logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Del Vega Series #1: Captured Differences

Del Vega Series #1: Captured Differences

nomaya


Chapter 1

Isang maulan na hapon ng Sabado, lumabas ako ng bahay namin para bumili ng sardinas na ulam namin para mamayang gabi. May dala akong payong at saktong pera pambili ng sardinas. Habang naglalakad ay nadaanan ko pa ang mga batang masayang naglalaro at naliligo sa ulan. Puno ng sigawan at tawanan nila ang eskinitang nadaanan ko.
Paglabas sa magulo at maingay na eskinita, sumalubong naman sa akin ang maingay na tunog ng mga sasakyan. Lumiko ako at naglakad sa gilid ng kalsada papunta sa pinakamalapit na tindahan sa lugar namin.
"Ate, pabili nga po ng sardinas." Tumayo naman agad ang tindera at kumuha ng sardinas sa lagayan, binigay niya 'yon sa akin kaya inabot ko na sa kaniya ang bayad.
"Nanganak na ba ang mama mo, Wave?" tanong niya.
Tumango ako. "Opo. Nanganak na po si mama last week."
"Ahh. Babae ba ang anak niya o lalaki?"
"Babae po, ang taba-taba nga po ng pisngi, at saka ang ganda po niya." Ngumiti ako sa kaniya matapos kong sabihin 'yun. Masyado akong proud sa kapatid ko dahil sobrang excited ako noon magkaroon ng kapatid.
"Talaga ba? Nako! Mana siya sayo, maganda ka rin!" Natawa ako sa biro ni Aling Berta. "Oh bakit ka tumatawa? Totoo naman ang sinabi ko."
Umiling ako at ngumiti. "Binola niyo pa po ako." Tumawa ako nang mahina at nagpaalam na sa kaniya na kailangan ko ng umuwi.
Tumabi muna ako sa gilid ng tindahan nila at sinubukang buksan ang payong na dala ko, ngunit ayaw nitong bumukas. Siguro ay dahil na rin sa luma na ang payong kaya nasira na ito. Ilang minuto pa, isang itim na kotse ang huminto sa harap ng tindahan ni Aling Berta. Mukhang bago at napakaganda.
Maya-maya pa, bumukas ang isang pinto ng kotse at lumabas ang isang nakapayong na lalaki. Matangkad ito na halos kasingtangkad na ng bubong ng tindahan nila Aling Berta. Lumapit siya sa bintana ng tindahan nila Aling Berta at kumatok doon. Agad namang lumapit si Aling Berta para magtanong kung anong bibilhin nito.
"Pabili po ng apat na biscuits tapos 4 pieces din po na juice." Kumilos naman agad si Aling Berta para kuhanin ang mga binibili ng lalaki.
Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon, sinubukan ko ulit na buksan ang payong na dala ko at ayaw pa rin nitong bumukas.
"Excuse me, Miss?" Lumingon ako sa likuran ko at nakita ang matangkad na lalaki. Tumingala ako para makita ko ang mukha niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Do you know where the way is to the nearest restaurant?" Umiling ako bilang sagot.
"Hindi ko po alam, pero may karinderya pong malapit d'yan sa tawid ng kalsada." Mukha namang naguluhan siya sa naging sagot ko.
Napakamot siya sa likod ng ulo niya at napangiti nalang na parang nalilito. 
"A-ano, pwede bang pakituro ng daan papunta roon? I think we're lost and we can't find the way to the nearest restaurant. Gutom na kasi kami ng mga kasama ko." Agad ko namang tinuro sa kaniya nang maayos ang daan.
"U-turn kayo d'yan, kaso hindi yata kasya 'yung sasakyan doon sa lugar. Pero pwede naman yata mag-parking doon sa gilid ng basketball court kung walang naglalaro. Tapos sa gilid ng basketball court, kumanan kayo nandoon na 'yung karinderya."
"Ahh, okay. Thank you, Miss." Ngumiti siya at lumapit na ulit sa bintana ng tindahan ni Aling Berta para kuhanin ang mga binili niya at magbayad.
Nang makasakay na siya ulit sa kotse, lumingon ako sa bintana nito.
Nag-iwas din ako ng tingin at muling sinubukan na buksan ang payong na dala ko habang hawak ang sardinas. Bumukas na ito kaya naman naglakad na ako pabalik.
Nang muli akong lumingon sa kotse ay nakaalis na ito at medyo malayo-layo na rin.
Pag-uwi sa bahay ay naabutan ko si papa na pinapalitan ang diaper ng kapatid ko. Hindi pa makakilos si mama nang maayos dahil kakapanganak palang niya. Babae ang kapatid ko at pinangalanan siyang Rhys.
Makalipas ang isang buwan, natanggal sa trabaho si papa. Wala kaming pera at nabaon pa kami sa utang. Todo ang pag-aaral ko dahil sabi ko sa sarili ko, once na makapagtapos ako ng pag-aaral ko, magsisikap ako para makahanap ng magandang trabaho at makatulong agad sa parents ko financially.
Ayos lang naman daw ang mangarap sabi ng parents ko, ang mahalaga dapat tuparin ko.
"Girl, puyat ka ba?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Lei.
Ngumiti ako sa kaniya at nagtanong, "Halata ba?"
Tumawa siya habang nilalagay ang bag niya sa harapan ng upuan niya. "Nag-review ka ba ng malala kagabi?" Nang maayos na niya ang bag niya ay at saka siya naupo sa tabi ko.
"Oo, napasobra nga yata 'yung review ko kagabi kaya madaling araw na rin ako nakatulog," sagot ko sa tanong niya. Kinuha ko ang notebook ko sa bag ko at nagsimulang mag-review ulit. May test kami ngayon sa first subject namin ngayong araw.
Ilang minuto ang lumipas, dumating na rin ang teacher namin habang may dalang mga test paper. Pagtingin ni Lei sa test ay agad siyang natulala. Hindi rin siguro siya nakapag-review kahapon o kagabi nang maayos.
"I'll give you 45 minutes to answer the test. The remaining 15 minutes is for checking. Goodluck everyone." Agad kong sinagutan ang mga tanong sa test paper na sure akong tama ang sagot ko.
Habang nagsasagot ng test ay nararamdam ako ng antok kaya naman nilapag ko muna sandali ang ballpen ko at pinatong ko ang ulo ko sa arm chair ng upuan para alalahanin ang mga na-review ko kagabi.
"Wave,gising!" pabulong na sigaw ni Lei. Umupo ako nang maayos at tuwid sa upuan nang marinig ko si Lei. "Ipasa na raw sa harapan 'yung test."
Nanlaki ang mga mata ko. Nagsimulang magbutil-butil sa noo ko ang pawis. Para bang tumigil ang mundo.
Doon ko lang na-realize na hindi ko pa nasagutan ang lahat ng questions sa test. Nang mag-sink in na sa utak ko na kailangan ng ipasa ang test, agad kong kinuha ang ballpen ko at binilugan nalang ang ibang choices per item sa test kahit hindi ako sigurado.
Natapos kaming mag-check ng test paper at nang makita ko ang test paper ko, bagsak ang score ko. Halos kalahati lang ng test ang nasagutan ko nang maayos.
Unti-unting tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Paglabas ng teacher namin, tumayo agad ako sa upuan ko at tumakbo papunta sa cr. Pumasok ako sa isang cubicle at doon umiyak nang umiyak.
I'm a grade conscious student. Sobrang halaga ng matataas na grades para sa akin. Honor student ako since elementary, I always want to make my parents proud and at the same time, gusto ko rin silang tulungan. That's why I'm doing all my best to get high grades. Grades are also important for someone who's planning to apply for scholarship. Kaya ngayon, nag-ooverthink na ko. Will my failed score on that test might affect my grade?
Naging malungkot ako buong oras ng klase dahil iniisip ko pa rin 'yung pagbagsak ko sa test kaninang umaga.
Halos hindi ako nakapag-recite ng maayos sa ibang subject at nawalan din ako ng ganang kumain kaninang lunch. Hindi ko nakain ang pagkain ko for lunch kaya nasa loob lang 'yon ng bag ko.
Nang matapos ang klase, hindi muna ako umuwi sa bahay. Naglakad-lakad muna ako, hinayaan ko ang mga paa ko kung saan ako makarating.
Nakakita ako ng tulay, naglakad ako palapit doon.
Tahimik lang dito dahil walang gaanong mga sasakyan na dumadaan. Ilan lang din ang mga taong nakikita kong dumadaan dito. Hinayaan kong liparin ng mahinahon na ihip ng hangin ang ilang hibla ng buhok ko habang ako ay nag-iisip ng malalim.
Nalulungkot pa rin ako dahil bumagsak ang score ko kanina dahil nakatulog ako sa oras ng test. Nag-review pa naman ako ng mabuti kagabi, tapos iilan lang din pala sa test ang masasagutan ko nang maayos.
Habang nag-iisip, nakarinig ako ng ingay na parang kumukuha ng litrato gamit ang camera. Nilingon ko naman ang pinanggagalingan ng tunog at nakita ko ang isang matangkad na lalaki. Naka-suot ito ng uniform pero hindi katulad ng sa akin.
Agad akong nakaramdam ng pagka-irita. Is he taking pictures of me without my permission?
Lumapit siya sa 'kin habang hawak niya ang camera. Lumayo ako nang kaunti dahil naiilang ako sa presence niya.
Tumawa siya nang mahinahon na naging rason ng pagkunot ng noo ko.
"Bakit ka lumalayo?" tanong niya. Siguradong sa akin siya nagtatanong dahil kaming dalawa lang naman ang nandito sa gilid ng tulay.
"Kinuhanan mo ba ako ng picture kanina?" Kumunot naman ang noo niya sa tanong ko, maya-maya ay ngumiti siya.
"Assuming ka, Miss." Humarap siya sa parte ng tulay kung saan tanaw ang langit. "I'm taking pictures of the sunset, not you."
Napahiya naman ako doon kaya nanahimik nalang ako. Pinagmasdan ko nalang din ang paglubog ng araw. Nang tumingin ako sa lalaki, nakita kong kinukuhanan niya ng picture ang paglubog ng araw.
Matangkad siya, maayos ang pagkakasuot niya sa uniform niya, maayos ang buhok niya, hindi siya mukhang masungit. Maybe he wasn't rude at all. Siguro kanina akala ko lang na masyadong mayabang ang pagkakasabi niya na ang sunset ang kinukuhanan niya ng litrato at hindi ako.
Isa pa, nakangiti siya habang sinasabi sa akin ang mga 'yun kanina. Mukha ring pabiro lang din ang pagkakasabi niya na assuming ako. Parang sa tono ng pananalita niya ay parang stranger lang na gustong makipag-close sa kapwa stranger. 
Ilang minuto ang nakalipas, nagsisimula ng dumilim ang kalangitan. Lalakad na sana ako palayo sa tulay pero hindi pa ako nagsisimulang maglakad ay lumapit siya sa akin.
Inabot niya sa akin ang isang panyo.
"You look sad. Gamitin mo 'yang panyo kapag umiyak ka." Matapos niyang ibigay sa akin ang panyo ay naglakad na rin siya palayo. He left me speechless. 
Hinawakan ko nang mahigpit ang panyo niya habang naglalakad ako pauwi sa bahay. Gulong-gulo ang isip ko hanggang sa makarating ako sa bahay namin, why would a stranger would give me a handkerchief just because I look sad?

Comentário do Livro (6)

  • avatar
    AcebedoJessiett

    good

    16d

      0
  • avatar
    VuKim

    Bắc ff

    07/07

      0
  • avatar
    nkkwlln

    update po hehehe, nakakakilig ang bitin lang huhu

    29/02

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes