logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

"Wave, pupunta akong mall ngayon. Sama ka?" tanong sa akin ni Lei. Umiling ako sa kaniya habang inaayos ang bag ko, nang matapos ko ng ayusin ang bag ko ay nilapitan ko na siya para sana magpaalam na uuwi na ako sa amin.
"Sure ka ba? Busy ka ba?" tanong njya ulit, tumango naman ako sa kaniya bilang sagot.
"Oo. Ako muna mag-aalaga sa kapatid ko ngayon kasi umalis si papa para maghanap ng trabaho, at saka wala na akong pera." I gave her a sad smile, I also want to enjoy my teenage life. But then, I also want to help my family specially my parents.
Only child si Lei kaya siguro spoiled siya sa parents niya, may kaya rin sila sa buhay kaya hindi niya problema 'yung pera. Nakukuha niya 'yung mga simpleng bagay na gusto niya, nakakapunta siya kung saan-saan. Nabibili niya 'yung mga bagay na gusto niya para sa sarili niya.
"Baka kasi hindi rin ako payagan ni mama na gumala kapag nagpaalam ako sa kaniya." That's a lie. Lagi akong pinapayagan ni mama na gumala, basta si Lei ang kasama ko. Ayoko lang talagang gumala ngayon kasi maraming gawain sa bahay.
"Ipaalam nalang kita sa mama mo!" She said cheerfully. Hindi na ako nakapagsalita pa nang magsalita siya ulit. "Nalulungkot na kasi ako sa bahay, laging nasa work 'yung parents ko. Lagi akong naiiwan na mag-isa sa bahay namin, boring kaya."
Totoo namang busy talaga sa trabaho 'yung mga magulang niya. Pero naisip ko lang, maswerte si Lei kasi nagsisikap talaga 'yung parents niya para sa kaniya. Not that I'm saying na hindi masikap 'yung parents ko, but sometimes napapa-isip ako, what if may kaya rin kami kagaya nila Lei. Hindi namin kailangang mangutang, hindi kailangan maghanap ni papa ng iba't-ibang trabaho kasi may stable job siya. May negosyo si mama at ako ang mag-aalaga sa kapatid ko.
"Uy, tulala ka naman eh," malungkot na sabi niya. Ngumiti nalang ako sa kaniya, at some point naiintindihan ko si Lei.
"Sige na nga, samahan na kita sa mall." Halos tumalon naman siya sa tuwa nang marinig ang sinabi ko.
Karamihan sa mga kaklase namin ay nakauwi na kaya lumabas na rin kami ng classroom, sumakay kami sa jeep papuntang mall. Nang makarating sa mall ay parang nag-twinkle ang mga mata namin ni Lei sa sobrang excitement gumala.
"Wave, gusto mo ng ice cream? Libre kita." Tumango nalang ako dahil wala naman akong magagawa, masyadong mapilit si Lei at talagang makukulitan lang ako kung tatanggi ako.
Naglakad-lakad kami para humanap ng mabibilihan ng ice cream sa loob ng mall, nang makahanap kami pareho ay nag-volunteer na si Lei na siya nalang daw ang bibili at hintayin ko nalang daw siya.
Habang hinihintay ko si Lei ay may natanaw akong mga taong nagkakagulo sa hindi kalayuan, akala ko ay may artista kaya naglakad ako palapit doon.
Nanlaki ang mga mata ko nang matanaw ko na ang pinagkakaguluhan nila ay si Raven at Reed. Nakangiti sila pareho at marami ang gustong magpa-picture kasama nila. Naramdaman ko nalang na nakangiti na rin pala ako, agad akong tumalikod at napatanong sa sarili ko kung bakit ako ngumiti?
Nasaan na ba kasi si Lei? Bakit ang tagal-tagal niya naman bumili ng ice cream?
Ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko, nung una ang akala ko ay si Lei na. Pero nang tumakbo ito kahit hawak pa rin niya ang kamay ko ay napatakbo na rin ako, gustuhin ko mang sumigaw ay para akong hinihingal sa bilis ng takbo niya. Hindi ko naman makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin at patuloy pa rin ang takbo.
Ilang minuto pa ay tumigil na kami sa pagtakbo, halos habulin ko ang hininga ko sa sobrang hingal at pagod.
"Let's go home," medyo paos na sabi ng lalaki. Agad naman akong nag-angat ng tingin sa kaniya at doon ko lang nakita ang mukha niya.
Si Raven.
Nang magsalubong ang tingin namin ay rumihistro rin ang gulat sa mukha niya, nanlaki ang mga mata namin pareho at parang wala sa aming dalawa ang gustong magsalita.
Nang makabawi kami pareho sa pagkagulat ay natawa nalang ako. Hindi ko alam kung bakit ako natawa, pero ang cute pala ng itsura ni Raven kapag nagugulat siya.
Natawa rin siya kaya para kaming ewan na tumatawa pareho rito sa parking lot ng mall. "Ba't ka ba tumatawa, natatawa na rin tuloy ako."
Lalo pa 'kong natawa dahil sa sinabi niya.
"Ang tanga mo, bakit mo 'ko hinila papunta rito? Pinatakbo mo pa 'ko." Halos sumakit na ang tiyan ko kakatawa, nang tignan ko si Raven ay ganoon din siya, natatawa rin siya sa katangahan niya.
Parang nawawala ang mga mata niya kapag tumatawa siya, at kitang-kita rin ang mapuputi niyang ngipin.
"I thought you were my little sister, that's why I just grabbed your hands and pull you to run with me." Napakamot siya sa batok niya habang sinasabi sa akin 'yun. Mukha siyang nahihiya sa akin, pero tumayo ako nang maayos at mahina siyang hinampas sa braso bago ngumiti.
"Okay lang, pero medyo hiningal ako kakatakbo." Bahagya siyang natawa sa sinabi ko, lumapit siya sa akin at bahagyang ginulo ang buhok ko.
Naramdaman kong parang nag-init ang dalawang pisngi ko dahil sa ginawa niya. Am I blushing?
"Crush mo na 'ko n'yan?" Tawa siya nang tawa habang nakatingin sa akin, habang nakangiti lang ako at parang hindi mapakali. "Namumula pisngi mo oh."
Nagulat nalang ako nang bigla niyang kurutin ang pisngi ko, bigla kong nahampas ang kamay niya.
"Aray!"
"Hindi kita crush! Hindi nga kita kilala, assuming ka."
"You don't know me, but I know your name." Lumapit siya sa akin at bumulong sa tenga ko. "Wave Chavez."
"Paano mo naman nalaman ang pangalan ko?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Umayos siya ng pagkakatayo at ngumiti bago niya itinuro ang ID ko.
"I'm Raven Del Vega," he casually said.
Kung tawagin ko nalang kaya siyang smiley face? Kasi lagi naman siyang nakangiti.
"Oh, tulala ka ulit? Crush mo talaga siguro ako," pang-aasar niya. He looks friendly and kind.
Our conversation was interrupted by a phone call. Nagpaalam muna siya sa akin na sasagutin lang daw niya sandali 'yung tumatawag sa cellphone niya.
"Hello? Nandito ako sa parking lot... nasaan ka ba... okay okay, kasama mo na ba si Reed? Sige, dumiretso na kayo rito sa parking lot, I'll be waiting..."
Hindi pa siya tapos makipag-usap sa cellphone nang mag-ring naman ng cellphone ko. Tumatawag na sa akin si Lei, nang tignan ko si Raven ay may kausap pa rin siya sa cellphone kaya hindi na ako nagpaalam sa kaniya at pumasok nalang ulit sa mall para puntahan si Lei.

Comentário do Livro (6)

  • avatar
    AcebedoJessiett

    good

    16d

      0
  • avatar
    VuKim

    Bắc ff

    07/07

      0
  • avatar
    nkkwlln

    update po hehehe, nakakakilig ang bitin lang huhu

    29/02

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes