logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 5 Band

Marienne Aecy Chandria's Point of View
Tanginang 'yan! Kaya pala malagkit. Bwisit! Bakit ba kasi hindi ko tinignan ang kalendaryo ngayon? Putangina! Hindi ako nahihiya, naiinis lang talaga ako at talagang si Tukmol pa ang tumulong sa akin. Putangina talaga. Bakit ba kasi kailangan ko pang kalimutan? Kailangan ko na yatang magpalit ng utak.
Kaya ayaw ko rin maging isang babae eh! Ito ang isa sa mga problema namin lalo na kapag naaubutan sa kung saan at ang malala pa ay matagusan, katulad ng nangyari sa akin ngayon. Naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil sa pagiging makakalimutan ko, bakit ko ba kasi kinalimutan?
"Mac! Nand'yan ka pa?" Tanong ng isang boses mula sa labas ng banyong pinasukan ko. Kumatok pa ito ng tatlong beses upang masiguro na narito pa nga ako sa loob.
"Malamang Zac, tingin mo ba makakalabas ako dahil sa tagos ko? Antanga mo rin eh. Magpalit ka na nga rin ng utak mo at baka inaamag na."
"Tsk buksan mo 'tong pinto," naiinis niyang saad kaya napakunot ako ng noo. At bakit ko naman gagawin ang utos niya?
"At bakit ko naman gagawin iyon? Gago ka ba o sadyang tanga lang? Alam mo namang CR ito ng mga babae tapos papasok ka? Batukan kaya kita diyan?"
"Tanga! Buksan mo na 'to at iaabot ko sa iyo 'tong nahiram kong palda. May extra underwear ka naman diba? Utak mo rin eh. Hindi ako manyak 'no!" Rinig ko ang inis sa kaniyang boses ngunit wala akong pakialam doon. Ang kailangan ko ay ang palda na hawak niya kuno.
"Oo na, oo na. Dami mo pang satsat diyan."
Nakabusangot kong binuksan ang pinto at hindi tumitingin sa akin ang kakambal ko habang inaabot ang isang plastic. Grabe naman ang isang 'to, mukha ba akong madungis sa paningin niya? Ako nga itong nakakaramdam ng lagkit pero hinayaan ko na lang. Hindi naman nakakahawa ang regla kaya bakit iwas na iwas sa akin ang isang 'to? Siya kaya palabahin ko ng short ko ngayon?
"Salamat."
"Magbihis ka na at bilisan mo, magsisimula na naman ang klase, nandiyan ka pa sa banyo. Huwag kang magpalamon sa bowl at baka mawalan pa ako ng kakambal," saad niya.
"Tsk."
Matapos kong abutin ang plastic ay basta ko na lang sinara ang pinto. Bahala na kung masira, badtrip ako ngayon eh. Badtrip talaga! Wala na rin akong pakialam kung paglabas ko rito mamaya ay batukan ako ni Zac dahil sa pagsara ko ng pinto sa kaiya. Bahala siya sa buhay niya. Naiinis ako sa kaniya at pati na rin sa sarili ko. Wala ako sa mood upang patulan ang pagtataray niya sa akin.
Inilapag ko ang plastic sa harapan ng lababo at binuksan ito at doon nga ay nakita ko ang isang palda na maikli, sobrang ikli. Tangina kapag sinuot ko 'to, kunting tuwad lang malamang kita singit ko. Seryoso ba si Zac? Bakit ganito ang nahiram niya? Gusto niya ba ako masilipan? Baka nakakalimutan niyang kahit papaano ay babae pa rin ako. Kaso wala akong choice kung hindi suotin ito. Bwisit naman! Tangina magmumukha akong pokppok dahil sa ayos ko nito.
Palagi akong may extra underwear na dala, in case of emergency kaya 'yon ang ginamit ko. Sa plastic ay may kasamang limang sanitary napkin, saan niya naman kaya ito nabili? Baka naman hiniram niya rin ito? Gago, wala talagang hiya ang isang 'yon. Nagkibit-balikat na lamang ako habang inaayos ang napkin sa underwear ko. Pumasok na ako sa isang sink at nilinis ang sarili, sobrang lagkit na talaga.
Kapag Japan Day ko ay si Zac ang bumibili ng napkin ko, kung hindi si Zac ay si Kuya Rhex. Takot sila kapag Japan day ko, bakit? Para raw kasi akong isang turo na susuwagin sila kapag hindi nila ako sinunod. Tsk, ako ang bunso nila kaya dapat lang na matakot sila sa akin.
Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng banyo at doon nga ay nakita ko si Zac na nakatalikod sa akin. Nang mapansin siguro na may nakatitig sa kaniya ay lumingon ito sa gawi ko.
"Ayos ka na?" Tanong niya at parang may sinisipat pa sa katawan ko.
"Oo, tara na at nagugutom ako, baka tao pa makain ko kapag hindi ko na napigilan ang gutom ko."
"Luhh ano ka cannibal?" Natatawa niyang tanong.
"Oo kaya tara na sabi."
Habang papunta kaming kanten ay nakabusangot lang ako, ganito ako kapag Japan day, parang palaging problemado at may galit sa mundo. Inis na inis din ako sa lahat ng bagay, kahit nga mukha ni Zac ay kinaiinisan ko kahit wala naman siyang ginagawa sa akin. Kaya kapag ganitong mga araw ay hindi niya ako masyadong iniinis, one time kasi dati no'ng may dalaw ako at ininis niya ako ay ayon, nagkaroon siya ng dalawang black eye. Nagmukha siyang panda dahil sa ginawa ko.
Nang makarating sa kanten ay pinaupo ako ni Zac sa isang bench at siya na ang bumili ng kakainin namin, libre niya rin kaya ayos na ayos lang hehehe. Makakatipid ako nito at baka makabili ulit ako ng isang jersey. Gusto ko iyong jersey ni Murasakibarra kahit pa halos lamunin na ako ng jersey na iyon kapag binili ko at isinuot. Sobrang laki ni Atsushi kaya malamang, kahit ang mga merch no'n ay malalaki rin.
"Uyyy Mac."
Napalingon ako sa lalaking tumawag sakin. Si Antarctic boy kasama si Korean boy at si Tukmol. Anong ginagawa nila dito at bakit nila ako kinakausap? Hindi kami close para basta na lamang nila tawagin.
"Oh? Problema niyo?"
"Luhh high blood kaagad?" Tanong ni Antarctic habang kumakain ng burger.
"Oo kaya lumayas-layas kayo sa paningin ko, gutom ako ngayon."
"Let's go Glenn. Iwanan niyo na lang ang baliw na babaeng 'yan na hindi marunong magpasalamat sa tumulong sa kaniya," sabi ni Tukmol na halatang pinaparinggan ako tungkol sa pagtulong niya sa akin kanina. Aba! Dapat ko ba siyang pasalamatan sa tulong niya kanina?
"Hindi uso ang salitang salamat sa akin Tukmol kaya umalis ka na lang diyan sa harap ko kasi gutom na gutom na talaga ako at baka ikaw pa ang makain ko."
"Luhh ang wild ni Mac, raawwwrrrr," sabay na sabi ni Antarctic boy at Korean boy, kailangan talaga sabay? Wala sila sa choir para magsalita ng sabay.
"Shut up, you two!" Saway ni Tukmol sa dalawa. Naiinis nitong kinuha ang pagkain sa lamesa habang ang dalawa ay napakamot na lamang sa ulo dahil sa inasta ni Tukmol.
Kasabay ng pag-alis ng tatlo ay siya namang dating ni Zac na dala ang pagkain namin. Madami siyang dalang pagkain kaya halos magtwinkle-twinkle ang mata ko. Ngayong may dalaw ako ay mas gusto kong kumain ng kumain.
"Oh? Umalis ang tatlong 'yon? Anong ginawa mo?" Nagtatakang tanong ni Zac habang binubuksan ang sandwich. Kinuha ko ang isang C2 at binuksan upang inumin.
"Wala! Mabait nga ako eh, hindi ko sila inaway pero sila itong basta na lamang umalis.*
"Galit kaagad? Grabe talaga 'to kapag may dalaw, parang turo," sabi ni Zac kaya tinignan ko ito ng masama.
"Manahimik ka baka maitusok ko 'tong toothpick na 'to sa lalamunan mo kapag hindi ka tumahimik diyan."
"Sabi ko nga tatahimik na ako," ungot niya at nagpatuloy na sa pagkain. Ako naman ay kumain na rin.
Matapos naming kumain ay bumalik na ulit kami sa classroom at baka maabutan pa ng teacher na nasa labas ng room. Mahirap na at baka ibagsak. Masyadong mahigpit ang paaralan na ito lalo na sa mga kagaya naming pumapasok lang para sa baon. At hindi nga ako nagkamali, pagkalipas ng limang minuto ay pumasok na rin ang teacher namin sa Math.
Nakaupo sa tabi ko si Tukmol habang nakikinig sa teacher. Ako naman ay dumukdok sa table ko, kahit anong pilit ko ay wala talaga akong maintindihan sa tinuturo ng Math teacher na 'to. Bakit nga ba kailangan pang pag-aralan ang Math? Panigurado namang hindi lahat sa amin ay mag-aaral ng engineering o course na may kinalaman sa Math. Malay ko lang ba kung sa pagtanda ko ay maging isang kargador lang pala ako. Ano 'yon? Bibilangin ko ang buhangin na ihahalo sa isang sako ng simento? Kailangan kong idivide kung ilang buhangin sa isang sako ng simento? Ampota! Epekto 'to ng Math.
Sumapit ang hapon, uwian na at nag-aayos uli ako ng gamit ko. Tangina hanggang ngayon naiinis pa rin ako. Mula pa kaninang recess ay hindi ko na pinansin pa si Tukmol, bakit? Inis ako sa mukha niya, bakit? Kasi pangit siya, bakit? Kasi model siya ng toothpaste, bakit? Aba malay ko! Inis na talaga ako! Nakakainis! Nauna siyang lumabas ng classroom kasama ang dalawa niyang alagad. Si Zac naman ay lumapit sa akin, hawak niya pa ang dalawang strap ng bag niya habang nakangiti sa akin kaya nagtataka ko itong tinignan. Ano na naman ang problema ng isang 'to? May kailangan siguro 'to kaya ganito kung makangiti.
"Mac tara muna sa music room," aniya. Sabi na nga ba may kailangan 'to sa akin eh.
"Anong gagawin natin do'n?"
"Sasayaw tayo ng cha-cha," sarkastiko niyang sagot kaya inambahan ko ito ng suntok ngunit umiwas lamang siya at nagkamot ng pisnge na tila ba ay problemado na sa akin. Aba! Ako nga itong problemado sa kaniya.
"Marunong ka ba no'n? Pareho kayang kaliwa 'yang paa mo kaya tigilan mo ako, Zac."
"Ansama talaga nito, tara na kasi do'n. Ang sabi sa akin ni Ma'am no'ng tumugtog tayo ay pumunta raw tayo ngayon doon. Marahil ay ipapakilala tayo sa magiging kabanda natin," nakabusangot niyang sagot kaya bumuntong hininga na lamang ako at sumimangot din.
Nakabusangot ko siyang sinundan habang siya ay patalon-talon pa na parang bata kung lumakad, pinagtitinginan na siya ng ibang estudyante dahil sa ginagawa niya ngunit wala siyang pakialam sa paligid. Hanggang sa makarating kami ng music room ay gano'n lang siya maglakad.
"Hello po!" Masayang bati ni Zac sa mga tao sa loob ng room kaya agad naman silang lumingon sa amin.
Sa aming dalawa ni Zac ay siya ang pinaka-friendly, halata naman diba? Masayahin siya at childish, tsk. Hindi pa ba halata? Noong nasa Mindoro kami ay halos kaibigan niya lahat ng tao sa barangay namin at kahit nga sa ibang barangay pa. Samantalang ako at palagi lamang sa isang tabi, pili lang din ang mga kaibigan ko. Alam ko kasing ang iba sa kanila ay puro plastik.
"Ohh Zac nandito na pala kayo, maupo kayong dalawa at ipapakilala ko kayo sa ibang member ng banda," sabi ni Ma'am Ibañez, siya 'yong nag-interview sa amin kahapon.
Nakangiting kumakaway si Zac sa kanila samantalang ako ay seryoso lang dahil wala ako sa mood, naiinis ako. Yeah, weird ako kapag Japan day ko, bakit? Aba malay ko. Umupo si Zac kaya gano'n na rin ang ginawa ko. Alangan namang tumayo ako rito habang ipinapakilala kami sa kabanda namin. Alam kong maliit ako at alam kong wala na rin akong pag-asa na lumaki pa kaya ano pang silbi ng pagtayo ko?
"Okay guys this is Zachary Aero Chandrix Ramos you can call him Zac and his twin sister Marienne Aecy Chandria Ramos and you can call her Mac. Mac will be our new vocalist and Zac will be the lead guitarist. Zac and Mac the person who's holding guitar is JV, then at the drum is Ram and at the keyboard is Lyndon. I'll leave you for now, please guys take good care of the twin," nakangiting sabi ni Ma'am Ibañez habang isa-isang itinuturo sa amin ang mga lalaking nakaupo sa harapan, ang dalawa ay nakangiti ngunit ang isa ay parang inaantok.
"Yes Ma'am!" Sigaw ni Ram na may nakapasak na lollipop sa bibig, parang si Zac lang na palaging kumakain ng krimstick.
Umalis na si Ma'am Ibañez kaya nagsilapitan na sa amin ang tatlo, si JV na mula kanina ay nakangiti pa, hindi ba siya napapagod kakangiti? Si Ram na may lollipop at pinapaikot-ikot pa sa bibig, si Lyndon naman na parang antok na antok at bored na bored sa buhay.
"Hi guys, welcome to the band!" Masayang sabi ni JV at kinamayan pa kami ni Zac. Wala akong nagawa kung hindi ang tanggapin ito, baka masabihan pa ako ng mataray.
"Masaya kaming makilala kayo, welcome Mac and Zac," nakangiting sabi ni Ram at isinubo uli ang lollipop. Wala akong nakitang butas sa ngipin niya. Astig naman.
"Welcome, hayysss kaantok," sabi naman ni Lyndon at humikab pa. Ginulo niya ang buhok niya at itinukod ang mukha sa kaniyang palad.
"Wahhh salamat sa mainit na pagwelcome, ano nga bang pangalan ng band?" Masayang wika ni Zac at pumapalakpak-palakpak pa na parang batang nabigyan ng krimstick.
"NID, Nature's In Disguise," sagot ni JV at tumaas-baba pa ang kilay.
"Nature's in disguise?" Nagtatakang tanong ni Zac.
"Yeah, si JV na palaging masayahin pero kapag naggitara na ay sobrang seryoso, si Lyndon na antukin pero kapag nagsimula na magkeyboard ay parang galit-galit sa mundo, at ako na kapag nagsimula magdrum ay para daw akong bad boy, ang hilig ko daw kasi ngumisi," paliwanag ni Ram kaya napatango na lamang kami no Zac sa paliwanag niya.
"Ohh? Hehehe pasok pala kami diyan ni Mac hehehe. Ako kasi childish na mahilig sa krimstick pero kapag naggitara ay walang pakialam sa paligid ko at si Mac na palaging high blood at parang lalaki pero kapag kumanta ay babaeng-babae. Ang ganda niya kumanta, sobra! Proud akong maging kakambal niya," taas-noong sabi ni Zac kaya hindi ko mapigilan ang kaunting ngiti na sumilay sa aking labi. Proud din naman ako dahil talentado ang kambal ngunit minsan ay gusto ko siyang ipasok sa sako.
Nagkwentuhan pa silang apat at kung minsan ay nakikisama din ako. Wala talaga ako sa mood. Katulad ni Lyndon ay gusto ko na lang din matulog dahil wala ako sa mood.
"Sige Zac, kita kits na lang tayo mamayang hapon," sabi ni Ram na nagbubukas ng panibagong lollipop.
"Oh sige Ram," paalam naman ni Zac at ngumiti.
Kumaway pa sila sa isa't-isa at umalis na kami. Nag-iba na kami ng direksiyon sa pag-uwi.
"Hehehehe ang bait nila Mac," biglang sabi ni Zac kaya napalingon ako dito.
"Oh? Ano ngayon? Type mo?"
"Tangina mo! Ikaw na lang, lalaki ako 'no!" Sigaw niya at halos patayin na ako dahil sa sinabi niya.
"Owsss?"
"Mac lalaki nga ako, sapakin ko 'to eh," naiinis niyang saad.
"Kaya mo ba?"
"Sabi ko nga hindi hehehe," sagot niya at bahagyang kinamot ang tuktok ng ilong.
"Tsk."
"Pero nararamdaman kong magiging sikat ang grupo natin," sabi niya.
"Paano mo naman nasabi iyan gayong ngayon mo lang sila nakilala?"
"Wala lang, ramdam ko lang," nakangiti niyang sagot. Palaging tama ang nararamdaman ni Zac. I mean lahat ng sinasabi niya ay nagkakatotoo, astig diba? Iyon nga lang ay hindi niya nahulaan kung kailan sila magbebreak noong sira ulo niyang ex. Ayy pasmado.
Nagtuloy-tuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makauwi. Wala pa si Kuya Levi, siguro ay nasa trabaho pa. Si Kuya Rhex naman ay gumawa ng assignment niya sa salas. Hindi na namin ito inistorbo at baka bugahan pa kami ng apoy, hindi kasi magandang galitin si Kuya Rhex at sigurado kaming gigilitan niya kami ng leeg. May dalaw ako ngayon, delikado kapag nagkasalubong.
*********
Hanse_Pen

Comentário do Livro (11)

  • avatar
    TarrayoJohn Kenneth

    jhgghhn

    03/02/2025

      0
  • avatar
    Donna D. Bito-onan

    nice

    28/04/2024

      0
  • avatar
    Liza Osacam

    I love this apps

    18/04/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes