig doon noong hawakan ni Lenard ang tuhod ko. May magic ba ang mga kamay niya at napawala niya ang takot na nararamdaman ko? Nang matapos na siya ay inilabas niya ang puti niyang panyo at itinali iyon sa tuhod ko. "In case na magdugo ulit," sambit niya. Inihatid niya ako sa room namin pagkatapos saka siya nagpaalam sa akin na babalik na rin siya sa room nila. Ngiting-ngiti ang labi ko nang maupo ako sa upuan ko at nagkunwaring nagbabasa kahit na ang totoo'y wala sa binabasa ko ang utak ko. Kinikilig talaga ako!!! Nasira lamang ang pagngiti ko nang marinig ko na naman ang nakakabwisit na boses ni Vern. "Para kang tanga!" Saad nito saka ako inirapan. "Hindi muna kita papatulan ngayon kasi happy ako. Okay? Bukas ka na uli mang-asar. Babye!" Sabi ko sa kaniya saka kinuha ang bag ko at lumabas na ng room para maglakad pauwi. --- (Grade 7) "Cyrus, ibalik mo 'yang notebook ko!" Sigaw ko kay Cyrus nang makitang hawak-hawak niya ang diary notebook ko. Hindi niya lang basta hawak iyon, binabasa niya rin. Doon pa naman nakasulat kung sino ang mga kinaiinisan ko sa room at crush ko. Pag nabasa ng lahat 'to, e 'di, mas lalo nila akong aawayin! "Akin na kasi 'yan! Ano ba!" Sigaw ko pang muli habang hinahabol siya. Paano ba naman kasi, tumakbo ang siraulo papalayo! Pumunta pa talaga sa field kung saan naroon si Lenard at naglalaro ng Soccer. Paniguradong nabasa niya na doon sa diary ko na gusto ko si Lenard tapos may balak siyang ibuking ako! Hinabol ko pa rin siya at nang malapit ko na siyang mahabol ay nagkauntugan kami dahilan para lumipad ang notebook sa ere. Hindi ko alam kung nasaan na iyon dahil hawak ko ngayon ang ulo ko na pakiramdam ko ay tutubuan ng bukol anytime dahil sa lakas ng pagkakauntog. "Isusumbong kita kay Mama!" Sigaw ko kay Cyrus habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko. Nakayuko naman siya habang himas-himas din ang ulo. "Ano ba kasi 'to?" Isang boses ang narinig ko na para bang may tinutukoy na isang bagay. Agad kong hinanap ang pinanggalingan ng boses na iyon at ganoon na lamang ang pagkataranta ko nang makitang si Vern iyon. "Diary ni Sachzna 'yan! Nabasa ko kung sino'ng crush niya. Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko sayo!" Sigaw ni Cyrus sa kaniya. Lumapit naman si Vern sa kaniya at masama siyang tiningnan. "Bakit mo naman binasa? Sayo ba 'to? Ha? Ba't ka nangingialam ng gamit ng iba?" "Naku-curious lang naman ako kung pa'no—" "E 'di sana nag-search ka sa google!" Putol ni Vern sa kaniya. Tinitigan ko naman si Vern mula sa kinatatayuan niya. Totoo ba 'to? Pinagtatanggol ako ni Vern kay Cyrus? Naglakad si Vern papalapit sa akin saka iniabot ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Tulad lamang noong si Lenard ang nag-abot ng kamay sa akin noong nahulog ako sa hagda dati, nag-aalangan din akong tanggapin ang alok na pagtulong ni Vern sa akin lalo na't pinagtitripan niya ako palagi, well, mula pa noon kaya naman isandaang porsyento ang pag-aalinlangan ko sa tulong na inaalok niya. Paano kung trip pa rin itong pagpapakita niya ng kabaitan sa akin? Tinanggap ko ang kamay niya nang nakapikit at hinihintay ang muli kong pagbagsak sa lupa na tulad niyang ginagawa sa akin pero, hindi na ako muling bumagsak sa lupa. Hawak niya ang kamay ko at pinapatay si Cyrus sa mga tingin na ipinupukol niya dito. "O, diary mo." Malumanay niyang sambit habang iniaabot ang diary ko sa akin. "Salamat, V-Vern," "Huwag kang magagalit, ah?" Saad niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Ha? Bakit?" "Binasa ko din kasi 'yan," sagot niya. Nawala naman ang paggaan ng loob ko sa kaniya at hinabol siya para hampasin. "Pinagtanggol mo pa ako kay Cyrus, e isa ka rin naman pala!" Sigaw ko habang hinahabol siya. "Secret lang naman 'yon, e! Hindi ko ipagsasabi!" Sigaw niya pabalik habang tumatakbo at tumatawa. Nang pareho kaming mapagod ay humiga kami sa field at nagtawanan na parang mga tanga. "Hindi ko ipagsasabi 'yon. Promise," muling sambit niya na tinutukoy ang nabasa mula sa diary ko. Napasimangot naman ako. "Ayokong maniwala sa promise mo," "E 'di, ipapabasa ko din sayo 'yung diary ko," saad niya. Agad naman akong napabangon sa pagkakahiga at napalingon sa kaniya nang sabihin niya iyon. "May diary ka?!" Gulat kong usal. Tinakpan naman niya ang bibig ko na agad ko rin namang tinanggal. "Huwag kang maingay, satin-satin lang 'yon!" "Yuck! Baka kung anong hinawakan mo bago takpan 'yung bibig ko!" Pagrereklamo ko habang pinupunasan ang bibig ko. "Diary mo lang huling hawak ko, baliw!" "E, ba't ka naman nahihiya na may diary ka? Normal lang naman na magkaroon ng diary 'yung isang tao, ah?" "Oo, normal pero sa inyong mga babae 'yon. Okay? 'pag kasi kaming mga lalaki, nagsulat o gumawa ng diary, ang tingin sa amin, BAKLA! Nasaan ang equality doon? WALA!" "O, sige. Tayong dalawa lang nakakaalam n'on. Pero basta, 'pag nalaman ng iba 'yung nilalaman ng diary ko, malalagot ka. Ipagkakalat ko din 'yung sayo para patas tayo, okay?" Pagbibigay ko ng ideya sa kaniya para hindi niya ipagkalat ang nilalaman ng diary ko. "Teka, teka. Ba't ako lang malalagot? E, si Cyrus din naman, nabasa 'yan, ah?" "Pero hindi lahat," napabuga naman siya ng isang malalim na paghinga bago iniabot ang kamay sa akin para makipagshake-hands, tanda ng pagkakasundo naming dalawa. "Okay. Pumapayag ako. Friends?" "Friends," *** "Nakakainis ka talaga, Vern! Hanggang ngayon ba naman pagtitripan mo 'ko?!" Bulyaw ko habang inaabot ang isa ko pang sapatos na inilagay niya sa itaas ng puno malapit sa amin. Tumawa lang ito at saka nag-sorry. "Ano pa ba'ng bago? Kaibigan mo lang ako pero hindi ibig sabihin na hindi na kita pagtitripan," "Kunin mo 'to! Isa!" "Ayoko nga. Kiss mo muna ako," "Kadiri ka! E, kung ikiskis ko kaya 'yang nguso mo sa pader? Kunin mo 'to!" "Ba't mo pa ipapaabot sa akin 'yan? 'di ba pinagmamalaki mo 'yang HEIGHT mo dati sakin?" Naipikit ko naman ng mariin ang mata ko at pinipigilan ang sarili sa tuluyang pagkasira ng araw ko. Bakit ba naman kasi biglang tumangkad 'tong si Vern, e?! Muli kong sinubukang abutin ang sapatos ko pero nagulat ako nang makita ang pagmumukha ni Vern sa harapan ko na kinukuha ang sapatos. Napangiti naman ako at sinabi sa sariling 'hindi mo ko talaga matiis'. Iniabot niya sakin iyon saka nagsalita. "O, ito na. Iiyak ka na, e," dahilan para mawala ang ngiti ko at ibato sa kaniya ang sapatos. "Nakakabwisit ka talaga!" "Ano ba naman kayo, mali-late kayo sa class niyo niyan, e," wika ni Mama na nagwawalis. Bumaba na ako sa puno at saka isinuot ang sapatos na ibinato ko kay Vern kanina na ibinato niya naman sakin pabalik. "Si Vern kasi, Ma!" "Gumanti lang ako, Tita!" Pagtatanggol niya naman sa sarili. Tumawa naman si Mama sa aming dalawa. "Alam niyo, sa pag-aasaran niyo, kayo magkakatuluyan niyan sa dulo," Sabay naman kaming napatingin ni Vern sa isa't-isa. "Yuck! Kadiri!" Sabay naming reklamo. "O sya. Pumasok na kayo," "Opo/Bye po," paalam naming dalawa saka sabay na naglakad papunta sa Campus habang nag-aasaran sa daan. -- I am Sachzna Venysce Dela Vega and I have been friends with my enemy before, Vern Villalobos, for a long time. Actually, we're not just friends. We are best of friends. Ever since na naging magkaibigan kaming dalawa ni Vern, lagi na rin kaming magkasama, kahit saan magpunta ang isa sa amin, laging nakasunod o kasama ang isa. Well, syempre except 'pag pupunta ng CR o uuwi sa bahay since magkaiba kami ng bahay. He knows my Family, and so do I. Iniisip nga ng iba na baka raw may 'something' sa aming dalawa. Naging hot topic pa kami sa campus last junior high namin dahil parang hindi raw kami magkaibigan lang but we just shrugged our shoulders to them at hindi sila pinatulan. Hinayaan lang namin silang isipin ang kung anong gusto nilang isipin tungkol sa aming dalawa, basta ba hindi nila kami sinisiraan, e. Even our own family, inaasar na rin kami, just like earlier, pero tingin ko hindi talaga. MALABO PA SA MALABO ANG MATA. Vern is a nice looking guy but he is not just my type. He is like an older Brother to me kaya imposibleng mapamahal ako sa kaniya sa future. Plus, nakikita ko lang talaga siya as my best friend. Walang labis, walang kulang. Well... Sure na ba 'ko na hanggang kaibigan lang O... Kakainin ko lang ang mga sinabi ko?
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
Custo 57 diamantes
Balanço: 0 Diamante ∣ 0 Pontos
Comentário do Livro (108)
Rosalie Dizon Carisma
super ganda
09/06
0
Juliana Clarisse Lang Molina
it’s been years and years binabalik balikan ko itonc basahin when po kayo mag-update
06/06
0
tarucandrea
update na Po kayu author nag we wait Po ko ng update nyu po sa storing eto sayang Naman Po kung Wala ng kasunid at Hindi matatapos basahin Hanggang finale ang story pong eto....
super ganda
09/06
0it’s been years and years binabalik balikan ko itonc basahin when po kayo mag-update
06/06
0update na Po kayu author nag we wait Po ko ng update nyu po sa storing eto sayang Naman Po kung Wala ng kasunid at Hindi matatapos basahin Hanggang finale ang story pong eto....
04/06
0Ver Todos